“LUNA kapag hindi ka pa lumabas jan sisirain ko ‘tong pinto ng banyo niyo!”
Natauhan si Luna matapos niyang marinig ang sigaw ng kaibigan kasabay ng pagkalabog nito sa pintuan. Dali-daling binuksan ni Luna ang pinto dahil doon at nakita niya ang kaibigan na nag-aalala sa kaniya.
“So, anong result?”
Minsan talaga nanghihinala si Luna na Canadian ang kaibigan gayong sobrang tatas nito kung magtagalog. Yes, purong Canadian ang kaibigan na si Riri pero dahil Pilipina ang kaniyang nanny ay natuto ito mula dito kaya mabilis silang nagkasundo ng maging mag kaklase ang mga ito.
Si Riri ang siyang kasama na niya parati sa isang foreign country. Nakatira siya sa bahay ng kaniyang mga magulang na mula pa ‘daw sa kaniyang mga lolo at lola. Busy sa business nila ang kaniyang mga magulang kaya walang oras ang mga ito na iwan iyon at dalawin siya doon.
Sa nakalipas na isang buwan ay marami nang nangyari kay Luna. Ngunit kahit ganon ay andoon pa ‘rin ang sakit sa kaniya lalo na at isang beses ay sinubukan niya ulit kausapin ang dating nobyo ngunit doon niya lang nalaman na niloloko nanaman siya nito. Na ginagawa nalang siyang trip, saan niya nalaman? Sa bagong babae nito.
Pasalamat siya at kasama na niya si Riri ng mga oras na ‘yun dahil talagang gunaw na gunaw na ang mundo niya. Reklamo pa nga ng reklamo si Riri dahil without her knowing nakipag usap nanaman siya sa ex niya ngunit sadyang ang nasa taas na ang gumagawa ng way para putulin niya ang communication sa lalaki dahil nalaman niya ang totoong ugali ni Luke.
Pera lang ang habol nito sa kaniya. May pangako kasi siyang motor dito na gustong gusto ng nobyo at dahil mahal na mahal niya ito ay lahat ibibigay niya dito. Kahit nga ang penthouse na pinuntahan niya noon ay galing sa kaniya. Bakla kasi kung magmahal si Luna, hindi naman niya masisisi ang sarili dahil iyon ang kaniyang love language.
“Ako na nga lang titingin nasan ba?” haw isa kaniya ni Riri ng hindi siya sumagot sa tanong nito.
Biglang natahimik ang kaibigan ng makita ang tatlong pregnancy test na nasa ibabaw. Napapikit sandali si Luna at tumingin sa kaibigan mula sa reflection nila sa salamin. Nanggigilid na ang luha niya ng makita ang gulat na reaction ng kaibigan.
Nagtagpo ang mata nila at agad na umiling si Riri at hinarap siya pagkatapos ay niyakap ng mahigpit.
“Shh… magiging ayos ‘dina ng lahat Luna.”
Hindi na napigilan ni Luna ang pagtulo ng kaniyang luha.
“P-palagi ko nalang naririnig ‘yan from you Riri pero naging ayos ba ang lahat? Hindi! T-tapos ngayon ano buntis ako? Buntis ako mula sa lalaking hindi ko naman kilala. Nang dahil sa isang one-night-stand! Ang tvnga ko! Ang tvnga tvnga ko talaga tama ka!”
Sa nakalipas na mga araw ay may napapansin kasing kakaiba si Riri mula sa kaibigan lalo na nag pagsusuka nito sa umaga. Doon niya kinausap ng masinsinan si Luna dahil ang pagkaka-alam niya ay wala naman nangyari sa kanila ng ex nito. Nang umamin si Luna ay tyaka lang nito sinabi ang takot sa kaibigan dahil maging siya ay nakakaramdam na ng kakaiba sa katawan and ayun na nga, napatunayan niyang buntis siya.
Hindi niya alam kung paano palalakihin ang bata o kung paano sasabihin sa magulang ang totoo.
“Calm down Luna, hindi mabuti ‘yan sa bata. I will call tito and tita para—”
“No!”
Mabilis pa sa alaskwatro na sabat ni Luna sa kaibigan ng sabihin nito iyon.
“Anong no ka jan?” taas kilay na sagot ni Riri at humiwalay sa yakapan nila.
