Home / Paranormal / The Black Cat's Bride / 2. Unbothered Husband

Share

2. Unbothered Husband

Pagkagaling ni Hadassa sa hospital, at nang matapos ang mga katanungan sa kanya ng dalawang pulis, diretso agad siya sa kompanya na pagmamay-ari ng kanyang mga magulang. Pupuntahan niya ang asawang si Gustavus at ibabalita rito ang nangyari sa mansyon. 

She called him many times earlier but he didn’t answer. Kaya nag-aalala na rin siya sa lalaki, at baka maging ito binaril din ng mga suspect na pumatay sa mga magulang niya. 

Pakiramdam ni Hadassa mawawalan na siya ng lakas at tino sa pag-iisip, but she need to be brave. Kailangan niyang bigyan ng magandang burol ang mga magulang. She need also to secure the safety of the workers who work on their home.

Mabilis siyang lumabas ng kanyang sasakyan nang mai-park na ito sa parking lot ng kanilang building. Nakilala siya agad ng guard pagpasok, at binati siya nito. Ang mga hakbang niya’y mabibigat pero pinilit niya pa ring lumakad. 

Pinindot niya ang 24th floor kung saan naroroon ang opisina ng kanyang asawa. Every seconds passed, her heart pounding. Hindi niya alam kung ano ang sasalubong sa kanya mamaya. Sana lang walang mangyaring masama kay Gustavus, dahil kung may nangyari din ditong masama hindi niya alam kung makakayanan pa ba niya. 

Pagkarating sa 24th floor agad siyang lumabas at tumungo sa CEO office. Kumatok siya ng ilang beses, pero walang bumubukas sa kanya. Bubuksan na sana niya ang pinto nang may tumawag bigla sa kanyang pangalan. 

“Hadassa?”

 Hindi siya pwedeng magkamali, ang boses na ‘yon ay pagmamay-ari ni Gustavus. 

Pagkalingon niya, sumalubong sa kanya ang nakakunot-noong si Gustavus habang nakatitig sa kanya. Mukhang gulat din ito dahil naroon siya sa mga oras na ‘yon. Madaya si Hadassa at ligtas ito, wala ritong nangyaring masama. 

Mabilis niyang tinawid ang pagitan nila ni Gustavus at mahigpit na niyakap ang babae. Halata namang nagulat ito sa naging kilos niya.

“What happened?” malumanay na tanong nito. Hinahagod ang kanyang likod, at hinaplos ang kamyang buhok. “Why are you crying, babe?”

Hindi na napigilan ni Hadassa ang sarili at binuhos na ang lahat na mga luhang natitira sa kanyang mga mata. 

Hinila siya ni Gustavus papasok sa opisina nito. Pinaupo siya sa sofa, at hinawi ang buhok na lumulugay sa harapan ng kanyang mukha. 

Puno ng pag-aalala ang mga mata nito. Hindi na ito nagtanong muli at hinayaan lang siyang ilabas lahat ng nararamdaman. Pero nandoon at nanatili si Gustavus sa tabi niya, habang niyayakap siya nito nang mahigpit. 

Pumikit nang mariin si Hadassa, hindi niya alam kung paano sisimulan at ibalita sa asawa ang nangyari. Mukhang abala ito sa trabaho at hindi nasagot ang tawag niya kanina. 

“B-babe, wala na si mom at dad. . .” napiyok pa siya bago ipinagpatuloy ang sasabihin. “There was a gunshots in the mansion. They’re both dead. A-anong gagawin ko ngayon?”

Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. “What the. . .”

Maging si Gustavus ay hindi makapaniwala sa ibinalita sa kanya ni Hadassa. Biglaan ang mga nangyari, at alam ni Hadassa na maging ang lalaki ay nagulat sa mga oras na ‘yon.

Umiyak siya nang umiyak, hindi na alam ni Hadassa ang gagawin. Mabuti na lang at hinayaan siya ni Gustavus at nanatili itong sa tabi niya matapos ang ilang minuto. 

Nang maubos na niya ang lahat nang luha, at maayos na siyang kausap, binato na siya ng mga katanungan ni Gustavus. 

“Who do you think will do that to your parents?” tanong nito, magkasalubong ang dalawang kilay at seryoso ang mukhang ibinigay sa kanya. 

