Share

1. Parent's Death

Author: stoutnovelist
last update Last Updated: 2023-10-03 19:58:28

Maingay ang mga bata sa loob ng isang silid kung saan nagtuturo si Teacher Hadassa Madeja. Isa siyang public elementary teacher sa Ginictan Elementary School. Sa ikalawang baitang siya naka-assign at halos isang taon na rin siyang nagtuturo simula noong pumasa siya sa board exam at ranking.

Sinuway niya ang kagustuhan ng kanyang mga magulang, na maging tagapagmana ng kanilang kompanya, at sinunod niya ang kagustuhan ng kanyang puso na maging isang guro. Tinanggap naman 'yon ng kanyang mga magulang, at pinakasalan niya ang halos dalawang taon niyang nobyo na si Gustavus. Lalo na at botong-boto naman ang mga magulang niya rito at walang mapipintas. Ito ang pumalit na CEO sa kumpanya na pagmamay-ari ng Madeja.

Dalawang buwan na rin silang kasal ni Gustavus at naging masaya naman siya sa pangangalaga nito. Ngunit minsan hindi niya maramdaman ang pagiging asawa ng lalaki, dahil mas abala pa ito sa kompanya kaysa sa oras para sa kanya. Ngunit hindi na lang niya 'yon pinansin, at pinangsawalang bahala na lang. Siguro ganoon talaga ang pagiging isang negosyante, tulad ng kanyang ama.

Ang mahalaga ay masaya ay walang problema na dumarating, at masaya siyang nagtuturo sa mga bata.

"Okay, class! Please read the text on page 50, and answer the following questions in a crosswise paper!"

Nakangiti siya at nakatayo sa harap ng kanyang thirty students.

"Yes, ma'am!" sabay na sagot ng kanyang mga estudyante.

Napangiti si Hadassa at hinyaan na ang mga batang sumagot ng kanilang gawain. Samantala siya naman ay nagpatuloy sa paggawa ng kanyang lesson plan para bukas at sa susunod na araw. Hindi niya alam kung bakit ganito na lang palagi ang kanyang araw, sa paaralan na lang talaga ang kaligayahan niya at laging kasama ang mga bata. Mabuti na lang at palagi siyang nalilibang, kung sinunod niya ang payo ng kanyang mga magulang siguro mababaliw na siya sa loob ng malaki at malawak nilang bahay.

Tumayo siya sa kanyang kinauupuan saka pumunta sa labas. Tumungo siya sa cafeteria at bumili ng snacks, sinakop na rin niya ang kanyang mga estudyante.

Minsan lang din naman siya kung mag-libre siya sa mga ito. Iyon siguro ang isa sa dahilan kung bakit paborito siya ng mga estudyante niya.

"Naku, ma'am, ang swerte talaga ng mga estudyante niyo sa inyo. Palagi silang may snacks," ani ng tindera doon habang hinihintay niya ang thirty sandwiches na ini-order saka juice.

Napangiti si Hadassa at umiling. "Hayaan niyo at kayo naman ang ililibre ko sa susunod."

"Aba'y hindi po namin 'yan tatanggihan," sabi naman nito.

Nagkwentuhan pa silang dalawa ng tindera hanggang sa matapos na ang paghahanda ng mga binili niya.

"Tulungan na lang po namin kayo ma'am," presenta nito, at kinuha nag dalawang malaking plastic bag.

"Hala, sige. Maraming salamat, hindi ko rin kasi kayang bitbitin 'tong lahat," natatawang pagpayag niya.

Pagkabalik sa classroom, naabutan niya ang mga batang sumasagot na ng kanilang activity. Napangiti si Hadassa, masunurin at maasahan talaga ang mga ito kahit na umalis siya. Itong mga binili niyang pagkain ay magsisilbing reward sa mga ito.

"Pakilagay na lang diyan, Katalie. Ako na ang bahala sa kanila magbigay," sabi niya sa tinder at agad naman itong sumunod.

"Sige po, ma'am. Tuloy na po ako."

"Maraming salamat ulit," pahabol niya.

Napadaan ang isa sa mga kabati niya na guro sa paaralang 'yon, at nakita na naman nito ang mga pagkain na binili niya para sa estudyante. Napataas ang kilay ni Jellym at ngumiti ng hilaw sa kanya. Ngunit hindi nagpahalata si Hadassa na nakita niya ang pagpalit ng emosyon sa mukha ng babae.

"Oh, may binili na namang pagkain si Ma'am Hadassa para sa mga kaklase niya," pansin nito, mahahalata sa boses ni Jelly ang pagiging sarkastiko.

Napangiti na rin si Hadassa ng hilaw at inilabas sa kanyang tainga ang mga sinabi nito. "Gusto mo? kuha ka lang diyan, sobra naman ang binili ko," anyaya niya.

Umiling naman si Jelly. "Hindi na Hadassa, bibili rin ako sa cafeteria."

Mabilis na itong umalis at hindi na siya nilingon pa. kahit kailan talaga hindi maiwasan na may mga taong nakapaligid sa kanya na naiinggit. Akala niya talaga, magiging peace ang pagtuturo niya sa paaralang 'yon, pero mukhang hindi. Lalo na at may kapwa siya guro na naiinggit sa kanya at mukhang kalaban ang tingin sa kanya.

