MATAGAL na natigilan si Megara habang nakatingin sa walang laman na pasilyo. Nagbuga siya ng hangin bago nilingon ang lalaking si Russel. Wala itong imik. Blanko ang mukhang nakatingin pabalik sa kaniya.
Muli siyang bumuntong-hininga bago muling pumasok sa loob ng silid at isinara ang pintuan sa likuran.
"Bakit ba kasi ganiyan ang reaksiyon mo? Dahil diyan, naiisip ko na tuloy na nasa labas ang kabit mo!"
Umiirap siyang bumalik sa dulo ng kama at saka naupo. Parang tinakasan ng kulay ang lalaki. Daig pa nito ang naubusan ng dugo. Natural lang na mag-isip siya ng kakaiba.
Lumapit naman sa kaniya si Russel saka muling lumuhod sa paanan niya. "I'm sorry. Ayaw ko lang naman mag-isip ka nang kakaiba kaya ganito ang reaksiyon ko. Nagsisimula pa lang uli tayo, Meg. Sorry na."
Kinuha nito ang dalawang kamay niya at talisan itong dinampian ng halik. Muli na naman siyang nagbuga ng hangin. Siguro nga, napa-paranoid na siya.
Imposible naman na pumunta
KINABUKASAN ay malaki ang ngiti sa mga labi nina Megara at Russel. Pagkatapos bumaba para mag-agahan, halos hindi na sila mapaghiwalay dalawa. Sweet sila at nagsusubuan pa ng pagkain, magkadikit naman ang kanilang mga balat na para bang ayaw nang maghiwalay pa."Ang sweet n'yo naman tingnan. Kung ako ang tatanungin, para kayong mga bagong kasal, ah!" malapad ang ngiting komento ni Manang.Napangiti lamang si Megara habang si Russel naman ay humigop ng kape. "Hindi kami parang bagong kasal, manang. Malapit pa lang kaming ikasal."Nagsalubong ang dalawang kilay niya at nakangiting siniko ito. "Ano ba?"Bahagya lang natawa ang lalaki. Kinuha nito ang kamay niya at paulit-ulit itong hinagkan. "I gotta go. I'm running late.""Hatid kita sa pinto?" Nakangiting tumango si Russel bilang tugon sa tanong niya.Tumayo siya saka pinulupot ang kamay sa baywang nito, ito naman ay inakbayan siya."May gusto ka bang ipabili?" tanong pa ng lalaki haba
MULING umangat sa ere ang helicopter para umalis. Nang maiwan naman silang dalawa ni Russel, mula sa likuran niya ay tinakpan ng lalaki ang mga mata niya.Narinig niya ang pagpitik ni Russel ng mga daliri. Kasunod roon ang ingay ng nagmamadaling mga yabag at ilang pang kaluskos na hindi niya magawang mapangalanan.Sa tantiya niya ay tumagal iyon nang ilang minuto. Kagat pa ang ibabang labi niya bago siya nagreklamo sa lalaki. "Ano bang mayroon? Sampung minuto na ito, ha?"Narinig niyang natawa si Russel bago siya nito hinagkan nang paulit-ulit sa pisngi. "Just a little more minute."Iyon na nga ang nangyari. Lumipas pa ang mahabang segundo, pagkatapos ay tuluyan nang tinanggal ni Russel ang palad na nakatakip sa mga mata niya.Bigla naman siyang natigilan sa bumungad sa kaniya sa paglingon niya. Hindi kalayuan mula sa kanila ay naroon ang isang luxury italian sofa na nakaharap sa round table na inibabawan ng brown silk table clothe.May mga
