Kanina pa nangangati na sampalin ni Hadassa ang pagmumukha ni Gustavus, lalo na at naiinis siya sa ngising binibigay nito sa kanya. Idagdag pa ang mga salitang binibitawan nito na hindi niya nagustuhan. Bakit kasi hindi niya napansin noon pa man na may ganito palang ugali ang lalaking ‘to? Hindi rin napansin ng kanyang mga magulang na may lahi pala itong pagka-demonyo, kung alam lang nila siguro hindi niya pinakasalan ang lalaki. At lalong pinaglaban niya ang karapatan sa kanyang mga yumaong magulang. Pero heto’t umabot na sila sa puntong ‘to. Wala na siyang magagawa kundi ang umatras na lamang sa laban, at pagbayarin si Gustavus sa panloloko nitong ginawa sa kanya.Ngumisi siya sa lalaki. “If I will file a divorce, you will nothing to do with it, Gustavus. The company will be solely mine again. Kinasal lang tayo sa papel, at kayang-kaya kong bawiin ang kumpanya mula sa’yo. Supposedly, it’s mine. Pero pinapangalan lang sa’yo ni dad because you were my husband.”Napansin ni hadassa a
Napakurap-kurap si Hadassa nang mga oras na ‘yon. Nagising siya sa isang masamang panaginip. Nakita niya raw si Gustavus na may kasayawang babae at hinahalikan ito. Saka daw sumugod siya at sinampal ang asawa. Pagkatapos no'n hinila siya ng lalaki palabas ng bar at tumungo sila banda sa tulay. Nagkasagutan silang dalawa hanggang sa bigla na lang daw siya sinakal ni Gustavus. She tried to convinced him not to kill her, but he is determined to make her fall from that high bridge. At hinulog nga talaga siya ni Gustavus, namatay siya pagkatapos niyang bumagsak sa matubig at sementadong ilalim ng tulay. Ginulo niya ang kanyang buhok at napakagat-labi. Isang masamang panaginip na hindi dapat mangyari. Ang naalala niya ay talagang pumunta sila ni Ana at Henry sa bar, para sundan ang asawa niyang si Gustavus. Pero hindi na siya sigurado kung ano ang sunod na nangyari. O, baka patay na talaga siya at akala niya ay kagigising niya lang?Sinuyod niya ang buong silid. Nakita niya ang maliit na
The woman was looking natural now. Simply lang ang kagandahan nito, naka-ponytail ang wavy na hanggang balikat ang buhok nito. Nakasuot ng maluwag na puting t-shirt, fitted jeans, at sneakers. Wala sa ka-blind date niya ang buong atensyon ni Salem kundi sa babae.Wala rin naman kasi siyang maramdaman at makitang marka sa mga babaeng naka-blind date niya. Nagtataka rin si Salem kung sino ang hinihintay ng babae at hindi pa rin dumarating. Tumayo ang babae mula sa kinauupuan nito. Kinuha ang sling bag at ikinabit sa balikat. Pinagmamasdan pa rin ito ni Salem hanggang sa umalis. Napangiti sita nang makitang mukhang maayos na ang babae, at mukhang wala itong maalala na nahulog ito sa tulay. “Gagawin ko ang lahat ng iuutos mo sa akin. I will be a good bride of yours,” ani ng babae na kanina pa patay pakita ng hinaharap nito kay Salem. Napabuntonghininga na lamang si Salem sabay pikit ng kanyang mga mata. Senenyasan niya si Jack na hindi ito. Kaya naman mabilis na pinaalis ni Jack ang b
Doon na niyaya ni Salem si Hadassa na kumain sa kanila. Pinakilala niya ang babae kay Sela. At mukhang wala namang naging komento ang matanda. Binigyan pa nga nito ng maraming pagkain si Hadassa habang hindi inaalis ang tingin sa babae. Sinuway na rin ito ni Salem dahil mukhang natatakot na si Hadassa pero hindi ito nakinig. “Pagpasensyahan mo na, ganyan talaga siya,” bulong ni Salem kay Hadassa nang papunta na sila sa nakaparadang kotse, sa harap ng mansion. Nalula sa laki ng bahay si Hadassa, at hindi niya akalain na mayaman ang lalaking ‘to na kasabay niya ngayon. At isa sa mga investors ng kanilang kumpanya dati. “Okay, lang,” sagot niya sabay ngiti dito. “Are you still investing to Madeja’s Corp.?” biglang tanong niya na nagpatigil kay Salem. Umukit ang pagkalito sa mukha ni Salem pero nakasagot naman ito agad. “No. It is started when the CEO replace by Gustavus Vectorino—“ napatigil ito sa pagsasalita at napatingin sa kanya ng mataman. “He was my husband, but soon not. I al