“P-please don’t tell them Riri! Alam mong stress sila pareho sa business namin. Ayoko ng dagdagan pa ang stress na iyon kaya please Riri, no. Don’t tell them, please!”
Iling na sabi ni Luna sa kaibigan at naiintindihan naman ni Riri ang ibig sabihin nito. Ngunit bata na ang pinag-uusapan nila. Napatingin siya sa kaibigan at napabuntong hininga.
“Okay fine. Tutulungan kita, tutulungan ka namin nila mommy at daddy. Kaming bahala sa inyong dalawa ng inaanak ko kyahhh!”
Bigla nalamang tumili si Riri at nagtatalon sa tuwa. Kahit na pareho nilang hindi inaasahan na siya ay mabubuntis, isa pa ‘ring biyaya ang sanggol kaya kahit papaano ay may tuwa pa ‘rin sa puso ni Luna.
Napahawak siya sa kaniyang tiyan dahil doon. May bata sa tiyan niya. Magkakaroon na siya ng anak.
Naalala niya na gustong-gusto niya mag-anak sa batang edad dahil iyon ang bilin sa kaniya ng mommy niya. Hangga’t bata pa siya ay mag-anak na siya, huwag gagaya sa kanila ng daddy niya na matanda na bago pa siya isilang dahil siya lang ‘din ang mahihiraoan.
Hindi naman sila mayaman noon, nito lang sila nagkanegosyo at kahit papaano ay naka-angat na ngunit kahit ganon ay hindi pa ‘rin nakakalimot ang magulang niya bumalik sa kanilang pinanggalingan at iyon ay ang kahirapan.
Lahat ng iyon ay namana niya mula sa mga magulang. Lahat ng iyon ay kuhang-kuha niya lalo na ang kabaitan ng mga ito na naging dahilan kung bakit na-te-take advantage na siya. Ngayon na magkakaroon na siya ng anak ay ipapangako niya sa sarili niya na hindi madadamay ang anak sa magulong mundo na kinatatayuan nila.
Iingatan niya ito at hindi hahayaan na masaktan ng mga taong nakapaligid sa kanila.
“Si mommy ang bahala sa’yo anak.” Nakangiting banggit ni Luna sa kaniyang sarili habang himas ang kaniyang tiyan.
“Luna let’s go!”
Natauhan siya dahil sa boses ni Riri. Lumabas siya ng banyo at nakita na papalabas ang kaibigan.
“Huh? Where?” takang tanong niya dito.
“I already told mom and she said she knows someone that can check you up! Need natin malaman if ilang buwan na si baby. She also tells me that we will go shopping for the baby kyahhh!”
Nanlaki ang mata ni Luna dahil masyado pang maaga para mag shopping.
“Hoy anong shopping! Hindi pa nga malaki tyan ko! Tyaka nakakahiya naman kay tita,”
Pinanliitan siya ng mata ni Riri dahil doon.
“Lagot ka kay mommy kapag narinig niya ‘yan.” Irap nitong sabi na ikinatawa ni Luna at kinuha na ang Minnie purse niya.
“Oo na po, mag-ina nga kayo.” Iling na sabi niya na ikinatawa nila pareho.
***
“BAKIT ka umiiyak Luna?”
Agad na pinahid ni Luna nag luha niya ng marinig ang boses ng kaibigan. Simula ng malaman nilang buntis siya doon na tumira ang kaibigan niya kasama niya para ‘daw mas mabantayan siya nito. Nakapag pa check up na ‘din siya at four weeks na daw ang nasa tiyan niya.
“Naaalala mo nanaman siya?”
Mabilis na umiling si Luna sa kaibigan dahil sa sinabi nito. Totoo naman na hindi si Luke ang dahilan. Simula ng malaman niyang buntis siya ay kinalumutan na niya ang lalaki. Mas kailangan niyang mag focus sa sarili at sa pag-aalaga sa papalabas niyang baby.
“Sila mommy at daddy. Ito ang pinakang malaking kasinungalingan kong gagawin sa kanila. Kakakausap ko lang sa kanila Riri, gustong gusto kong umamin pero ayokong maging pabigat sa kanila. Sa oras na malaman nila ang tungkol sa baby ko siguradong pupunta sila dito sakto na nalaman ko na may problema sa kumpanya. Ang laki na ng pinayat nilang dalawa, bakit ba kasi hindi ko hilig ang mga gusto nilang gawin?”
