Home / Romance / The Billionaires' Secret / Book 5: Chapter 4-Ang panaginip

Share

Book 5: Chapter 4-Ang panaginip

Author: Yeiron Jee
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

"Anak ng potek oh, anong lugar ito?" nakakunot ang noo na tanong ni Ashton sa sarili. Nagpalinga-linga siya sa paligid ngunit puro matataas na damo ang kanyang nakita. Nagtaka siya dahil kanina lamang ay nasa gitna ng daan siya, ngayon ay puro damo ang nasa paligid ng kanyang sasakyan.

"Tulong....!"

Napatda si Ashton sa kinaupoan nang marinig ang tinig ng babae na humihingi ng tulong. Nanliit ang mga mata habang inaaninag ang damuhang nasa harapan at malakas na hinahampas ng hangin. Nagtataka siya dahil wala namang bagyo at tanghaling tapat ng mga oras na iyon.

"Huwag...!"

Muling sigaw ng babae kung kaya binunot ni Ashton ang baril at mabilis na bumaba ng sasakyan. Ngunit ganoon na lang ang kanyang pagkagulantang nang pagbaba niya ay nasa harap siya ng hospital. Naalala niya na ito ang hospital na pinuntahan niya nakaraang gabi.

"Namaligno yata ako?" tanong niya sa kawalan habang kinukusot ang mga mata sa pag-aakala na namamalik mata lamang siya. Ngunit nang magmulat siya ay sadyang n
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • The Billionaires' Secret    Book 5: Chapter 5-Third eye

    MABILIS lang natapos ang bakasyon ni Yvonne sa probinsya. Pagbalik sa lungsod ay nagulat siya na may nangyari na namang krimin at inugnay sa mga nauna pang kaso na alam niyang mali."Nakita mo na ba ang bagong doctor dito?" tanong ni Ivy kay Yvonne nang pumasok na sa trabaho ito."Hindi pa, bakit ano mayroon sa kanya?" "Ang guwapo niya, bhe, at ang bata pa!" Kinikilig na sagot nito sa kaibigan."Sus, parang ngayon ka lang nakakita ng pogi ah." Buska ni Yvonne sa kaibigan."Pusong bato ka talaga, hindi ka ba talaga nakaramdam ng kilig kapag nakakita ng pogi? nakaingos na ani ni Ivy."Mas kinikilig ako kapag may babaeng maganda na makita." Nakangising pabirong sagot ni Yvonne sa kaibigan."Ewww! Don't me, bhe, mas maganda ka pa sa akin." Umakto pa ito na nahihiya sa kaharap."Sinabi ko ba na maganda ka?" Nakataas ang kaliwang kilay na tanong niya kay Ivy."Ang harsh mo!" Hinampas niya ng mahina sa balikat si Yvonne. "Kahit babae ka, tatanggapin kita ng buong puso kapag ako ang nagustu

  • The Billionaires' Secret    Book 5: Chapter 6-Duda

    "KUMUSTA ang trabaho?" tanong ni Dexter kay Ashton nang makita ito sa kanilang opisina. Pauwi na sana siya dahil alas syete na ng gabi ngunit tumawag ito at pinabatid na dadaan ito roon."Wala pa naman akong nakikitang kakaiba roon. Kailangan ko ng assistant upang mapagtakpan ang gawain ko kapag nawawala ako sa aking opisina roon." Sagot niya dito habang hinihilot ang sintido."Kunin mo si Amelia, ang pinakamagaling mong trainee," sagot ni Dexter."Gusto ko rin pasundan sa inyo ang isang babae." Napakunot ang noo ni Dexter na tumingin sa kaibigan. "Siya ba ang prime suspect?""I'm not sure pero isa siya sa kasagutan sa kasong ito.""May hinahawakan ng ibang kaso si Micko, si Cloud naman ay may problemang kinakaharap kung kaya huhugot ako mula sa mga lalaking trainee.""Piliin mo si Wigo Krizostomo kung available siya. Mabilis siyang kumilos at madiskarte." Suhistyon ni Ashton sa kaibigan nang maala ang isa sa magaling na tinuruan mula sa kupunan ng kalalakihang trainee."Iyan lang ba