Maging siya at naging seryoso na rin. “Wala akong maisip kung sino. There’s lot of business partners who wants this company. At maraming nagalit dahil doon, kaya hindi naman pwedeng magbintang na lang ako. Also, there’s no evidence. Hindi ko pa natanong ang mga pulis kung ano na ang imbestigasyon. Hindi ko alam ang gagawin, gulong-gulo ang isip ko.”

“Don’t worry about it, babe. Ako na ang bahala. Magpahinga ka na muna sa bahay. I will off from the office now, I send you home,” presenta ni Gystavus. 

Agad na umiling si Hadassa. “H-hindi. Please find a new home, babe. Hindi na tayo pwedeng bumalik sa mansion na ‘yon. Paano kung balikan tayo ng suspect? Baka tayo ang isusunod nila.

“Okay-okay, babe. Just relax, oaky? Nothing will happen to us,” pagpapakalma ni Gustavus sa kanya. 

Tumango naman si Hadassa saka huminga ng ilang beses. Pilit na pinapakalma ang kanyang sarili sa mga oras na ‘yon. 

Siguro kung wala si Gustavus sa tabi niya, hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Naguguluhan na rin siya sa kung ano ang maaring maging hakbang na gagawin. Mabuti na lang at doon ang asawa para pakalmahin siya, pero hindi no’n maibsan ang sakit na nararamdaman at ang pagkawala ng kanyang mga magulang. 

May tinawagan si Gustavus para sa kanilang panibagong bahay. Pinatawagan na rin niya sina Manang Silya para makalipat. Agad naman siyang sinunod ng asawa. Nang matapos, kumain sila ng tanghalian. 

Pinakuha na rin ni Gustavus sa iba nilang kasambahay ang katawan ng mga magulang niya para dalhin sa chapel para sa agarang burol. Hinayaan na ni Hadassa si Gustavus na magplano, hindi na gumagana ang isip niya. 

Hinatid nga siya ng asawa sa kanilang bagong bahay nang hapon na. Hindi na ganoon kalaki ang mansion na kinuha ni Gustavus at sakto na lamang sa laki, at para sa kanilang lahat. Vintage style ang bahay, at may mga ilang kagamitan sa loob.

“Magpahinga ka na muna, babe. Asikasuhin ko na muna ang burol ng mga magulang mo,” paalam ni Gustavus kay Hadassa saka siya nito hinalikan sa noo. 

Tumango naman siya at nagpaalam sa lalaki, bago tuluyang pumasok ng bago nilang bahay. Sumalubong agad sa kanya si Manang Silya para ituro sa kanya ang bagong silid. 

Pagkarating sa sariling silid napahiga siya agad sa kama at hinayaang pumikit ang mga mata. Napagod siya sa buong araw, at hindi niya alam kung paano haharapin ang bukas; sa katotohanan na wala na ang mga magulang. 

~**~

Maayos na ang buong  chapel para sa lamay ng mga magulang ni Hadassa. Tulad mga ng sabi sa kanya ni Gustavus na ito na ang bahala sa lahat, ay talagang natupad. 

Sinamahan siya ni Manang Silya sa lamay para harapin ang mga taong nagmamahal sa kanyang mga magulang. Hindi rin siya makapaniwala na maraming mga taong dadalo. Ang ilan sa mga ito ay ang mga natulungan ng charity ng kanyang mga magulang, at ang ilan ay mga kamag-anak nila at kaibigan. Nandoon din ang ilang mga business partners, at mga investors. 

“Hindi kami makapaniwala na mangyayari ito sa mga magulang mo, Hadassa. They are so kind and for all I know they have no enemies,” ani ng kanyang Tita Huda nang makalapit ito sa kanya. 

Tipid siyang ngumiti rito. “Iyon din ang alam ko, tita. But who knows? Baka nga talaga may inggit at galit sa pamilya namin. Hindi naman magagawa ng taong sa likod nito kung walang rason.”

“May balita na ba sa suspect? And about the investigation of the polices?” segundang tanong nito. 

Umiling siya. Wala pa siyang balita. “I will manage about it, tita, after the burial of my parents. Sa ngayon, ibigay ko muna sa kanila ang dalawang araw.”

“My condolence, ija. I just couldn’t imagine na wala na talaga si Carpio at Solina,” mababakas sa boses nito ang desmaya at lungkot. “By the way, where is your husband? Kanina ko pa siyang hindi napansin.”

