Share

The CEO I Once Had a Crush On
The CEO I Once Had a Crush On
Author: Eijeleichaaaa

Chapter 1

Author: Eijeleichaaaa
last update Huling Na-update: 2025-01-17 21:34:11

("Chai, baka pwede mo naman akong padalhan ng pera? Naputulan kasi kami ng tubig e.")

"Kakapadala ko lang, Ate, noong isang araw. Wala akong pera ngayon."

("Nagastos kasi namin. Baka pwedeng makahingi 'uli. Pasensya ka na, Chai.")

"Sorry, Ate. Wala talaga ako ngayon. Pasensya na."

("Sige, okay lang. Hahanap na lang kami ng ibang paraan.")

Napahawak ako sa sentido ko nang ibaba na ni Ate Jane ang linya. Ito ang unang beses na tumanggi ako tuwing hinihingian nila ako ng pera, at hindi ko alam kung bakit sobrang nakukonsensya ako ngayon.

Kumawala ako ng malalim na buntong-hininga at ibinalik ang pansin ko sa laptop. Kailangan kong matapos ang ine-edit kong video vlog ng client kong vlogger. Kapag natapos ko ito ngayon, makakapagpahinga naman na ako bukas.

Habang nakatutok ako sa laptop, tumunog ang cellphone ko. Akala ko si Ate na naman, pero si Jillian pala, ang kaibigan ko noong high school.

"Hello," sagot ko.

("Sunduin kita later, okay?")

"Bakit?"

("Come on, Chaira. Lumabas ka naman d'yan sa comfort zone mo. Ayoko nang pumunta sa coffee shop para makita ka. Ikaw naman ang mag-adjust.")

Alam ko na ang ibig niyang sabihin, gusto niyang sumama ako sa kanila mamaya sa club na palagi nilang pinupuntahan.

"Sige, anong oras?"

Laking gulat niya nang pumayag ako sa unang pagkakataon matapos ang ilang beses nilang pangungulit. Hindi ko rin akalain na mapapapayag nila ako. Ayoko sa maingay at maraming tao, pero naisip ko, bakit hindi ko subukan? Baka naman maging masaya rin ako tulad nila.

"Ew, ano 'yang suot mo? Manang?" natatawang sabi ni Jillian, dahilan para magsalubong ang kilay ko.

Maganda naman ang suot ko, ah. White t-shirt, black jeans, at white rubber shoes.

"Alam mo, ang ganda-ganda at sexy mo, pero hindi mo alam kung paano gamitin," umiiling niyang sabi habang hinawakan ang kamay ko. "Pero dahil kilala kita, alam kong hindi bagay sa club ang susuotin mo. Buti na lang, nagdala ako."

"Ha? Pwede na 'to," sagot ko, pero hindi niya ako pinakinggan.

Hinatak niya ako pabalik sa condo, inilapag ang maliit na bag niya, at may hinugot na itim na fitted dress.

"Charan! OMG! Super sexy and pretty! Paano na ako makakahanap ng boys nito sa club kung sa'yo lang mapupunta lahat?"

Hawak niya ako sa balikat habang pinagmamasdan ang itsura ko.

"Eh, ano ba 'to. Hindi naman ako kumportable. Paano ko mag-e-enjoy kung ganito?" reklamo ko, sabay hatak pababa sa laylayan ng damit na halos kalahati lang ng hita ko ang natatakpan.

"Mag-e-enjoy ka kasi lalasingin kita. Kilala kita kapag lasing, nawawala ang sobrang tahimik na Chaira." Inirapan ko siya at lumabas na ng condo.

Kaya nga siguro gusto kong mag-isa kapag umiinom, dahil sa ugali kong pinagsisisihan ko rin kinabukasan.

"Cheers!" sigaw ni Jillian. Sabay-sabay kaming nagtaas ng baso at tinungga ang laman nito.

"Huy!" Napatingin ako kay Eloisa, isa sa mga kaibigan namin noong high school. "Tingin nang tingin sa'yo 'yung mga boys. Halos lahat na sa'yo ang atensyon. Panahon na siguro para ibigay na ang kepyas, baka mabulok," sabi niya, sabay tawanan nilang lahat.

