author-banner
Eijeleichaaaa
Eijeleichaaaa
Author

Nobela ni Eijeleichaaaa

The CEO I Once Had a Crush On

The CEO I Once Had a Crush On

Si Chaira ay maganda, mabait, at matalino, ngunit likas siyang mailap, lalo na sa mga lalaki. Bagama’t nakapagtapos ng Business Management, pinili niyang manatili sa kanyang condo bilang online seller at freelance editor para sa mga social media vloggers. Sa kabila ng simpleng pamumuhay, sapat ang kita niya upang matulungan ang kanyang dalawang ate. Isang gabi, sumama siya sa club sa pilit ng mga kaibigan. Sa kalasingan, hindi niya inaasahang mawawala ang kanyang virginity sa isang one-night stand, at ang lalaking ito ay ang kanyang crush noong high school. Sa gulat at hiya, iniwan niya ito nang walang paalam. Dahil sa pangangailangan ng pera para sa kanyang may sakit na pamangkin, napilitan siyang mag-aplay sa isang trabaho. Hindi niya inakalang ang CEO ng kumpanya ay ang lalaking kumuha ng kanyang virginity at ang crush niya noong high school. Paano niya haharapin ang mapang-akit na kaniyang boss? Paano niya pipigilan ang pusong umibig, takot na masaktan at muling maranasan ang pag-iisa? Kakayanin niya bang manatili sa trabaho para sa kapakanan ng kaniyang pamilya?
Basahin
Chapter: Chapter 19
"Ken," tawag ko sa kanya habang pinunasan ang pisngi kong basang-basa ng luha. Nilingon niya ako at bahagyang ngumiti.Nasa sala kami ngayon ng aking condo, nakaupo sa dining chair. Magaan pa rin niyang hinahawakan ang aking pulso."Thank you," sabi ko nang mahina. Pinunasan niya rin ang aking pisngi at panandaliang iniwan ang kanyang palad doon, ngayon ay natigil na rin ako sa pagluha."If you ever feel like you're not okay, can you please tell me?" tanong niya dahilan upang hindi ako makapagsalita. Ilang saglit pa, tinanggal na niya ang kanyang kamay sa aking pisngi at binitawan ang pulso ko. "Am I the reason you're crying?" muli niyang tanong, dahilan para mapailing ako."Ako ang dahilan, sarili ko lang," sagot ko nang nakayuko."That's exactly why you feel this way, because you keep blaming yourself," sagot niya, dahilan para mapakagat ako sa aking pang-ibabang labi."You are never wrong if your intentions and actions come from a good place, especially if it's for yourself." Iniha
Huling Na-update: 2025-03-01
Chapter: Chapter 18
"I really like you, Chaira," muli niyang sabi dahilan para maramdaman ko na ang pagbilis ng tibok ng puso ko. "I want to be your man. I want to protect you, just like he protects his girl." Sabi nito at napatingin sa t.v. na pinapanood namin, nakita ko sa screen ang pagprotekta ni Hyung Sik sa partner niya sa mga zombies.Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniyang sinabi sa akin, kaya pilit na lamang akong napatawa ng mahina."'Wag kang mag-alala, hindi naman magkaka-zombie, hindi mo ako kailangan protektahan." Natatawa ko pang sabi."I'm serious, Chaira Espejo," sabi niya dahilan para matigil ako sa aking pagtawa. "I like you, and you don't have any idea how deep my feelings are.""Matulog na kaya tayo," sabi ko, at tatayo na sana ako, pero hinawakan niya ang kamay ko.Bakit biglang ganito? Akala ko ba chill? Parang stress na 'to sa akin e."I'm not done. Can you listen to me first? Please?" sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko, at ang mga mata niya parang mapungay, napakaganda
Huling Na-update: 2025-02-27
Chapter: Chapter 17
