"TUMAWAG si Ashton, hindi mo na daw kailangan sundan ang babae dahil inalis na niya sa listahan ng mga prime suspects ito." Pagbigay alam ni Dexter kay Wigo nang pumasok ito sa opisina upang mag-report."Mabuti naman dahil nagmumukha akong multo na nakabuntot sa kanya. Matalas din ang pakiramdam ng babaeng iyon at alam na may sumusunod sa kanya." Kumakamot sa leeg na sagot ni Wigo kay Dexter. Nakagawian na niya ang ganoong mannerisms."Kailangan mong pag-aralan ang bagay na iyan upang maging magaling kang spy. Dapat mong matutunan kumilos na parang multo na nakasunod sa subject mo." Sabat ni James sa pag-uusap ng dalawa. Sumang-ayon si Dexter kay James at binigyan ng bagong task ang binata. Walang pagtutol na naramdaman si Wigo nang iminungkahi ng mga senior eagle na pumunta siya sa isang liblib na lugar upang magsanay pa. Doon ay mahasa niya ang talas ng pakiramdam sa tahimik na lugar at masanay ang katawan na kumilos ng mabilis sa mataas na daan at magubat."Tumawag si Ruel!"Napal
TINUTOO nga ni Ashton ang sinabi nitong pababantayan siya sa isang tauhan nito. Kahit hindi sabihin ng binata ang tunay nitong trabaho maliban sa pagiging doctor ay alam niyang may kapit ito sa batas. "Hindi mo ba nagustohan ang pagkain dito?" puna ni Meynard nang mapansin ang panaka-naka lang na subo ng dalaga."Masarap ang pagkain, hindi lang siguro ako sanay kumain sa ganitong mamahalin na kainan." Nagpakatotoo na si Yvonne sa binata. Nasa mamahaling restaurant kasi sila tapos ang suot niya ay hindi pa angkop sa lugar na iyon."I'm sorry, dapat ay tinanong muna kita para maging komportable ka.""Its ok," aniya at ngumiti ng matipid sa binata. Isa sa dahilan kung bakit naiilang siya ay dahil nakakatunaw ang tingin nito sa kaniya."Gusto mo bang lumipat tayo ng lugar?""Oh no!" Umiiling niyang pigil sa nais gawin ni Meynard. Parang biglang gusto niyang magsisi nang magseryoso ang lalaki."Hindi ako nagmamadali na tugunin mo ang pag-ibig ko sa iyo. Maniwala ka sa hindi, unang kita ko
"Tama na ang pag-e-imagine at baka maingkanto ka na riyan sa kinatatayuan mo."Nakasimangot na nilingon ni Yvonne ang may-ari ng baritonong tinig."Bakit ka narito?" Lapat ang ngipin na tanong ni Ashton sa dalaga. "Hindi ba't dapat magpasalamat ka sa akin sa halip na magtanong ng ganyan?" Nakataas ang kilay na aniya sa binata."Hindi ligtas sa iyo ang pumunta rito ng gabi na at mag-isa lang. Ano ang naisip mo at pumunta ka rito?" Napasimangot naman ngayon si Yvonne dahil sa panenermon nito sa kanya. Nakita niya ito kanina na pumasok sa silid ng pasyente, nakilala niya ito kahit naka disguise dahil nakabuntot dito ang kilala niyang kaluluwa. Susundan na niya sana sa loob ang binata ngunit namataan niya ang pagdating nila Meynard."Tayo na at umuwi," mabilis na hinuli niya ang kamay ng dalaga at inakay palabas ng gusali. Nakasalubong pa sila ni Meynard at ipinagpalagay loob nito na siya ang kasamang kamag-anak ng dalaga nang hindi siya nakilala."Saan ka pupunta?" Nagtatakang tawag ni
MULA sa umpokan ng tao na naglalamay sa patay, pasimple na nakihalubilo si Ruel sa mga naroon. Nakiinum ng kape at kain ng biscuit habang iginagala ang paningin sa paligid. Malalim na ang gabi at ikalawang gabi na ng lamay sa bangkay iyon. Ayon sa narinig niya, tatlong araw mula ngayon ay ililibing ang bangkay."Maglalaro ka ba?" tanong ng isang lalaki na mukhang mataba ang bulsa nang lapitan siya nito."May bakante pa ba?" Tumayo siya at ipinamulsa ang kamay sa suot na pantalon. Kinapa kung may laman ba iyon, hindi niya akalain na maraming sugarol na bigatin ang dadayo doon."Sumunod ka sa akin."Muntik na siya mapasipol nang makapasok sila sa loob ng bahay. Bumungad sa kanyang paningin ang mga naglalaro ng baraha. Bakit hindi siya mamangha? Nakita lang naman niya na malalaki ang pusta na nakalatag sa lamesa. At ang pinaka tong? Libohin ang nasa loob niyon na nakalagay sa gitna ng bawat lamesa. Limang lamesa ang naroon sa loob dahil hindi kalakihan ang bahay na yari sa kawayan. Buko
