Home / Romance / The Billionaires' Secret / Book 7: Castle 20-Pagkapikon

Share

Book 7: Castle 20-Pagkapikon

Author: Yeiron Jee
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

"Ka-kayo ang eagle agent, 'di ba?" may pag aalinglangang tanong ni Ellah kay Dexter nang mamukhaan ito. Madalas ito na feature sa pahayagan sa tuwing may kasong na resulba ang team nito. Nagtataka siya kung bakit ito naroon, wala siyang idea na isa sa team nito si Cloud.

"Kami nga kung kaya huwag kang matakot sa amin. Ikaw ba si Miss—"

"Mrs," mabilis na pagtatama ni Ellah sa tawag sa kanya ni Dexter. "Ikinasal kami ni Cloud kahapon." Dugtong na anito upang malinawan ang kausap. Madaling araw na kung kaya nasabi niyang kahapon naganap ang kasal.

"What?" tila nabingi sa narinig na tanong ni Jeydon kay Ellah. Kanina pa siya tahimik lang na nakikinig habang hawak ang yello at ginagamot ang pasa sa kanyang mukha.

Sa nakikita ni Jeydon na reaction ng iba pang kasama ay alam niyang wala rin mga itong alam tungkol sa pag-aasawa ng kaibigan nila. Paanong hindi sila magulat at makapaniwala? Ni hindi nga nila nakitang nakipag relasyon si Cloud tapos ngayon ay kasal na? Ang akala nila ay si Ra
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • The Billionaires' Secret    Book 7: Chapter 21-Tagisan ng talino

    "Tol!""Boss!" Magkapanabay na wika ng dalawa. Sabay pa na napakamot sa batok ang mga ito nang magkatitigan."Sinior, first," inilahad pa ni Ruel ang palad bilang pagpaubaya kay Jeydon. "Mabuti naman at buhay ka na, Tol." Nakangisi na bati ni Jeydon kay Cloud."Ulol, ano ang akala mo sa akin galing sa hukay?" kahit mahina pa ay nagawang sumagot ni Cloud sa biro ng kaibigan. Hinawakan niya sa kamay si Ellah na nasa kaniyang harapan at marahang hinila palapit pa sa kanya. Nagkatawanan ang tatlo dahil bumalik na ang kilala nilang si Cloud. Pero napangisi rin nang makita kung paano nito hawakan ang kamay ni Ellah.Nahihiyang napayuko ng ulo si Ellah nang mahuling sa kaniya nakatingin ang mga kaibigan ni Cloud. Hinila niya ang kamay na hawak nito ngunit ayaw pakawalan."Lalabas muna kami." Paalam ni Dexter kasabay nang pagtulak kina Jeydon palabas ng silid."Tol, huwag ipilit ang naudlot na honeymoon ha at baka diyan ka matuloyan." Pahabol na tukso ni Jeydon bago pa tuloyang maisara a

  • The Billionaires' Secret    Book 7: Chapter 22-Awa at selos

    "WALA pa po ba si Lights?" nanghihinang tanong ni Raiko sa ina na malungkot nakatunghay sa kanya. Tuwing paggising niya ay ang malungkot na mukha ng ina ang kanyang nakikita. Walang araw na hindi ito umiiyak at hindi matanggap ang kanyang nalalapit na paglisan sa mundong ibabaw. "Ma?" pukaw niya sa pananahimik ng ina. May pag alinlangang sumagot si Laila sa anak. Alam niya ang lahat ng nangyayari sa Davao ngunit nag aalinlangan siyang sabihin sa anak. Ramdam niya na may espisyal na damdamin ang anak niya sa binatang abogado, na asawa na ngayon ni Ellah. Bukam-bibig nito si Cloud at binibida sa kanya kung gaano kagiting ang lalaki para dito."May dapat po ba akong malaman, Ma?" Mahamig na sa tinig ni Raiko ang pagka inip."Wa-wala anak, narinig ko kanina na nakabalik na siya dito sa Manila. Nagka problema lamang pero wala kang dapat ipag-alala." Nakangiti na ginagap nito ang palad ng anak. Binantayan niya ito hanggang sa makatulog muli. Dalawang linggo palang siya roon at hindi pa niy