  • The Billionaires' Secret    Book 5: Chapter 7-Bangungot

    "Sino ka?" malakas na tanong ng lalaki na kapapasok lang sa loob ng morgue. Bumalik ito roon upang kunin ang ilan sa gamit na naiwan.Gulat din na napalingon kay Amelia ang babae na nagpipintura sa mukha ng bangkay."Huh, ahm, nautusan ako na tumulong sa pag-ayos sa bangkay." Palusot na sagot ni Amelia at inakbayan ang babaing naabutan sa loob. Sasagot pa sana ito upang itanggi siya ngunit mabilis niyang nakapa ang ugat sa batok nito at pinaralisa."Kilala mo ba siya, Ding?" tanong ng lalaki sa babae.Pinagalaw niya ang ulo ng babae bilang pagtango. "Pagod na daw siya, sige na kunin mo na ang naiwan mo at kailangan na namin itong tapusin." Siya na ang sumagot sa lalaki habang inaayos ang suot na mask sa mukha gamit ang isang kamay.May pag-aalinlangan na dinampot ng lalaki ang malaking bag nito at binitbit palabas. Bago tuluyang lumabas ay nilingon muli ang dalawang babae.Nakahinga ng maluwag si Amelia nang maisara na ang pinto. Mabilis na ibinulsa ang nakuhang dugo at sa isang pitik

  • The Billionaires' Secret    Book 5: Chapter 8-Ladies first

    Kinabukasan ay maagang pumasok si Ashton sa hospital. Tamang-tama naman na may bagong pasyenteng dinala doon. Nawalan umano ito ng malay-tao sa daan kung kaya dinala doon ng nakakita."Bakit dito mo siya dinala sa halip na sa public hospital?" Nakakunot ang noo na tanong ni Ashton sa lalaki na nagdala sa pasyente. Ngunit parang bingi ito at hindi siya sinagot."Bakit iyan ang iniintindi mo sa halip na asikasuhin ang pasyente?" sita sa kanya ng isang doctor na dalubhasa sa surgery."Concern lang po ako sa maging bill niya dahil mukhang taong kalye lang ang tao na ito. Tiyak na wala siyang pambayad kung sakali at saka hindi naman malubha ang lagay niya dahil hinimatay lamang siya. Dala marahil ng gutom at init kung kaya siya hinimatay." Mahinahon na paliwanag ni Ashton sa matandang doctor.Hindi pera ang una niyang iniisip sa pasyente, pero dahil sa mga nangyayari ay naging kahina-hinala sa kaniya ang lahat na nakikita sa naturang hospital. Kung nasa ibang sitwasyon sila ay hindi niya p

  • The Billionaires' Secret    Book 5-Chapter 9-Sabwatan

    "TUMAWAG si Ashton, hindi mo na daw kailangan sundan ang babae dahil inalis na niya sa listahan ng mga prime suspects ito." Pagbigay alam ni Dexter kay Wigo nang pumasok ito sa opisina upang mag-report."Mabuti naman dahil nagmumukha akong multo na nakabuntot sa kanya. Matalas din ang pakiramdam ng babaeng iyon at alam na may sumusunod sa kanya." Kumakamot sa leeg na sagot ni Wigo kay Dexter. Nakagawian na niya ang ganoong mannerisms."Kailangan mong pag-aralan ang bagay na iyan upang maging magaling kang spy. Dapat mong matutunan kumilos na parang multo na nakasunod sa subject mo." Sabat ni James sa pag-uusap ng dalawa. Sumang-ayon si Dexter kay James at binigyan ng bagong task ang binata. Walang pagtutol na naramdaman si Wigo nang iminungkahi ng mga senior eagle na pumunta siya sa isang liblib na lugar upang magsanay pa. Doon ay mahasa niya ang talas ng pakiramdam sa tahimik na lugar at masanay ang katawan na kumilos ng mabilis sa mataas na daan at magubat."Tumawag si Ruel!"Napal

