Share

Book 5: Chapter 11-First Kiss

"Tama na ang pag-e-imagine at baka maingkanto ka na riyan sa kinatatayuan mo."

Nakasimangot na nilingon ni Yvonne ang may-ari ng baritonong tinig.

"Bakit ka narito?" Lapat ang ngipin na tanong ni Ashton sa dalaga.

"Hindi ba't dapat magpasalamat ka sa akin sa halip na magtanong ng ganyan?" Nakataas ang kilay na aniya sa binata.

"Hindi ligtas sa iyo ang pumunta rito ng gabi na at mag-isa lang. Ano ang naisip mo at pumunta ka rito?"

Napasimangot naman ngayon si Yvonne dahil sa panenermon nito sa kanya. Nakita niya ito kanina na pumasok sa silid ng pasyente, nakilala niya ito kahit naka disguise dahil nakabuntot dito ang kilala niyang kaluluwa. Susundan na niya sana sa loob ang binata ngunit namataan niya ang pagdating nila Meynard.

"Tayo na at umuwi," mabilis na hinuli niya ang kamay ng dalaga at inakay palabas ng gusali. Nakasalubong pa sila ni Meynard at ipinagpalagay loob nito na siya ang kasamang kamag-anak ng dalaga nang hindi siya nakilala.

"Saan ka pupunta?" Nagtatakang tawag ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status