Pero hindi na ni Hadassa iyon pinagtutuunan ng pansin, hindi naman 'yon mahalaga sa kanya. Isa pa, hindi naman totoo ang pinaparatang ng mga ito at chismis na pinapakalat. Ang mas importante ay kung ano ang laman ng kalooban niya na pasayahin ang mga bata, sa munti niyang paraan. Kung naiinggit ang mga ito sa kanya, bakit hindi na lang siya gayahin?

Bumalik siya sa kanyang mesa at ipinagpatuloy ang paggawa ng lesson plan. Pagkaraan nang sandali, natapos na ang kanyang mga estudyante binigyan niya ang mga ito ng pagkain. Laking tuwa ng mga ito at walang sawang nagpasalamat. Labis na tuwa ang kanyang nararamdaman, at walang kahit na anong kapalit doon.

"Sige, kumain na muna kayo. At babalik tayo ulit sa klase pagkatapos ng kinse minutos," anunsyo niya at agad naman na pumayag ang mga ito.

Pagkaraan ng sandali, nagsimula na rin siya ng klase. Ngunit agad siyang napatigil nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone. "Sandali lang, class."

Lumabas siya ng room at sinagot ang tawag mula sa unknown number. "Hello?"

"Hello, ma'am. Is this Miss Hadassa Madeja?" tanong ng boses lalaki sa kabilang linya.

Agad na sumalubong ang kanyang dalawang kilay. "Yes, ako nga po. Sino po sila?"

"I am Inspector 1 Balenga. Nasa bahay po kami ninyo ngayon, may aksidente pong nangyari dito," balita nito. "May gunshot pong insidente rito, at nasangkot ang mga magulang ninyo. Sad to say that they are already dead on the spot."

Nanginig ang mga kamay ni Hadassa sa nanginig. Pakiramdam niya ay nanghihina ang kanyang mga tuhod at katawan. Nawalan siya ng lakas, at napakapit nang mahigpit sa pader. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa mga oras na 'yon, pero nagawa niya pa rin tumayo nang maayos. Kalmado pa rin ang pagharap niya sa kanyang mga estudyante.

"Class, aalis na muna si teacher, ha? Iiwan ko muna kayo kay Teacher Ana. May kailangan lang akong gawin. Mag-ingat kayo mamaya sap ag-uwi. Goodbye, class!" nakangiting paalam niya sa mga ito.

"Goodbye, teacher! Mag-iingat po kayo."

Mabilis siyang lumisan ng kanyang classroom at agad na tumungo kay Ana. Tinawag niya ito mula sa pinto at agad naman itong lumapit sa kanya. Mabuti na lamang at may isang Ana na handa siyang kaibiganin sa kabila ng mga naiinggit sa kanya. Si Ana lang yata ang mapagkakatiwalaan niya.

"Haddy, ano ang nangyayari? Bakit mukhang kinakabahan ka't hindi mapakali?" puna agad nito sa kanya, napansin napansin pa talaga nito agad ang mukha niya sa mga oras na 'yon.

Kung sabagay ay tama naman si Ana. At hindi niya iyon maitatanggi. "K-kailangan ko munang umuwi, Ana. May nangyari sa bahay, ikaw na muna ang bahala sa mga estudyante ko at sa principal natin."

"Sige, ako na ang bahala sa kanila. Balitaan mo ako kung bakit."

Tumango siya't pinisil ang kamay nito bago siya umalis.

Mabilis ang pagpapatakbo ni Hadassa sa kanyang kotse papunta sa kanilang mansion. Halos kalahating oras din ang lumipas bago siya nakarating sa kanila.

Agad na sumalubong sa kanya ang napakaraming mga tao na nasa paligid, naroon na rin ang mga pulis at ang ibang rescuers. Mabilis niyang pinarada ang kotse sa isang tabi at lumabas. Lumapit siya sa isang pulis at agad siya nitong pinigilan.

"Ma'am, bawal po munang pumasok sa loob. Iniimbestigahan po ang crime scenes sa pag-ambush sa bahay," pigil nito habang seryoso ang mukhang nakatitig sa kanya.

Napakagat-labi siya, pinipigilan ang sarili na huwag munang bibigay sa mga oras na 'yon. "Ako po si Hadassa Madeja. Mga magulang po ako ng sangkot sa insidente. G-gusto ko po silang makita."

"Isinugod na po sila sa hospital, ma'am. Doon niyo po sila puntahan. Tatawagan ka po naming mamaya para sa imbestigasyon at sa mga iilang katanungan na maaari naming magamit para matunton ang suspect," paliwanag ng pulis, bago siya nito iniwan.

Napatapon ng kanyang bunganga si Hadassa, parang pinipiga ang puso niya sa mga narinig. Kung ganoon ay ang mga magulang niya talaga ang binaril. Lumapit sa kanya ang isa nilang kasambahay. Inalalayan siya nitong tumayo nang maayos.

"M-ma'am, ayos lang po ba kayo? Wala naman pong nangyaring masama sa inyo roon sa paaralan?" tanong nito habang inaalalayan siya patungo sa kanyang kotse.

Tumango siya at napahinga nang malalim.

Alam naman ni Hadassa sa sarili na hindi siya maging ayos kung hindi niya malalaman kung ano ang puno't dulo ng lahat. At kung bakit nangyari ito sa kanyang mga magulang. "Manang Silya, kailangan ko po munang pumunta sa pinagdalhan nila kina mom at dad. I want you to come with me."