"Baka sa inyo kamo ang mabulok, gamit na gamit ba naman."

"Gag*, 'wag mong ipagsigawan kung gaano kami kalandi," sabi ni Jillian habang tumatawa.

"Nalalasing na 'yan si Chaira. Ganiyan na sumagot, halatang tinatamaan na," sabi ni Eloisa, dahilan para tumawa na lang ako.

Hindi ko naiwasang mapatingin sa paligid. Marami ngang tumitingin sa akin, ang iba ngumingiti, ang iba kumikindat, at parang lahat interesado sa akin. Siguro dahil sa suot kong maiksi. Pero kahit hindi ako kumportable, pakiramdam ko magiging masaya ako ngayon.

Magiging masaya ako nang hindi na nag-iisa.

Dumating ang oras na marami na akong nainom. Nakakaramdam na ako ng hilo, at dito na nga lumalabas ang tinatago kong kat*ngahan. Bigla na lang lumalakas ang loob ko na magsalita ng kung anu-ano at sumayaw. May mga lalaking lumalapit, pero umiiwas pa rin ako.

"Mga p*kpok, iihi lang ako," sabi ko sa tatlo kong kaibigan. Naiwan sila sa table namin dahil ang tatlo pa naming kasama ay may nakilala nang mga lalaki.

Tumayo ako, pero gumegewang ako sa bawat hakbang.

Habang papunta sa banyo, nakasalubong ko si Jillian na natigil sa pakikipaghalikan sa isang lalaki nang makita niya ako.

"Mag-taxi ka na lang pauwi, Chaira, ah. Hindi na kita mahahatid. Sorry," sabi niya.

"Alam ko, bago pa ako sumama sa'yo dito," inirapan ko siya. Dahil sa irap ko, lalo lang akong nahilo kaya napahawak tuloy ako sa dingding. Bakit pa kasi ako umirap?

Nang malapit na ako sa banyo, kapit na kapit na ako sa dingding. Banyo pa lang, hirap na akong puntahan, paano pa kaya ako makakabalik sa condo nito?

"Need help?" tanong ng isang lalaki sa likod ko habang hinawakan ang braso ko.

"No-no tha-thanks." Aalisin ko na sana ang kamay niya pero napahinto ako nang humarap siya.

"I me-mean, ye-yes, I need help," nakangiti ko nang sagot.

Tatayo sana ako nang maayos pero biglang napasubsob ako. Napasubsob ako sa kaniya, sa dibdib ng isang seksi at pogi na lalaki.

"I need your help. I want you to make me happy tonight," sabi ko. Yumakap ako sa kaniya at tinitigan ang mukha niya.

Kamukha niya ang crush ko noong high school, ang kaisa-isang lalaki na nagustuhan ko noong teenager pa ako.

Kaugnay na kabanata

  • The CEO I Once Had a Crush On   Chapter 2

    "Take it easy, saglit lang 'tong biyahe natin."Hindi ako sumagot. Naglalaro ang mga daliri ko sa laylayan ng kanyang damit habang magkatabi kami sa kotse."Dito na natin gawin," bulong ko, pilit ko siyang inaabot kahit nahihilo ako sa kalasingan.Nang magdikit ang aming mga labi, biglang niya tinigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada, at sa halip na ipagpatuloy ang halik, marahan niyang tinulak ang mukha ko palayo."Stop. You're not a good kisser," saad niya, diretsahang tumingin sa akin pero ako ay napanguso na parang isang bata.Grabe naman! "Kaya pala ayaw mo. Sige, ibaba mo na lang ako. Hahanap na lang ako ng iba," sagot ko.Oo na, hindi ako marunong humalik. Kasalanan ko bang baguhan pa lang ako sa ganitong bagay? Hindi naman ako katulad nila Jillian na expert, e."No, yeah, kissing isn’t your strong suit," ulit niya, pero bago pa man ako makareklamo, ay agad niya itong sinundan, "But I still want us to do it at my condo."Ayun naman pala e, pero baki kasi... "E bakit naman kas

