Hindi makapaniwala si Hadassa at maging si Angelia. Nagpaalam na muna silang dalawa sa mga naroon na black cat para makapag-isip at makapag-usap nang maayos. Pero sa puso ni Hadassa tanggap niya ang mga ito. Hindi nga lang niya alam kay Angelie, at kung tutulungan ng babae sina Salem. Huminga siya nang malalim at nahiga sa kaniyang kama. Alam naman niya at nararamdaman niyang mababait sina Salem, maging si Sela. Hindi lang talaga mawala ang takot, dahil sa katotohanan na ipinagtapat ng mga ito. Tumingin siya sa kisame, at inalala ang mga narinig niyang usapan kanina sa living room. Hindi naman niya sinasadya, talagang nagkataon lang noong pababa na siya ng hagdan. Ngayon, maliwanag na sa kaniya ang lahat kung ano ang naging dahilan ni Salem at sinama nito si Angelia sa mansion. Kung bakit biglaang naging bride nito ang babae. Kahit ano’ng gawin niya, hindi pa rin kayang tanggapin ng isipan niya ang lahat. Punong-puno na ang kaniyang isip ng mga rebelasyon, at pakiramdam niya sasabo
Hindi mapakali sa kaniyang kinatatayuan si Hadassa. Paroo’t parito siya sa paglalakad, habang kinakagat ang kaniyang mga kuko. Hindi niya maiwasan ang kabahan at ang mag-alala sa kung ano na ang nangyayari kina Salem. Kaina pa siya taimtim na nagdarasal na sana maging maayos ang lahat, at maging tagumpay ang pagbabalik ng mga ito sa kanilang mundo. Kung sumama na lang siya kanina, para naman malaman niya kung ano ang nangyayari. Pero hindi rin pwede dahil hindi naman niya alam kung paano rin makabalik dito sa mansion ni Salem. Siya lang mag-isa sa napakalaking mansion ng lalaki, hindi niya akalain na lahat pa lang nakatira doon ay nilalang na mga itim na pusa.Hindi man lang niya ‘yon napansin at naramdaman, na may kakaiba sa buong mansion at mga nilalang na nakapaligid sa kaniya. Sadyang nag-ingat talaga ang mga ito para hindi mahuli at malaman ang totoong pagkatao. Kahit siya rin naman, ganoon din siguro ang gagawin kapag masyado nang importante. Umupo siya sa sofa, hindi mapigila
Magkasama pa ang dalawang angkan; ang mababait at masamang pusa, sa iisang mundo nila. Malaya pa sila na nakalalabas ng kanilang mundo patungo sa mundo ng mga tao. Pinagbigyan sila ng kanilang pinuno ng pagkakataon para makisalamuha sa mga tao, at maging alaga ng mga ito. Ngunit hindi maiwasan ang ibang tao nasaktan at pagtabuyan ang ibang itim na mga pusa. Turing ng mga tao sa kanila ay isang malas, pero ang iba namam tanggap ang mga itim na pusa. Inalagaan nila ang mga ito at binigyan ng bahay na matutuluyan. Ang ilan sa mga it, mababait, at ang ilan sa mga itinapon at pinagtabuyan ay mga masasama. Kaya naman ang mga magulang ni Daldi, hindi mapigilan ang subukang maghanap ng mga taong aalaga sa kanila. “Sigurado po kayo na pupunta tayo sa mundo ng mga tao?” tanong ng batang si Daldi sa mga magulang nito. Ginalaw ng kaniyang ina ang buntot, at dinilaan ang isa sa paa nito. “Oo, anak. Baka sakaling may mag-alaga sa atin doon.”“Bakit po? Maganda po ba roon inay?” Dinilaan naman
Isang gabi, naghahanap ng makakain silang magpamilya. Madungis na sila, at kitang-kita ni Daldi na nawawalan na ng pag-asa ang kaniyang mga magulang. Pero hindi dapat ganoon. Ito ang nagturo sa kaniya na huwag mawalan ng pag-asa, at ang sumuko. Pero saksi ang kaniyang mga mata kung paano na ang mga ito na manghina, magutom at ang mawalan ng lakas. “Inay, Itay, bumalik na po tayo sa mundo natin? Ilang araw na po ang lumipas. Hindi na po natin mabilang. Wala na pong kukuha sa atin,” anyaya niya sa mga ito. Ngunit malakas na umiling ang kaniyang ina at ama. Hindi ito nakinig at nagpatuloy sa paglalakad. Nakakita sila ng basurahan at naamoy na may pagkain doon. Sa kalagitnaan ng kanilang paghahanap ng pagkain, may dumaan na isang tao na lalaki at napansin sila ng mga ito. Napatigil sila sa kanilang pagkain, at napatitig sa tao. Akala nila kukunin na sila niti pero ganoon na lamang ang gulat ng mga magulang ni Daldi na may itinutok itong baril. Walang pagdadalawang-isip na binaril nito
