"PAANONG nawawala ang kapatid ko?" galit na bungad ng tanong ni Ted kay Tony."Umupo ka muna," kalmadong paanyaya ni Tony sa huli. "Hindi ko pa alam kung saan itinago ng aking kalaban ang kapatid mo. Pero nakakasiguro ako na hawak niya ito upang magamit laban sa akin." Lihim siyang napangisi nang makita ang pag-igting ng panga ng hilaw niyang bayaw."Gusto kong makilala ang hayop na iyan." Diterminadong pahayag ni Ted. Mahal niya ang kanyang kapatid kahit na nagkaroon ito ng sakit sa isip."Tanging si Conrad ang nakakaalam ng katotohanan. Siya ang inaasahan kong maging witness upang mahanap natin si Ana."Gusto ko siyang makita." Pahayag ni Ted at kilala niya si Conrad. May hindi sila pagkaunawaan ng huli noon dahil mayabang ito."Pasasamahan kita bukas sa tauhan ko upang bisitahin siya." Pinahanda niya sa katulong ang tutulogan ni Ted. Pumayag ito na kinabukasan na bisitahin si Conrad dahil gabi na rin.... PATAKBONG pumasok si Cloud sa hospital kung saan naroon ang ama ni Ellah "An
"MULA ngayon ay huwag ka nang lumapit sa aking asawa." Napapiksi si Ellah pagkarinig sa baritonong tinig ng asawa. Mabilis siyang kumawala sa yakap ng kanyang ninong at may pangingilag na lumayo dito. Agad na yumakap sa asawa nang makalapit ito sa kanya."Hija, sa akin ka dapat sumama at magtiwala ngayong wala na ang iyong ama." Mahinahon na hikayat ni Tony sa inaanak. Nagtitimpi na hablutin ang buhok ng dalaga upang ilayo sa kaaway.Hindi pinansin ni Cloud ang congressman at hinarap ang asawa. "Gusto mo bang makausap si Eliza?" Dinig ni Tony na tanong ni Cloud sa asawa nito. Pagkalingon niya ay saka lang niya napansin na naroon din ang kaniyang anak. Nangunot ang kanyang noo sa pinapakitang pagkagiliw ng binata kay Eliza. Pasimpli niyang pinag-aralan ang kilos ni Cloud habang kaharap ang kanyang anak. Kung makipag-usap ito kay Eliza ay tila may kasamang pagpapahalaga iyon ng samahan, gayong hindi naman close ang mga ito. Nilingon ni Cloud si Tony na alam niyang kanina pa nakatingi
''DIYAN ka!" "King ina!" napamura si Wigo nang kamumtik na mapasubsob ang mukha sa sahig nang pabalya siyang ipinasok sa kulongan ng pulis. "Shit!" Kinapa niya ang sariling mukha kung malaking sugat ba ang natamo niyon. Nakipag suntokan siya kanina sa isang pulis at mukha pa niya ang pinuntirya ng lalaki."Sa susunod ay kilalanin mo kung sino ang binabangga mo ha!" Dinuro ng pulis si Wigo, may sugat din ito sa labi dahil pumotok iyon nang suntokin ni Wigo.''Ulol! Isa kang salot na pulis!" bulyaw ni Wigo sa lalaki. Asar siya rito dahil nasira ang plano niya na pumasok sa kulungan na pogi pa rin ang mukha. Sa halip na magpanggap na lasing at hamunin lang ito ng away, diritso rambol siya dito dahil nakita niyang tangkang panghahalay nito ng dalagita sa liblib na lugar. Pasalamat ito dahil may dumating na ibang tao, kung hindi ay baka durog ang mukha nito sa kanyang kamao. Malas nga lang at nabaliktad ang sitwasyon. Siya ang lumabas na rapist, ang dalagita ay ayaw sumagot nang tanongin