  • The Billionaires' Secret    Book 7: Chapter 23-Pagluha

    "May masakit ba sa iyo, Hija?" nag-aalalang tanong ni Laila kay Ellah nang maabutan niya ito sa bungad ng silid ni Raiko.Kagat ang ibabang labi na nagmulat ng mga mata si Ellah. Diritso ang tingin kina Cloud, lumingon ito sa kinaroonan niya nang marinig ang tanong ng kanyang tiyahin. Sa pagkakataong ito ay triple na ang nadarama niyang sakit sa dibdib. Walang emosyon na mabanaag sa mga mata ng asawa habang nakatingin sa kanya. Ni hindi nito inalis ang pagkahawak ng kamay sa palad ng kanyang pinsan. Hindi manlang nito naisip na baka magselos siya. Masama na kung masama, pero naisip niya na kung hindi lang dahil may sakit ang kahawak kamay nito ay baka nasugod na niya ito at nasabunutan. Naipilig niya ang ulo upang iwaksi ang hindi magandang iniisip. Nagpatianod siya nang akayin siya ng tiyahin papasok sa silid upang lumapit sa kama. Napatitig siya sa mga kamay ng mga ito. Nakita niyang sumunod ang tingin doon ni Cloud ngunit tila baliwala lang dito na makita niya ang magkahugpong na

  • The Billionaires' Secret    Book 7: Chapter 24-Manhid

    "AYAW kong sumama ang loob ni Raiko kaya sana ay mag-ingat ka sa mga bibitawan mong salita. Manatili ka rito ng ilang araw habang abala pa ako sa pag-asikaso sa problema.""Huwag kang mag-alala, may puso pa rin ako at pinsan ko si Raiko. Isa pa ay hindi rin ako magtatagal dito. Ngayong napatunayan kong mabuti kang tao ay panatag akong iwan sila sa pangangalaga mo." Hindi maiwasan ni Ellah ang maging bitter."Baka nakalimutan mong asawa na kita kaya kung nasaan ako ay dapat naroon ka rin."Nagpigil si Ellah na ilabas ang saloobin na nagpapasikip sa kaniyang dibdib. Bumaba siya sa kama at humarap sa bintana upang itago ang pamumula ng mga mata sa mapanuring tingin ni Cloud. Sa halip na salungatin ito ay iba ang namutawi sa kaniyang labi."Kailangan ako ni Daddy.""May tao na akong iniwan doon at—""I want to go back in Davao, sa ayaw at sa gusto mo." Matigas na putol niya sa iba pang nais sabihin ni Cloud."What's wrong with you? Kailangan mo ba talagang pairalin ang katigasan ng ulo mo

  • The Billionaires' Secret    Book 7: Chapter 25-Intensity

    KUMILOS si Ellah at bumaling ng higa sa kabilang panig ng silid. Ramdam niya na kanina pa siya pinagmamasdan ni Cloud. "Stop beating!" galit na sikmat niya sa kanyang sariling puso nang bumilis na naman ang pintig niyon. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil hindi marunong kontrolin ang damdamin sa tuwing nasa malapit ang lalaki."Alam kong gising ka," tila may bikig sa lalamunan na pagsisimula ni Cloud. "Hindi tama ang sa kung ano man ang iniisip mo kung kaya sumama ang loob mo sa akin." Mariing naipikit ni Ellah ang mga mata habang hinihintay ang iba pang paliwanag ng asawa. "Bati na tayo." Tila napilitan lang na dugtong pa nito.Nakasimangot na nilingon niya ang asawa. Hindi iyon ang inaasahan niyang sasabihin pa nito. Pinigilan ang sariling mapangiti nang masilayan ang mukha ni Cloud. Ang cute lang nito tingnan dahil halo ang emosyong makita sa mukha nito, pagkailang at alinlangan."Titingin ka lang ba?" Mahamig naman ngayon ang iritasyon sa tinig ng binata."Pinapalaya na kita,