“He is working, tita. Hindi niya mapabayaan ang kumpanya lalo pa’t ‘yon ang bilin sa kanya nina mom at dad,” sagot niya. 

“But he is supposed to be here. Kahit tatlong araw lang naman siyang  leave, it doesn’t matter at all,” komento pa nito. 

Naisip na rin ‘yon ni Hadassa, pero hindi na niya pinapansin ang sinabi ni Tita Huda. “Siya po ang nag-asikaso nitong lahat. Naawa nga po ako sa kanya, na dapat ako ang may obligasyon nito. Pero sinagip niya ako at pinapahinga.”

“I see. It’s better then,” turan na lamang nito at tinapik siya sa balikat. “You better rest, my niece. You are so pale, take a nap.”

Umiling agad siya. “Later, tita.”

Bumalik sa kanyang kausap si Tita Huda at naiwan si Hadassa na nakatingin sa kanyang ina at ama na mukhang natutulog lamang sa mga oras na ‘yon. Hindi alam ni Hadassa kung paano na siya sa mga susunod na araw. Naroon nga si Gustavus, pero hindi niya naman ito palagi nakakasama. Minsan ay wala talaga ito sa bahay at buong maghapon na nasa trabaho. Siya naman ay nagtuturo sa mga bata, at hindi na sila nagkakaroon ng oras ni Gustavus na lumabas. 

 Minsan kapag uuwi naman siya, wala pa ang asawa at hindi sila sabay kung kumain ng hapunan. Minsan din magkasabay sila pero mas inuuna pa ni Gustavus ang paper works nito, kaya kung matapos na siya gagawa naman siya ng kanyang lesson plan. At mga manipulatives na gagamitin niya para sa pagtuturo. 

Noong kasama pa niya ang mga magulang ayos lang sa kanya na hindi sila sabay na kumain ni Gustavus dahil doon naman ang kanyang mom at dad. Pero sa pagkakataong ‘yon, iba na ang naging ihip ng hangin. Pakiramdam niya mag-isa siya, kahit na kasama naman niya sina Manang Silya. 

“Magpahinga ka na muna roon, ma’am. Kami na po ang bahala na magbantay,” puna sa kanya ni manang Silya nang maabutan siya nitong panay ang hikab. 

Umiling si Hadassa at ngumiti rito. “Kaya ko pa, manang. Kayo na po muna ang magpahinga, gigisingin ko po kayo mamaya kapag gusto ko na pong matulog.”

“Hindi, sasamahan na kita. Tatawagin ko na lang si Lora mamaya para pamalit sa atin dito,” tanggi rin nito. 

Napangiti na lamang si hadassa, at umiling-iling. Grabe talaga ang katapatan na pinapakita sa kanya ni Manang Silya. Ito na ang nagpalaki sa kanya noon, nang abala ang mga magulang sa pagpapatakbo ng kanilang kumpanya. Kaya nakaugalian na niya ito palaging kasama, at itinuring na pangalawang ina. 

“Salamat, manang, ha? Hindi ko nap o talaga alam ang gagawin. Pakiramdam ko nawalan ng sindi ang kandila na nakatayo sa snetro ng isang bahay,” mutawi niya sabay sandal sa balikat nito. 

Tinapik-tapik naman siya ni Manang Silya sa kanyang balikat. Naiintindihan siya nito, hinayaan siya nitong sumandig sa balikat. Hindi na namanlayan ni Hadassa na nakaidlip na siya sa mga oras na ‘yon.

Si Manang Silya, tinawag niya si Lora at ito na muna ang inutusan na magbantay pansamantala at itinuro ang kanilang amo. Nakita naman nito na natutulog si Hadassa nang mahimbing. 

Nakuha naman agad ni Lora ang gustong ipaabot sa kanya ni Mannag Silya at ito na muna ang nagbantay. Inutusan na rin niya ang mga kasamahan na maghanda ng pagkain para sa mga naglalamay. 

KINABUKASAN nagplano si Hadassa na pumunta sa present para makibalita kung ano na ang takbo ng imbestigasyon tungkol sa pagbabaril sa kanyang mga magulang. Hindi na naman niya naabutan si Gustavus sa bahay, mukhang maaga na namang umalis ang lalaki. Hindi man lang ito nagpakita sa lamay hanggang sa araw na ‘yon, at ililibing na mamayang hapon ang mga magulang niya. 

