“MOMMY, do you have time?”Silip na tanong ni Celine sa ina sa kanilang kwarto. Ngunit si Luna ay busy na busy sa pag-aayos sa kaniyang sarili na halos hindi na magkanda ugaga sa kaniyang ginagawa.“Sweetie I’m so sorry. Mommy don’t have time. Male-late na ako sa meeting ko. Nakakainis na alarm bakit kasi hindi tumunog!”Nahulog pa ang earings na sinusuot sa sarili na lalong ikinainis ni Luna ngunit no choice kundi ang pulutin iyon.Pinanood lamang ni Celine ang ina sa kaniyang ginagawa. Alam niya na stress na ito lalo na at dalawang araw na niyang naririnig ang reklamo nito sa tuwing ito’y uuwi o di kaya may tinatapos na report sa office nito sa bahay.Yes, mayroong office si Luna doon. Iyon ay ang office ng kaniyang daddy na siya na ngayon ang gumagamit. Ayaw niya kasi na ma-storbo ang pag tulog ng anak sa tuwing siya ay may tinatapos pa na trabaho kaya sa office niya ito tinatapos.Nang sa wakas ay matapos si Luna dali-dali siyang naglakad papalabas ng kwarto. Tahimik lang si Celin
“CELINE?”“Yes!” Agad na sagot ng batang babae sa kaniyang harapan.Hindi pa rin makapaniwala si Sebastian dahil kamukang-kamuka ito ng babae na kanina pa gumugulo sa kaniyang isipan.“W-wait I don’t get it… yeah… hindi ikaw si Luna pero sino ka? Bakit kamukang-kamuka mo siya?”Sandali na hindi nakasagot ang batang babae sa sinabi niya ngunit maya-maya tumingin itong muli sa kaniya at tila walang kinakatakutan.“I don’t know! Sino ba ‘yang Luna na sinasabi mo?! Ang sakit ng sugat ko!”Bigla nalamang umiyak ang batang babae na ikinataranta naman ni Sebastian. Mabuti nalang at walang ibang tao sa paligid kaya agad niya itong nilapitan.“Shh! Shh! Okay! Okay! Come with me at gagamutin ko ang sugat mo!” natatarantang sabi ni Sebastian.“N-no! Hindi ka sincere sa sinasabi mo!” iyak pa ‘rin nitong sabi.“S-sincere? Wait what?” hindi makapaniwalang tanong ni Sebastian.Hindi siya makapaniwalang nakatingin sa batang babaeng iyon pero mas lalo lang itong umiyak at talagang naiirita na ang lala
“Why are we taking so long in here?” Tila inip na sabi ni Celine habang nasa loob sila ng elevator. Kanina pa kasi siya excited na makita ang itsura ng opisina ng kaniyang ama. “And now your impatient huh?” Ngising sagot ni Sebastian na ikinairap naman ng bata sa kaniya. Sakto na tumunog na ang elevator na tanda na naroroon na sila. Pagkabukas na pagkabukas palang ng elevator ay nauna nang naglakad palabas si Celine na tila alam kung saan ito pupunta. Hinayaan naman siya ni Sebastian dahil tanging ang opisina lamang nito ang naroroon. Napahinto naman si Celine sa isang table na kinaroroonan ng secretary ni Sebastian. Nakatitig lamang si Celine sa isang lalaki na nakasuot ng reading glasses na napahinto sa ginagawa nito dahil sa pagdating ng kaniyang amo. “Sir Ian! Hindi ho ba at may meeting kayo bakit nandito ka na agad?” taas kilay na tanong nito kay Sebastian. “Yeah, pero hindi natuloy.” Simpleng sagot nito na lalong ikinataka ng secretary niya. Siya si Vince Dichoso. Ang
PINAGMAMASDAN ni Celine ang kaniyang ama habang ginagamot nito ang kaniyang sugat. Sa totoo lang bali wala sa kaniya ang sugat na iyon basta makita at makausap niya lang ang ama. Kaya nga nagawa niyang magpanggap na nasagasaan nito para lang mapansin ni Sebastian. Agad napaiwas ng tingin si Celine ng biglang tumingin sa kaniya ang ama. Pakiramdam niya ay umakyat ang dugo sa kaniyang muka dahil sa pagkakahuli nito. Habang si Sebastian naman ay napangisi dahil sa kaniyang nakita. “Uhmm ouch!” Pag papanggap ni Celine at bahagyang inilayo ang kamay niya dito. “Stay still, matatapos na.” Mabuti nalang at hindi siya pinansin ng ama. Kailangan niya mag-isip ng topic! “Mister anong pangalan mo?” Napatingin sa kaniya si Sebastian dahil sa tanong niya na iyon. “You know what, nagtataka na ako sayo. Hindi ka ba tinuruan gumalang ng magulang mo?” Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ng ama. “Of course! Sobrang bait ni mommy at lahat ng kabutihang asal itinuro niya saakin!” “Chill chil
Tahimik ang buong bahay ng pumasok siya dahil na rin sa likod siya dumaan. Maya-maya pa ay narinig niya ang boses ng ina at laking pasasalamat nito na mayroon itong kausap sa telepono.“Celine! Kanina ka pa hinahanap ng mommy mo! Saan ka ba nanggaling?”Nagulat siya ng makasalubong niya ang isa sa kasambahay.Naloko na, hinahanap na siya ng ina!“Naglaro lang po! Akyat na po ako!”Dali-dali niyang sabi at umakyat na sa kanilang kwarto. Nang maisarado ang pinto ay abot-abot ang kaniyang kaba. Akala niya ay mahuhuli na siya ng ina! Madali lang naman ang magpalusot sa kaniya kaya magagawan niya ng paraan ang kaniyang idadahilan.Napatingin siya sa kaniyang kamay na mayroong benda. Napangiti siya dahil naalala niya na ang ama ang may gawa nito sa kamay niya. Ngunit biglang nanlaki ang mata niya kasabay ng pagkaka-alala sa daddy niya.“Baka alamin niya kung sino ako!”Sigurado siya na nanghihinala na ito kanina dahil binanggit nito na kamuka niya ang ina. Kailangan niyang gumawa ng paraan!