Tumango naman agad si MAnang Silya at sinamahan siyang pumasok sa kotse. Napansin kanina ni Hadassa na wala roon ang asawa niyang si Gustavus, siguro hindi pa nito nabalitaan ang nangyari. Abala na naman sa kompanya, dadaanan na lamang niya ito mamaya pagkaalis nila sa hospital.

Kalmado at pilit na iniisip ni Hadassa ang nangyari sa kanyang mga magulang. Ayaw niya pang tanggapin na wala na ang mga ito ayon sa ibinalita sa kanya ng mga pulis. Hindi siya maniniwala hanggang hindi niya nakikita kung ano ang totoo.

"Ikwento mo sa akin manang kung ano ang nangyari," utos niya sa kalagitnaan ng biyahe nila papuntang hospital.

Ramdam niya pa ang panginginig ng kasama sa mga oras na 'yon. Alam ni Hadassa na maaring maging cause of trauma ang mga nasaksihan ni Manang Silya sa buhay nito.

"M-ma'am, abala po kaming lahat sa trabaho naming. Ang mama at papa niyo po ay nasa kusina kanina habang kumakain ng niluto kong sopas. N-nang bigla na lamang po may nagpaputok sa kung saan sila naroroo. Sobrang bilis po ng mga pangyayari, ma'am. Naabutan na lamang po naming sila sa kusina na nakahandusay sa sahig, a-at, at. . ."

Hindi matuloy-tuloy ni Manang Silya ang pagsabi dahil sa kinakabahan ito. Mukhang hindi rin nito matanggap ang mga nangyari sa mansion.

Mahigpit ang hawak ni hadassa sa manibela, habang iniisip kung sino ang may posibilidad na gawin ang ganoong bagay sa kanyang mga magulang. maaaring ang mga kalaban sa kumpanya ang may gawa niyon, pero wala pa siyang kasiguraduhan. Maari ding hindi.

Ihahanda na niya ang sarili mamaya sa mga katanungan ng mga pulis. Hindi niya rin alam kung ano nag isasagot mamaya, at kung makakayanan ba niya.

Nang makarating na sila ni Manang Silya sa harap ng hospital agad silang bumaba at tumungo sa information desk. Sinabi niya ang pangalan ng kanyang mga magulang.

"Naku, ma'am, nasa morgue na po sila," sabi ng nurse na tinanungan niya.

"Pakituro po sa akin."

Sinamahan naman sila ng nurse at dinala sa morgue. Unti-unting humina ang lakad ni Hadassa nang makita ang dalawang nakahiga na tao sa dalawang maliit na kama na naroon. Natatabunan ang buong katawan, kaya't hindi niya pa masabi kung ang mga magulang niya ba iyon.

Tumingin siya kay Manang Silya, malamlam ang mga mata nitong nakatingin sa kanya at tila naawa, at nasasaktan din ito para sa kanya.

Huminga nang malalim si Hadassa, pigil ang hiningang itinaas ang kanyang kanang kamay, habang nanginginig itong buksan ang tilang nakatabon sa itaas ng bangkay.

Napapikit siya nang mariin, nang tumambad sa kanyang mga mata ang mukha ng kanyang mga magulang. naroon pa ang sariwang sugat sa noo ng dalawa.

"Mom! Dad!"

Hindi na niya napigilan ang sariling mapasigaw nang malakas. Waring nawasak ang binuo niyang mundo sa mga oras na 'yon. Napadaosdos siya sa kinatatayuan, at agad naman siyang sinalo at inalalayan ni Manang Silya. Tumangis siya nang pagkalakas-lakas sa mga bisig nito. Sigaw siya nang sigaw hanggang sa mawalan na siya ng lakas at boses. Biyak na at puro sugat ang kanyang puso. Hindi niya maintindihan at matanggap na nangyari ito sa kanyang mga magulang, na wala namang ginawang masama sa kapwa.

Wala siyang maalalang maaaring maging dahilan ng pangyayari.

Wala siyang natatandan na may ginawang masama ang mga magulang para maging dahilan ng mitsa ng kanilang kamatayan. Alam ni Hadassa iyon, dahil simula pa noong bata siya, mahilig ang tumulong sa kapwa ang kanyang mga magulang. Ang mga ito ang nagturo sa kanya na magbigay sa iba ng mga kung ano ang natatanggap niya at sobra.

"H-hindi ko maintindihan, Manang Silya. Hindi nila deserve 'to. Walang puso ang may gawa nito sa kanila. sana mahuli agad sila nang pagbayaran nila ang kasalanan," gigil na sambit niya, nang tumahan na siya't nakahinga nang maluwag.

Ngunit patuloy pa ring dumadaloy ang luha sa kanyang pisngi. Wala pa ring katapusan at pagkaubos, napapagod siya pero hindi niya ang mga 'yon mapigilan. Masakit ang puso niya sa loob, at mukhang hindi na niya kakayanin.

"Umuwi na po muna kayo, ma'am. Siguro po naging maayos na rin ang imbestigasyon ng mga pulis sa mansyon," anyaya sa kanya ni Manang Silya.

Umiling siya agad. "Hindi na po tayo babalik doon, Manang Silya. We need to find another house that will secure our safety. Umuwi na muna kayo, Manang Silya. Dalhin niyo ang mga gamit na kailangan. Hihintayin ko na muna ang mga pulis dito sa hospital."