Dahil na ‘rin sa pagbubuntis niya ay mababaw ang kaniyang mga luha kaya mabilis siya kung umiyak. Tinabihan naman siya ni Riri at hinawakan ang kaniyang kamay.
“Look at me Luna, ang bawat tao ay may kaniya-kaniyang kalakasan at kahinaan. Doon magaling ang magulang mo while you sa pag dedesenyo ng damit ka magaling. Tyaka I’m sure maiintindihan ka nila tito at tita kapag sinabi mo sa kanila ang totoo.”
Sa katunayan ay ibang-iba si Luna sa kaniyang mga magulang. Minsan nga ay iniisip niya na ampon lamang siya ngunit tinatawanan lang siya ng mga magulang dahil kung ano-ano ‘daw ang kaniyang iniisip. Paanong hindi niya maiisip dahil iba ang kulay ng mata niya sa mga ito dahil brown ang matang meron siya.
Nagmula ‘daw ito sa lolo at lola niya na siyang nagpamana ng bahay na tinutuluyan niya ngayon sa Canada. Ang hobby naman niya ay ang pag dedesenyo ng damit habang ang magulang niya ay negosyo. Ni-minsan ay hindi niya nakita ang sarili na hahawak ng negosyo kaya hindi talaga siya sumasama sa mga magulang.
At the end of the day she will inherit all of it dahil siya lang naman ang nag-iisang anak. Tyaka na niya iyon poproblemahin pagdating ng araw. Sa ngayon ay kailangan niyang umisip ng paraan kung paano hindi mag-iisip ng sobra sobra at hindi ma-stress.
“No, Riri. Hindi ko pa ‘rin sasabihin sa kanila. Sasabihin ko lang kapag nakapagtapos na ako.”
“Nakapagtapos?! Luna by that time nakapanganak ka na panigurado at mag aapat na ang anak mo!”
Hysterical na sabi ni Riri na ikinatango ni Luna. Tumayo siya at naglakad papunta sa may balkon niya at tumanaw mula doon.
“Buo na nag desisyon ko Riri. Kapag may napatunayan na ako tyaka ko ipapakilala ang anak ko. Tutulungan mo naman ako hindi ba?” lingon na tanong niya sa kaibigan.
“Y-yes… oo naman syempre pero—”
“Thank you, Riri.” Ngiting putol na sabi ni Luna sa kaibigan na ikinatingin sa kaniya nito.
Kita ni Riri na desidido na ang kaibigan kaya napabuntong hininga nalang siya at naglakad palapit dito.
“May magagawa pa ba ako? Palagi akong nakasuporta sayo Luna, lalo na ngayon dahil magiging tatlo na tayo dito sa bahay.”
Napangiti lalo si Luna dahil sa sinabi ng kaibigan.
“Alam mo bang may naisip na akong pangalan para sa kaniya? Pero sana babae ka anak,” sabi niya habang himas ang kaniyang tiyan.
“Really?! What is it tell me!” excited na sabi ni Riri sa kaibigan.
Nakangiti siyang tinignan ni Luna at binuka ang kaniyang mga labi para magsalita.