  • The Billionaires' Secret    Book 7:Chapter 26-Pag-amin

    "Boss C!" Hindi na nilingon ni Cloud si Amalia na bumati sa kanya. "Bantayan mo siyang mabuti, baka malingat ka at makalabas siya ng hideout.""Patutulogin ko siya, boss, kapag matigas ang ulo niya." Pumitik sa ere ang dalawang daliri ni Amalia habang nakangiti. Dagli ring nabura ang ngiti sa labi nang makita ang malaking tao na pumasok sa tarangkahan. Nangungusap ang mga mata na tumitig siya sa taong bagong dating. Ngunit ang isinukli nito sa kanya ay walang emosyong mga titig."General!" Sumaludo si Cloud sa bagong dating."Nagmamatigas pa rin siya." Tukoy ni Max kay Lucas.Napabuntonghininga si Cloud, "ako na ang bahala sa kanya."Tinanguan ni Max ang binatang abogado bago tumuloy sa loob upang kumustahin ang mga tao na naroon. Siniguro rin ang kaligtasan ng mga ito habang wala ang ibang detective dahil busy sa pag-aasikaso ng kaso ni Cloud.Napalabi si Amalia nang lagpasan lang siya ng makisig na general at ni hindi napansin ang kaniyang beauty. Kailangan pa niya yata itong galit

  • The Billionaires' Secret    Book 7: Chapter 27-Katigasan

    "WHERE do you think you're going?"Daig pa ni Ellah ang natuklaw ng ahas pagkarinig sa malagom at baritonong tinig ng asawa. Kahit hindi niya ito nakikita ay kilala niya ang tinig nito na nagpapalambot sa kanyang mga tuhod."Gusto mo ba talagang mapahamak?" mahina ngunit puno ng galit ang tono ng pananalita ni Cloud. Walang nakakaalam na dumating siya bukod sa guard na nakabantay sa tarangkahan. Agad siyang dumiritso sa silid ng asawa ngunit hindi niya ito natagpuan doon. Lahat ng tao sa bahay na iyon ay tulog na at alam niyang hindi ugali ng asawa ang makitulog sa silid ng iba.Sa halip na matakot o salubongin ang galit ni Cloud, nakangiti na humarap siya dito at pinulupot ang dalawnag braso sa beywang nito. Tumingala siya upang salubongin ang nagbabaga sa galit na mga mata nito. Ang totoo ay kanina pa siya naghahanap ng daan upang makaalis sa lugar na iyon. Ngunit napakataas ng bakod kung kaya hinihintay niyang makatulog ang bantay sa gate.Pahaklit na binaklas ni Cloud ang braso ng

  • The Billionaires' Secret    Book 7: Chapter 28-Flirting

    "MOM?" May pag-aalinlangang tawag ni Cloud sa ina na kanina pa nakatitig sa kanya. Gusto niya itong yakapin ngunit natatakot siya na baka hindi siya nito kilalanin at lalong magulo ang isip."Saan ka nanggaling? Bakit ngayon ka lang umuwi?" bahagyang bumagsik ang awra ng mukha ng ina nang makilala siya. "Maliit ka pa noong hinatid kita sa paaralan." Nag-igtingan ang mga ugat sa leeg habang nakatiim bagang. Hindi ito ang inaasahan niyang reaksyon sa muli nilang pag-uusap ng ina. "Magpagaling na po kayo at pangakong hindi ko na kayo muling iiwan." Maingat niyang niyakap ang ina nang makitang may luhang pumapatak sa mga mata nito."Matagal kitang hinintay, Anak! Ang daddy mo ay pinatay nila, dito ka lang sa tabi ko upang hindi ka nila makuha sa akin." Naging malikot ang galaw ng mga eyeballs ng ginang at hinigpitan ang yakap kay Cloud."Pangako, pagbayarin ko siya at sa pagkulong niya sa iyo ng maraming taon sa bahay nila!""Matutulongan ka ng Tito Tony mo upang mahuli sila, Anak!"Naik