Nag-aalinlangan pa si Manang Silya sandali bago tumango. "Sige oo, ma'am. Tawagan niyo lang po ako kapag kailangan niyo po ng tulong."

"Sige, manang. Tawagan ko po kayo pagkatapos ko rito. Pupuntahan ko muna si Gustavus para sabihin na lilipat tayo," pahabol niya pa.

Tumango-tango si Manang Silya bago iniwan si Hadassa sa loob ng morgue. Nang mapag-isa na siya, pinakatitigan niya nang mabuti ang mga magulang na wala nang buhay.

Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga oras na 'yon, sobrang bilis ng pangyayari. Kanina lang nang magpaalam siya sa mga ito, wala man lang kakaibang kutob siyang maramdaman, parang normal pa rin. Pero hindi niya inaasahan na 'yon na pala ang huli niyang makakasama at masisilayan ang mga magulang.

Sa isang tulad niya na palaging nakadepende sa mga ito, masakit 'yon tanggapin. Lalo na at nakasanayan na ni Hadassa na palaging nasa tabi niya sina Mr. At Mrs. Madeja. She was unaware of this, at ni minsa'y hindi sumagi sa isip niya na mangyayari ito sa kanya balang-araw.

Who would have thought of an ambush in their house someday?

Ang gaan ng mag-asawang Madeja sa mga taong nakakasalamuha araw-araw. Walang napansin si Hadassa na naging kaaway ng kanyang mga magulang o kaya may pinagbuhatan ng masamang dahas. O, sadyang nabulag lang siya sa mga nakikita at hindi na niya napansin ang nasa likuran ng mga iyon?

Kung mayroon man, it's not right to kill someone to take revenge. It was still a crime, at kailangan iyong pagbayaran ng may sala. Kahit kailan hindi kabayaran ang buhay ng isang tao sa pagkakamali ng mga ito.

Napabuntonghininga si Hadassa sa mga isipin na naglalaro sa kanyang isipan. Kahit anong pilit ng pagkakaintindi niya sa lahat, wala siyang makuha na kahit clue o hint man lang. Mas lalo lang sumasakit ang ulo niya.

Dumating na nga ang dalawang pulis sa morgue at naabutan siya pa ring naroon. Bumati ang dalawang pulis na nagpakilala sa kanyang si SPO4 Kadrick at SPO1 Gilbert.

"May mga ilang katanungan lang kami sa maaring koneksyon ng insidente sa mga magulang niyo. Maari pk ba namin kayong maimbetahan sa opisina namin?" tanong ni SPO4 Kadrick, habang seryosong nakatingin sa kanya.

Umiling agad si Hadassa. Hindi niya maaring iwan ang mga magulang doon sa morgue. "Maari naman po sigurong dito na lang?"

Nagkatinginan ang dalawang pukis, nang magkasundo, agad silang pumayag sa gusto ni Hadassa.

"May mga kilala po ba kayong nakaaway ng mga magulang niyo? Kaaway sa kompanya o sa personal mang buhay na maaaring maging dahilan ng insidente?" tanong ni SPO1 Gilbert, habang inihhanda naman ni SPO4 Kadrick ang maliit nitong notebook.

Umiling si Hadassa, seryoso ang mukha na nakatingin sa kawalan. "Mabait sina mom at dad. Simula pa noong bata ako, wala akong narinig na may naging kaaway sila sa personal naming buhay o maging sa kumpanya namin."

"May nakikita ka bang ibang dahilan kung bakit sila pinatay?" si SPO4 Kadrick.

"Sa tingin ko may mga nagalit, nang ibigay nina mom at dad ang kompanya sa pamamahala ng asawa ko. Marami kasing partners ang may gusto ng position na 'yon, but sadly the rules are to give the position to the family members only."

Napatango ang dalawang pulis at agad na sinulat sa notebook ang statement na 'yon ni Hadassa.

"Saan ang asawa niyo ngayon, ma'am?"

Bumuntonghininga si Hadassa, at tila sumakit ang ulo niya bigla sa mga tanong. "Wala pa siya rito, hindi pa niya alam kung ano ang nangyari. I am certain that he is in the company and still working."

"Hindi mo ba siya tinawagan?"

Umiling agad si Hadassa. "Nagmamadali na ako, kaya hindi ko na naisip 'yon. Mamaya ko sasabihin sa kanya. Hindi ko pa alam kung paano sa kanya ibabalita ang lahat."

Nag-isang linya ang mga labi ni SPO4, Kadrick. Mukhang wala na rin itong itatanong at maging ang kasama.

"Kapag may maalaala kayo na maaaring pagsuspetsyahan o kaya kakaiba, pumunta lang po kayo sa presento para i-report sa amin. Kahit maliit lang na impormasyon, at maaaring makatulong sa imbestigasyon," ani SPO4 Kadrick.

Tumango si Hadassa, at hindi na nagsalita.

Si SPO1 Gilbert naman nagpahabol, "Maraming salamat sa kooperasyon." Bago sila tuluyang dalawa ni SPO4 Kadrick lumisan.

Naiwan doong mag-isa si Hadassa habang nakatitig pa rin sa kawalan. Sana bukas paggising niya panaginip na lang ang lahat.