    Huling Na-update : 2025-01-27
  • The CEO I Once Had a Crush On   Chapter 3

    "Aray...""Sorry, I'll be gentle.""Hindi, o-okay na. Fa-faster... mas masarap."Bigla akong napamulat at napaupo sa kama, napatakip pa ako sa aking bibig. Pilit kong binaba ang tingin sa sarili ko. Wala akong suot. Kumot lang ang nakabalot sa katawan ko.Anong ginawa ko? At talagang ayon pa ang mga pinagsasabi ko? Napahawak ako sa noo at huminga nang malalim. "Ang galing... Talagang nag-enjoy ako kagabi, tulad nang gusto kong mangyari," bulong ko sa sarili at napangiti ng bahagya. Tumingin ako sa paligid, inisa-isa ang silid na hindi ko naman pagmamay-ari. Tahimik. Pero naririnig ko ang ingay ng tubig galing sa banyo. Naliligo siya.Ang lalaking nakauna sa akin.Tumayo ako, medyo nanginginig pa dahil sa lamig, at tinungo ko ang lamesa malapit sa TV kung saan nakalagay ang gamit kong panty, bra, fitted black dress at aking maliit na bag. Sinimulan ko nang damputin ang mga damit ko para isuot, pero natigilan ako nang makita ang isang litrato sa ibabaw ng mesa.Hindi puwede 'to.....

    Huling Na-update : 2025-01-28
  • The CEO I Once Had a Crush On   Chapter 4

    "Tita Chai..." Mahina ang boses niya, pero ramdam ko ang saya niya sa pagdating ko.Lumapit ako at niyakap siya nang mahigpit. "Shaina... Sorry, ngayon lang ako dumating."Naramdaman ko ang luha kong dumaloy, pero pinilit kong ngumiti para hindi niya mahalata. Kailangan niyang makita na malakas ako para sa kanya."Na-miss po kita," nakangiti niyang sabi."Sorry, naging busy si Tita. Anong masakit sa'yo?" tanong ko, ngunit iniling niya lamang ako."Wala po, 'wag kang mag-alala, Tita. Gagaling po agad ako." Nginitian ko siya at niyakap ko siya habang nakahiga siya. May tumulong luha sa mata ko kaya pasimple ko itong pinunasan."Chai..." Tawag ni Ate Jane na basag ang boses. "Andiyan na ang doktor. Sasabihin niya ang kailangang gawin."Nilingon ko ang doktor na kakapasok lang sa kwarto. Mabilis akong tumayo at sinabi ko na sa labas na lamang kaming mag-usap tatlo. Ayokong marinig ni Shaina ang sasabihin ng doktor."Mrs. Panganiban," sabi niya kay Ate Jane, "Kailangan nating simulan agad

    Huling Na-update : 2025-01-29
  • The CEO I Once Had a Crush On   Chapter 5

    "Hindi na ako nagtaka kung bakit ikaw ang napili ni Boss," matapos niyang pindutin ang numero 7 sa elevator ay umiiling siyang tumingin sa akin mula paa hanggang sa aking ulo. "Bakit po?" "Wala, pero kailan ka pa nag-apply?" tanong niya. Buti na lamang ay nakasabay ko siya papasok dito. Narinig niya kasi na hinahanap ko ang office ng CEO, buti isinabay niya ako, since parehas lang din daw ang floor kung saan ang table niya. "Kahapon lang po ako nagbigay ng resume." Nagsalubong ang kaniyang kilay at tinignan muli ako. "Na-interview ka ba?" "Hindi po." "Ay, so hindi ka niya nakita ng personal?" Umiling naman ako sa kaniya. "Bakit naman kaya?" Parang gulat na gulat niyang tanong. "Anong natapos mo kurso or anong maipagmamalaki mo?" "Ah, cumlaude po at natapos ko ang business management, wala na po akong ibang na-achieve, bukod doon." sagot ko at napayuko. "Cumlaude? Kaya... siguro dahil doon, hindi dahil sa nakita niya ang physical mong itsura." "Po?" "Ay, hindi ka nag-backgrou

