Share

Book 7: Chapter 25-Intensity

KUMILOS si Ellah at bumaling ng higa sa kabilang panig ng silid. Ramdam niya na kanina pa siya pinagmamasdan ni Cloud. "Stop beating!" galit na sikmat niya sa kanyang sariling puso nang bumilis na naman ang pintig niyon. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil hindi marunong kontrolin ang damdamin sa tuwing nasa malapit ang lalaki.

"Alam kong gising ka," tila may bikig sa lalamunan na pagsisimula ni Cloud. "Hindi tama ang sa kung ano man ang iniisip mo kung kaya sumama ang loob mo sa akin."

Mariing naipikit ni Ellah ang mga mata habang hinihintay ang iba pang paliwanag ng asawa.

"Bati na tayo." Tila napilitan lang na dugtong pa nito.

Nakasimangot na nilingon niya ang asawa. Hindi iyon ang inaasahan niyang sasabihin pa nito. Pinigilan ang sariling mapangiti nang masilayan ang mukha ni Cloud. Ang cute lang nito tingnan dahil halo ang emosyong makita sa mukha nito, pagkailang at alinlangan.

"Titingin ka lang ba?" Mahamig naman ngayon ang iritasyon sa tinig ng binata.

"Pinapalaya na kita,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status