“BYE mommy, mag-iingat ka po!”Masayang paalam ni Celine sa kaniyang ina habang papalabas sila ng kanilang kwarto.“Oh wait I remember, nakausap ko si tita-ninang mo.”“T-tita-ninang?” gulat niyang sabi na ikinawala ng malawak na ngiti niya sa kaniyang labi.Nagsimula nanamang tumibok ng mabilis ang kaniyang puso dahil sa kaba. Ang akala niya ay walang sinabi ang tita-ninang niya at pinagbigyan siya nito dahil na ‘rin walang binabanggit ang kaniyang ina tungkol sa daddy niya.“Yes, kagabi. Ang sabi niya sa susunod ‘daw mag-iingat ka. Hindi ka nga ‘daw namin hinayaan na masugatan tapos sa ibang tao ka pa magpapasugat.”Nakahinga siya ng maluwag sa sinabing iyon ng ina. Akala niya ay isinumbong na siya ng kaniyang tita-ninang.“Hahaha si tita-ninang talaga! Sige na po mommy, baka ma-late ka sa trabaho mo!”Pagtutulak niya sa ina kaya walang nagawa si Luna kundi ang umalis nalamang.Ngiting tagumpay si Celine ng bumalik sila sa kanilang kwarto at tinanaw pa sa bintana ang pag-alis ng kot
“ANONG ginagawa mo dito?!”“Bakit ka nandito tito?!”Sabay muli nilang dabing dalawa. Parehong hindi inaasahan ang presensya ng isa’t-isa.“Wait! Ayos ka lang ba? Muntik ka ng mapahamak Celine!”Doon na natauhan si Celine. Kasama nito ang kaniyang ama, masaya nga siya na ang daddy niya ang nagligtas sa kaniya ngunit hindi naman niya inaasahan na mahuhuli siya doon ng kaniyang tito Rocky, ang boyfriend ng tita-ninang niya!“A-ayos lang po—”“Natakasan nila ako!”Hindi natapos ni Celine ang kaniyang sasabihin ng bigla sumigaw si Sebastian at tumatakbo papalapit sa kanila.Sabay pa silang napatingin na dalawa doon ngunit si Celine ay lalong nanlaki ang mata. Kung magkasama ang dalawa ay magkakilala sila at kung magkakilala sila ay maaaring sabihin ng tito niya ang tungkol sa kaniya!Hindi siya pwedeng mahuli! Hindi pwedeng malaman ng daddy niya na anak siya ni Luna! At worst ay malaman na anak siya nito!‘Think Celine! Think a way!’ sigaw ni Celine sa kaniyang isipan.Napalingon siya sa
“WALA pa rin ba Caroline?” Inis na sabi ni Luna na lalong ikinataranta ni Caroline. Kanina pa sila doon sa restaurant ngunit walang Sebastian Anderson ang dumarating. “H-hindi ko po sila ma-contact Ms.Luna,” Napaatras si Caroline ng tumingin sa kaniya si Luna. Yung tingin kasi nito ay tila mananakmal na ng tao. Napabuga ng hangin si Luna at natawa ng mahina. “Sa tingin ko pinaglalaruan na tayo ng Sebastian na ‘yan.” Ngayon napansin na niya, maaaring sinadya nito na hindi siya siputin kahapon at ngayon. “That’s it.” Biglang sabi nito at tumayo mula sa kinauupuan niya. “M-Ms.Luna saan ka po pupunta?” takang tanong ni Caroline. “Saan pa ba? Sa kumpanya ni Sebastian.” *** “NO.” “What?! No?!” gulat na lingon ni Celine kay Rocky ng ito ang sumagot sa kaniyang daddy. “Yes, no. Sa bahay niyo ka namin dadalhin.” “Tito Rocky naman!” reklamo ni Celine ngunit tinignan siya ng masama ni Rocky na ikinatahimik nito. “How are you two met?” Sabay na napatingin si Celine at Rocky kay Seba