“Marami talagang mga kriminal sa mundo ng tao. Ang hirap nang ayusin ang mga gusot nila nang hindi na tayo maapektuhan,” komento ni Sela nang matapos panoorin ang balita sa malawak na telebisyon, sa mansion na tinitirhan kasama ang alaga niyang si Salem.
Oh, not, their mansion rather; a huge mansion where some of the good black cats live under the command of their guardian– Salem. Si Salem ang pumalit kay Manang Sela noong mag-retiro at matapos ang kanyang termino. She will left soon the world, after making sure that Salem will find his bride. Kapag mangyari ’yon, siguradong maging balanse muli ang dalawang angkan sa mundo ng mga pusa. Salem will took care all of the mess they left in the Black Cats’ world. Kapag nahanap ni Salem ang bride, makapasok muli sila sa mundong ‘yon at makababalik. Mapipigilan na rin nila ang masamang plano ni Aldi na nakatakda sa susunod na mga buwan. Pero kung hindi man mahanap agad ni Salem ang nakatakdang bride, it will be bring chaos to the human and black cats’ world. “Manang, what are you muttering there?” si Salem, nang pababa ito ng hagdan at nakabihis na ng black plain polo, na naka-tuck in sa black slack nito. Mas nangibabaw ang kayumanggi nitong kulay. Pinalugay na naman ng lalaki ang wavy nitong shoulder length na buhok. Kaya nag-uumapaw ang kakisigan at kagwapuhan ng lalaki, hindi niya tuloy masisi kung bakit ang ilang mga kababaihan sa mundo ng mga tao ay humahanga kay Salem. They are living in the world of human for almost 80 years; looking for the Black Cat’s Bride– Salem’s bride. Pero hanggang sa pagkakataong ‘yon wala pa rin silang mapapala. Dahil doon, na-adopt na nila ang pamumuhay ng mga tao. Nakapagpatayo ng sariling kumpanya si Salem, at mas mayaman pa sa mga business tycoon sa buong mundo. He was so rich black cat. “It’s a crime again. May binaril na mag-asawa sa kabilang bayan, mga Madeja,” sumbong niya rito. “Saan ka pupunta at nakabihis ka?” Napatawa nang bahagya si Salem, kahit kailan talaga hindi mawala-wala ang mataray na boses ni Manang Sela. Palaging pasan nito ang buong mundo kung magsalita. “I have work, Manang–”“Tulad ng sabi ko, huwag mo akong tawaging manang. Sela, tawagin mo lang akong Sela. Napanghahalataan akong matanda kapag dagdagan mo ng manang,” reklamo nito. Umukit ang munting ngiti sa mga labi ni Salem. “Okay, Sela.” Binalik niya ang sinabi ni Sela kanina tungkol sa mga Madeja. “I wasn’t mistaken right? I heard Madeja’s family?”“Yes, my dear. Kilala mo ba sila? Mukha kasing familiar ang family name sa ‘kin.”“They are one of my supporter, Sela. I am one of their investors too. Pero nang mag-retired ang mag-asawa last year at ang pumalit na kanilang manugang, I pulled out.”Nakasalubong ang dalawang-kilay ni Sela sa narinig mula sa kanilang leader. Kahit wala naman siyang alam sa mga sinasabi nito, na-curious siya bigla. “Bakit? May dahilan ba kung bakit ka nag-pulled out ng shares sa kanila?”“I sense bad aura from it. Baka hindi ako swertehin sa negosyo,” kibit-balikat na sagot ni Salem kay Sela. “Please, prepare my things ahead, Sela. I will search for my bride later in the evening.”Pumapalakpak si Sela saka sunud-sunod na tumango. “Okay, my dear.”Napailing na lamang si Salem bago tuluyang lumabas ng mansion, at sumakay sa magara niyang sasakyan na Ferrari 458 Italia. As of the moment, he need to focused on his work. Saka na muna niya isipin ang iba pang bagay.