***

Related chapters

  • The Black Cat's Bride   2. Unbothered Husband

    Pagkagaling ni Hadassa sa hospital, at nang matapos ang mga katanungan sa kanya ng dalawang pulis, diretso agad siya sa kompanya na pagmamay-ari ng kanyang mga magulang. Pupuntahan niya ang asawang si Gustavus at ibabalita rito ang nangyari sa mansyon. She called him many times earlier but he didn’t answer. Kaya nag-aalala na rin siya sa lalaki, at baka maging ito binaril din ng mga suspect na pumatay sa mga magulang niya. Pakiramdam ni Hadassa mawawalan na siya ng lakas at tino sa pag-iisip, but she need to be brave. Kailangan niyang bigyan ng magandang burol ang mga magulang. She need also to secure the safety of the workers who work on their home.Mabilis siyang lumabas ng kanyang sasakyan nang mai-park na ito sa parking lot ng kanilang building. Nakilala siya agad ng guard pagpasok, at binati siya nito. Ang mga hakbang niya’y mabibigat pero pinilit niya pa ring lumakad. Pinindot niya ang 24th floor kung saan naroroon ang opisina ng kanyang asawa. Every seconds passed, her heart

    Last Updated : 2023-10-03
  • The Black Cat's Bride   3. Cheater

    “Marami talagang mga kriminal sa mundo ng tao. Ang hirap nang ayusin ang mga gusot nila nang hindi na tayo maapektuhan,” komento ni Sela nang matapos panoorin ang balita sa malawak na telebisyon, sa mansion na tinitirhan kasama ang alaga niyang si Salem. Oh, not, their mansion rather; a huge mansion where some of the good black cats live under the command of their guardian– Salem. Si Salem ang pumalit kay Manang Sela noong mag-retiro at matapos ang kanyang termino. She will left soon the world, after making sure that Salem will find his bride. Kapag mangyari ’yon, siguradong maging balanse muli ang dalawang angkan sa mundo ng mga pusa. Salem will took care all of the mess they left in the Black Cats’ world. Kapag nahanap ni Salem ang bride, makapasok muli sila sa mundong ‘yon at makababalik. Mapipigilan na rin nila ang masamang plano ni Aldi na nakatakda sa susunod na mga buwan. Pero kung hindi man mahanap agad ni Salem ang nakatakdang bride, it will be bring chaos to the human an

    Last Updated : 2023-10-12
  • The Black Cat's Bride   4. Threatened

    Matapos ang klase ni Hadassa nang hapon na ‘yon. Nagbihis na muna silang dalawa ni Ana at bago sila tumungo sa nakaparada niyang kotse. “Where did you get that picture?” tanong niya sa kaibigan nang makapasok na sila sa loob. Naglagay ng seatbelt si Ana at maging siya. Hadassa was so curious where did Ana caught her husband. “I was with my boyfriend at the bar last night. Accidentally, nakita ko roon ang asawa mo. I want to tell you about it, pero hindi sapat ang sabi ko lang. Kaya kinuhanan ko ng picture,” paliwanag nito sa kanya. Ngayon naging malinaw na kay Hadassa ang lahat. Kapag itatanggi ‘yon ni Gustavus mamaya, at kapag maniwala siya sa palusot nito, isa na siyang tanga. Pero hindi siya ganoong klaseng babae, hindi niya palalampasin ang ginawang panloloko ng asawa sa kanya. “Baka mahalata ng asawa mo ang kotse, friend. Dumaan na muna tayo sa bahay ng boyfriend ko, at pasama tayo sa kanya. Mahirap na mamaya sa bar,” ani ni Ana. Noon niya lang napansin ang sinabi nito. Bak

    Last Updated : 2023-10-14
  • The Black Cat's Bride   5. Second Life

    Kanina pa nangangati na sampalin ni Hadassa ang pagmumukha ni Gustavus, lalo na at naiinis siya sa ngising binibigay nito sa kanya. Idagdag pa ang mga salitang binibitawan nito na hindi niya nagustuhan. Bakit kasi hindi niya napansin noon pa man na may ganito palang ugali ang lalaking ‘to? Hindi rin napansin ng kanyang mga magulang na may lahi pala itong pagka-demonyo, kung alam lang nila siguro hindi niya pinakasalan ang lalaki. At lalong pinaglaban niya ang karapatan sa kanyang mga yumaong magulang. Pero heto’t umabot na sila sa puntong ‘to. Wala na siyang magagawa kundi ang umatras na lamang sa laban, at pagbayarin si Gustavus sa panloloko nitong ginawa sa kanya.Ngumisi siya sa lalaki. “If I will file a divorce, you will nothing to do with it, Gustavus. The company will be solely mine again. Kinasal lang tayo sa papel, at kayang-kaya kong bawiin ang kumpanya mula sa’yo. Supposedly, it’s mine. Pero pinapangalan lang sa’yo ni dad because you were my husband.”Napansin ni hadassa a

