Share

Book 7: Chapter 23-Pagluha

"May masakit ba sa iyo, Hija?" nag-aalalang tanong ni Laila kay Ellah nang maabutan niya ito sa bungad ng silid ni Raiko.

Kagat ang ibabang labi na nagmulat ng mga mata si Ellah. Diritso ang tingin kina Cloud, lumingon ito sa kinaroonan niya nang marinig ang tanong ng kanyang tiyahin. Sa pagkakataong ito ay triple na ang nadarama niyang sakit sa dibdib. Walang emosyon na mabanaag sa mga mata ng asawa habang nakatingin sa kanya. Ni hindi nito inalis ang pagkahawak ng kamay sa palad ng kanyang pinsan. Hindi manlang nito naisip na baka magselos siya.

Masama na kung masama, pero naisip niya na kung hindi lang dahil may sakit ang kahawak kamay nito ay baka nasugod na niya ito at nasabunutan. Naipilig niya ang ulo upang iwaksi ang hindi magandang iniisip. Nagpatianod siya nang akayin siya ng tiyahin papasok sa silid upang lumapit sa kama. Napatitig siya sa mga kamay ng mga ito. Nakita niyang sumunod ang tingin doon ni Cloud ngunit tila baliwala lang dito na makita niya ang magkahugpong na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ro Wena
maraming salamat po sa update miss Jee
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status