    Huling Na-update : 2025-01-29
  • The CEO I Once Had a Crush On   Chapter 6

    "Uh—" "Hmm, maybe I didn’t make you happy that night," sabi niya habang nakatitig pa rin sa akin nang walang emosyon. Hindi ko akalain na sa maraming taon na lumipas ay muli ko siyang makikita. Mas lalo siyang gumwapo, lalo na ang katawan niya, mas naging lalaking-lalaki. Hindi ako makapaniwala na nagagawa ko muli siyang titigan. At lalong… totoo ba talaga na sa kanya ko unang isinuko ang pagkababae ko? Sa ganito kagwapong lalaki? Kay Kendrick, na palihim kong kinababaliwan noon? Hin— "Hey! Ms. Espejo!" "Uh! Sir!?" sagot ko bigla at napataas pa ang balikat ko dahil sa gulat nang marinig ang pagtaas ng kanyang boses. "Sabi ko, sundin mo na ang inuutos ko—Wait? Uh? Oh, are you thinking about that night? I guess I really did make you happy, didn’t I?" sabi niya, sabay itapat ng dulo ng kanyang ballpen sa kanyang pisngi na para bang nag-iisip. "Po? Si-sige po, lalabas na po ako." Pag-iiba ko ng usapan at dali-dali akong lumabas ng opisina. Narinig ko pang may sinasabi siya, per

    Huling Na-update : 2025-02-07
  • The CEO I Once Had a Crush On   Chapter 7

    "Bye, Ms. Chai. Ayaw mo talagang sumabay?" tanong ni Kaina, pero inilingan ko lang siya."Mag-taxi na lang ako, may dadaanan rin kasi ako."Wala naman talaga akong dadaanan. Nakakahiya lang kung sasabay ako—baka maging abala pa ako. Halos lahat ng employees dito, sinasabihan akong sumabay na lang sa kotse nila o kaya sa commute. Halos lahat sila, parang ang babait sa akin. Hindi ko lang alam kung totoo.Ayoko ring mapalapit kahit kanino sa kanila, kaya hangga't maaari, lumalayo ako kahit na ang friendly nilang lahat."Sige, ingat ka," sabi niya bago pinaandar ang sasakyan niya.Nasa harap ako ng building ng company, halos naiinip na rin dahil wala pang dumadaang taxi. Maglalakad na sana ako para maghanap ng masasakyan, pero natigil ako nang may humintong itim na sasakyan sa harapan ko."Get in," sabi niya habang binababa ang windshield."Hindi na po," sagot ko agad."Get in," ulit niya."Hindi na po, may dadaanan po ako.""Ihahatid kita kung saan man 'yon."Ang kulit naman nito. Guman

    Huling Na-update : 2025-02-08
  • The CEO I Once Had a Crush On   Chapter 8

    ("Chai, nandirito 'uli kami sa ospital. Nilagnat kasi ng mataas 'uli si Shaina.")Natigil ako sa aking pag-aayos para pumasok sa trabaho dahil sa sinabi ni Ate."Anong sabi ng doktor, Ate?"("Baka daw side effect ng chemotherapy niya. Pero kailangan daw masigurado na hindi dahil sa impeksyon, kaya imo-monitor nila ang temperature ni Shaina. Nabigyan na rin siya ng gamot. Kailangan rin niyang i-blood test ulit.")"Pupunta ako, Ate."Muli akong nagpalit ng damit, nagsuot ng jeans at oversized shirt. Dumiretso na agad ako papunta sa ospital kung nasaan ang pamangkin ko.Pagkarating ko, nakita kong umiiyak si Shaina habang kausap si Ate Jane. Ngunit agad niyang pinunasan ang kaniyang luha nang makita niya ako."Tita Chai," nakangiti niyang sabi, ngunit kita ko kung gaano siya kalungkot dahil sa kaniyang kalagayan. "Hindi ka naman po malungkot, 'di ba po?" tanong niya nang makalapit ako sa kaniya."Hindi, Shaina. Nandito ako kasi na-miss kita," sabi ko at hinawakan ang kaniyang kamay.Alam