~**~Umaga pa lamang nagising na si Hadassa, para maabutan niya si Gustavus. Pero mukhang mailap ang kanyang asawa at hindi na niya naabutan nang umagang ‘yon. Nakasuot siya ng itim na t-shirt at short, bilang pagluluksa sa pagkamatay ng kanyang mga magulang. Naabutan niya si Manang Silya sa kusina na nagtitimpla ng kape para sa kanya. “Manang, naabutan niyo po ba si Gustavus?” tanong niya. Hinila niya ang upuan saka naupo roon. Naglagay siya ng kanin sa kanyang playo at ng dalawang hotdog. “Sabayan nyo na po ako, manang. Tawagin niyo po sina Lora.”“Naku, mukhang hindi yata nakauwi kagabi si Sir,” sagot ni Manang Silya, sabay lagay nito ng sopas sa ibabaw ng mesa. “Sandali lang, ma’am. Tawagin ko lang sina Lora.”Tumango si Hadassa bilang sagot kay Manang Silya. Hindi niya maiwasan ang mapa-isip nang malalim tungkol sa asawa. Sa pagkakaalala niya, natawagan pa niya kagabi si Gustavus. Sabi ng lalaki uuwi ito kapag matapos ang mga ginagawa sa opisina. Tapos sabi naman ni Manang Silya bago lang hindi ito nakauwi?Kailangan niya itong puntahan sa opisina, baka roon na nakatulog si Gustavus. Napabuntonghininga na lamang siya. Sumabay nga sa kanya sina Manang Silya nang agahan. Pagkatapos ay agad siyang nagpaalam sa mga ito para umalis. Binilin na rin niya ang bahay at mag-iingat ito sa mga hindi kilala na pupunta kung saki sa kanila. Mabuti na ‘yong mag-ingat sila, matapos ang nangyari. Mahirap na at baka mamaya may aksidente na namang mangyari. Hindi pa nasisikmura ni Hadassa ang lahat, ayaw pa niyang madagdagan ‘yon, at sana wala nang dadagdag. Baka kapag may dumagdag hindi na niya kayanin ang mga isipin. Mababaliw na siya kapag somobra, lalo na’t mahina siya sa mga emosyonal na bagay. Bumihis na muna siya bago umalis ng bahay. Noong mga nakaraang araw pa siya hindi mapakali tungkol sa mga nangyari kay Gustavus. Ilang araw na rin silang hindi nagkikita, kaya nakapagtataka na hindi nakauwi ng bahay ang asawa niya kagabi. Hindi malaman ni Hadassa kung ano ang magiging dahilan kung bakit ganoon ang asawa. Mabilis na nakarating si Hadassa sa Madeja Corp. Building. Lakad-takbo ang ginawa niya papasok ng building, at tumungo agad ng elevator. Pinindot ang floor kung saan ang opisina ni Gustavus. Tinatawagan niya rin ang numero nito pero walang sumasagot. Panay ang tap niya ng kanyang paa sa sahig habang hinihintay ang bawat segundo na lumipas. Hindi alam ni Hadassa kung bakit kinakabahan siya nang ganoon. Nagdadasal na rin siya nang mahina sa isipan.Pagkarating sa floor ng opisina ng kanyang asawa. Agad na lumapit si Haddasa sa secretary na naroroon. “Excuse me, miss. Where is Mr. Gustavus Vectorino?” pormal na tanong niya rito. Kilala siya ng babae at mukhang namukhaan agad siya nito. “Good morning, ma’am. Naku po, umalis po kanina si Sir, ma’am. Nagmamadali po siya, mukhang may pupuntahan po yata. Ipinagpaliban nga po niya sa akin ang meeting niya ngayon.”Nakasalubong ang dalawang kilay ni Hadassa. Sa mga sinabi ng sekretarya, mas lalong gumulo ang isip niya. Saan naman pupunta nang ganoong oras si Gustavus at