Tahimik ang buong bahay ng pumasok siya dahil na rin sa likod siya dumaan. Maya-maya pa ay narinig niya ang boses ng ina at laking pasasalamat nito na mayroon itong kausap sa telepono.“Celine! Kanina ka pa hinahanap ng mommy mo! Saan ka ba nanggaling?”Nagulat siya ng makasalubong niya ang isa sa kasambahay.Naloko na, hinahanap na siya ng ina!“Naglaro lang po! Akyat na po ako!”Dali-dali niyang sabi at umakyat na sa kanilang kwarto. Nang maisarado ang pinto ay abot-abot ang kaniyang kaba. Akala niya ay mahuhuli na siya ng ina! Madali lang naman ang magpalusot sa kaniya kaya magagawan niya ng paraan ang kaniyang idadahilan.Napatingin siya sa kaniyang kamay na mayroong benda. Napangiti siya dahil naalala niya na ang ama ang may gawa nito sa kamay niya. Ngunit biglang nanlaki ang mata niya kasabay ng pagkaka-alala sa daddy niya.“Baka alamin niya kung sino ako!”Sigurado siya na nanghihinala na ito kanina dahil binanggit nito na kamuka niya ang ina. Kailangan niyang gumawa ng paraan!
“BYE mommy, mag-iingat ka po!”Masayang paalam ni Celine sa kaniyang ina habang papalabas sila ng kanilang kwarto.“Oh wait I remember, nakausap ko si tita-ninang mo.”“T-tita-ninang?” gulat niyang sabi na ikinawala ng malawak na ngiti niya sa kaniyang labi.Nagsimula nanamang tumibok ng mabilis ang kaniyang puso dahil sa kaba. Ang akala niya ay walang sinabi ang tita-ninang niya at pinagbigyan siya nito dahil na ‘rin walang binabanggit ang kaniyang ina tungkol sa daddy niya.“Yes, kagabi. Ang sabi niya sa susunod ‘daw mag-iingat ka. Hindi ka nga ‘daw namin hinayaan na masugatan tapos sa ibang tao ka pa magpapasugat.”Nakahinga siya ng maluwag sa sinabing iyon ng ina. Akala niya ay isinumbong na siya ng kaniyang tita-ninang.“Hahaha si tita-ninang talaga! Sige na po mommy, baka ma-late ka sa trabaho mo!”Pagtutulak niya sa ina kaya walang nagawa si Luna kundi ang umalis nalamang.Ngiting tagumpay si Celine ng bumalik sila sa kanilang kwarto at tinanaw pa sa bintana ang pag-alis ng kot
“ANONG ginagawa mo dito?!”“Bakit ka nandito tito?!”Sabay muli nilang dabing dalawa. Parehong hindi inaasahan ang presensya ng isa’t-isa.“Wait! Ayos ka lang ba? Muntik ka ng mapahamak Celine!”Doon na natauhan si Celine. Kasama nito ang kaniyang ama, masaya nga siya na ang daddy niya ang nagligtas sa kaniya ngunit hindi naman niya inaasahan na mahuhuli siya doon ng kaniyang tito Rocky, ang boyfriend ng tita-ninang niya!“A-ayos lang po—”“Natakasan nila ako!”Hindi natapos ni Celine ang kaniyang sasabihin ng bigla sumigaw si Sebastian at tumatakbo papalapit sa kanila.Sabay pa silang napatingin na dalawa doon ngunit si Celine ay lalong nanlaki ang mata. Kung magkasama ang dalawa ay magkakilala sila at kung magkakilala sila ay maaaring sabihin ng tito niya ang tungkol sa kaniya!Hindi siya pwedeng mahuli! Hindi pwedeng malaman ng daddy niya na anak siya ni Luna! At worst ay malaman na anak siya nito!‘Think Celine! Think a way!’ sigaw ni Celine sa kaniyang isipan.Napalingon siya sa
“WALA pa rin ba Caroline?” Inis na sabi ni Luna na lalong ikinataranta ni Caroline. Kanina pa sila doon sa restaurant ngunit walang Sebastian Anderson ang dumarating. “H-hindi ko po sila ma-contact Ms.Luna,” Napaatras si Caroline ng tumingin sa kaniya si Luna. Yung tingin kasi nito ay tila mananakmal na ng tao. Napabuga ng hangin si Luna at natawa ng mahina. “Sa tingin ko pinaglalaruan na tayo ng Sebastian na ‘yan.” Ngayon napansin na niya, maaaring sinadya nito na hindi siya siputin kahapon at ngayon. “That’s it.” Biglang sabi nito at tumayo mula sa kinauupuan niya. “M-Ms.Luna saan ka po pupunta?” takang tanong ni Caroline. “Saan pa ba? Sa kumpanya ni Sebastian.” *** “NO.” “What?! No?!” gulat na lingon ni Celine kay Rocky ng ito ang sumagot sa kaniyang daddy. “Yes, no. Sa bahay niyo ka namin dadalhin.” “Tito Rocky naman!” reklamo ni Celine ngunit tinignan siya ng masama ni Rocky na ikinatahimik nito. “How are you two met?” Sabay na napatingin si Celine at Rocky kay Seba