    Huling Na-update : 2025-02-09
  • The CEO I Once Had a Crush On   Chapter 9

    "Thanks," sabi niya at bumalik sa kaniyang table."'Yung ano ko po, uhmm... 'yung panty ko po.""May pawis ko na 'to. Ipapalaba ko na lang muna." Inamoy niya pa ito bago inilagay sa kaniyang bulsa.Hay, naku po!"Okay lang, Sir. Ako na po.""You're late, right? Instead of arguing, just get to work." Hindi na ako nakapagsalita pa dahil sa kaniyang sinabi. Napatingin pa ako sa panyo na pinamunas ko sa kaniya kanina.Ibigay ko rin ba 'to sa kaniya? Ay, huwag na lang. Itago ko na lang, remembrance din 'tong pawis niya since siya naman ang crush ko noong high school.Itinuon ko na lang ang aking atensyon sa aking trabaho. Binuksan ko ang laptop at inasikaso ang mga email ng mga clients. Buti na lang at medyo gamay ko na, kasi bago ako umuwi kagabi, nagpaturo ako kay Trina sa mga dapat kong gawin."Anyway, bakit may panty ka sa bag mo?" bigla niyang tanong, dahilan upang mapatingin ako bigla sa kaniya. Ngayon ay nakatingin na rin siya sa akin. "I'm just curious," dagdag niya pa at nagkibi

    Huling Na-update : 2025-02-10

Pinakabagong kabanata

  • The CEO I Once Had a Crush On   Chapter 19

    "Ken," tawag ko sa kanya habang pinunasan ang pisngi kong basang-basa ng luha. Nilingon niya ako at bahagyang ngumiti.Nasa sala kami ngayon ng aking condo, nakaupo sa dining chair. Magaan pa rin niyang hinahawakan ang aking pulso."Thank you," sabi ko nang mahina. Pinunasan niya rin ang aking pisngi at panandaliang iniwan ang kanyang palad doon, ngayon ay natigil na rin ako sa pagluha."If you ever feel like you're not okay, can you please tell me?" tanong niya dahilan upang hindi ako makapagsalita. Ilang saglit pa, tinanggal na niya ang kanyang kamay sa aking pisngi at binitawan ang pulso ko. "Am I the reason you're crying?" muli niyang tanong, dahilan para mapailing ako."Ako ang dahilan, sarili ko lang," sagot ko nang nakayuko."That's exactly why you feel this way, because you keep blaming yourself," sagot niya, dahilan para mapakagat ako sa aking pang-ibabang labi."You are never wrong if your intentions and actions come from a good place, especially if it's for yourself." Iniha

  • The CEO I Once Had a Crush On   Chapter 18

    "I really like you, Chaira," muli niyang sabi dahilan para maramdaman ko na ang pagbilis ng tibok ng puso ko. "I want to be your man. I want to protect you, just like he protects his girl." Sabi nito at napatingin sa t.v. na pinapanood namin, nakita ko sa screen ang pagprotekta ni Hyung Sik sa partner niya sa mga zombies.Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniyang sinabi sa akin, kaya pilit na lamang akong napatawa ng mahina."'Wag kang mag-alala, hindi naman magkaka-zombie, hindi mo ako kailangan protektahan." Natatawa ko pang sabi."I'm serious, Chaira Espejo," sabi niya dahilan para matigil ako sa aking pagtawa. "I like you, and you don't have any idea how deep my feelings are.""Matulog na kaya tayo," sabi ko, at tatayo na sana ako, pero hinawakan niya ang kamay ko.Bakit biglang ganito? Akala ko ba chill? Parang stress na 'to sa akin e."I'm not done. Can you listen to me first? Please?" sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko, at ang mga mata niya parang mapungay, napakaganda

  • The CEO I Once Had a Crush On   Chapter 17

    "Sorry, nakaistorbo ba ako, lalabas na lang 'uli ako.""We're done talking," sabi ni Ken sa akin dahilan para matigil ako sa paglabas ng office. "And you can leave now, Trina," sabi naman ni Ken kay Trina na salubong ang kilay na nakatingin sa akin.Iniwas na niya ang tingin sa akin, nilagpasan niya lamang ako at nagpatuloy na sa paglabas ng office.Hindi niya man lang ako binigyan ng tingin at ngiti na palagi niyang ginagawa kapag alam niyang nasa paligid ako, hanggang ngayon hindi ko pa rin mawari kung ano bang nagawa ko at biglang parang galit sa akin si Trina."How was it?" tanong ni Ken dahilan para mabalik ako sa wisyo."Umalis na po ang media, at nakausap ko ang isa sa kanila na gusto po nila mag-set tayo ng date kung kailan ka puwede mag-interview," sabi ko at umupo na sa table ko. Sinimulang tignan rin ang mga papers na nasa lamesa ako."Is it a one-on-one interview?""Yes, sir. But I already told them there was no need to schedule one since you don’t do interviews now. Sigur