Hindi rin nakatanggap ng kahit anong mensahe si Hadassa mula kay Gustavus matapos nitong asikasuhin ang lamay ng kanyang mga magulang. Alam naman niya kung gaano kaabala sa opisina, pero ni kahit isang oras lang na pagdalaw sa lamay ay hindi nito nagawa? 

Pinagsawalang-bahala na muna niya ang mga isipin na ‘yon, at kinakailangan na muna niyang pumunta sa presento. Kasama niya si Manang Silya, ayaw din siya nitong iwanan; nag-aalala sa kanyang kaligtasan. Kaya wala na siyang nagwa kundi ang isama ito papuntang presento.

Pagkarating nila sa presento, agad niyang hinanap sina SPO4 Kadrick at SPO1 Gilbert na siyang partner na may hawak sa kaso ng kanyang mga magulang. Humarap naman ang dalawa sa kanya matapos tawagin ng isang pulis na naroroon. 

Pinapasok sila ni Manang Silya sa loob ng isang private room. 

“Narito po ako para sana sa imbestigasyon tungkol sa nangyari sa aking mga magulang. May nakalap na ba kayong impormasyon?” tanong niya agad na walang pagdadalawang-isip. 

Huminga nang malalim si SPO4 Kadrick, at pinakatitigan siya nang seryoso. “Wala kaming nakalap na hint para magturo sa suspect. Mrs. Vectorino. Lalo na at walang nahagip ang CCTV sa area ninyo.  At base sa aming imbestigasyon, mula sa malayo ang suspect at isang snipe shooter.”

“May kilala ka ba na maaaring mag-hire o may skills nito na nakaaway o kaibigan ng mga magulang mo?” sunod na tanong ni SPO1 Gilbert. 

Napaisip nang malalim si hadassa. Iyon talaga ang malas at wala siyang maisip na kung sino, lalo pa’t wala naman siyang interes tungkol sa kumpanya ng mga magulang. Lalo na sa mga partners at investors ng mga ito. 

“I will ask my husband regarding this. Siya kasi ang mas may alam tungkol sa mga nangyayari kapag involved ang kumpanya,” sabi na lamang niya. 

Tumango ang dalawang pulis sa kanyang sinabi. “Posible na ang moif ng suspect ay ang patayin talaga ang mga magulang mo. Wala namang ninakaw sa inyo o kaya kinuha sa kumpanya. Ibig sabihin, pagpatay lang talaga sa mga magulang moa ng sadya,” paliwanag ni SPO4 Kadrick. 

Napakuyom ang kamay ni Hadassa, hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa pagkakataong 'yon. Hindi niya man lang alam kung sino ang may intensyon na ganoon sa kanila. Kung alam niya lang, siguro matagal na niyang sinabi sa dalawang pulis. 

Ang kinaiinisan niya sa sarili ay wala man lang siyang alam. 

“Sana ma’am, maki-operate ang asawa niyo, nang may lead kami sa imbestigasyon ‘to. Pero huwag kayong mag-alala at gagawin naming ang lahat para mahuli ang suspect.”

Hindi na rin sila nagtagal ni Manang Silya sa presento at pumunta na agad sa chapel. 

“Sa tingin niyo manang sino ang may ganoong intensyon kina mom at dad?” tanong niya nang mag-solo silang dalawa, at naghahanda ng mga dadalhin para mamaya sa libing. 

Napa-isip din nang malalim si Manang Silya. Maging ito ay wala ring alam kung sino ang may posibilidad na may gawa no’n. “Wala rin po akong alam, ma’am. Sa tingin ko naman po ay walang ginawan ng masama ang mga magulang niyo noon na maging dahilan ng pagpatay sa kanila.”

“Iyon nga rin ang naisip ko, manang. Wala akong makitang ano mang dahilan, pwera na lamang sa kumpanya namin.”

“Tanungin niyo po kaya si Sir? Baka po may alam siya na maaring maging lead sa imbestigasyon ng mga pulis,” suhestiyon ni Manang Silya.

“Tatanungin ko siya mamaya, hihintayin ko siya. Sana pumunta siya sa burol nila mom at dad,” sabi niya na may kaunting disappointment sa kanyang boses. 