Latest chapter

  • The Billionaires' Secret    Book 10-Finale

    Nakangiting pinanuud ni Cris ang kalalakihang nag-uusap. Masaya siya dahil unti-unting nakakasundo na ni Argus ang kaniyang kagrupong kaibigan."Mare, ang haba ng hair mo. Bukod sa guwapo, mayaman at makisig ay ang bata pa ng nabihag mo." Kinikilig na ani Amalia."Nagsisi ka ba at may edad na ang lalaking napangasawa mo?"Sabay na nilingon nila Cris at Amalia ang nagsalita. Kahit kailan talaga ay walang ingat magsalita si Shahara. Ewan ba nila at bakit sumama ito kay Ruel gayong hindi ito mahilig makihalubilo sa hindi nito close friend.Biglang naitikom ni Shahara ang bibig at alanganing ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto lang naman niyang maging close friends ang mga babaeng kaibigan ni Ruel. Pero sa tuwina'y pahamak ang kaniyang bibig."Salamat pala sa pagpunta rito at pagsama kay Ruel." Pag-iiba ni Cristine sa paksa.Umirap muna si Amalia kay Shahara bago ngumiti. Hindi naman siya na offend or nagalit sa babae. Magaan naman ang loob niya dito at handa sila mag-adjust upang m

  • The Billionaires' Secret    Book 10: Chapter 39- A big show

    MANONG nasaan na po si Lexus?" Kausap ni Cris sa nag-aalaga sa paborito niyang kabayo. Hindi niya rin mahanap si Argus matapos nitong maalalayan ang babaeng isa sa nanalo sa event."Sorry po, ma'am, kanina ko pa hinahanap ang kabayo pero hindi ko mahanap." Kumakamot sa ulo na sagot nang may edad ng lalaki. Nangunot ang noo ni Cris at parang hindi manlang nabahala ang bantay na nawawala ang kabayo. Worth of million ang halaga ng kabayo dahil sa galing nito kaya maaring may magtangkang kumuha dito. Pagagalitan pa niya sana ang lalaki nang magkaroon ng kumusyon sa labas ng kuwadra. Dali-dali siyang lumabas para lang malaglag ang kaniyang panga habang pinapanuud ang nangyayari."Ang akala ko ba ay hindi marunong sumakay sa kabayo si Argus?" Pabulong na tanong ni Jeydon kay Jay. "Walang puting itlog ang dapat makadapo sa pugad ng eagles." Makahulugang sagot ni Jay sa kaniyang superior.Proud na tumango si Jeydon bago tinapik sa balikat si Jay at nagustohan ang sinabi nito.Kinalma ni Arg

  • The Billionaires' Secret    Book 10: Chapter 38-Pagsubok kay Argus

    KINABUKASAN ay napilitang bumangon si Cristine dahil sumisilip na si Haring Araw sa bintana ng kaniyang silid kahit wala pang six ng umaga. Nasa bathroom na si Argus at tinawagan na umano nito ang sariling katulong upang dalhan ito ng damit pambihis.Alam niyang tulog pa ang kaniyang mga bisita kaya kailangan niyang kumilos na bago pa makita ng mga ito na sa silid niya natulog si Argus."Ma'am, nandito na po ang gamit ni Sir Argus." Katok ng katulong sa silid ni Cris.Mabilis na binuksan ni Cris ang pinto upang kunin ang dinala ng katulong. Kanina ay tinawagan niya ito na abangan ang paparating na tao ni Argus."Salamat, Manang." Nahihiya niyang bati sa ginang. "Walang anuman, Ma'am. Gusto mo po bang ipasok ko ito upang tulungan kayo sa pag-ayos ng gamit ni Sir?"Namilog ang mga mata ni Cristine nang mapadako ang tingin sa isang maletang nasa tabi ng katulong. "Huwag na po, ako na ang bahala."Pagkatalikod ng katulong ay agad na hinila ni Cristine ang malaking maleta. Agad na isinara