"Sorry, nakaistorbo ba ako, lalabas na lang 'uli ako.""We're done talking," sabi ni Ken sa akin dahilan para matigil ako sa paglabas ng office. "And you can leave now, Trina," sabi naman ni Ken kay Trina na salubong ang kilay na nakatingin sa akin.Iniwas na niya ang tingin sa akin, nilagpasan niya lamang ako at nagpatuloy na sa paglabas ng office.Hindi niya man lang ako binigyan ng tingin at ngiti na palagi niyang ginagawa kapag alam niyang nasa paligid ako, hanggang ngayon hindi ko pa rin mawari kung ano bang nagawa ko at biglang parang galit sa akin si Trina."How was it?" tanong ni Ken dahilan para mabalik ako sa wisyo."Umalis na po ang media, at nakausap ko ang isa sa kanila na gusto po nila mag-set tayo ng date kung kailan ka puwede mag-interview," sabi ko at umupo na sa table ko. Sinimulang tignan rin ang mga papers na nasa lamesa ako."Is it a one-on-one interview?""Yes, sir. But I already told them there was no need to schedule one since you don’t do interviews now. Sigur
Huling Na-update: 2025-02-26
Chapter: Chapter 16
"Wait!" biglang sabi ni Kaina at tumayo, dahilan upang mapatingin kaming lahat sa kanya. "Gusto ko lang sabihin na sobrang proud ako sa team natin. Alam nating lahat kung gaano kahirap pero fulfilling ang journey na ‘to. Congrats sa atin!" sabi niya, dahilan upang mapangiti kaming lahat.Nandirito kami ngayon sa isang VIP room sa isang restaurant para sa isang Quick Toast & Casual Dinner, at magkakasama kaming lahat na team."Congrats, team! Ngayong gabi, mag-celebrate muna tayo dahil naging maayos ang project launch natin kanina, agaw-pansin tayo sa lahat at sa buong mundo. Bukas, mag-focus na 'uli tayo sa outcome, pero ngayon, celebrate muna tayo. Congrats! Cheers pa—" Natigil si Trina sa pagtaas ng baso niyang may lamang sparkling wine nang biglang nagsalita si Kaina."Saglit, Ms. Trina!" sabi ni Kaina. "Sila Ms. Chaira at Boss Ken naman, wala po ba kayong masasabi?" tanong niya sa amin, dahilan upang mapatingin ako kay Ken, na nakita kong seryoso naman na nakatingin sa akin. "Ha?
Huling Na-update: 2025-02-22
Chapter: Chapter 15
("Kumain ka na?")"Ken? Kakahatid mo lang sa akin, 'di ba?" sabi ko, hindi naiwasang matawa ng kaunti, at ibinaba ko ang aking bag sa lamesa.("Mali, dapat pala. Make sure you eat, okay? Don’t skip meals.")"Okay, babaan na kita ng linya, mag-focus ka sa pagda-drive," sabi ko at agad ko siyang binabaan ng linya. Hindi ko na hinintay pa ang kaniyang sasabihin. Umiiling ako habang may kinukuha sa aking bag.Nang makuha ko ang underwear ko, naalala ko na naman ang pag-abot niya nito sa akin habang ako ay umiiyak sa balikat niya. At saka ko lang narealize, ngayon niya lang talaga binalik ito sa akin, ilang buwan na ang dumaan."Naku naman! Ba't ka tumawa, Chaira?" sabi ko at napasapo sa aking mukha nang mapansin kong tumawa ako dahil naalala ko iyon. "'Wag mong sabihin.... Naku naman! May gusto ka ba ulit sa kaniya?!" hindi ko makapaniwalang tanong sa aking sarili. "Grabe! Talaga ba, Chaira?!"Bigla akong napahiga sa aking kama habang iniisip kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Nagugu
Huling Na-update: 2025-02-18
Chapter: Chapter 14
"Ayoko po," sagot ko agad, dahilan upang mapakrus siya ng kaniyang mga braso."Pasensiya na po, pero hindi ko po ugali ang magsinungaling. Sasabihin ko po sa kaniya na sinabi ko ang totoo sa inyo, at maghanap na lang po kayo ng ibang babae para magpanggap," sabi ko, at narinig ko ang biglang pagtawa niya."Earlier, you even asked for ten million, and now you're turning it down?""Yes po, kasi hindi ko akalain na kaya ninyong gawin iyon sa anak ninyo. Kung totoong girlfriend ako ng anak ninyo at mahal ako, kawawa naman pala si Sir Ken kung ganoon," sabi ko, dahilan upang tawanan niya lamang muli ako.May sapak rin pala sa utak itong si Mr. Rosales. Mag-ama talaga sila. "And what's your name again?" nakangiti niyang tanong."Chaira Espejo," sagot ko at tumayo na. "Puwede na po akong bumalik sa trabaho?" tanong ko, at tinanguan naman niya ako.Hala ka! Saglit? Tinanong niya ang pangalan ko? Paano kung paimbestigahan niya ako? Tapos gantihan niya ang pamilya ko dahil sa pagsagot ko sa ka
Huling Na-update: 2025-02-17
Maaari mong magustuhan
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status