"Ano ang tinitingin-tingin mo, ha?" naninindak na tanong ng lalaki kay Wigo nang mahuli siya nitong nakakatig dito."Mata, bakit?" pilusupong sagot ni Wigo sa lalaki at pinalaki ang mga matang singkit."Aba't pilosopo kang baliw ka ah!" Hinaklit ng lalaki ang kuwelyo ng damit ni Wigo."Nagsalita ang hindi baliw." Sarkastiko ngunit kalmadong wika ni Wigo. Humarang siya sa harap ng lalaking pareho nilang puntirya. "Ano ang sabi mo?" nanlilisik ang mga mata ng lalaki.Mabilis na naiharang ni Wigo ang palad sa sariling mukha upang hindi matalsikan ng laway ng lalaki. "Tss! Ang laway mo! Lahat ng nandito sa seldang ito ay baliw kaya huwag kang magalit kung tawagin kitang baliw!"Napatda ang lalaki at napaisip sa narinig. Iyon ang kinuhang pagkakataon ni Wigo at itinulak ito palayo sa kanya. Sa kanyang ginawa ay lalo lamang nagalit ang lalaki. Mabilis itong tumayo mula sa sahig na pinagtumbahan at sumugod kay wigo."Lumayo ka!" Utos niya sa lalaking kriminal na tulalang nakatingin sa kani
PAGKALABAS ni Cloud sa sala ay nakita niya agad si Tony at ang tauhan nito. Gabi na at alam niyang hindi pa nito nabalitaan ang nangyari sa tao nito. Nang magsalubong ang kanilang paningin ay umangat ang isang sulok ng kaniyang labi at makahulogang tingin ang ipinukol sa ginoo.Hindi nagpapatinag na sinalubong ni Tony ang kakaibang tingin sa kaniya ni Cloud. Ang sa kaniya naman ay nanghahamong tingin kasabay ng pagngisi. Kailangan na makita siya sa lamay bilang kapartido sa politika at kaibigan na rin ni Conrad. Marami ang umaasang mamayan sa kaniya na mabigyan niya ng hustisya ang pagkamatay nito. Hindi pinansin ni Cloud ang bulong-bulongan ng mga mamayan na nagmamahal kay Conrad. Hindi maganda ang tingin sa kaniya ng karamihan dahil naniniwala sa mga maling balitang ikinakalat ng tauhan ni Tony. Bukas ng umaga na ang sunod na hearing ng kaniyang kaso at sa hapon naman ang libing.Tinawag ni Tony ang isa sa tauhan nang may mapansin. "Nasaan ang kasamahan ng hambog na abogado?""Naki
"ISUSUNOD ko ang tiyohin mo." Nakangisi na bulong ni Tony kay Cloud nang magtapat sila sa pintuan. Lalong lumawak ang ngiti sa labi nang napatda sa kinatayuan ang lalaki at nilingon siya."Gaano mo kamahal ang iniingatan mong anak?" Siya naman ang napatda nang marinig ang sinabi ni Cloud. Bigla siyang kinabahan lalo na nang magsalita itong muli.He grinned while looking at his face. Woried was written all over on Tony's face. "Or should I say—" luminga muna siya sa paligid bago inilapit ang bibig sa tainga ni Tony. " Paano nagkaroon ng anak ang isang baog?"Nakapamulsa ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng suot na slack pants habang naglalakad palayo kay Tony. Daig pa ng lalaki ang natuklaw ng ahas sa hitsura nito ngayon."Ano ang sinabi mo roon at nagkulay suka na ang mukha niya?" Siniko ni Micko sa tagiliran si Cloud. Nilingon niya si Tony na nanatili pa rin sa kinatayuan nito."Hayaan natin na mabaliw siya sa pag-iisip." Makahulogang tugon ni Cloud sa kaibigan.Sabay na napai
HUMIGPIT ang bantay ng kalaban sa paligid," paanas na ani ni Micko kay Cloud. Ang balak niya ay puntahan sina Ashton sa pinagtaguan nito ng tatlong bihag."Marahil ay alam na niya ang nangyari sa tatlo niyang tauhan." Matalim ang tingin sa malayo ni Cloud habang nakasuksok ang isang kamay sa bulsa ng suot na short. Gabi na at bukas ay mayroon na muling hearing sa kaniyang kaso."Narinig ko nga pala kanina na kausap ng asawa mo sa cellphone nito ang iyong ina. Kailangan na mag-ingat siya dahil baka may tao si Tony dito sa loob ng bahay.""Pagsabihan ko siya," maiksing tugon ni Cloud sa kaibigan. Maraming katulong sa loob ng bahay at tama ang kaibigan, hindi niya kilala ang mga ito lalo na at ang ilan ay galing kay Conrad noon."Matulog ka na at maaga pa tayo bukas. Ako na muna bahala magmatyag sa paligid." Patulak niyang pinaalis si Cloud. Si Dexter ay nagpapahinga na rin sa silid nito kasama si Jeydon. Bago pumasok sa silid nilang mag-asawa ay sinilip muna ni Cloud ang dalawa. Alam n
