Share

Chapter 5

“GOOD morning, Ms. Fernandez!”

Isang malumanay na ngiti ang ibinigay ni Luna sa secretary ng kaniyang magulang ng batiin siya nito ng makarating siya sa kumpanya. Kadarating lang nila sa Pilipinas pero ang una niya agad pinuntahan ay ang kumpanya ng magulang. Kailangan niyang malaman kung ano ang kalagayan nito para ma-handle niya ito ng maayos.

Si Celine naman ay iniwan niya muna sa kanilang kotse tutal ay walang ibang nakaka-alam na mayroon na siyang anak.

“Good morning to you too. What is your name? Just call me Luna.”

Namangha ang babae dahil sa kabaitan ni Luna. Hindi niya inaasahan na ganito ito kabait lalo na at ubod nitong ganda. Marami kasing usap-usapan sa kanila na spoiled ‘daw ang anak ng kanilang dating amo at ngunit ito’y matalino at maganda. Siya’ng tunay naman.

“U-uhm… Caroline po.”

“Nice to meet you Caroline! Magiging magkasama na tayo ng madalas kaya ‘wag kang mailang saakin, sige ka pati ako maiilang sa’yo.” Pabirong sabi ni Luna at doon na tuluyang napangiti ng malaki si Caroline.

Tunay nga’ng mabait ang anak nila Mr. and Mrs. Fernandez.

Sabagay hindi na dapat siya magtaka dahil maging ang mga ito ay mababait sa kanila.

“So, where do we start?”

Natauhan si Caroline dahil sa sinabi ni Luna at biglang sumeryoso. Dahil sa pagseryosong iyon ni Caroline ay na-gets agad ni Luna ang susunod na mangyayari. Lalo na at ng umakyat na sila sa office ay naroroon ang nag-iisang abogado ng kaniyang mga magulang.

“Good morning, Luna. It’s been a long time.” Ngiting sabi ng lalaki nilang abogado at nakipagkamay dito.

Kilala ni Luna ang kanilang abogado dahil nakausap na ‘rin niya ito noon lalo na’t madalas ito sa kanilang bahay noong nagsisimula palang ang kanilang negosyo umusbong.

“Yes, it’s been a long-time attorney. Hindi ko ‘rin inaasahan sa pagbabalik ko ay ganito pa ang aabutan ko.” sabi ni Luna habang nakatingin sa folder sa ibabaw ng mesa na may nakasulat na last will and testament.

Biglang lumungkot ang atmosphere sa paligid at naupo na sila sa kani-kanilang pwesto. Tahimik lamang na nakikinig si Caroline sa isang tabi habang si Luna at ang attorney ay nag-uusap.

“I’m really sorry to what happened Luna and I want to congratulate you too. Alam mo bang balak nilang magsagawa ng party once na bumalik ka dahil nga kaka-graduate mo lang?”

Nagulat si Luna dahil sa kaniyang narinig at agad na tumingin sa itaas dahil pakiramdam niya ay tutulo na ang kaniyang luha.

“But unexpected things happened.” Buntong hininga na dugtong ng attorney.

Nahalata ni Caroline ang napipinto ng pag-iyak ni Luna kaya tumikhim ito dahilan para mapatingin sa kaniya si attorney at nginuso nito si Luna. Nakatunog naman ito at humingi ng tawad. Nasa edad limang pu na ang kanilang attorney pero malakas pa at sobrang tatas pa ng kaniyang memorya.

“So, ayon dito sa last will and testament nila ay sa’yo nila iiwan ang lahat ng ari-arian ng mayroon kayo. Mayroon kayong properties sa Bulacan, Isabella, Baguio at Tagaytay. Then dito sa Manila, three houses with three car both and lastly this company.”

Nagulat muli si Luna sa kaniyang narinig. Sa pagkakatanda niya ay tama lang ang properties na mayroon sila noon. Sabagay, marami ng nagbago sa nakalipas na taon isama mo pa na noon nanjan pa sila sa tabi niya ngayon ay wala na. Napabuntong hininga siya dahil doon.

“Hindi ko magagamit ang ibang properties attorney so I want to sell it and invest it dito sa kumpanya.” Deretsyo niyang sabi na ikinailing ng kaniyang kausap kaya napakunot ang kaniyang noo.

“Your parents left you a huge amount of debt hija. Palugi na ang kumpanya kaya nangutang sila sa bangko. Lahat ng ari-arian na binanggit ko sa’yo ay mawawala na. Tanging ang bahay niyo dito sa Manila at ang kumpanya ang matitira.”

Literal na napanganga si Luna dahil sa kaniyang narinig. Dali-dali siyang napalingon kay Caroline na agad umiwas ng tingin. May alam ito sigurado siya.

“H-how about yung ibang bahay dito sa manila together with their car. Ibebenta ko na ‘yun and I will use the money para sa kumpanya.”

‘Yun nalang ang tanging paraan na alam ni Luna.

“Maaari hija. Tutal ang ibang properties niyo ay bayad na ang utang sa bangko. Yun nga lang you must start from the bottom lalo na at umatras lang lahat ng parteners niyo.”