  • The Billionaires' Secret    Book 5: Chapter 10-Almost there

    TINUTOO nga ni Ashton ang sinabi nitong pababantayan siya sa isang tauhan nito. Kahit hindi sabihin ng binata ang tunay nitong trabaho maliban sa pagiging doctor ay alam niyang may kapit ito sa batas. "Hindi mo ba nagustohan ang pagkain dito?" puna ni Meynard nang mapansin ang panaka-naka lang na subo ng dalaga."Masarap ang pagkain, hindi lang siguro ako sanay kumain sa ganitong mamahalin na kainan." Nagpakatotoo na si Yvonne sa binata. Nasa mamahaling restaurant kasi sila tapos ang suot niya ay hindi pa angkop sa lugar na iyon."I'm sorry, dapat ay tinanong muna kita para maging komportable ka.""Its ok," aniya at ngumiti ng matipid sa binata. Isa sa dahilan kung bakit naiilang siya ay dahil nakakatunaw ang tingin nito sa kaniya."Gusto mo bang lumipat tayo ng lugar?""Oh no!" Umiiling niyang pigil sa nais gawin ni Meynard. Parang biglang gusto niyang magsisi nang magseryoso ang lalaki."Hindi ako nagmamadali na tugunin mo ang pag-ibig ko sa iyo. Maniwala ka sa hindi, unang kita ko

  • The Billionaires' Secret    Book 5: Chapter 11-First Kiss

    "Tama na ang pag-e-imagine at baka maingkanto ka na riyan sa kinatatayuan mo."Nakasimangot na nilingon ni Yvonne ang may-ari ng baritonong tinig."Bakit ka narito?" Lapat ang ngipin na tanong ni Ashton sa dalaga. "Hindi ba't dapat magpasalamat ka sa akin sa halip na magtanong ng ganyan?" Nakataas ang kilay na aniya sa binata."Hindi ligtas sa iyo ang pumunta rito ng gabi na at mag-isa lang. Ano ang naisip mo at pumunta ka rito?" Napasimangot naman ngayon si Yvonne dahil sa panenermon nito sa kanya. Nakita niya ito kanina na pumasok sa silid ng pasyente, nakilala niya ito kahit naka disguise dahil nakabuntot dito ang kilala niyang kaluluwa. Susundan na niya sana sa loob ang binata ngunit namataan niya ang pagdating nila Meynard."Tayo na at umuwi," mabilis na hinuli niya ang kamay ng dalaga at inakay palabas ng gusali. Nakasalubong pa sila ni Meynard at ipinagpalagay loob nito na siya ang kasamang kamag-anak ng dalaga nang hindi siya nakilala."Saan ka pupunta?" Nagtatakang tawag ni

  • The Billionaires' Secret    Book 5: Chapter 12-Bagong natuklasan

    MULA sa umpokan ng tao na naglalamay sa patay, pasimple na nakihalubilo si Ruel sa mga naroon. Nakiinum ng kape at kain ng biscuit habang iginagala ang paningin sa paligid. Malalim na ang gabi at ikalawang gabi na ng lamay sa bangkay iyon. Ayon sa narinig niya, tatlong araw mula ngayon ay ililibing ang bangkay."Maglalaro ka ba?" tanong ng isang lalaki na mukhang mataba ang bulsa nang lapitan siya nito."May bakante pa ba?" Tumayo siya at ipinamulsa ang kamay sa suot na pantalon. Kinapa kung may laman ba iyon, hindi niya akalain na maraming sugarol na bigatin ang dadayo doon."Sumunod ka sa akin."Muntik na siya mapasipol nang makapasok sila sa loob ng bahay. Bumungad sa kanyang paningin ang mga naglalaro ng baraha. Bakit hindi siya mamangha? Nakita lang naman niya na malalaki ang pusta na nakalatag sa lamesa. At ang pinaka tong? Libohin ang nasa loob niyon na nakalagay sa gitna ng bawat lamesa. Limang lamesa ang naroon sa loob dahil hindi kalakihan ang bahay na yari sa kawayan. Buko