magkakaroon ng emergency? Bigla na lamang bumundol ang kaba sa dibdib ni Hadassa, at ang bilis na ng tibok no’n. Pinagpawisan siya nang malagkit, habang nanginginig ang dalawang tuhod..Kung ano-ano nang senaryo ang pumasok sa kanyang isipan. “Alam mo ba kung ano ang pinuntahan niya?”Umiling ang sekretarya, at mukhang wala nga itong alam sa mga oras na ‘yon. Wala nang nagawa pa si Hadassa. Tumungo siya sa office ni Gustavus at pumasok sa loob. Cheneck niya ang buong opisina pero wala roon ang kanyang asawa. Tinawagan niya si Mamang Silya habang papasakay na siya ng elevator. “Hello, manang. Wala si Gustavus dito sa opisina. Kapag umuwi po siya riyan, balitaan niyo po ako agad,” salubong niya sa matanda nang masagot nito ang kanyang tawag. “Sige, ma’am, makakaasa po kayo.”Pinutol niya agad at ini-dial muli ang numero ni Gustavus, pero tulad kanina hindi ito sumasagot. Ring lang nang ring ang cellphone ng lalaki. “Nasaan ka ba Gustavus? Nag-aalala na ako sa ‘yo. Please sagutin mo naman ang tawag ko,” usal niya habang papalabas na ng elevator. Patungo na siya sa parking lot sa kanyang kotse. Abala sa pag-dial ang isa niyang kamay, habang ang kanan naman ay naghahanap ng susi sa bag. Hindi namalayan ni Hadassa na may mababangga siya sa mga oras na ‘yon. Huli na ang lahat nang mabitiwan niya ang cellphone. Pinulot ‘yon ng kanyang nakabunggo. Hinablot niya lang mula sa kung sino ‘yon, at nagmamadali nang lumakad. “Sorry!” sigaw pa niya bago tuluyang pumasok ng kotse. Wala na siyang oras para sa sitwasyong ‘yon, kailangan niyang tumungo sa police station. Papatulong siya kung nasaan ang asawa niya at kung bakit hindi pa ito umuuwi simula kahapon. Babalik na rin siya sa pagtuturo bukas. Baka kapag magtagal siya, hindi na makayanan ni Ana ang set-up. Isang linggo langa ng hiniling niya simula noong mamatay ang mga magulang. Kaya naman, sana hidmi dumagdag sa kanyang stress at isipin si Gustavus.Ano ba itong nangyari kay Hadassa? Bakit yata sunud-sunod ang kamalasan na nangyayari sa buhay niya? Wala naman siyang ginawang masama para karmahin nang ganoon. O, sadya lang talaga na may gustong sumira ng buhay niya?Pero wala siyang matandaan na naging kaaway niya rin. Wala rin suyang matandaan na may nagawan siya ng masama para paghigantihan siya nang ganito. Pumikit siya nang mariin at mabilis na kinabig ang manibela. Tuluyan siyang nakarating sa presinto. Agad niyang hinanap sina SPO4 Kadrick. Ngunit wala rin doon ang dalawang puli dahil nasa imbestigasyon ito tungkol sa pagkamatay ng mga magulang niya. Nagpatulomg na rin siya sa pulis na hanapin ang asawa niya at nawawala. “Saka na lang po kami maghahanap, ma’am, kapag naabutan ng 24 hours nawawala ang asawa niyo. Based po sa report niyo, wala pang bente-kwatro oras ang lumilipas simula nang mawala ang asawa niyo,” paliwanag sa kanya ng pulis na in-charge ng araw na ‘yon. Napasabunot sa kanyang buhok si Hadassa at umuwing luhaan sa mansion. “Ma’am, nahanap niyo po ba si Sir?” tanong na salubong sa kanya ni Lora. Umiling siya agad, at mabilis na pumasok ng sala. Sumalampak siya sa sofa at napatingala sa kisame. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit pakiramdam niya umiiwas sa kanya si Gustavus? Hindi lang nitong mga nakaraang araw kundi simula noong mamatay ang mga magulang niya. Ni hindi nga nagawang magpakita ng lalaki sa libing ng mga ito. Mas inuna pa ng asawa niya ang kumpanya kaysa roon. Noong una pinalampas niya ang tungkol sa bagay na iyon. Pero mukhang may mali na yatang nangyayari, at hindi niya nagustuhan. Sinasadya ba ni Gustavus na maagang umalis saka late umuwi sa bahay? Sinasadya rin ba nitong hindi sagutin ang kanyang tawag?Bakit?May nagawa ba siyang kasalanan na ikinagalit nito? Natatakot ba itong makasama siya dahil sa pagpatay sa mga magulang niya? Hindi na napigilan ni Hadassa ang ma-break down sa mga sandaling ‘yon. Iyak siya nang iyak hababg nakapikit ang mga mata. Nakaupo sa sofa at doon na niya ibinuhos ang lahat ng mga nararamdaman. Ang asawa na inaasahang manatili sa tabi niya, hindi siya pababayaan, at tutulungan siyang makabangon ay wala. Sa halip ay iniiwasan pa siya nito at ayaw nang makita. Parang isa siyang tanga na naghihintay sa wala, at umaasa sa malasakit ng asawa. Lumapit sa kanya si Manang Silya at tinulungan siya nitong umupo nang maayos sa sofa. Pinadaan nito ang kamay sa kanyang buhok, para iparating na nandoon lang ito at handa siyang damayan. Dahil sa naging kilos ni Manang Sikya, kumalma nang bahagya si Hadassa ngunit tuloy pa rin ang kanyang pag-iyak. “M-manang, hindi ko alam kung sinasadya ba ni Gustavus na hidmi umuwi rito. Iniiwasan niya ba ako? Ring naman nang ring ang cellphone niya pero hindi ako sinasagot. Tapos ayaw naman niya akong kasabay na maghapunan o kaya agahan. Bakit, Manang? A-ano’ng mali sa akin?” pumiyok siya at napasinghot. “Natatakot ba siya na madamay sa gulo? Ano ang rason niya? Bakit niya ako hinahayaan lang dito?”Nanatiling nakikinig si Manang Silya. Hinahayaan lang siya nitong maglabas ng kanyang tunay na damdamin. Hinahayaan siyang ilabas kung ano ang nasa loob ng kanyang dibdib at isip. Kumalma na rin siya pagkaraan ng sandali, at doon na siya kinausap ni Manang silya. “Magpakatatag ka, ma’am. Wala kang mapapala kung mananatili kang ganyan. Kailangan na maging malakas ka at matuto ng mga ilang bagay.”“S-salamat, manang. Nariyan po kayo palagi sa akin,” nakangiting sabi niya at bigyan ng isang malawak na ngiti ang ibinigay niya rito. ~**~Pumasok kinabukasan si Hadassa sa kanyang trabaho. Pinadalhan siya ng mensahe kagabi ni Gustavus na huwag na niya iting hanapin, at atos lang daw ito. Tinanong niya sa text kung bakit ayaw siya nitong makita, pero hindi na nag-reply ang magaling niyang asawa. Parang gusto na lamang niyang magmukmok buong maghapon sa kanyang silid. Ayaw na rin niya munang pumasok sa paaralan at magturo, pero pinilit na lang niya ang sarili. Kapag hindi siya magturo wala siyang maasahan sa pagkain at gastusin sa bahay, kung ganoon lang din ang set-up ni Gustavus. But she needs to talk with Gustavus, she wants to ask him. She wants to know what is his reason for doing this to her. Pero saka na muna ‘yon, at kailangan niya munang magtrabaho buong araw. Pagkarating sa elementarya. Agad siyang sinalubong ng mga ibang guro at kinumusta siya ng lahat. Masaya naman niyang hinarap ang mga kasamahan. “Ayos na ako, huwag kayong mag-alala sa akin. Salamat nga pala sa pakikiramay niyo,” sabi niya habang