  • The CEO I Once Had a Crush On   Chapter 16

    "Wait!" biglang sabi ni Kaina at tumayo, dahilan upang mapatingin kaming lahat sa kanya. "Gusto ko lang sabihin na sobrang proud ako sa team natin. Alam nating lahat kung gaano kahirap pero fulfilling ang journey na ‘to. Congrats sa atin!" sabi niya, dahilan upang mapangiti kaming lahat.Nandirito kami ngayon sa isang VIP room sa isang restaurant para sa isang Quick Toast & Casual Dinner, at magkakasama kaming lahat na team."Congrats, team! Ngayong gabi, mag-celebrate muna tayo dahil naging maayos ang project launch natin kanina, agaw-pansin tayo sa lahat at sa buong mundo. Bukas, mag-focus na 'uli tayo sa outcome, pero ngayon, celebrate muna tayo. Congrats! Cheers pa—" Natigil si Trina sa pagtaas ng baso niyang may lamang sparkling wine nang biglang nagsalita si Kaina."Saglit, Ms. Trina!" sabi ni Kaina. "Sila Ms. Chaira at Boss Ken naman, wala po ba kayong masasabi?" tanong niya sa amin, dahilan upang mapatingin ako kay Ken, na nakita kong seryoso naman na nakatingin sa akin. "Ha?

  • The CEO I Once Had a Crush On   Chapter 15

    ("Kumain ka na?")"Ken? Kakahatid mo lang sa akin, 'di ba?" sabi ko, hindi naiwasang matawa ng kaunti, at ibinaba ko ang aking bag sa lamesa.("Mali, dapat pala. Make sure you eat, okay? Don’t skip meals.")"Okay, babaan na kita ng linya, mag-focus ka sa pagda-drive," sabi ko at agad ko siyang binabaan ng linya. Hindi ko na hinintay pa ang kaniyang sasabihin. Umiiling ako habang may kinukuha sa aking bag.Nang makuha ko ang underwear ko, naalala ko na naman ang pag-abot niya nito sa akin habang ako ay umiiyak sa balikat niya. At saka ko lang narealize, ngayon niya lang talaga binalik ito sa akin, ilang buwan na ang dumaan."Naku naman! Ba't ka tumawa, Chaira?" sabi ko at napasapo sa aking mukha nang mapansin kong tumawa ako dahil naalala ko iyon. "'Wag mong sabihin.... Naku naman! May gusto ka ba ulit sa kaniya?!" hindi ko makapaniwalang tanong sa aking sarili. "Grabe! Talaga ba, Chaira?!"Bigla akong napahiga sa aking kama habang iniisip kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Nagugu

  • The CEO I Once Had a Crush On   Chapter 14

    "Ayoko po," sagot ko agad, dahilan upang mapakrus siya ng kaniyang mga braso."Pasensiya na po, pero hindi ko po ugali ang magsinungaling. Sasabihin ko po sa kaniya na sinabi ko ang totoo sa inyo, at maghanap na lang po kayo ng ibang babae para magpanggap," sabi ko, at narinig ko ang biglang pagtawa niya."Earlier, you even asked for ten million, and now you're turning it down?""Yes po, kasi hindi ko akalain na kaya ninyong gawin iyon sa anak ninyo. Kung totoong girlfriend ako ng anak ninyo at mahal ako, kawawa naman pala si Sir Ken kung ganoon," sabi ko, dahilan upang tawanan niya lamang muli ako.May sapak rin pala sa utak itong si Mr. Rosales. Mag-ama talaga sila. "And what's your name again?" nakangiti niyang tanong."Chaira Espejo," sagot ko at tumayo na. "Puwede na po akong bumalik sa trabaho?" tanong ko, at tinanguan naman niya ako.Hala ka! Saglit? Tinanong niya ang pangalan ko? Paano kung paimbestigahan niya ako? Tapos gantihan niya ang pamilya ko dahil sa pagsagot ko sa ka