Latest chapter

  • The Billionaires' Secret    Book 10-Finale

    Nakangiting pinanuud ni Cris ang kalalakihang nag-uusap. Masaya siya dahil unti-unting nakakasundo na ni Argus ang kaniyang kagrupong kaibigan."Mare, ang haba ng hair mo. Bukod sa guwapo, mayaman at makisig ay ang bata pa ng nabihag mo." Kinikilig na ani Amalia."Nagsisi ka ba at may edad na ang lalaking napangasawa mo?"Sabay na nilingon nila Cris at Amalia ang nagsalita. Kahit kailan talaga ay walang ingat magsalita si Shahara. Ewan ba nila at bakit sumama ito kay Ruel gayong hindi ito mahilig makihalubilo sa hindi nito close friend.Biglang naitikom ni Shahara ang bibig at alanganing ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto lang naman niyang maging close friends ang mga babaeng kaibigan ni Ruel. Pero sa tuwina'y pahamak ang kaniyang bibig."Salamat pala sa pagpunta rito at pagsama kay Ruel." Pag-iiba ni Cristine sa paksa.Umirap muna si Amalia kay Shahara bago ngumiti. Hindi naman siya na offend or nagalit sa babae. Magaan naman ang loob niya dito at handa sila mag-adjust upang m

  • The Billionaires' Secret    Book 10: Chapter 39- A big show

    MANONG nasaan na po si Lexus?" Kausap ni Cris sa nag-aalaga sa paborito niyang kabayo. Hindi niya rin mahanap si Argus matapos nitong maalalayan ang babaeng isa sa nanalo sa event."Sorry po, ma'am, kanina ko pa hinahanap ang kabayo pero hindi ko mahanap." Kumakamot sa ulo na sagot nang may edad ng lalaki. Nangunot ang noo ni Cris at parang hindi manlang nabahala ang bantay na nawawala ang kabayo. Worth of million ang halaga ng kabayo dahil sa galing nito kaya maaring may magtangkang kumuha dito. Pagagalitan pa niya sana ang lalaki nang magkaroon ng kumusyon sa labas ng kuwadra. Dali-dali siyang lumabas para lang malaglag ang kaniyang panga habang pinapanuud ang nangyayari."Ang akala ko ba ay hindi marunong sumakay sa kabayo si Argus?" Pabulong na tanong ni Jeydon kay Jay. "Walang puting itlog ang dapat makadapo sa pugad ng eagles." Makahulugang sagot ni Jay sa kaniyang superior.Proud na tumango si Jeydon bago tinapik sa balikat si Jay at nagustohan ang sinabi nito.Kinalma ni Arg

  • The Billionaires' Secret    Book 10: Chapter 38-Pagsubok kay Argus

    KINABUKASAN ay napilitang bumangon si Cristine dahil sumisilip na si Haring Araw sa bintana ng kaniyang silid kahit wala pang six ng umaga. Nasa bathroom na si Argus at tinawagan na umano nito ang sariling katulong upang dalhan ito ng damit pambihis.Alam niyang tulog pa ang kaniyang mga bisita kaya kailangan niyang kumilos na bago pa makita ng mga ito na sa silid niya natulog si Argus."Ma'am, nandito na po ang gamit ni Sir Argus." Katok ng katulong sa silid ni Cris.Mabilis na binuksan ni Cris ang pinto upang kunin ang dinala ng katulong. Kanina ay tinawagan niya ito na abangan ang paparating na tao ni Argus."Salamat, Manang." Nahihiya niyang bati sa ginang. "Walang anuman, Ma'am. Gusto mo po bang ipasok ko ito upang tulungan kayo sa pag-ayos ng gamit ni Sir?"Namilog ang mga mata ni Cristine nang mapadako ang tingin sa isang maletang nasa tabi ng katulong. "Huwag na po, ako na ang bahala."Pagkatalikod ng katulong ay agad na hinila ni Cristine ang malaking maleta. Agad na isinara