  • The Billionaires' Secret    Book 10:Chapter 37-I can't promise

    RAMDAM ni Cristine ang pagsunod sa kaniya ni Argus hanggang makapasok sa loob ng kaniyang silid. Pagkapasok ni Argus, pakiramdam niya'y biglang umalinsangan ang paligid kahit nakabukas naman ang aircon. Mabilis ang kilos niya at minuwestra sa binata kung saan ang bathroom at ang gagamitin nito sa pagtulog."A-ano ang ginagawa mo?" Nandidilat ang mga matang tanong niya kay Argus nang isa-isa nitong binuksan ang butones ng suot nitong long sleeve."Wala akong dalang bihisang damit at hindi ako natutulog na ganito ang suot." Pabaliwalang sagot ni Argus sa dalaga at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka makapaghintay na makalabas ako bago gawin iyan?" Inis niyang tanong sa binata at mabilis na iniwas ang tingin sa katawan nito nang lumantad ang matigas nitong dibdib.Muli niyang nilingon ang binata nang hindi ito sumagot para lang muling mandilat ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang nilapitan ito at pinigilan sa pagbukas sa zipper ng pants nito."Uhmmm!" Ungol ni Argus nang lumapat ang

  • The Billionaires' Secret    Book 10: Chapter 36-Panliligaw

    "PAANO niya ma appreciate ang bigay mong bulaklak kung delivery boy lang ang nag-aabot sa kaniya?" panenermon ni Renzel kay Argus nang mag reklamo ito. Ayun sa report ni Andreah ay hindi nakangiti ang dalaga sa tuwing matanggap ang padalang bulaklak at chocolate ng kaibigan. "What the heck, trabaho nila ang mag-deliver and I paid them!" Impatient na pangatwiran ni Argus sa kaibigan."Alam mo kung hindi lang kita kaibigan ay sulsolan ko pa si Cristine na huwag ka nang mahalin!" Pinameywangan ni Renzel si Argus."Napaka imposible niyong mga babae. Sobrang complicated ng mga mood ninyo." He sigh with disbelief in his face."Hindi ko alam kung may puso ka ba o baka naman libog lang ang nararamdaman mo sa kaniya? Don't get me wrong pero wala manlang akong nakikitang kilig sa pagkatao mo." Mukhang tinubuan ng sungay sa noo ang tinging ipinukol ni Argus sa kaibigan at kinuwestyon ang tunay niyang damdamin kay Cristine. "Siya ang may gusto na hindi ipaalam ang relasyon namin sa iba at—""

  • The Billionaires' Secret    Book 10: Chapter 35-Pagkaunawaan

    INIS na nilingon ni Cris si Argus at nakahalukipkip na hinarap ito. "Sabihin mo na ngayon kung ano man ang kailangan mo at nagmamadali ako!""kailangan mong maghintay hanggang sa matapos kong mapag-aralan itong bago mong proposal sa kompanya." Malamig na tugon nito sa dalaga habang isa-isang binubuklat ang dinala nito.Padabog na umupo si Cris sa harapan ng binata at kinuha ang cellphone na nasa bag. Alam niyang galit ang binata kay Jay kaya iiwas na niya muna ang kaibigan."Mauna ka na sa rancho at susunod ako." Mensaheng ipinadala ni Cris sa kaibigan.Pabagsak na binitawan ni Argus ang hawak na paper nang makitang ngumiti ang dalaga habang binabasa ang message sa cellphone nito. Gulat na nag-angat ng tingin si Cris at nagtatanong ang tinging ipinukol kay Argus. "Ano na naman ang nagawa kong mali?" naitanong niya sa kaniyang sarili."Ganyan ka ba humarap sa importanting meeting? Instead of listening, nakikipagharutan sa cellphone?" Galit niyang tanong sa dalaga.Nakaramdam ng pagkap