nakangiti sa mga ito. Nakatago ang lungkot at pighati sa mga ngiting ‘yon. Ngunit hindi niya pwedemg ilabas ang tunay niyang nararamdaman. She doesn’t want them to criticize her, and judge her actions. Mas mabuti nang itago niya, kaysa harapan niyang ipakita sa mga ito. Baka iyon pa ang gamitin sa kanya, para lang mapaalis siya bilang guro. Lalong-lalo na si Jelly na iba ang pakikitungo sa kanya. Lakas ng inggit sa katawan nito at hindi niya masukat. Pagkarating sa kanyang classroom, nakaabang na roon ang kanyang mga estudyante. Bumakas ang saya at maliwanag na mukha sa mga ito nang makita siya. “Good morning, class!” masayang bati niya, habang may nakapaskil na ngiti sa kanyang labi. She need to pretend that everything is okay. Ayaw ni Hadassa na maapektuhan no’n ang pagtuturo niya, isa pa ayaw niya ring idamay ang nga estudyante sa personal niyang buhay. “Good morning, teacher! We missed you!” sabay-sabay na bati ng mga ito. “Aba naman, at talagang na-miss ako ng mga batang ang gugwapo at ang gaganda!” papuri niya. Hagikhikan naman ang lahat. Na-miss niya ang ganitong eksena, siguro ibuhos na lang niya ang nararamdaman sa pagtuturo. Ibunton na lang niya ang emosyon nang mawala ang mabigat niyang nararamdaman sa dibdib. Bago pa magsimula sa kanyang klase si Hadassa, tinawag na muna siya ni Ana. Binigay nito sa kanya ang natapos nitong lesson plan at mga manipulatives. “Salamat talaga, Ana. I will pay you back soon. I don’t know how, but I will it someday,” nakangiting pangako niya sa kaibigan..Umirap sa kawalan si Ana, “Friend, hindi ko ginawa ‘yan, para sa kapalit. Ginawa ko lang ang makakaya ko.” Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. “Ayos ka lang? Ang laki ng eye bags mo. Huwag mo nang isipin muna sa ngayon, Haddy.”Huminga siya nang malalim. “Free ka ba ngayon? I have something to tell you. Bigyan ko na muna ng activity ang estudyante ko.”“Oo, binigyan ko na muna ng exercises ang grade four. At saka may sasabihin din naman ako sa ‘yo.”“Sandali lang,” paalam niya at mabilis na pumasok si Hadassa sa classroom. Binigyan niya muna ng activity ang grade 2 at saka bumalik kay Ana.“Ana, hindi na umuuwi si Gustavus sa bahay. I don’t know if it is only yesterday, pero nitong mga nakaraang araw hindi na kami sabay kung gumising o mag-almusal at hapunan. He even ignoring my calls,” sumbong niya sa kaibigang babae, habang nakakunot ang noo. Napakagat-labi si Ana. “Actually, friend. Tungkol din sa asawa mo ang sasabihin ko.”“What? What about my husband, Ana? Nakita mo ba siya sa village ninyo?”Agad na umiling si Ana. Sa halip na amgsalita, kinuha nito ang cellphone sa bulsa. May kung ano na munang hinanap doon ang babae bago pinakita sa kanya. “Ito, tingnan mo kung ano ang ginagawa nga sawa mo, Haddy. Kaya pala sa simula pa lang hindi na talaga ako boto riyan. May lahi pala talagang pagiging liyad,” magaspang na sabi ni Ana. Kinuha ni Hadassa ang inabot na cellphone sa kanya ni Ana. Tiningnan niya ang screen, nang makita agad siyang napasinghap at napatabon sa kanyang bunganga. Rinig na rinig niya ang pagkabasag ang kanyang puso, at ang pagpiga no’n ng ilang beses. Umiling-iling siya at napakapit sa pader. Nanghina ang kanyang tuhod, pilit na huminga nang malalim