    Last Updated : 2023-10-16
  • The Black Cat's Bride   6. Unexplained Feelings

    Napakurap-kurap si Hadassa nang mga oras na ‘yon. Nagising siya sa isang masamang panaginip. Nakita niya raw si Gustavus na may kasayawang babae at hinahalikan ito. Saka daw sumugod siya at sinampal ang asawa. Pagkatapos no'n hinila siya ng lalaki palabas ng bar at tumungo sila banda sa tulay. Nagkasagutan silang dalawa hanggang sa bigla na lang daw siya sinakal ni Gustavus. She tried to convinced him not to kill her, but he is determined to make her fall from that high bridge. At hinulog nga talaga siya ni Gustavus, namatay siya pagkatapos niyang bumagsak sa matubig at sementadong ilalim ng tulay. Ginulo niya ang kanyang buhok at napakagat-labi. Isang masamang panaginip na hindi dapat mangyari. Ang naalala niya ay talagang pumunta sila ni Ana at Henry sa bar, para sundan ang asawa niyang si Gustavus. Pero hindi na siya sigurado kung ano ang sunod na nangyari. O, baka patay na talaga siya at akala niya ay kagigising niya lang?Sinuyod niya ang buong silid. Nakita niya ang maliit na

    Last Updated : 2023-10-18
  • The Black Cat's Bride   7. Unexpected Encounter

    The woman was looking natural now. Simply lang ang kagandahan nito, naka-ponytail ang wavy na hanggang balikat ang buhok nito. Nakasuot ng maluwag na puting t-shirt, fitted jeans, at sneakers. Wala sa ka-blind date niya ang buong atensyon ni Salem kundi sa babae.Wala rin naman kasi siyang maramdaman at makitang marka sa mga babaeng naka-blind date niya. Nagtataka rin si Salem kung sino ang hinihintay ng babae at hindi pa rin dumarating. Tumayo ang babae mula sa kinauupuan nito. Kinuha ang sling bag at ikinabit sa balikat. Pinagmamasdan pa rin ito ni Salem hanggang sa umalis. Napangiti sita nang makitang mukhang maayos na ang babae, at mukhang wala itong maalala na nahulog ito sa tulay. “Gagawin ko ang lahat ng iuutos mo sa akin. I will be a good bride of yours,” ani ng babae na kanina pa patay pakita ng hinaharap nito kay Salem. Napabuntonghininga na lamang si Salem sabay pikit ng kanyang mga mata. Senenyasan niya si Jack na hindi ito. Kaya naman mabilis na pinaalis ni Jack ang b

    Last Updated : 2023-10-19
  • The Black Cat's Bride   8. The Connection

    Doon na niyaya ni Salem si Hadassa na kumain sa kanila. Pinakilala niya ang babae kay Sela. At mukhang wala namang naging komento ang matanda. Binigyan pa nga nito ng maraming pagkain si Hadassa habang hindi inaalis ang tingin sa babae. Sinuway na rin ito ni Salem dahil mukhang natatakot na si Hadassa pero hindi ito nakinig. “Pagpasensyahan mo na, ganyan talaga siya,” bulong ni Salem kay Hadassa nang papunta na sila sa nakaparadang kotse, sa harap ng mansion. Nalula sa laki ng bahay si Hadassa, at hindi niya akalain na mayaman ang lalaking ‘to na kasabay niya ngayon. At isa sa mga investors ng kanilang kumpanya dati. “Okay, lang,” sagot niya sabay ngiti dito. “Are you still investing to Madeja’s Corp.?” biglang tanong niya na nagpatigil kay Salem. Umukit ang pagkalito sa mukha ni Salem pero nakasagot naman ito agad. “No. It is started when the CEO replace by Gustavus Vectorino—“ napatigil ito sa pagsasalita at napatingin sa kanya ng mataman. “He was my husband, but soon not. I al

    Last Updated : 2023-10-20
  • The Black Cat's Bride   9. Suspicious

    Humigpit ang hawak ni Gustavus sa papel na hawak-hawak. It was a paper from Hadassa’s lawyer. Nakasaad doon na nag-file ng annulment ang babae sa kanya. At kung papayag siya kailangan niya ‘yong permahan. At nagagalit siya dahil sa binigay na rason doon ni Hadassa, he was cheating and was after of his wife’s wealth. Hadassa provided strong evidence and it is really risky on his part, if he can’t rebut his wife's accusation. Pinisil niya ang sintido saka nakasandal sa swivel chair na kinauupuan. Sinubukan na niyang papatayin si Hadassa, ngunit sadyang mailap ang babae sa kamatayan. Ang pinagtatakhan niya ay kung paano nakaligtas ang asawa mula sa pagkahulog sa tulay, dahil kitang-kita ng dalawa niyang mata nang gabing ‘yon; kung paano ang sitwasyon ni Hadassa sa sementadong ibaba ng tulay. She wasn’t moving, and he thought she was dead. Pero nalaman na lamang niya kinabukasan, na nakapag-file ng annulment ang asawa niya. And she was perfectly fine, animo’y hindi man lang ito nahulog

    Last Updated : 2023-10-22

Latest chapter

  • The Black Cat's Bride   29. The New Beginning

    Magkahawak-kamay sina Salem at Hadassa na nakatayo sa umiilaw na lahusan. Kulay lila at itim ang ilaw na nagmumula roon. Habangang mga kasamahan ni Salem naghihintay sa kanilang likuran para pumasok at tumungo na sa kanilang mundo. Kinakabahan man si Hadassa, pero wala siyang kinatatakutan hangga’t naroon si Salem sa kaniyang tabi. Alam niya na pinoprotektahan siya nito kahit na ano man ang mangyari.Pinikit niya ang kaniyang mga mata, nang nagsimula nang humakbang si Salem papasok sa lagusan. May kung anong malakas na enerhiyang humahatak sa kaniya sa loob. Mahigpit ang pagkakapit niya sa kamay ni Salem, at hindi naman siya binitiwan ng lalaki. Maingat siya nitong hinawakan sa baywang at mas nilapit pa siya rito. “You can open your eyes now, Hadda,” bulong nito sa kaniyang tainga. Unti-unting iminulat ni Hadassa ang kaniyang mga mata. Sumalubong sa kaniya ang malawak na isang bahay, mahaba at malaki ‘yon. Pinapaligiran ng mga punong-kahoy at halaman, at maging bulaklak. Maliwanag