  • The Billionaires' Secret    Book 10: Chapter 34-Banta

    HINDI napaghandaan ni Argus ang pagsalubong sa kaniya ni Jhean at ang paghalik sa kaniya. Ang tangkang pagtulak sa babae ay naudlot nang maramdaman mula sa likuran ang taong tanging nagpaparamdam sa kaniya ng kakaibang damdamin."I just want to say thank you!" nahihiyang wika ni Jhean matapos ang halik na iginawad sa binata. Sobrang saya niya at napapansin na siya ng binata at nasa side niya pa ito. Sinamantala na niya ang pagkakataon na ito upang tuluyang mahulog ang loob nito sa kaniya. "Ganyan na pala ang paraan ng pagpapaabot ng pasalamat?" sarkastikong tanong ni Cristine. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at isinantabi ang selos na nadarama.Relax lang ang katawan ni Argus at hindi manlang ito nagulat sa biglang pagsulpot ng kanilang panauhin. Samantalang si Jhean ay mukhang na estatwa sa kinatayuan at nahuli sa kriming pagnanakaw."Hindi ka ba marunong kumatok?" Kapagdaka'y sita ni Jhean sa babae nang makabawi. Kahit pa ito ang bagong acting CEO ay wala siyang pakialam dahil ka

  • The Billionaires' Secret    Book 10: Chapter 33-Selos at galit

    "SIR, the board members informed me that the new CEO of Milk Dairy Corporation will take over her position." Inilapag ni Rachel ang report papers sa harap ng lamesa ni Argus. Tinantya niya ang mood nito at hinintay ang maging reaction.Tiim-bagang na dinampot ni Argus ang papers at pinasadahan ng tingin iyon. "Finally, lumabas ka rin sa lungga mo!"Malinaw na narinig ni Rachel ang mga katagang binitawan ng amo. Dala niyon ay gulo at hindi nga siya nagkamali nang muling magsalita ito."Gather all stock holders to the board meeting room," maawtoridad nitong utos sa kaniyang secretary. "You'll pay for what you did!" dugtong na ani Argus sa isipan lamang.Mabilis ng tumalikod si Rachel at natakot sa paraang maningin ng amo na kay talim at ang dilim ng aura ng anyo nito.Ilang buwan din pinag-aralan ni Cristine ang pamamalakad sa kompanyang iniwan sa kaniya ni Caroline bago nagpasyang punan ang tungkulin. Alam niyang si Argus ang isa sa dahilan kung bakit matatag pa rin ang kompanya. Sa tu

  • The Billionaires' Secret    Book 10: Chapter 32-Agresibo

    Muling napaurong si Cristine at inihanda ang sarili sa pagsugod ni George. Kahit papaano ay nadagdagan ang lakas ng kaniyang loob nang marinig ang tinig ng kasamahan mula sa labas ng pintuan. Sumigaw siya upang humingi ng tulong sa mga ito.Nakipag unahan si Argus sa pagbukas sa pintuan nang marinig ang tinig ng dalaga. Pakiramdam niya ay tumigil ang tibok ng kaniyang puso nang mahamig sa tinig ng dalaga ang pagod at sakit na nadarama. "Tabi!" Pagbigay babala ni Micko sa kasamahan at itinutok ang hawak na baril sa seradura ng pintuan.Mabilis na sinipa ni James ang pintuan nang maalis ang lock kasabay ng pagtutok ng baril sa loob ng silid, at ganoon din ang ginawa ng kasamahan. "Huwag kang gagalaw!" Biglang nanigas si George sa kinatayuan at hindi na naituloy ang pagsugod sa dalaga. Paglingon niya ay nagulat siya nang makilala ang mga kilalang agents ng isang ahensya na sumisikat sa kanilang bansa ngayon."Itaas ang kamay at huwag nang magtangkang lumaban!" Muling utos ni James sa l

DMCA.com Protection Status