para pigilan ang luhang gustong kumawala. “H-hindi, si Gustavus ba talaga ‘to?” bulong niya, at tiningala si Ana. Pero sigurado at klarong-klaro sa litrato na ang asawa niya ‘yon. Ayaw lang talaga tanggapin ni Hadassa ang nakita. Hindi niya lang matanggap na magagawa ni Gustavus ang bagay na pinakaayaw niya. Inalalayan siya ni Ana na makatayo nang maayos. “Kailangan mong magpakatatag, Haddy. Kung gusto mo talagang patunayan, sasamahan kita mamaya matapos ang klase. Okay?”Tinapik nito ang kanyang balikat saka siya niyakap nang bahagya. “Sa ngayon, bumalik na muna tayo sa mga trabaho natin. Kailangan nating maging professional.”Tumango si Hadassa at humugot nang malalim na hininga. Kailangan niyang magpakatatag sa ngayon, nanonood sa kanya ang mga bata. At umaasa na magtuturo siya nang maayos sa pagbabalik. Bumalik si Ana sa classroom nito at naiwan siya saglit sa labas ng kanyang room. Iniisip pa rin niya ang nakitang larawan na nandoon sa cellphone ng kaibigan. Gustavus was caught at the bar with three girls on his lap. The man was smiling widely, while his both hands were on the butt of the two women. At iyon ang hindi matanggap ni Hadassa. Bakit hindi niya naisip ang bagay na ‘yon? Malaki ang tiwala niya kay Gustavus, at hindi siya makapaniwala na magagawa siya nitong lukohin. She thought he was afraid because of the accident, and he was busy working with the company. Kaya hindi na ito nakauwi nitong mga nakaraang araw, at laging late. Iyon pala may kababalaghan na ginagawa ang kanyang asawa. “You will pay for this, Gustavus. Mamaya tayo magtuos na dalawa. Hindi ko pwedeng palampasin ang ginawa mong ‘to, kapag napatunayan ko na totoo ang sa picture na ipinakita sa akin ni Ana.”Matapos ang klase ni Hadassa nang hapon na ‘yon. Nagbihis na muna silang dalawa ni Ana at bago sila tumungo sa nakaparada niyang kotse. “Where did you get that picture?” tanong niya sa kaibigan nang makapasok na sila sa loob. Naglagay ng seatbelt si Ana at maging siya. Hadassa was so curious where did Ana caught her husband. “I was with my boyfriend at the bar last night. Accidentally, nakita ko roon ang asawa mo. I want to tell you about it, pero hindi sapat ang sabi ko lang. Kaya kinuhanan ko ng picture,” paliwanag nito sa kanya. Ngayon naging malinaw na kay Hadassa ang lahat. Kapag itatanggi ‘yon ni Gustavus mamaya, at kapag maniwala siya sa palusot nito, isa na siyang tanga. Pero hindi siya ganoong klaseng babae, hindi niya palalampasin ang ginawang panloloko ng asawa sa kanya. “Baka mahalata ng asawa mo ang kotse, friend. Dumaan na muna tayo sa bahay ng boyfriend ko, at pasama tayo sa kanya. Mahirap na mamaya sa bar,” ani ni Ana. Noon niya lang napansin ang sinabi nito. Bak
Kanina pa nangangati na sampalin ni Hadassa ang pagmumukha ni Gustavus, lalo na at naiinis siya sa ngising binibigay nito sa kanya. Idagdag pa ang mga salitang binibitawan nito na hindi niya nagustuhan. Bakit kasi hindi niya napansin noon pa man na may ganito palang ugali ang lalaking ‘to? Hindi rin napansin ng kanyang mga magulang na may lahi pala itong pagka-demonyo, kung alam lang nila siguro hindi niya pinakasalan ang lalaki. At lalong pinaglaban niya ang karapatan sa kanyang mga yumaong magulang. Pero heto’t umabot na sila sa puntong ‘to. Wala na siyang magagawa kundi ang umatras na lamang sa laban, at pagbayarin si Gustavus sa panloloko nitong ginawa sa kanya.Ngumisi siya sa lalaki. “If I will file a divorce, you will nothing to do with it, Gustavus. The company will be solely mine again. Kinasal lang tayo sa papel, at kayang-kaya kong bawiin ang kumpanya mula sa’yo. Supposedly, it’s mine. Pero pinapangalan lang sa’yo ni dad because you were my husband.”Napansin ni hadassa a