HUMINTO ang taxing sinasakyan ni Megara hindi kalayuan mula sa mall kung nasaan ang babaeng si Becka. Matapos bayaran ang driver ay umibis na siya ng sasakyan, tangan pa rin sa dalawang kamay ang mga paperbags.Pumasok siya sa isang maliit na snack house at nag-order ng maiinom. Uhaw na uhaw kasi siya at pakiramdam niya, nanunuyo ang lalamanunan niya.Ilang minuto lang ang hinintay niya, inabot sa kaniya ang isang red ice tea na siyang in-order niya. Nakangiti siyang lumabas ng snack house at binagtas ang daan patungo sa entrance ng mall."Ay! Ano ba iyan?" Sa kalagitnaan ng paglalakad niya ay muli na namang tumunog ang kaniyang cell phone.Sinubukan niyang kunin ito sa loob ng slingbag niya, subalit sa dami ng hawak, hindi naging madali para sa kaniya iyon. Nakatuon ang buong atensiyon niya sa pagdukot ng sariling cell phone nang bigla siyang mabangga ng isang nagmamadaling lalaki.Sa lakas ng pagkakabangga nito sa kaniya, nabitiwan niya at saka t
PINAGHALONG gulat at pagtataka ang bumabalot ngayon kay Megara. Mula sa pagkakaunan sa kandungan ni Russel, mabilis siyang bumangon at luminga sa paligid. Nasa loob nga siya ng tumatakbong sasakyan! At hindi niya alam kung saan sila pupunta."You're finally awake!" nakangiting saad ni Russel.Agad niya itong binalingan at mabilis na nilapitan. "Dinukot mo ba ako? Ano ito? Didispatsahin mo na ako para makapagsama na kayo ng—"Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang biglang takpan ni Russel ang bibig niya. "Kung anu-ano na naman ang pinagsasabi mo! Bakit ba kasi ganiyan ang iniisip mo?"Natatawa siya nitong pinaghahalikan sa pisngi bago binawi ang kamay. Malakas naman niya itong hinampas sa braso."Anyare! Kanina lang nasa kuwarto pa ako! Paano ako napunta rito!"Ngumiti siya bago kinuha ang kamay nito at hinila ito papalapit sa kaniya. "We're having a dinner outside Manila."Bahagyang umawang ang bibig niya, subalit nang maramd
NGUMUSO si Megara matapos ng pagkahaba-habang sermon na nakuha niya kay Russel. Hindi na nga sila nakakain nang mabuti dahil walang tigil ito sa pagsalita. Nang kumalma naman ay buntong-hininga nang buntong-hininga rin ito."Huwag ka nang magalit." Kinuha niya ang kamay nito at ilang ulit na hinila para makuha ang atensiyon ng lalaki.Mula sa tanawin sa harap nila, nabaling sa kaniya ang mga mata nitong masama kung tumingin. Mabilis siyang nagbaba ng mukha."Hindi naman niya ako sinaktan, e. Tinulungan pa nga niya ako.""Megara!" Tuluyan itong humarap sa kaniya.Napasinghan siya bago lalong nag-iwas ng mukha rito. Nang makitang hindi pa rin nawawala ang galit ng lalaki, tuluyan siyang tumayo at muling lumusong sa tubig. Lulubusin na niya ito habang hindi pa sila umuuwi.Hindi naman mapigilan ni Russel ang magmura. Hindi niya alam kung anong laro ang ginagawa ng Rinhu Tianok na iyon. Delikado itong tao, pero anong ginagawa nito ngayon? Sinusu
MATAPOS nang mahigit labing-isang oras, tuluyang huminto sa airport ng Auckland ang private jet na sinasakyan nila. Mula sa airport ay nagtungo sila sa isang five-star hotel at Nag-check-in.Pagkapasok na pagkapasok nila sa loob ng hotel room, agad siyang binuhat ni Russel at inihiga sa kama. Malakas naman siyang tumawa nang dinaganan siya nito at mahigpit na niyakap."Ano ba, Russel? Ang harot mo!"Bigla itong natigilan sa sinabi niya. "Ano? Ang harot?"Natatawa siyang tumango bago nilahad ang mga bisig para dito. Muli naman siyang niyakap ng lalaki. Inabot sila nang ilang minuto sa ganoong posisiyon bago tuluyang nakatulog nang magkayakap.Matapos ng isang oras, muli siyang nagising. Nabungaran niyang mahimbing pa ring natutulog si Russel sa tabi niya. Hindi niya napigilan ang hangaan ito habang nakaidlip.Hinaplos niya ang isang pisngi ng lalaki. Papatubo na ang balbas sa baba nito, at mas lalo iyong nagbigay karisma sa lalaki. Napakaguwa
