Share

Book 5: Chapter 3-Bagong biktima

AYON sa nakuha kong impormasyon, kinapos ng hininga ang biktima habang natutulog kung kaya dinala ito ng nobya sa hospital. Iniwan lang ito sandali sa higaan at pagbalik ng babae ay dilat na ang mga mata nito at wala ng buhay. Nalaman ko rin na may ibang babaeng nabuntis ang lalaking ito at nawala ang ipinagbubuntis." Mahabang salaysay ni Ashton sa apat na kaibigan.

"May nakita ka bang kakaiba sa kanyang katawan?" tanong ni Micko kay Ashton.

"Wala siyang sakit sa puso, tingin ko ay hindi pareho ang kriminal sa mga napaslang, tatlong taon na ang nakraan."

"Pero wala ring sakit sa puso ang tatlong lalaki na namatay noon sa probinsya. Namatay rin na dilat ang mga mata matapos dalhin sa hospital." Sabat ni James habang tinitingnan ang papel kung saan nakalagay ang medical result ng biktima.

"Ang tatlong lalaki ay inalis ang pagkalalaki nila nang nasa morgue na sila."

Marahas na napalingon si Ashton kay Cloud na seryosong nakasandal ang ulo sa dalawang braso nito habang nakaupo.

"At iton
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status