"BAKIT ngayon ka lang?" may pagmamadali na tanong ni Yvonne sa binata nang makita ito sa hall way."May problema ba?" Hinawakan niya sa kamay ang dalaga nang mapansin na kinakabahan ito."Nakita kong may itinurok siya sa pasyente at nangisay ito bago natulog muli!""Darn! Nasaan si Amelia?" Malalaki ang hakbang na pumasok siya sa kanyang opisina kasunod si Yvonne."Naroon at nagmamatyag." Halata pa rin sa boses niya ang kaba."Bakit ka kinakabahan?" puna niya at nag-alala na rin para dito."Nakita niya kasi ako na nakasilip sa pintuan nang mapatulog na niya ang pasyente, tumakbo ako at tama naman na nakasalubong kita.""Tsk, bakit hindi ka nag-iingat? Baka mapag-initan ka niya kung kaya huwag ka na muna lumapit sa kanya.""Natakot ako sa mukha niya nang makita ako. Daig ko pa nakakita ng multo dahil namumula ang mga mata niya at parang wala siya sa kanyang sarili." Mahabang salaysay niya sa binata at kabado pa rin."Huwag kang humiwalay sa akin, tayo na at kailangan kong rumunda sa mg
"Hindi nga ako nagkamali na babalik ka!" Nakangisi na sinalubong siya ng lalaki na siyang lumapit din sa kanya kagabi."Malaki ang natalo sa akin kagabi, gusto kong makabawi." Sagot ni Ruel dito."Tayo na sa loob kung ganoon." Inakbayan ng lalaki si Ruel at inakay papasok sa loob.Pagtapat sa pintuan ay nagpatiuna na ang lalaki sa loob at sumunod siya. Lalong dumami ang gumagamit ng bawal na gamot dahil langhap niya agad iyon nang makapasok. Inalok pa siya nito at hindi niya tinanggihan. Pinindot ang hawak na button hudyat na maari ng lumantad ang kasamahan kasabay ng pagbunot ng kaniyang baril na nakatago sa suot na jacket."Itaas ang mga kamay, all of you are under arest!" Malakas niyang pahayag at tinutukan ng baril ang lakaki na namumuno roon. Gulat ang lahat at tangkang bubunot ng baril ang ilan na naroon upang lumaban, ngunit natigil nang makita ang mga kasamahan niya at nakatutok na sa mga ito ang hawak na mga armas."Huwag na kayong lumaban pa dahil napapaligiran namin kayo.
"Pakawalan niyo na ako, pangako hindi ako magsasalita kung ano man ang nakita ko dito." Baka-sakaling pakiusap ni Yvonne kina Meynard kahit alam niya na imposible."Huwag kang matakot, dadalhin muna kita sa langit bago paharapin kay San Pedro!" Tumatawa na hinaplos ni Meynard ang mukha ng dalaga."Demonyo ka! Hindi kita patatahimikin kapag ako'y namatay! Lahat kayo pati ikaw ay babalikan ko!" Nagwala siya mula sa pagkatali at masamang tinitigan ang matandang doctor. Ipinangako sa sarili na papatayin niya rin ang mga ito sa panaginip tulad ng ginawa ni Irish kay Luis."Tonta!" Sinampal ni Meynard sa mukha ang dalaga, "tumahimik ka kung ayaw mong ikaw ang unahin naming katayin!"Napaiyak na lamang si Yvonne habang pinapanood ang paghahanda ng mga ito sa pagtanggal sa puso ng lalaki."Lalabas muna ako at baka may maghanap sa atin dahil bigla tayong nawala." Paalam ng matanda sa dawalang binata. Ayaw niyang panuurin ang gagawing panghahalay ng mga ito sa dalaga bago patayin."Nasaan ka? B
"Ahhhh... Ashton!" Hiyaw ni Yvonne nang magpaputok ng baril si Philip. Tinaman sa balikat ang binata at nabitiwan nito ang hawak na baril."Gago! Purohan mo!" bulyaw ni Meynard kay Philip."Kung ikaw kaya ang purohan ko?" Galit na baling nito sa kaibigan. Kanina pa siya naririndi sa tawa nito na parang baliw.Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Meynard nang sa kaniya na nakatutok ang hawak na baril ng kaibigan. Alam niyang napipikon na ito sa kaniya kaya itinaas niya ang isang kamay na hindi nakahawak sa dalaga.Kahit sugatan ay hindi iyon ininda ni Ashton. Mabilis niyang dinambahan ang lalaki na hindi na nakatingin sa kanya ngayon. "Laban, pare, sige paduguin mo pa ang sugat niya!" pangche-cheer ni Meynard sa kaibigan. Tuwang-tuwa siya sa nakikitang laban ng dalawa.Ang matandang doctor ay pagapang na umalis sa kinasadlakan at nilapitan ang anak sa kabilang kama. Nag-iingay ang aparato na nakakabit sa katawan nito hudyat na nawawala ang pintig ng puso. Para na rin itong nababaliw at