— 4 years later —“CELINE!”“Yes, coming down!”Dali-daling iniligpit ng batang si Celine ang kaniyang mga gamit at inilagay ang sulat na gawa para sa ina sa kaniyang sling bag. Nang matapos ay mabilis na lumabas sa kaniyang kwarto at tumakbo pababa ng hagdan. Naabutan niya ang nakasimangot na kaniyang tita-ninang.“Tita-ninang your so atat! Nag-aayos pa po ako!”Umiirap na tumayo si Riri at hinawakan ang kamay ng inaanak at sabay silang naglakad palabas.“Kita mong late na tayo. Baka umiyak ang mommy mo kapag nakita niyang wala ka doon!”“Yeah yeah whatever!” irap na sagot pabalik ni Celine.Apat na taon na ang lumipas simula ng malaman nilang buntis si Luna at ligtas niyang naisilang sa mundo ang kaniyang anak na si Celine Fernandez. Natupad ang kagustuhan ni Luna na magkaroon ng anak na babae kaya mas lalong nagkaroon ng kulay ang kaniyang buhay. Sa nakalipas na mga taon ay mas nagsumikap si Luna lalo na sa pag-aalaga sa anak.Hindi niya hinayaan na hindi maramdaman ng anak ang pag
“GOOD morning, Ms. Fernandez!”Isang malumanay na ngiti ang ibinigay ni Luna sa secretary ng kaniyang magulang ng batiin siya nito ng makarating siya sa kumpanya. Kadarating lang nila sa Pilipinas pero ang una niya agad pinuntahan ay ang kumpanya ng magulang. Kailangan niyang malaman kung ano ang kalagayan nito para ma-handle niya ito ng maayos.Si Celine naman ay iniwan niya muna sa kanilang kotse tutal ay walang ibang nakaka-alam na mayroon na siyang anak.“Good morning to you too. What is your name? Just call me Luna.”Namangha ang babae dahil sa kabaitan ni Luna. Hindi niya inaasahan na ganito ito kabait lalo na at ubod nitong ganda. Marami kasing usap-usapan sa kanila na spoiled ‘daw ang anak ng kanilang dating amo at ngunit ito’y matalino at maganda. Siya’ng tunay naman.“U-uhm… Caroline po.”“Nice to meet you Caroline! Magiging magkasama na tayo ng madalas kaya ‘wag kang mailang saakin, sige ka pati ako maiilang sa’yo.” Pabirong sabi ni Luna at doon na tuluyang napangiti ng mal
“HELLO?” Antok na sabi ni Luna matapos niyang sagutin ang tumatawag sa kaniya. Dalawang araw na siyang walang maayos na tulog dahil inasikaso niya ang libing ng kaniyang mga magulang. Sa huling araw ng mga ito sa mundo ay iyak siya ng iyak kaya hindi na siya magtataka kung maga ang mata niya ngayon. Katabi niya si Celine na naipakilala na ‘rin niya sa mga magulang ang kaibahan lang ay wala ng buhay ang mga ito. “Luna, nagising ba kita? Sorry pero I have important things to say to you!” Ngayon alam na niya kung sino ang tumawag. Si Riri. “It’s okay Riri, what’s the matter?” tanong niya sa pabulong na paraan at maingat na bumangon upang di magising ang anak. “It’s about your parents’ company! Alam ko na kung bakit kayo nalugi! Dahil sa lintek na ex mong si Luke Martinez!” Natahimik sandali si Luna dahil sa sinabi ng kaibigan. Nabanggit niya dito na nalugi ang kumpanya pero di niya sinabi kung sino ang dahilan. Hindi naman niya akalain na gagawa ng paraan ang kaibigan para malaman
TAHIMIK na nasa loob ng kotse si Caroline at Luna matapos nilang umalis sa restaurant. Ihahatid nalamang ni Luna si Caroline sa bahay nito at siya ay uuwi na. Hanggang ngayon ay mabilis pa ‘rin ang tibok ng kaniyang puso.Ang daming pumasok na mga eksena sa kaniyang isip. Paano kung malaman nito na may anak sila at kunin ng lalaki ang kaniyang anak? Hindi niya kaya. Hindi niya kaya na mawalan ng anak. Mas lalong hindi nga niya alam kung tatanggapin ba nito si Celine.Samantalang si Caroline naman ay gustong-gustong kausapin si Luna pero sa nakikita niyang seryosong muka nito habang nag da-drive ay mas pinili niyang manahimik na muna.Based sa naging reaction ng kaniyang amo ay magkakakilala ang mga ito, kaya ang malaking tanong ay paano? Nang pina-ayos ni Luna ang meeting na iyon ay wala naman itong nabanggit na kilala niya si Mr.Anderson.Sa gitna ng kanilang katahimikan ay biglang nag ring ang cellphone ni Luna. Gamit ang earpiece na suot ay sinagot niya ito habang focus pa ‘rin sa
