Share

Book 5: Chapter 12-Bagong natuklasan

MULA sa umpokan ng tao na naglalamay sa patay, pasimple na nakihalubilo si Ruel sa mga naroon. Nakiinum ng kape at kain ng biscuit habang iginagala ang paningin sa paligid. Malalim na ang gabi at ikalawang gabi na ng lamay sa bangkay iyon. Ayon sa narinig niya, tatlong araw mula ngayon ay ililibing ang bangkay.

"Maglalaro ka ba?" tanong ng isang lalaki na mukhang mataba ang bulsa nang lapitan siya nito.

"May bakante pa ba?" Tumayo siya at ipinamulsa ang kamay sa suot na pantalon. Kinapa kung may laman ba iyon, hindi niya akalain na maraming sugarol na bigatin ang dadayo doon.

"Sumunod ka sa akin."

Muntik na siya mapasipol nang makapasok sila sa loob ng bahay. Bumungad sa kanyang paningin ang mga naglalaro ng baraha. Bakit hindi siya mamangha? Nakita lang naman niya na malalaki ang pusta na nakalatag sa lamesa. At ang pinaka tong? Libohin ang nasa loob niyon na nakalagay sa gitna ng bawat lamesa. Limang lamesa ang naroon sa loob dahil hindi kalakihan ang bahay na yari sa kawayan. Buko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status