NAPATUNAYAN ni Luna ang minsan na niyang nabasa sa internet. Ayon doon ay hindi sapat ang mahabang panahon ng paghihilom ng masakit na nangyari mula sa pusong nasaktan. Noong una ay hindi siya naniniwala pero ngayon napatunayan na niya iyong totoo.Apat na taon. Apat na taon na siyang malayo sa Pilipinas. Apat na taon na din niyang hindi naiisip ang kaniyang ex kaya hindi niya maintindan kung bakit nasasaktan siya ng ganito ngayon.“I-is that you Luna?”Napakurap si Luna ng magsalita ang taong nasa harap niya.Tunay nga. Hindi siya nananaginp! Nasa harapan nga niya si Luke at totoo ‘rin ang sakit na nararamdaman niya ngayon.“Y-yes…” nag-iisip siya ng susunod na sasabihin ngunit biglang nag pop sa isip niya na ito ang dahilan kung bakit bumagsak ang kumpanya ng magulang niya.“Can we talk in private Mr.Luke Martinez?”Napakurap si Luke dahil sa sinabing iyon ni Luna. Hindi siya makapaniwala na gusto siyang kausapin ni Luna pagkatapos ng lahat ng ginawa niya.“Naku! Anong naiisip ni Ms
“Ms.Luna?” “Yes, Caroline? Sabay na tayong umuwi, late na masyado.” Sabi niya habang patuloy na inaayos ang kaniyang gamit. Hindi na kailangan pang tignan ni Luna ang nagsalita dahil alam niyang si Caroline iyon. Inabot sila ng alas nuebe ng gabi sa office dahil sa dami niyang inaasikaso. May meeting pa siyang dinaluhan at isama mo pa ang warrant of arrest na inaayos niya. Konti nalang at makakakuha na siya ng arrest para sa kaniyang ex! “May kailangan po kayong malaman,” Napahinto si Luna sa kaniyang ginagawa dahil doon. Pagtingin niya kay Caroline ay tila hindi ito mapakali kaya umakyat ang kuryosidad sa sistema niya. “Ano ‘yun Caroline?” “Tungkol po sa pag sampal niyo kay Mr.Anderson kanina. Nag viral po kayo sa social media pero eventually nawala din po siguro si Mr.Anderson ang nagpalinis.” Naalalang muli ni Luna ang nangyaring tagpo kaninang umaga kaya umakyat ulit ang inis sa kaniya ngunit inilingan nalang niya iyon. At isa pa alam naman niya na mangyayari na iyon, expec
PAUWI na si Sebastian sa kanilang bahay sakay ng kaniyang kotse. Ngunit sa gitna ng kaniyang pagmamaneho ay napansin niya na mayroong sumusunod sa kaniya. Sinubukan niyang lumipat sa kabilang parte ng daan ay sumunod muli ito. Inulit niya ito sa kabilang daan at ganoon pa rin ang nangyari kaya ngayon ay sigurado na siya na sinusundan siya. Dali-dali niyang kinontak si Vince gamit ang kaniyang earpiece. “Trace me and clean this mess.” Pagkasabi niya niyon ay agad niyang binaba ang tawag at itinapon sa katabi niyang upuan ang kaniyang earpiece. Mabilis ang kilos niya ng mayroon siyang kinuha mula sa sikretong lagayan sa pagitan ng diver seat at shotgun seat. Maya-maya pa ay hindi na siya nagulat ng binabaril na siya ng mga sumusunod sa kaniya. “Not my favorite car!” inis na sabi ni Sebastian at binuksan ang kaniyang bintana at binaril ang mga ito. Ang baril na iyon ang kinuha niya mula sa sekretong lalagyan at walang pakundangan na ginamit sa nasa likuran niya. Isang putok lamang
“MOMMY let’s eat together breakfast is ready!”“Sure my daughter, susunod na si mommy.” Nakangiting sagot ni Luna sa kaniyang anak na nakasilip sa kanilang kwarto.Ngumiti lang ito sa kaniya at iniwan na siya. Papasok na siyang muli sa trabaho pero dahil hindi naman siya nagmamadali ay makakasabay pa niya ang anak sa hapagkainan. Isa pa ilang araw na rin siyang busy at di nakakasabay ang anak kaya magandang pagkakataon iyon.Pababa na sana siya ngunit biglang nag ring ang kaniyang telepono. Nakita niya na si Riri ang tumatawag kaya agad niya iyong sinagot.“Hello, Riri?”“Luna! Nakausap ko si Rocky! Trust me hindi ko sinabi sa kaniya ang totoo!”Napangiti si Luna sa kaniyang narinig at naglakad na palabas ng kwarto nila.“I know. Naniniwala ako sa sinabi ni Rocky so don’t worry about that. Sana lang talaga ay hindi niya sabihin sa kaibigan niya ang tungkol kay Celine.”“Hay salamat naman! Kinabahan ako sayo pero trust me hindi magsusumbong si Rocky!”Napangiti muli si Luna dahil doon