MAAGANG nagising si Luna dahil nanaginip siya na nalaman ni Sebastian ang tungkol sa kanilang anak at pilit itong kinukuha sa kaniya. Kung may kahinaan man siya ito ay ang kaniyang anak na si Celine. Kaya kahit maaga pa ay dali-dali niyang tinawagana ng kaibigan na si Riri.“Hello Riri!” Mahina ngunit kinakabahan na tawag ni Luna sa kaibugan matapos nitong sagutin ang telepono.“L-luna? Ang aga mo namang tumawag,”Antok na sagot sa kaniya ng kaibigan.Tinignan pa muna niya ang anak kung nagising ba ito at ng masigurong hindi ay nagpatuloy siya sa pakikipag-kausap sa kaibigan.“Riri sinabi mo ba kay Rocky ang tungkol sa pagiging ama ng bff niya kay Celine?!”Kabadong kabado si Luna habang tinatanong ang bagay na iyon sa kaibigan lalo na’t ilang segundo din siyang naghintay ng sagot mula dito.“Sa boyfriend ko? Syempre boyfriend ko siya—”“What?!”Napalakas ang tanong ni Luna dahil sa narinig. Ngunit kaagad naman siyang nakarinig ng tawa mula sa kabilang linya. Now she gets it. Jino-jok
AGAD na pumalakpak si Rocky at Caroline matapos ang presentation ni Luna. Si Luna naman ay nakahinga ng maluwag dahil pakiramdaman niya ay sumabak siya sa isang interrogation dahil sa sobrabg daming tanong ni Sebastian sa kaniya.“Ang galing mo Ms. Luna! Akalain mo ‘yun nagawa mo pang maging sarcastic kay Mr.Anderson!” Natatawang bulong ni Caroline sa kaniya habang si Rocky at Sebastian naman ay nag-uusap din ng mahina.Kanina kasi ay naiinis na siya kakatanong ng lalaki tungkol sa presentation niya kaya di niya napigilang sabihin na “Kung makinig ka nalang kaya para makuha mo sagot sa mga tanong mo.” Talagang natahimik sila matapos niya iyong sabihin while si Rocky at natawa.Nag thumbs up pa nga si Rocky dahil natahimik ang kaibigan niya sa sinabing iyon. Pansin naman niya na pinupuntirya siya nito at hinahanapan ng mali kaso mali ang nakabangga niya. Magaling sa mga argumento si Luna kaya wala siyang uurungan.“Let’s eat first bago ko sabihin ang desisyon ko.”Napalingon sila kay S
“MOMMY, do you have time?”Silip na tanong ni Celine sa ina sa kanilang kwarto. Ngunit si Luna ay busy na busy sa pag-aayos sa kaniyang sarili na halos hindi na magkanda ugaga sa kaniyang ginagawa.“Sweetie I’m so sorry. Mommy don’t have time. Male-late na ako sa meeting ko. Nakakainis na alarm bakit kasi hindi tumunog!”Nahulog pa ang earings na sinusuot sa sarili na lalong ikinainis ni Luna ngunit no choice kundi ang pulutin iyon.Pinanood lamang ni Celine ang ina sa kaniyang ginagawa. Alam niya na stress na ito lalo na at dalawang araw na niyang naririnig ang reklamo nito sa tuwing ito’y uuwi o di kaya may tinatapos na report sa office nito sa bahay.Yes, mayroong office si Luna doon. Iyon ay ang office ng kaniyang daddy na siya na ngayon ang gumagamit. Ayaw niya kasi na ma-storbo ang pag tulog ng anak sa tuwing siya ay may tinatapos pa na trabaho kaya sa office niya ito tinatapos.Nang sa wakas ay matapos si Luna dali-dali siyang naglakad papalabas ng kwarto. Tahimik lang si Celin
“CELINE?”“Yes!” Agad na sagot ng batang babae sa kaniyang harapan.Hindi pa rin makapaniwala si Sebastian dahil kamukang-kamuka ito ng babae na kanina pa gumugulo sa kaniyang isipan.“W-wait I don’t get it… yeah… hindi ikaw si Luna pero sino ka? Bakit kamukang-kamuka mo siya?”Sandali na hindi nakasagot ang batang babae sa sinabi niya ngunit maya-maya tumingin itong muli sa kaniya at tila walang kinakatakutan.“I don’t know! Sino ba ‘yang Luna na sinasabi mo?! Ang sakit ng sugat ko!”Bigla nalamang umiyak ang batang babae na ikinataranta naman ni Sebastian. Mabuti nalang at walang ibang tao sa paligid kaya agad niya itong nilapitan.“Shh! Shh! Okay! Okay! Come with me at gagamutin ko ang sugat mo!” natatarantang sabi ni Sebastian.“N-no! Hindi ka sincere sa sinasabi mo!” iyak pa ‘rin nitong sabi.“S-sincere? Wait what?” hindi makapaniwalang tanong ni Sebastian.Hindi siya makapaniwalang nakatingin sa batang babaeng iyon pero mas lalo lang itong umiyak at talagang naiirita na ang lala