KINABUKASAN ay maagang naghanda sina Cloud upang dumalo sa hearing. "Mag-ingat kayo lalo ka na." Paalala ni Ellah sa asawa habang inaayos ang necktie nito."I will, huwag ka rin lumabas ng bahay at takasan ang iyong bantay." Napangiti si Ellah nang makitang seryuso ang asawa at ang lambong na naman ng aura nito. Pero mas okay na ang ganito kaysa noong hindi pa niya asawa ito, lagi na ang dilim ng aura ng mukha nito."Kailangan ko nang umalis." Mabilis at magaan na halik ang iginawad ni Cloud sa labi ng asawa.Hinatid ni Ellah ang asawa hanggang sa labas ng pintuan. Nakita niya sina Jeydon na papasok na rin ng kotse. Napalingon si Jeydonsa gawi nila Cloud. Napangisi siya nang mapagmasdan ang kaibigang abogado. Muli siyang napatitig sa kaibigan nang ngumiti ito sa asawa nito. Hindi niya akalain na makapag-asawa ito. Sa lahat sa kanilang magkakaibigan ay ito ay mahirap pakibagayan. Ito rin ay may pinaka matigas ang kalooban sa kanila."Let's go." Tawag ni Dexter sa dalawa.Pinapasok n
Nakangiting pinanuud ni Cris ang kalalakihang nag-uusap. Masaya siya dahil unti-unting nakakasundo na ni Argus ang kaniyang kagrupong kaibigan."Mare, ang haba ng hair mo. Bukod sa guwapo, mayaman at makisig ay ang bata pa ng nabihag mo." Kinikilig na ani Amalia."Nagsisi ka ba at may edad na ang lalaking napangasawa mo?"Sabay na nilingon nila Cris at Amalia ang nagsalita. Kahit kailan talaga ay walang ingat magsalita si Shahara. Ewan ba nila at bakit sumama ito kay Ruel gayong hindi ito mahilig makihalubilo sa hindi nito close friend.Biglang naitikom ni Shahara ang bibig at alanganing ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto lang naman niyang maging close friends ang mga babaeng kaibigan ni Ruel. Pero sa tuwina'y pahamak ang kaniyang bibig."Salamat pala sa pagpunta rito at pagsama kay Ruel." Pag-iiba ni Cristine sa paksa.Umirap muna si Amalia kay Shahara bago ngumiti. Hindi naman siya na offend or nagalit sa babae. Magaan naman ang loob niya dito at handa sila mag-adjust upang m
MANONG nasaan na po si Lexus?" Kausap ni Cris sa nag-aalaga sa paborito niyang kabayo. Hindi niya rin mahanap si Argus matapos nitong maalalayan ang babaeng isa sa nanalo sa event."Sorry po, ma'am, kanina ko pa hinahanap ang kabayo pero hindi ko mahanap." Kumakamot sa ulo na sagot nang may edad ng lalaki. Nangunot ang noo ni Cris at parang hindi manlang nabahala ang bantay na nawawala ang kabayo. Worth of million ang halaga ng kabayo dahil sa galing nito kaya maaring may magtangkang kumuha dito. Pagagalitan pa niya sana ang lalaki nang magkaroon ng kumusyon sa labas ng kuwadra. Dali-dali siyang lumabas para lang malaglag ang kaniyang panga habang pinapanuud ang nangyayari."Ang akala ko ba ay hindi marunong sumakay sa kabayo si Argus?" Pabulong na tanong ni Jeydon kay Jay. "Walang puting itlog ang dapat makadapo sa pugad ng eagles." Makahulugang sagot ni Jay sa kaniyang superior.Proud na tumango si Jeydon bago tinapik sa balikat si Jay at nagustohan ang sinabi nito.Kinalma ni Arg
