Share

Chapter 2

NAGISING si Luna na sobrang sakit ng kaniyang ulo at nahihilo. Wala sana siyang balak bumangon ngunit ng maramdaman niyang mayroong gumalaw sa kaniyang tabi ay agad na napadilat ang kaniyang mga mata. Sunod-sunod na bumalik ang ala-ala niya kagabi, ang pagsuko niya sa kamay ng isang lalaking hindi niya kilala.

Napapikit siya sandali at dinalangin na sana hindi totoo ang lahat ng iyon. Nang lingunin niya ang kaniyang tabi laking dismaya niya ng makita itong nakatalikod sa kaniya at walang damit! Maging siya ay walang damit ng tignan niya ang kaniyang sarili.

“Anong ginawa mo Luna!”

Mahinang sermon niya sa kaniyang sarili at kahit nahihilo siya ay buong lakas siyang bumangon at pinulot ang kaniyang mga damit.

Muntik pa siyang masuka habang nagbibihis ngunit pinigilan niya ito at dali-daling tumakbo papunta sa pintuan. Kabubukas niya lang ng pinto ng maisipan niyang lingunin ang lalaking pinagbigyan niya ng kaniyang pagkababae.

“Hmm… pwede na.”

Napatawa siya sa sinabi niya at agad na napailing dahil sa kalokohan pagkatapos ay tuluyan ng umalis doon.

Sa katunayan at sobrang gwapo ng lalaki para sa kaniyang paningin ngunit mas gwapo pa ‘rin para sa kaniya ang dating nobyo.

Sa isiping iyon ay bumalik nanaman sa kaniyang ala-ala ang mga nangyari at kung bakit siya nalasing ng ganon. Pilit niyang pinipigilan ang pagtulo ng kaniyang luha habang nasa taxi. Baka kung ano pang isipin ng driver tungkol sa kaniya.

Nang makarating siya sa kanilang bahay ay agad niyang nakita ang in ana naghahanda ng umagahan.

“Luna? San ka galing akala ko nasa kwarto mo ikaw?”

Hindi na napigilan ni Luna ang pagtulo ng luha niya at dali-daling tumakbo papunta sa ina at niyakap ito ng mahigpit. Tuluyan na siyang napahagulgol ng maramdaman ang yakap ng ina.

“Anong nangyari anak? Bakit ka umiiyak?” alalang tanong ng ina dito sakto na siyang baba ng ama mula sa taas.

“Honey, wala si Luna sa kwarto—Luna? Bakit ka umiiyak?” gulat na tanong ng asawa at dali-daling lumapit sa anak.

Parehong hinahagod ng mag-asawa ang likuran ng kanilang anak at amoy na amoy nila ang alak mula dito. Nagkatinginan sila at doon nila na gets na galing ito ng bar ngunit ng ganoon ang suot?

“Anak sabihin mo saamin ang nangyari. Hindi ba sabi namin sa’yo ay nandito lang kami palagi?”

Mahinahon na sabi ng kaniyang ina habang hagod ang likuran ng anak.

Doon na humiwalay si Luna mula sa yakap ng magulang at pinahid ang kaniyang luha.

“S-si Luke po…” hindi maituloy ni Luna ang sasabihin dahil walang alam ang magulang niya sa nangyayari sa kanila.

“Oh anong meron kay Luke anak? Ayos lang ba siya?” tanong ng ama na ikinatango naman niya.

“N-niloko niya po ako. Nakita ko po sila ng babae niya at may ginagawang milagro sa penthouse niya.”

Natahimik ang mag-asawa dahil doon at ang kaniyang ama ang unang nakabawi dahil doon.

“Ang tarandatong ‘yun!” galit na sabi nito at aalis sana upang puntahan ang lalaki ngunit agad siyang pinigilan ng asawa.

“Honey stop it. Mas kailangan tayo ngayon ni Luna,”

Dahil doon ay natigilan ang daddy niya lalo na ng makitang umiiyak nanaman siya. Para sa kaniya ay mas masakit na makitang umiiyak ang anak. Ayaw na ayaw nga niyang umiiyak ang dalawang babaeng mahalaga sa buhay niya tapos ngayon ay iiyak ito ng dahil sa lalaking ipinagkatiwala nila sa kanilang anak.

“Hush now baby, mommy and daddy is here.”

Kalmadong sabi ng daddy niya at niyakap siya nito.

“Honey, alalayan mo muna si Luna papunta sa kwarto niya. Magluluto ako ng soup siguradong masakit ang ulo niya.”

At doon ay inakyat siya ng ama papunta sa kwarto. Hindi siya iniwan ng mga magulang at naikwento na ‘rin niya ang buong nangyari. Galit ang magulang niya ngunit siya na mismo ang nag request na hayaan nalamang si Luke dahil kahit papaano ay mahal niya pa ‘rin ito.

Ilang araw ang lumipas at nalaman ‘din ng mag-asawa na napabayaan ng anak ang pag-aaral nito. Hingi ng hing ing tawad si Luna dahil doon. Kahit na ilang araw na siyang nasa bahay lang at di napasok ay wala pa ‘ring pagbabago na nangyayari sa kaniya hanggang sa makapag desisyon siya na umalis ng bansa at doon magpatuloy ng pag-aaral.

Hindi payag ang magulang niya noong una pero ng makita ang kalagayan ng anak ay kalaunan pumayag ‘din sila. Mabuti nalang at matalino ang kanilang anak kaya kahit papaano at pinagbigyan siyang ipasa ng kaniyang mga prof at tinapos niya lang ang first semester bago siya tuluyang umalis ng bansa.

“Mag-iingat ka doon anak, tawagan mo kami palagi.” Naiiyak na sabi ng kaniyang ina.

“Huwag po kayong mag-alala, tatawagan ko kayo gabi gabi.”

Niyakap ni Luna ang kaniyang mga magulang ng sobrang higpit bago tuluyang humiwalay at kinuha ang maletang dala niya.

“I love you mommy, daddy.”

Ngiting sabi niya sa mga ito bago tuluyang tumalikod at naglakad na papasok sa airport. Mabigat pa ‘rin sa loob ni Luna pero alam niya na ito ang makakabuti sa kaniya. Binura na ‘rin niya lahat ng social media niya at pinalitan ng isa na tanging mga magulang lang ang nakaka-alam.

Nakatanaw siya sa bintana nang papalipad na ang eroplano.

“Good bye, Philippines. Good bye, Luke.”

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Eva Cristine
Manloloq yang luke n yan kuna sna mameet mo let c handsome.
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hayaan mo na yang luke na yan luna bahala ang karma sa kanila
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status