Napakurap-kurap si Hadassa nang mga oras na ‘yon. Nagising siya sa isang masamang panaginip. Nakita niya raw si Gustavus na may kasayawang babae at hinahalikan ito. Saka daw sumugod siya at sinampal ang asawa. Pagkatapos no'n hinila siya ng lalaki palabas ng bar at tumungo sila banda sa tulay. Nagkasagutan silang dalawa hanggang sa bigla na lang daw siya sinakal ni Gustavus. She tried to convinced him not to kill her, but he is determined to make her fall from that high bridge. At hinulog nga talaga siya ni Gustavus, namatay siya pagkatapos niyang bumagsak sa matubig at sementadong ilalim ng tulay. Ginulo niya ang kanyang buhok at napakagat-labi. Isang masamang panaginip na hindi dapat mangyari. Ang naalala niya ay talagang pumunta sila ni Ana at Henry sa bar, para sundan ang asawa niyang si Gustavus. Pero hindi na siya sigurado kung ano ang sunod na nangyari. O, baka patay na talaga siya at akala niya ay kagigising niya lang?Sinuyod niya ang buong silid. Nakita niya ang maliit na
The woman was looking natural now. Simply lang ang kagandahan nito, naka-ponytail ang wavy na hanggang balikat ang buhok nito. Nakasuot ng maluwag na puting t-shirt, fitted jeans, at sneakers. Wala sa ka-blind date niya ang buong atensyon ni Salem kundi sa babae.Wala rin naman kasi siyang maramdaman at makitang marka sa mga babaeng naka-blind date niya. Nagtataka rin si Salem kung sino ang hinihintay ng babae at hindi pa rin dumarating. Tumayo ang babae mula sa kinauupuan nito. Kinuha ang sling bag at ikinabit sa balikat. Pinagmamasdan pa rin ito ni Salem hanggang sa umalis. Napangiti sita nang makitang mukhang maayos na ang babae, at mukhang wala itong maalala na nahulog ito sa tulay. “Gagawin ko ang lahat ng iuutos mo sa akin. I will be a good bride of yours,” ani ng babae na kanina pa patay pakita ng hinaharap nito kay Salem. Napabuntonghininga na lamang si Salem sabay pikit ng kanyang mga mata. Senenyasan niya si Jack na hindi ito. Kaya naman mabilis na pinaalis ni Jack ang b
Doon na niyaya ni Salem si Hadassa na kumain sa kanila. Pinakilala niya ang babae kay Sela. At mukhang wala namang naging komento ang matanda. Binigyan pa nga nito ng maraming pagkain si Hadassa habang hindi inaalis ang tingin sa babae. Sinuway na rin ito ni Salem dahil mukhang natatakot na si Hadassa pero hindi ito nakinig. “Pagpasensyahan mo na, ganyan talaga siya,” bulong ni Salem kay Hadassa nang papunta na sila sa nakaparadang kotse, sa harap ng mansion. Nalula sa laki ng bahay si Hadassa, at hindi niya akalain na mayaman ang lalaking ‘to na kasabay niya ngayon. At isa sa mga investors ng kanilang kumpanya dati. “Okay, lang,” sagot niya sabay ngiti dito. “Are you still investing to Madeja’s Corp.?” biglang tanong niya na nagpatigil kay Salem. Umukit ang pagkalito sa mukha ni Salem pero nakasagot naman ito agad. “No. It is started when the CEO replace by Gustavus Vectorino—“ napatigil ito sa pagsasalita at napatingin sa kanya ng mataman. “He was my husband, but soon not. I al