KINABUKASAN ay napilitang bumangon si Cristine dahil sumisilip na si Haring Araw sa bintana ng kaniyang silid kahit wala pang six ng umaga. Nasa bathroom na si Argus at tinawagan na umano nito ang sariling katulong upang dalhan ito ng damit pambihis.Alam niyang tulog pa ang kaniyang mga bisita kaya kailangan niyang kumilos na bago pa makita ng mga ito na sa silid niya natulog si Argus."Ma'am, nandito na po ang gamit ni Sir Argus." Katok ng katulong sa silid ni Cris.Mabilis na binuksan ni Cris ang pinto upang kunin ang dinala ng katulong. Kanina ay tinawagan niya ito na abangan ang paparating na tao ni Argus."Salamat, Manang." Nahihiya niyang bati sa ginang. "Walang anuman, Ma'am. Gusto mo po bang ipasok ko ito upang tulungan kayo sa pag-ayos ng gamit ni Sir?"Namilog ang mga mata ni Cristine nang mapadako ang tingin sa isang maletang nasa tabi ng katulong. "Huwag na po, ako na ang bahala."Pagkatalikod ng katulong ay agad na hinila ni Cristine ang malaking maleta. Agad na isinara
RAMDAM ni Cristine ang pagsunod sa kaniya ni Argus hanggang makapasok sa loob ng kaniyang silid. Pagkapasok ni Argus, pakiramdam niya'y biglang umalinsangan ang paligid kahit nakabukas naman ang aircon. Mabilis ang kilos niya at minuwestra sa binata kung saan ang bathroom at ang gagamitin nito sa pagtulog."A-ano ang ginagawa mo?" Nandidilat ang mga matang tanong niya kay Argus nang isa-isa nitong binuksan ang butones ng suot nitong long sleeve."Wala akong dalang bihisang damit at hindi ako natutulog na ganito ang suot." Pabaliwalang sagot ni Argus sa dalaga at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka makapaghintay na makalabas ako bago gawin iyan?" Inis niyang tanong sa binata at mabilis na iniwas ang tingin sa katawan nito nang lumantad ang matigas nitong dibdib.Muli niyang nilingon ang binata nang hindi ito sumagot para lang muling mandilat ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang nilapitan ito at pinigilan sa pagbukas sa zipper ng pants nito."Uhmmm!" Ungol ni Argus nang lumapat ang
"PAANO niya ma appreciate ang bigay mong bulaklak kung delivery boy lang ang nag-aabot sa kaniya?" panenermon ni Renzel kay Argus nang mag reklamo ito. Ayun sa report ni Andreah ay hindi nakangiti ang dalaga sa tuwing matanggap ang padalang bulaklak at chocolate ng kaibigan. "What the heck, trabaho nila ang mag-deliver and I paid them!" Impatient na pangatwiran ni Argus sa kaibigan."Alam mo kung hindi lang kita kaibigan ay sulsolan ko pa si Cristine na huwag ka nang mahalin!" Pinameywangan ni Renzel si Argus."Napaka imposible niyong mga babae. Sobrang complicated ng mga mood ninyo." He sigh with disbelief in his face."Hindi ko alam kung may puso ka ba o baka naman libog lang ang nararamdaman mo sa kaniya? Don't get me wrong pero wala manlang akong nakikitang kilig sa pagkatao mo." Mukhang tinubuan ng sungay sa noo ang tinging ipinukol ni Argus sa kaibigan at kinuwestyon ang tunay niyang damdamin kay Cristine. "Siya ang may gusto na hindi ipaalam ang relasyon namin sa iba at—""
INIS na nilingon ni Cris si Argus at nakahalukipkip na hinarap ito. "Sabihin mo na ngayon kung ano man ang kailangan mo at nagmamadali ako!""kailangan mong maghintay hanggang sa matapos kong mapag-aralan itong bago mong proposal sa kompanya." Malamig na tugon nito sa dalaga habang isa-isang binubuklat ang dinala nito.Padabog na umupo si Cris sa harapan ng binata at kinuha ang cellphone na nasa bag. Alam niyang galit ang binata kay Jay kaya iiwas na niya muna ang kaibigan."Mauna ka na sa rancho at susunod ako." Mensaheng ipinadala ni Cris sa kaibigan.Pabagsak na binitawan ni Argus ang hawak na paper nang makitang ngumiti ang dalaga habang binabasa ang message sa cellphone nito. Gulat na nag-angat ng tingin si Cris at nagtatanong ang tinging ipinukol kay Argus. "Ano na naman ang nagawa kong mali?" naitanong niya sa kaniyang sarili."Ganyan ka ba humarap sa importanting meeting? Instead of listening, nakikipagharutan sa cellphone?" Galit niyang tanong sa dalaga.Nakaramdam ng pagkap