  • The Black Cat's Bride   28. The Death of the Brother

    Ilang lugar na ang napuntahan ni Daldi at hindi pa rin niya nakikita ang kaniyang kapatid na si Aldi. Siguro nga na nasa mundo na nila si Aldi. Kailangan niyang makabalik ulot doon, bago pa mahuli ang lahat.Sa kalagitnaan ng kaniyang paglalakad. May nakasalamuha siyang mga lasing, sa isang eskinita, namataan siya nito. Mabilis na tumakbo si Daldi dahil paniguradong nakita siya ng mga ito. Tinuturing pa naman silang malas o kaya masamang nilalang na naroon sa mundo ng mga tao. Hanggang sa mga oras na ‘yon, hindi maintindihan ni Daldi kung bakit ganoon ang paniniwala ng mga tao. Gayung wala naman silang ginagawang masama, pero ang mga tao rin ang dahilan kung bakit binibigyan nila ang mga ito ng kalungkutan, pighati, malas at pagkawala ng buhay. At ginagawa lang din nila iyon sa mga taong masasama rin, ang mga gumagawa sa kanila ng masama. “Pre! May itim na pusa! Habulin natin! Baka maligno ‘yon!” rinig ni Daldi na sabi ng isa. Hindi nga siya nagkamali at hinabol siya ng mga ito. M

  • The Black Cat's Bride   27. The Sadness from the Past

    Isang gabi, naghahanap ng makakain silang magpamilya. Madungis na sila, at kitang-kita ni Daldi na nawawalan na ng pag-asa ang kaniyang mga magulang. Pero hindi dapat ganoon. Ito ang nagturo sa kaniya na huwag mawalan ng pag-asa, at ang sumuko. Pero saksi ang kaniyang mga mata kung paano na ang mga ito na manghina, magutom at ang mawalan ng lakas. “Inay, Itay, bumalik na po tayo sa mundo natin? Ilang araw na po ang lumipas. Hindi na po natin mabilang. Wala na pong kukuha sa atin,” anyaya niya sa mga ito. Ngunit malakas na umiling ang kaniyang ina at ama. Hindi ito nakinig at nagpatuloy sa paglalakad. Nakakita sila ng basurahan at naamoy na may pagkain doon. Sa kalagitnaan ng kanilang paghahanap ng pagkain, may dumaan na isang tao na lalaki at napansin sila ng mga ito. Napatigil sila sa kanilang pagkain, at napatitig sa tao. Akala nila kukunin na sila niti pero ganoon na lamang ang gulat ng mga magulang ni Daldi na may itinutok itong baril. Walang pagdadalawang-isip na binaril nito

  • The Black Cat's Bride   26. The Hidden from the Past

    Magkasama pa ang dalawang angkan; ang mababait at masamang pusa, sa iisang mundo nila. Malaya pa sila na nakalalabas ng kanilang mundo patungo sa mundo ng mga tao. Pinagbigyan sila ng kanilang pinuno ng pagkakataon para makisalamuha sa mga tao, at maging alaga ng mga ito. Ngunit hindi maiwasan ang ibang tao nasaktan at pagtabuyan ang ibang itim na mga pusa. Turing ng mga tao sa kanila ay isang malas, pero ang iba namam tanggap ang mga itim na pusa. Inalagaan nila ang mga ito at binigyan ng bahay na matutuluyan. Ang ilan sa mga it, mababait, at ang ilan sa mga itinapon at pinagtabuyan ay mga masasama. Kaya naman ang mga magulang ni Daldi, hindi mapigilan ang subukang maghanap ng mga taong aalaga sa kanila. “Sigurado po kayo na pupunta tayo sa mundo ng mga tao?” tanong ng batang si Daldi sa mga magulang nito. Ginalaw ng kaniyang ina ang buntot, at dinilaan ang isa sa paa nito. “Oo, anak. Baka sakaling may mag-alaga sa atin doon.”“Bakit po? Maganda po ba roon inay?” Dinilaan naman

  • The Black Cat's Bride   25. Aldi and Salem's War

    Hindi mapakali sa kaniyang kinatatayuan si Hadassa. Paroo’t parito siya sa paglalakad, habang kinakagat ang kaniyang mga kuko. Hindi niya maiwasan ang kabahan at ang mag-alala sa kung ano na ang nangyayari kina Salem. Kaina pa siya taimtim na nagdarasal na sana maging maayos ang lahat, at maging tagumpay ang pagbabalik ng mga ito sa kanilang mundo. Kung sumama na lang siya kanina, para naman malaman niya kung ano ang nangyayari. Pero hindi rin pwede dahil hindi naman niya alam kung paano rin makabalik dito sa mansion ni Salem. Siya lang mag-isa sa napakalaking mansion ng lalaki, hindi niya akalain na lahat pa lang nakatira doon ay nilalang na mga itim na pusa.Hindi man lang niya ‘yon napansin at naramdaman, na may kakaiba sa buong mansion at mga nilalang na nakapaligid sa kaniya. Sadyang nag-ingat talaga ang mga ito para hindi mahuli at malaman ang totoong pagkatao. Kahit siya rin naman, ganoon din siguro ang gagawin kapag masyado nang importante. Umupo siya sa sofa, hindi mapigila

