Share

The Black Cat's Bride
The Black Cat's Bride
Author: stoutnovelist

Prologue

Pilipinas 1942

Palitan ang putok ng mga baril sa isang lungsod ng bansang Pilipinas. Naglalaban ang mga Pilipino at ang dayuhan.

Pinaglalaban ng mga Pilipino ang bansang Pilipinas mula sa pagsakop ng dayuhan. 

Maraming nagkalat na mga bangkay sa daanan, sa buong paligid. Naghalo ang malansang dugo sa hangin, ang nasusunog na buhay na balat ng mga tao, at ang amoy ng pulbura galing sa mga gamit ng iba’t ibang klase ng baril. 

Nagkalansingan ang mga itak at espada sa pagitan ng dalawang lahi. Nakisabay ang palahaw at sigaw ng mga Pilipinong namatayan ng mga mahal sa buhay; iyak ng galit at pighati sa buong pangyayari. 

Sa isang nasusunog na bahay-kubo, maririnig ang pagtangis ng isang batang babae na nasa edad sampu.

Nakatago sa isang haliging nilamon na ng apoy. Sigaw ito nang sigaw sa kanyang ama at ina at kapatid. Ngunit hindi na ang mga ito makasaklolo sa kanya, sa malungkot na dahilan nilamon na ng apoy. 

Isang lalaki ang bigla na lamang lumitaw sa harapan ng batang babae. Nakasuot ng itim na cloak ang suot nito, may maskarang itim na hugis ulo ng isang pusa, itim at dilaw ang mga mababangis nitong mata, mataas ang pagkatitindig, at mahaba ang magulo nitong buhok hanggang ibabaw ng balikat. 

Yumuko siya sa harap ng batang babae na natigil na sa pag-iyak, sa pagtitig sa kanya ng mataman. 

Hindi alam ng batang babae ang gagawin sa mga oras na ‘yon. Ngunit habang nakatitig sa mata ng lalaking nakayuko sa kanyang harapan, waring nawala ang pangamba at takot sa kanyang puso. Pakiramdam niya’y magiging ligtas na siya sa pagkakataong ‘yon. 

“T-tulungan niyo po ako. W-wala po si inay at itay. D-dalhin niyo po ako sa kanila,” nanghihinang pakiusap niya sa lalaking may matalas na mga matang tulad sa isang pusa. “Ang pusa ko po nawawala. T-tulungan niyo po akong hanapin siya.”

Inilahad ng lalaki ang kanyang kamay sa batang babae. Naiintindihan niya kung ano ang nararamdaman ng bata, at handa siyang tulungan ito bilang katumbas sa pagtulong nito sa kanya noon. 

Napatingin ang batang babae sa nakalahad na kamay, walang pagdadalawang-isip na tinanggap niya yon. Agad siyang kinarga sa bisig ng lalaki at lumabas sa bahay-kubo.

Tuluyan nang nilamon ‘yon ng apoy. 

Nanahimik ang batang babae, habang nakatingin sa buong paligid. Hindi niya maintindihan kung maawa ba siya sa mga nakahandusay at wala nang buhay, o ang matakot sa kadahilanang tuluyan na silang natalo ng mga dayuhan. 

Tumingala siya sa mukha ng lalaking karga siya. May mga mata itong tulad sa kanyang pusang si Salem. Hindi niya nahanap ang kanyang pusa kanina dahil sa biglaang pagsalakay ng mga dayuhan, paalis na sana sila nang sunugin ng mga dayuhan ang buong bahay-kubo na naroroon. 

Napilitan ang mga nakatirang lumaban at makipagpatayan sa mga walang awang sinugod sila. Ayaw man niyang tanggapin, pero kitang-kita ng kanyang dalawang mata ang pagkamatay ng kanyang ina, ama at kapatid. 

Nanlalabo ang paningin habang nakatanaw sa natupok nilang bahay. Tuluyang nawalan ng malay ang batang babae. 

Napatingin ang lalaki sa bata. Inalog-alog niya ito, nagbabakasakali may malay pa. Inilibot niya ang mga mata sa buong paligid at naghahanap ng tahimik na lugar. Tumungo siya sa isang parte ng gubat at inilapag ang batang babae sa damuhan sa gitna ng talahiban. 