HINDI napaghandaan ni Argus ang pagsalubong sa kaniya ni Jhean at ang paghalik sa kaniya. Ang tangkang pagtulak sa babae ay naudlot nang maramdaman mula sa likuran ang taong tanging nagpaparamdam sa kaniya ng kakaibang damdamin."I just want to say thank you!" nahihiyang wika ni Jhean matapos ang halik na iginawad sa binata. Sobrang saya niya at napapansin na siya ng binata at nasa side niya pa ito. Sinamantala na niya ang pagkakataon na ito upang tuluyang mahulog ang loob nito sa kaniya. "Ganyan na pala ang paraan ng pagpapaabot ng pasalamat?" sarkastikong tanong ni Cristine. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at isinantabi ang selos na nadarama.Relax lang ang katawan ni Argus at hindi manlang ito nagulat sa biglang pagsulpot ng kanilang panauhin. Samantalang si Jhean ay mukhang na estatwa sa kinatayuan at nahuli sa kriming pagnanakaw."Hindi ka ba marunong kumatok?" Kapagdaka'y sita ni Jhean sa babae nang makabawi. Kahit pa ito ang bagong acting CEO ay wala siyang pakialam dahil ka
"SIR, the board members informed me that the new CEO of Milk Dairy Corporation will take over her position." Inilapag ni Rachel ang report papers sa harap ng lamesa ni Argus. Tinantya niya ang mood nito at hinintay ang maging reaction.Tiim-bagang na dinampot ni Argus ang papers at pinasadahan ng tingin iyon. "Finally, lumabas ka rin sa lungga mo!"Malinaw na narinig ni Rachel ang mga katagang binitawan ng amo. Dala niyon ay gulo at hindi nga siya nagkamali nang muling magsalita ito."Gather all stock holders to the board meeting room," maawtoridad nitong utos sa kaniyang secretary. "You'll pay for what you did!" dugtong na ani Argus sa isipan lamang.Mabilis ng tumalikod si Rachel at natakot sa paraang maningin ng amo na kay talim at ang dilim ng aura ng anyo nito.Ilang buwan din pinag-aralan ni Cristine ang pamamalakad sa kompanyang iniwan sa kaniya ni Caroline bago nagpasyang punan ang tungkulin. Alam niyang si Argus ang isa sa dahilan kung bakit matatag pa rin ang kompanya. Sa tu
Muling napaurong si Cristine at inihanda ang sarili sa pagsugod ni George. Kahit papaano ay nadagdagan ang lakas ng kaniyang loob nang marinig ang tinig ng kasamahan mula sa labas ng pintuan. Sumigaw siya upang humingi ng tulong sa mga ito.Nakipag unahan si Argus sa pagbukas sa pintuan nang marinig ang tinig ng dalaga. Pakiramdam niya ay tumigil ang tibok ng kaniyang puso nang mahamig sa tinig ng dalaga ang pagod at sakit na nadarama. "Tabi!" Pagbigay babala ni Micko sa kasamahan at itinutok ang hawak na baril sa seradura ng pintuan.Mabilis na sinipa ni James ang pintuan nang maalis ang lock kasabay ng pagtutok ng baril sa loob ng silid, at ganoon din ang ginawa ng kasamahan. "Huwag kang gagalaw!" Biglang nanigas si George sa kinatayuan at hindi na naituloy ang pagsugod sa dalaga. Paglingon niya ay nagulat siya nang makilala ang mga kilalang agents ng isang ahensya na sumisikat sa kanilang bansa ngayon."Itaas ang kamay at huwag nang magtangkang lumaban!" Muling utos ni James sa l