  • The Black Cat's Bride   24. The Real Mark

    Hindi makapaniwala si Hadassa at maging si Angelia. Nagpaalam na muna silang dalawa sa mga naroon na black cat para makapag-isip at makapag-usap nang maayos. Pero sa puso ni Hadassa tanggap niya ang mga ito. Hindi nga lang niya alam kay Angelie, at kung tutulungan ng babae sina Salem. Huminga siya nang malalim at nahiga sa kaniyang kama. Alam naman niya at nararamdaman niyang mababait sina Salem, maging si Sela. Hindi lang talaga mawala ang takot, dahil sa katotohanan na ipinagtapat ng mga ito. Tumingin siya sa kisame, at inalala ang mga narinig niyang usapan kanina sa living room. Hindi naman niya sinasadya, talagang nagkataon lang noong pababa na siya ng hagdan. Ngayon, maliwanag na sa kaniya ang lahat kung ano ang naging dahilan ni Salem at sinama nito si Angelia sa mansion. Kung bakit biglaang naging bride nito ang babae. Kahit ano’ng gawin niya, hindi pa rin kayang tanggapin ng isipan niya ang lahat. Punong-puno na ang kaniyang isip ng mga rebelasyon, at pakiramdam niya sasabo

  • The Black Cat's Bride   23. The Gate

    Kinaumagahan nagdesisyon na agad si Salem na sabihin kay Angelia ang lahat. Hanggang sa mga oras na ‘yon, hindi niya alam kung ano ang iniisip ni Hadassa. Gumugulo ang isip niya kung ano ang mangyayari pagkatapos. Ngunit, kailangan niyang magmadali bago pa mahuli ang lahat. Aldi is making a move to destroy his plan. Kaya’t hanggang maari ay gagawin niya ang lahat para mapigilan ang kalaban sa lalong madaling panahon.Prenteng nakaupo si Sela sa kabilang sofa, habang siya at si Angelia magkatabi. Sana hindi maabutan sila ni Hadassa bago sila aalis mamaya papunta sa lagusan patungo sa mundo nila. “What are planning to tell me, Salem? Is this about ating kasal ba? Are you make proposal sa akin now?” kinikilig at masayang tanong sa kaniya ni Angelia. Pero isang ngiti lang ang ibinigay niya sa babae. Hindi alam kung saan niya sisimulan ang pagsabi rito. Lumingon si Salem kay Sela at humihingi ng tulong sa matandang babae. Tumikhim si Sela para maagaw ang atensyon ng lahat. “Angelia, ma

  • The Black Cat's Bride   22. The King of Good Black Cats

    Tumigil sa pagtakbo si Salem nang makarating na siya sa kaniyang mansion. Namataan agad siya ni Sela na nasa kusina, na paparating siya mula sa likuran. Nanlaki ang mga mata nito nang makita siyang karga-karga si Hadassa na walang malay sa kaniyang likuran. Tiningnan niya sa mga mata si Sela, nag-usap sila sa kanilang isip na dalawa. Matapos iyon, mabilis na umakyat si Salem sa silid na ginagamit dati ni Hadassa at doon dinala ang babae. Nilapag niya muna ito sa sahig bago magpalit ng kaniyang anyo. Binuhat niya si Hadassa at marahan na nilapag sa kama. Agad na pumasok sa loob si Sela kasama ang dalawang kasambahay. “Please heal her wound, and make sure that she dresses comfortably,” Salem said to the two maids before leaving. Hinila siya agad ni Sela papunta sa ikatlong palapag, sa library. “Ano’ng nangyari? Alam na ba ng babaeng ‘yon?”Tumango si Salem, at bumuntonghininga. “I was in my room earlier, Sela. When suddenly, I felt again that strong connection. It was calling me aga

  • The Black Cat's Bride   21. Save Her Again

    “Walang hiya ka! Paano mo ‘yon nagawa kina mom at dad, huh?! Wala silang ginawang kasalanan para gawin mo ‘yon sa kanila!” Malakas na sigaw ni Hadassa matapos mahimasmasan sa mga rebelasyon ni Gustavus sa kaniya. Habol niya ang hininga. Hindi niya napigilan ang pag-unahan ng kaniyang mga luha, habang nag-aapoy ng galit ang mga mata niyang nakatingin kay Gustavus. Hindi siya makapaniwala na magagawa ‘yon ng lalaking ‘to na nasa harap niya.“I know it, Hadassa. You don’t have to tell me about it. But I just did what I have needed to do. Malaki kayong tinik na nakaharang sa mga plano ko. At kung hindi ka rin lang mapapasakin, kailangan na rin kitang burahin sa mundo,” sambit ni Gustavus, mabilis itong tumayo.Umatras nang dahan-dahan si Hadassa. Ang lahat ng lamig niya sa katawan ay waring umakyat sa puso niya. Pinagpawisan siya nang malagkit, at natuyo ang lalamunan. Hindi pwedeng ganito na lamang ang mangyayari sa kaniya. Hindi siya papayag na mapatay ni Gustav, kinakailangan niyang b

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status