Itinaas niya ang kamay sa ere at pumikit ng mariin para magkaroon siya ng konsentrasyon. May naramdaman siyang isang malakas na enerhiyang nagmumula sa loob ng kanyang katawan, papunta sa kanyang kamay. Nang ang enerhiyang ‘yon, naipon sa kanyang kanang kamay iminulat niya ang mga mata. 

May isang itim na usok ang lumabas doon at tumungo sa walang malay na batang babae. Pumasok ang itim na usok sa loob ng damit nito at nawala. 

“Darating ang araw, hahanapin kita at pakakasalan. Ikaw ang aking napili bilang maging aking asawa sa itinakdang panahon.”

Umilaw sa ibabaw ng dibdib ng babae ang isang marka; hugis kalahating buwan; na siyang palatandaan na siya ang pinili ng lalaki. Ngunit nabura din ‘yon matapos ang ilang sandali. 

“Lilitaw ulit ang marka, pagdating ng takdang panahon.”

Binuhat niya ang batang babae, at dinala niya ito sa kabilang parte ng lungsod. Iniwan sa isang bahay na siyang mag-aalaga at magpapalaki sa bata. 

Hindi niya pwedeng dalhin sa kanyang tahanan ang batang babae, at baka malaman ng kanyang mga kalaban at ito’y patayin. Mabuti ng ligtas ito at malayo sa kanya, hanggang sa dumating ang itinakdang araw. 

~**~

Philippines 2022

“Salem!” Isang malakas at matinis na boses ang pumuno sa isang magarang bahay. 

Umuusok ang ilong ng isang matandang babae na naglalakad papunta sa salas ng mansyon. Galing ito sa labas, at mukhang kararating lang at may isang hindi magandang pangyayari ang ibabalita kay Salem. 

Inilapag ni Salem ang isang tasa ng kape sa ibabaw ng mesa at hinarap ang kanyang itinuturing na ina. Sumalubong agad sa kanya ang nanlilisik nitong mga mata. 

“Ilang beses ko bang sinabi sa ‘yo na huwag mong ibibigay nang basta-basta ang beads mo sa kung sino-sino! May dalawa ka na lang natitira, kapag ibigay mo pa ‘yan, alam mo kung ano ang mangyayari!”

Tumayo siya mula sa pagkaka-upo at nilapitan ito. Hinawi niya ang ilang hibla ng kanyang buhok at inipit sa likod ng kanyang tainga.

 Ngumiti siya sa ginang at tinapik ito sa balikat. “Naiintindihan ko kung bakit kayo galit, Manang Sela. But I know what I am doing. I was looking for my bride. I took 80 years in this world to find her.”

“Matagal na siyang namatay, Salem. Ilan pa bang beads ang sasayangin mo para mahanap siya’t i-reincarnate muli? Nagkamali ka na ng pitong beses, lahat sila nagiging aso, ipis, o kaya naman sa isang matanda na madaling mamatay. Sa pagkakataong ‘to, sigurado ka na bang tama ka?” 

Hindi nakasagot si Salem sa pagkakataong ‘yon. Wala rin siyang alam, at hindi sigurado kung tama ba ang paghagis niya ng beads sa pagsagawa ng Hego.

Bumuntonghininga si Manang Sela sa hindi pagsagot sa kanya ni Salem. “Kailangan mong maging sigurado sa pagkakataong ‘to, Salem. At mahanap ang babae. Kung hindi, magiging hudyat iyon ng isang madugong digmaan sa mundo natin.”

Hinawakan ni Manang Sela si Salem sa kamay nito at pinisil ‘yon. Pagkaraan ng sandali, umalis na rin ito sa harap ni Salem at nagtungo na sa itaas ng bahay. 

Napahilot sa kanyang sentido si Salem, habang paulit-ulit na bumalik sa kanyang isip ang mga sinabi ni Manang Sela. He had only two beads left, if ever he is wrong again, kailangan na niyang maging handa sa kanyang totoong kamatayan. 

“Ikaw na lang ang inaasahan ko, my future bride. Wait for me, I will find you soon.”

**

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status