TIRIK na tirik ang araw nang hapon na ‘yon nang ilibing sa Altavas Cemetery ang mga magulang ni Hadassa. Walang tigil ang luha na dumadaloy sa kanyang pisngi, mabuti na lamang at nakaalalay sa kanya si Manang Silya at nakasuot siya ng itin na Rayban. Maitatago no’n kahit papaano ang namumugto niyang mga mata. 

Maraming nakiramay at lumuksa, pero wala roon ang asawa niya. Pinipigilan niya ang sarili na magalit kay Gustavus, at isinintabi na muna nag mga bumabagabag sa kanyang isipan. 

Nandroroon din ang mga co-teachers niya at principal. Nasa tai niya si Ana at inalalayan din siya nito. 

Maraming dumalo at nagmamahal sa kanyang mga magulang, naka-standby ang mga kapulisan sa paligid para kung may mangyaring masama o may plano ang suspect madakip agad ito. Pero nang patapos ang libing wala namang kakaibang nangyari. 

Nagpasalamat siya sa mga taong naroon bago ang mga ito lumisan. Nagpaiwan siya at si Manang Silya, naghintay naman sa kanya si Ana sa hindi kalayuan kasama ang mga pulis na naroroon. Hinihintay rin ni Hadassa nab aka sakaling dumating si Gustavus at nahuli lang ito. Ngunit makalipas ang halos isang oras, walang dumating. 

Niyaya na rin niya si manang Silya na umuwi. 

“Ana, salamat sa pakikiramay,” kausap niya sa kaibigan nang makaharap ito. 

Pinisil nito ang kanyang kamay. “Magiging maayos din ang lahat, Haddy. Mahuhuli rin ang pumatay sa mga magulang mo. Kapag kailangan mo ng makaka-usap o karamay, tawagan mo lang ako o kaya i-chat.”

Tumango siya at bahagyang ngumiti sa kaibigan. “Maraming salamat, Ana.”

Nagyakapn na muna silang dalawa bago lumisan ang kaibigan. Lumingon si Hadassa kay Manang Silya. “Bakit po kaya wala siu Gustavus, manang? Ilang araw na siyang hindi nagpapakita sa lamay tapos sa libing din?”

Bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Manang Silya. “Hindi ko alam, ma’am. Pero kapag umaga naman umaalis si Sir, at hindi na ninyo siya naabutan, at kapag gabi naman ay nasa chapel naman tayo.”

Hindi na nagsalita pa si Hadassa at pumasok na sa kanyang kotse. Si Manang Silya naman ay nagpasalamat pa sa mga pulis na nagbantay sa kanila. 

Dumeritso na sila sa kanilang bagong bahay nang araw na ‘yon. Buong hapon natulog hanggang alas dyes ng gabi si Hadassa. Nagising siya dahil sa matinding gutom na nararamdaman, hindi pala siya kanina nakapaghapunan. 

Napansin niya na wala pa rin si Gustavus sa kama. Nagsalubong ang kanyang dalawang-kilay at hindi maiwasan na mag-alala para sa asawa. 

Kinapa niya ang switch ng ilaw at hinanap ang kanyang cellphone. Ini-dial niya ang numero nito. Matapos ang isang call hindi pa rin ito sumasagot, hanggang sa sinubukan niyang muli. Sa kalagitnaan nang pag-ring sinagot ni Gustavus ang kanyang tawag. 

“Hello, babe? Napatawag ka? Ano’ng oras na, oh?” salubong agad nito sa kabilang linya. 

Kahit papaano ay nabunutan siya ng tinik sa lalamunan nang marinig ang boses nito. Akala niya may nangyari na ditong masama. “Saan ka? Why you’re not still here?”

“I will be late tonight, babe. I have a lot of papers to finish. I am sorry, I will make it up to you when I’m done with this,” Gustavus answered in a low and sweet voice. 

Pero sa pagkakataong ‘yon, hindi nakumbinse si Hadassa. She was already enough for his excuses. Mula pa noong may insidenteng nangyari, naging mailap na rin sa kanya si Gustavus. 

Is it because her husband was afraid to involved with the incident? Kaya ba siya iniiwasan nito dahil takot itong mamatay at isunod ng sniper?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status