Ilang lugar na ang napuntahan ni Daldi at hindi pa rin niya nakikita ang kaniyang kapatid na si Aldi. Siguro nga na nasa mundo na nila si Aldi. Kailangan niyang makabalik ulot doon, bago pa mahuli ang lahat.Sa kalagitnaan ng kaniyang paglalakad. May nakasalamuha siyang mga lasing, sa isang eskinita, namataan siya nito. Mabilis na tumakbo si Daldi dahil paniguradong nakita siya ng mga ito. Tinuturing pa naman silang malas o kaya masamang nilalang na naroon sa mundo ng mga tao. Hanggang sa mga oras na ‘yon, hindi maintindihan ni Daldi kung bakit ganoon ang paniniwala ng mga tao. Gayung wala naman silang ginagawang masama, pero ang mga tao rin ang dahilan kung bakit binibigyan nila ang mga ito ng kalungkutan, pighati, malas at pagkawala ng buhay. At ginagawa lang din nila iyon sa mga taong masasama rin, ang mga gumagawa sa kanila ng masama. “Pre! May itim na pusa! Habulin natin! Baka maligno ‘yon!” rinig ni Daldi na sabi ng isa. Hindi nga siya nagkamali at hinabol siya ng mga ito. M
Magkahawak-kamay sina Salem at Hadassa na nakatayo sa umiilaw na lahusan. Kulay lila at itim ang ilaw na nagmumula roon. Habangang mga kasamahan ni Salem naghihintay sa kanilang likuran para pumasok at tumungo na sa kanilang mundo. Kinakabahan man si Hadassa, pero wala siyang kinatatakutan hangga’t naroon si Salem sa kaniyang tabi. Alam niya na pinoprotektahan siya nito kahit na ano man ang mangyari.Pinikit niya ang kaniyang mga mata, nang nagsimula nang humakbang si Salem papasok sa lagusan. May kung anong malakas na enerhiyang humahatak sa kaniya sa loob. Mahigpit ang pagkakapit niya sa kamay ni Salem, at hindi naman siya binitiwan ng lalaki. Maingat siya nitong hinawakan sa baywang at mas nilapit pa siya rito. “You can open your eyes now, Hadda,” bulong nito sa kaniyang tainga. Unti-unting iminulat ni Hadassa ang kaniyang mga mata. Sumalubong sa kaniya ang malawak na isang bahay, mahaba at malaki ‘yon. Pinapaligiran ng mga punong-kahoy at halaman, at maging bulaklak. Maliwanag
Pilipinas 1942Palitan ang putok ng mga baril sa isang lungsod ng bansang Pilipinas. Naglalaban ang mga Pilipino at ang dayuhan.Pinaglalaban ng mga Pilipino ang bansang Pilipinas mula sa pagsakop ng dayuhan. Maraming nagkalat na mga bangkay sa daanan, sa buong paligid. Naghalo ang malansang dugo sa hangin, ang nasusunog na buhay na balat ng mga tao, at ang amoy ng pulbura galing sa mga gamit ng iba’t ibang klase ng baril. Nagkalansingan ang mga itak at espada sa pagitan ng dalawang lahi. Nakisabay ang palahaw at sigaw ng mga Pilipinong namatayan ng mga mahal sa buhay; iyak ng galit at pighati sa buong pangyayari. Sa isang nasusunog na bahay-kubo, maririnig ang pagtangis ng isang batang babae na nasa edad sampu. Nakatago sa isang haliging nilamon na ng apoy. Sigaw ito nang sigaw sa kanyang ama at ina at kapatid. Ngunit hindi na ang mga ito makasaklolo sa kanya, sa malungkot na dahilan nilamon na ng apoy. Isang lalaki ang bigla na lamang lumitaw sa harapan ng batang babae. Nakasuo
Maingay ang mga bata sa loob ng isang silid kung saan nagtuturo si Teacher Hadassa Madeja. Isa siyang public elementary teacher sa Ginictan Elementary School. Sa ikalawang baitang siya naka-assign at halos isang taon na rin siyang nagtuturo simula noong pumasa siya sa board exam at ranking. Sinuway niya ang kagustuhan ng kanyang mga magulang, na maging tagapagmana ng kanilang kompanya, at sinunod niya ang kagustuhan ng kanyang puso na maging isang guro. Tinanggap naman 'yon ng kanyang mga magulang, at pinakasalan niya ang halos dalawang taon niyang nobyo na si Gustavus. Lalo na at botong-boto naman ang mga magulang niya rito at walang mapipintas. Ito ang pumalit na CEO sa kumpanya na pagmamay-ari ng Madeja. Dalawang buwan na rin silang kasal ni Gustavus at naging masaya naman siya sa pangangalaga nito. Ngunit minsan hindi niya maramdaman ang pagiging asawa ng lalaki, dahil mas abala pa ito sa kompanya kaysa sa oras para sa kanya. Ngunit hindi na lang niya 'yon pinansin, at pinangsaw