Humigpit ang hawak ni Gustavus sa papel na hawak-hawak. It was a paper from Hadassa’s lawyer. Nakasaad doon na nag-file ng annulment ang babae sa kanya. At kung papayag siya kailangan niya ‘yong permahan. At nagagalit siya dahil sa binigay na rason doon ni Hadassa, he was cheating and was after of his wife’s wealth. Hadassa provided strong evidence and it is really risky on his part, if he can’t rebut his wife's accusation. Pinisil niya ang sintido saka nakasandal sa swivel chair na kinauupuan. Sinubukan na niyang papatayin si Hadassa, ngunit sadyang mailap ang babae sa kamatayan. Ang pinagtatakhan niya ay kung paano nakaligtas ang asawa mula sa pagkahulog sa tulay, dahil kitang-kita ng dalawa niyang mata nang gabing ‘yon; kung paano ang sitwasyon ni Hadassa sa sementadong ibaba ng tulay. She wasn’t moving, and he thought she was dead. Pero nalaman na lamang niya kinabukasan, na nakapag-file ng annulment ang asawa niya. And she was perfectly fine, animo’y hindi man lang ito nahulog
“I will pay you for rent. Hindi ako titira sa bahay mo nang libre, Mr. Arca,” puno ng determinasyon na sambit ni Hadassa, Kanina pa nakikiusap si Hadassa kay Salem tungkol sa bagay na ‘yon, pero hindi pumapayag ang lalaki. Kanina rin siya tanggi nang tanggi na hindi siya makikitira dito pero pinilit rin siya nito. Kaya wala na siyang magawa kundi ang pumayag. Lalo pa’t pinapakonsemsya nito bilang bayad daw sa pagtulong nito sa kanya at pagligtas. “Kung hindi ka papaya, hindi na ako titira sa mansion mo, Mr. Arca,” pagtatapos niya sa usapan. Papatayo na sana si Hadassa nang pigilan siya ni Salem. Mukhang napilitan na itong pumayag sa kondisyon niya. “Alright, you will pay me for a rent.” Ang lapad ng ngiti niya nang marinig ‘yon. Bumalik siya sa pagkaka-upo at inubos na ang kanyang inumin. Wala naman talaga siyang magagawa at mas mabuti na rin iyon, hindi na siya mahirapan na maghanap ng matitirhan. Dumating na rin ang kanyang sasakyan na pinasundo kanina ni Salem sa bahay ni Henry
Hadassa was right. Ana is nonstop asking her about Salem and how they meet. Halos naubusan na rin siya ng palusot para hindi sagutin ang babae, mabuti na lamang talaga at nag-flag ceremony kanina at nagsimula na ang klase. Pero nitong break time wala na siyang lusot dito. Sinundan pa rin siya ni Ana hanggang cafeteria. At ang kulit lang ng babae, dahil panay ang ulit ng tanong nito. “Friend! Sabihin mo na kasi sa akin. Paano? Magkakilala na ba kayo noon pa? Dahil ba sa parents mo? Bakit hindi na lang siya ang pinakasalan mo?”Bumalik siya sa room matapos niyang bumili ng pagkain at nakasunod pa rin sa kanya si Ana. Napapikit na lamang nang mariin si Hadassa, hinarap ang kaibigan. Wala na siyang choice kundi sagutin ito. “Kahapon lang kami nagkakilala. Tinulungan niya ako mula sa aksidente, muntik na kasi akong masagasaan ng kotse, ‘yon niligtas niya ako. Hindi ko rin alam kung bakit. Saka pinaalis ako ng may bagong may-ari sa bahay, tinulungan niya din ako. Pinatira niya ako sa baha