Humigpit ang hawak ni Gustavus sa papel na hawak-hawak. It was a paper from Hadassa’s lawyer. Nakasaad doon na nag-file ng annulment ang babae sa kanya. At kung papayag siya kailangan niya ‘yong permahan. At nagagalit siya dahil sa binigay na rason doon ni Hadassa, he was cheating and was after of his wife’s wealth. Hadassa provided strong evidence and it is really risky on his part, if he can’t rebut his wife's accusation. Pinisil niya ang sintido saka nakasandal sa swivel chair na kinauupuan. Sinubukan na niyang papatayin si Hadassa, ngunit sadyang mailap ang babae sa kamatayan. Ang pinagtatakhan niya ay kung paano nakaligtas ang asawa mula sa pagkahulog sa tulay, dahil kitang-kita ng dalawa niyang mata nang gabing ‘yon; kung paano ang sitwasyon ni Hadassa sa sementadong ibaba ng tulay. She wasn’t moving, and he thought she was dead. Pero nalaman na lamang niya kinabukasan, na nakapag-file ng annulment ang asawa niya. And she was perfectly fine, animo’y hindi man lang ito nahulog
“I will pay you for rent. Hindi ako titira sa bahay mo nang libre, Mr. Arca,” puno ng determinasyon na sambit ni Hadassa, Kanina pa nakikiusap si Hadassa kay Salem tungkol sa bagay na ‘yon, pero hindi pumapayag ang lalaki. Kanina rin siya tanggi nang tanggi na hindi siya makikitira dito pero pinilit rin siya nito. Kaya wala na siyang magawa kundi ang pumayag. Lalo pa’t pinapakonsemsya nito bilang bayad daw sa pagtulong nito sa kanya at pagligtas. “Kung hindi ka papaya, hindi na ako titira sa mansion mo, Mr. Arca,” pagtatapos niya sa usapan. Papatayo na sana si Hadassa nang pigilan siya ni Salem. Mukhang napilitan na itong pumayag sa kondisyon niya. “Alright, you will pay me for a rent.” Ang lapad ng ngiti niya nang marinig ‘yon. Bumalik siya sa pagkaka-upo at inubos na ang kanyang inumin. Wala naman talaga siyang magagawa at mas mabuti na rin iyon, hindi na siya mahirapan na maghanap ng matitirhan. Dumating na rin ang kanyang sasakyan na pinasundo kanina ni Salem sa bahay ni Henry
Hadassa was right. Ana is nonstop asking her about Salem and how they meet. Halos naubusan na rin siya ng palusot para hindi sagutin ang babae, mabuti na lamang talaga at nag-flag ceremony kanina at nagsimula na ang klase. Pero nitong break time wala na siyang lusot dito. Sinundan pa rin siya ni Ana hanggang cafeteria. At ang kulit lang ng babae, dahil panay ang ulit ng tanong nito. “Friend! Sabihin mo na kasi sa akin. Paano? Magkakilala na ba kayo noon pa? Dahil ba sa parents mo? Bakit hindi na lang siya ang pinakasalan mo?”Bumalik siya sa room matapos niyang bumili ng pagkain at nakasunod pa rin sa kanya si Ana. Napapikit na lamang nang mariin si Hadassa, hinarap ang kaibigan. Wala na siyang choice kundi sagutin ito. “Kahapon lang kami nagkakilala. Tinulungan niya ako mula sa aksidente, muntik na kasi akong masagasaan ng kotse, ‘yon niligtas niya ako. Hindi ko rin alam kung bakit. Saka pinaalis ako ng may bagong may-ari sa bahay, tinulungan niya din ako. Pinatira niya ako sa baha
Matagal nang panahon ang lumipas, simula noong magkaroon ng sariling mundo ang mga pusa. Nang madiskubre nila ang mundo ng mga tao, sila ay namangha sa kakaibang mundo nito. Ang ilan sa kanila ay nagkainteres na pumunta sa mundo ng mga tao, at doon na manirahan kasama ang mga ito. Minsan sila ay pinagtabuyan, sinasaktan at pinapaalis dahil sa kanilang kakaibang anyo, at sa hindi kagustuhan ng mga tao na mag-alaga ng hayop na tulad nila. Pero may ilang mga tao na gustong-gusto ang mga pusa, kinukupkop sila, pinapakain at inaalagaan. Dahil dito, ilan sa kanila gusto nang manirahan at doon na panghabang-buhay sa mundo ng mga tao. Kaya nagalit ang kanilang nag-iisang hari. Hinati ang nga itim na pusa sa dalawang angkan. Ang una aay ang mga masasamang itim na pusa– sila ang mga pinagtabuyan at sinaktan ng mga tao. Gusto nilang maghiganti at manghasik ng kamalasan sa mundo ng mga tao. Ang pangalawang angkan ay ang mga mababait na mga itim na pusa– sila naman ang nagdadala ng swerte at pan