Biglang sumakit ang ulo ni Luna dahil sa narinig kung kaya napahilot siya sa kaniyang sentido. Mayroon lang siyang ilang papeles na pinirmahan bago tuluyang nagpa-alam ang kanilang attorney na pinagpasalamatan naman niya.

“Tell me what happened Caroline. Ayoko ng nagsisinungaling.” Seryosong sabi ni Luna ng umalis ang kanilang attorney.

Napalunok si Caroline dahil doon. Mabait nga ang kaniyang bagong amo ngunit kapag ito’y seryoso ay mayroon itong aura na magpapatiklop sa’yo na tila gusto mo nalang manginig sa takot.

“A-ahh kasi po Ms. Luna, nitong nakaraang buwan po ay naging partner nila sa negosyo si Mr. Luke Martinez. Simula po noon ay nagkanda-loko loko na po ang kumpanya.”

Napantig ang tenga ni Luna dahil sa narinig at napatindig ng maayos. Apat na taon na ‘rin ang lumipas ng huli niyang marinig ang pangalan na iyon.

“Mr. Luke Martinez you say?”

“Yes po. Then the day ng mawala ang parents niyo po ay nalaman nilang niloko sila nito at ninakawan.”

Matagal ng kinalimutan ni Luna ang lalaki. Wala na sa kaniya ang panlolokong ginawa sa kaniya noon ng dating nobyo pero ang ginawa nito ngayong panloloko at pagnanakaw sa kaniyang magulang ay hinding hindi niya matatanggap.

“Give me all the files Caroline at aaralin ko ang nangyari. Pagbabayarin ko kung sino ang dapat managot.”

Napalunok ng malalim si Caroline dahil tila papatvy na ang titig sa kaniya ng bagong amo.

“M-masusunod po!”

***

“I’M sorry if natagalan ako baby,” halik sa noo na sabi ni Luna kay Celine ng makapasok sila sa loob ng kotse.

“It’s okay mommy! Nakatulog ‘din naman po ako.”

Inabot kasi ng halos apat na oras doon si Luna dahil pinag-aralan pa niya ang ibang mga files. Samantalang si Caroline na kasama niya dahil ito ang nag-asikaso ng burol ng kaniyang mga magulang ay hindi makapaniwala na nakatingin kay Celine na kamukang kamuka ni Luna.

Napatingin ‘din si Celine kay Caroline at magiliw niya itong binati.

“Oh yes! Baby, this is Caroline. Call her tita Caroline. Siya ang secretary ni mommy dito sa Pilipinas, pinagkakatiwalaan ‘din siya ng lolo at lola mo. Caroline this is my daughter Celine. Yes, itinago ko siya sa parents ko kaya nga hindi ko mapatawad ang sarili ko dahil hindi ko manlang naipakilala ang anak ko.”

May bahid na lungkot na sabi ni Luna na ikinailing ni Celine.

“Mommy stop it. I know naiintindihan ka nila lola at lolo now. They are seeing us now right?”

Napangiti si Luna dahil sa sinabi ng anak at ginulo ang buhok nito’t tumango. Napatingin siyang muli kay Caroline na hindi makapaniwala kaya napabuntong hininga siya.

“Please, ‘wag mong sasabihin sa iba Caroline. May tamang oras para dito lalo na mayroon pa akong dapat ayusin. Kapag dumating tayo sa bahay i-ikot mo siya sa likod at doon kayo dumaan papunta sa kwarto ko. Ako na ang bahalang pumasok sa loob sure akong ‘di kayo mapapansin ng karamihan.”

“N-noted po Ms. Luna! Kamukang-kamuka niyo po siya, pareho kayong maganda!”

Hindi na napigilan ni Caroline ang sarili na ikinangiti pareho ng mag-ina at nagpasalamat.

Nang makarating sila sa kanilang bahay ay sinunod ni Caroline ang bilin ni Luna at tama nga ito. Sa kaniya napunta ang buong atensyon ng mga dumalo sa burol ng kaniyang magulang. Tunay na mabait ang mag-asawa kaya marami ang nakikiramay sa kanila ngayon at halos lahat sila ay kilalang-kilala siya lalo na at mahilig mag donate ang mga ito sa ampunan kasama siya.

Magkatabi ang ataul ng kaniyang mga magulang. Nang makita niya ang mga ito ay tila natutulog lamang sila ngunit ang kaibahan ay hindi na gigising kailan man. Hindi na napigilan ni Luna ang mapaiyak dahil kanina pa mabigat ang kaniyang loob habang naglalakad papalapit sa unahan.

Maging ang mga bisita ay naiyak na ‘rin sa kanilang nakikita. Ngayon nalang niya muling nakita ang mga magulang sa isang masakit na tagpo pa. Kahit sino ay mararamdaman ang sakit na mararamdaman ni Luna.

“M-mommy, daddy, patawarin niyo po kung ngayon lang ako. Pangako ko po sa inyo na hindi ko pababayaan ang kumpanya at mas magiging matatag pa para sa apo niyo.”

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
yes magpakatatag ka luna para sa anak mo at pagbayarin mo yang manloloko mong ex na si luke
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status