  • The Billionaires' Secret    Book 10:Chapter 37-I can't promise

    RAMDAM ni Cristine ang pagsunod sa kaniya ni Argus hanggang makapasok sa loob ng kaniyang silid. Pagkapasok ni Argus, pakiramdam niya'y biglang umalinsangan ang paligid kahit nakabukas naman ang aircon. Mabilis ang kilos niya at minuwestra sa binata kung saan ang bathroom at ang gagamitin nito sa pagtulog."A-ano ang ginagawa mo?" Nandidilat ang mga matang tanong niya kay Argus nang isa-isa nitong binuksan ang butones ng suot nitong long sleeve."Wala akong dalang bihisang damit at hindi ako natutulog na ganito ang suot." Pabaliwalang sagot ni Argus sa dalaga at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka makapaghintay na makalabas ako bago gawin iyan?" Inis niyang tanong sa binata at mabilis na iniwas ang tingin sa katawan nito nang lumantad ang matigas nitong dibdib.Muli niyang nilingon ang binata nang hindi ito sumagot para lang muling mandilat ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang nilapitan ito at pinigilan sa pagbukas sa zipper ng pants nito."Uhmmm!" Ungol ni Argus nang lumapat ang

  • The Billionaires' Secret    Book 10: Chapter 36-Panliligaw

    "PAANO niya ma appreciate ang bigay mong bulaklak kung delivery boy lang ang nag-aabot sa kaniya?" panenermon ni Renzel kay Argus nang mag reklamo ito. Ayun sa report ni Andreah ay hindi nakangiti ang dalaga sa tuwing matanggap ang padalang bulaklak at chocolate ng kaibigan. "What the heck, trabaho nila ang mag-deliver and I paid them!" Impatient na pangatwiran ni Argus sa kaibigan."Alam mo kung hindi lang kita kaibigan ay sulsolan ko pa si Cristine na huwag ka nang mahalin!" Pinameywangan ni Renzel si Argus."Napaka imposible niyong mga babae. Sobrang complicated ng mga mood ninyo." He sigh with disbelief in his face."Hindi ko alam kung may puso ka ba o baka naman libog lang ang nararamdaman mo sa kaniya? Don't get me wrong pero wala manlang akong nakikitang kilig sa pagkatao mo." Mukhang tinubuan ng sungay sa noo ang tinging ipinukol ni Argus sa kaibigan at kinuwestyon ang tunay niyang damdamin kay Cristine. "Siya ang may gusto na hindi ipaalam ang relasyon namin sa iba at—""

  • The Billionaires' Secret    Book 10: Chapter 35-Pagkaunawaan

    INIS na nilingon ni Cris si Argus at nakahalukipkip na hinarap ito. "Sabihin mo na ngayon kung ano man ang kailangan mo at nagmamadali ako!""kailangan mong maghintay hanggang sa matapos kong mapag-aralan itong bago mong proposal sa kompanya." Malamig na tugon nito sa dalaga habang isa-isang binubuklat ang dinala nito.Padabog na umupo si Cris sa harapan ng binata at kinuha ang cellphone na nasa bag. Alam niyang galit ang binata kay Jay kaya iiwas na niya muna ang kaibigan."Mauna ka na sa rancho at susunod ako." Mensaheng ipinadala ni Cris sa kaibigan.Pabagsak na binitawan ni Argus ang hawak na paper nang makitang ngumiti ang dalaga habang binabasa ang message sa cellphone nito. Gulat na nag-angat ng tingin si Cris at nagtatanong ang tinging ipinukol kay Argus. "Ano na naman ang nagawa kong mali?" naitanong niya sa kaniyang sarili."Ganyan ka ba humarap sa importanting meeting? Instead of listening, nakikipagharutan sa cellphone?" Galit niyang tanong sa dalaga.Nakaramdam ng pagkap