  • The CEO I Once Had a Crush On   Chapter 13

    "Teka lang, Ms. Chai, dito ka muna. Kahit mga 10 minutes lang," pigil sa akin ni Kaina sa paglalakad nang makarating ako sa 7th floor. Halos lahat ng atensyon ng employees dito ay nasa gawing dulo kung nasaan ang office namin ni Ken."Bakit?""Nandyan kasi si Mr. Rosales sa loob ng office niyo," sabi niya, dahilan upang magtaka ako."Ang former CEO, daddy ni Sir Ken? Nandyan na rin agad si Sir Ken?" 7:50 pa lang, sakto lagi siyang dumarating ng 8."Oo, nag-uusap sila. Kakadala ko lang ng kape sa kanila kanina. Mukhang parehas mainit ang ulo ng mag-ama, kaya dito ka lang muna."Napatango-tango naman ako habang inuulit-ulit sa isip ko ang sinabi niya.Bakit kaya? Wala rin akong balita kung anong klase silang mag-ama, close ba sila o hindi? Siguro hindi? Kaya mainit ang ulo nilang dalawa ngayon?"Bakit mainit ang ulo nila?" bigla kong tanong, dahilan upang ang ibang employees rin ay mapatingin kay Kaina na animoy naghihintay din sa sagot."Parang ano… hinahanapan ata ni Mr. Rosales si Bo

  • The CEO I Once Had a Crush On   Chapter 12

    "What do you think you're doing, Chaira Espejo?" Salubong ang kanyang kilay nang paghiwalayin niya ang aming mga labi. "He touched you here." Hawak niya na ngayon ang magkabilang bewang ko. Napalalim ang paghinga ko dahil doon. "Mas lalong nag-init ang ulo ko, Chaira. I've never seen you with a man before. And now, are you really doing this? Dancing with another guy and letting him touch you?""Hindi ako ganoon. Pero... bewang lang naman 'yon."Ba't ba siya nagagalit? Eh siya nga, kung saan-saan na ako hinawakan!"Exactly. It was just your waist, yet it still made my blood boil," bulong niya. Hawak pa rin niya ako, at kita sa mukha niya na para bang naguguluhan rin siya. "Because of your answer, no one else is allowed to touch you here, except me."Piniga niya ang bewang ko. Hindi ko alam kung bakit, pero imbes na makaramdam ako ng sakit, parang bigla akong nag-init."Especially here."Naramdaman ko ang dahan-dahang pagbaba ng kamay niya patungo sa botones ng jeans ko. Tinanggal niya

  • The CEO I Once Had a Crush On   Chapter 11

    "Upo ka na, dito ka na lang sa tabi ko," sabi ni Eloisa. Umupo na siya sa bandang harap ko, ngunit ang tingin niya ay nasa akin pa rin. "Naalala mo pa pala ako?" tanong pa ni Eloisa. "Of course, we've been classmates for three years," sagot niya habang nakatitig pa rin sa akin.Sa akin ba talaga siya nakatingin?Sinubukan kong tingnan ang likod ko, ngunit wala namang tao sa katabing pwesto namin dahil nasa dance floor sila.Siguro nakatitig siya, kasi galit siya kasi tumuloy ako sa club? Kaya ko namang pumasok bukas kahit magpakalasing ako ngayon."E ako, naalala mo?" tanong naman ni Jilian na nakangiti, dahilan para tumango si Ken.Naalala niya sila Jilian? Tapos ako hindi? Buti naman."Ako naman, Ken?" sabat pa ng isa naming kaibigan bago humagikgik nang muling tumango si Ken at tumingin sa kanya.Sa wakas, iniwas na niya ang tingin sa akin. Parang sinasakal niya kasi ako sa titig niya, ang hirap huminga, lalo na kapag isang gwapong lalaki kagaya niya ang tumititig."I remember al

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status