  • The Billionaires' Secret    Book 10: Chapter 34-Banta

    HINDI napaghandaan ni Argus ang pagsalubong sa kaniya ni Jhean at ang paghalik sa kaniya. Ang tangkang pagtulak sa babae ay naudlot nang maramdaman mula sa likuran ang taong tanging nagpaparamdam sa kaniya ng kakaibang damdamin."I just want to say thank you!" nahihiyang wika ni Jhean matapos ang halik na iginawad sa binata. Sobrang saya niya at napapansin na siya ng binata at nasa side niya pa ito. Sinamantala na niya ang pagkakataon na ito upang tuluyang mahulog ang loob nito sa kaniya. "Ganyan na pala ang paraan ng pagpapaabot ng pasalamat?" sarkastikong tanong ni Cristine. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at isinantabi ang selos na nadarama.Relax lang ang katawan ni Argus at hindi manlang ito nagulat sa biglang pagsulpot ng kanilang panauhin. Samantalang si Jhean ay mukhang na estatwa sa kinatayuan at nahuli sa kriming pagnanakaw."Hindi ka ba marunong kumatok?" Kapagdaka'y sita ni Jhean sa babae nang makabawi. Kahit pa ito ang bagong acting CEO ay wala siyang pakialam dahil ka

  • The Billionaires' Secret    Book 10: Chapter 33-Selos at galit

    "SIR, the board members informed me that the new CEO of Milk Dairy Corporation will take over her position." Inilapag ni Rachel ang report papers sa harap ng lamesa ni Argus. Tinantya niya ang mood nito at hinintay ang maging reaction.Tiim-bagang na dinampot ni Argus ang papers at pinasadahan ng tingin iyon. "Finally, lumabas ka rin sa lungga mo!"Malinaw na narinig ni Rachel ang mga katagang binitawan ng amo. Dala niyon ay gulo at hindi nga siya nagkamali nang muling magsalita ito."Gather all stock holders to the board meeting room," maawtoridad nitong utos sa kaniyang secretary. "You'll pay for what you did!" dugtong na ani Argus sa isipan lamang.Mabilis ng tumalikod si Rachel at natakot sa paraang maningin ng amo na kay talim at ang dilim ng aura ng anyo nito.Ilang buwan din pinag-aralan ni Cristine ang pamamalakad sa kompanyang iniwan sa kaniya ni Caroline bago nagpasyang punan ang tungkulin. Alam niyang si Argus ang isa sa dahilan kung bakit matatag pa rin ang kompanya. Sa tu

  • The Billionaires' Secret    Book 10: Chapter 32-Agresibo

    Muling napaurong si Cristine at inihanda ang sarili sa pagsugod ni George. Kahit papaano ay nadagdagan ang lakas ng kaniyang loob nang marinig ang tinig ng kasamahan mula sa labas ng pintuan. Sumigaw siya upang humingi ng tulong sa mga ito.Nakipag unahan si Argus sa pagbukas sa pintuan nang marinig ang tinig ng dalaga. Pakiramdam niya ay tumigil ang tibok ng kaniyang puso nang mahamig sa tinig ng dalaga ang pagod at sakit na nadarama. "Tabi!" Pagbigay babala ni Micko sa kasamahan at itinutok ang hawak na baril sa seradura ng pintuan.Mabilis na sinipa ni James ang pintuan nang maalis ang lock kasabay ng pagtutok ng baril sa loob ng silid, at ganoon din ang ginawa ng kasamahan. "Huwag kang gagalaw!" Biglang nanigas si George sa kinatayuan at hindi na naituloy ang pagsugod sa dalaga. Paglingon niya ay nagulat siya nang makilala ang mga kilalang agents ng isang ahensya na sumisikat sa kanilang bansa ngayon."Itaas ang kamay at huwag nang magtangkang lumaban!" Muling utos ni James sa l

DMCA.com Protection Status