NAIBABA niya ang kamay na nakahawak sa papel habang sunod-sunod ang pag-agos ng luha mula sa magkabila niyang mga mata."K-kailan pa?"Mabilis na lumamlam ang mga mata ni Russel habang nakatingin sa kaniya. Pinaghalong awa at simpatya ang makikita sa mga mata nito, bagay na hindi niya kayang tingnan kaya pilit niyang iniwas ang mukha."Kailan mo pa nalaman ang tungkol dito?" Kinagat niya ang ibabang labi para mapigilan ang sarili na humikbi."Noong umalis ka."Agad siyang nag-angat ng mukha sa narinig. Unti-unting nagsalubong ang mga kilay niya. "Noon pa? Matagal mo nang alam?"Sumingkot siya at lumalim ang paghinga. May kakaibang takot at awa sa sarili siyang nararamdaman. Kung ganoon, matagal na nitong alam ang tungkol dito?"Alam mo na pero wala ka man lang sinasabi?"Sinubukan niyang umalis mula sa ibabaw ng kotse. Paulit-ulit naman siyang tinawag ni Russel para pigilan. Hindi kalayuan mula sa sasakyan, naabutan siya nito a
MADALING araw na siyang nagdesisiyon na bumalik sa hotel kung saan sila naka-check-in. Ginugupo na ng antok si Megara at nakaalalay na siya rito habang naglalakad sila patungo sa kanilang kuwarto.Nang maihiga niya ang babae ay may ilang segundo pa niya itong pinagmasdan. Hindi niya lubos-maisip kung paano nagagawang kayanin ni Meg ang mga problema nito. Napakatapang at napakatatag ng asawa niya. Buong akala niya ay mahina ito, subalit nagkakamali siya.Isa si Megara sa mga matatapang na babaeng nakilala niya. Masaya siya at pinagmamalaki ito dahil doon. Bumaba ang mukha niya at ginawaran ito ng halik sa pisngi.Alas-otso nang muling magising ang babae. Siya naman ay nakahanda na para sa biyahe nila sa araw na iyon."Magbihis ka na." Itinuro niya ang relong-pambisig sa kanang braso niya at nginitian ito. Ibig niyang matawa dahil walang reaksiyon sa mukha ng babae. Tila ba nagtataka ito at naguguluhan sa nangyayari.Nang mapagtanto ang ibig niyang s
MALAKAS siyang humiyaw nang makita ang nakabulagta na katawan ng lalaki sa sahig. Ilang ulit siyang umiling habang nangingilid ang mga luha sa magkabila niyang pisngi.Ilang segundong walang lumabas na boses mula sa bibig niya. Nakaawang lamang ang mga labi niya at sunod-sunod sa pag-agos ang luha sa magkabilang pisngi."R-Russel!" Sa wakas ay nagawa niyang isatinig habang nanginginig ang katawan niya sa labis na kilabot na nararamdaman. "Russel!"Muling tumawa si Narissa. Nangingilid ang luha sa magkabila nitong pisngi. Marahas siya nitong hinawakan sa braso at buong puwersang hinatak palayo roon."Bitiwan mo ako! Russel! Huwag!" Pilit inaabot ng kamay niya ang katawan ng lalaki, subalit marahas siyang hinatak ni Narissa.Kahit pa nang bumagsak siya sa sahig dahil sa pagpipilit na makawala rito, kinaladkad pa rin siya nito patungo sa pintuan.Pilit siyang pinatayo ng babae hanggang sa makalabas sila ng beach house."Ano'ng tinitingin
NGUMISI ang babaeng si Narissa matapos niyang mahablot sa buhok si Megara. Hinigpitan niya ang pagkakakapit sa buhok nito bago nito bago kinuha ang baril na itinatago niya sa kaniyang likod."Ilang taon man ang lumipas, kahit kailan, hindi kita magagawang kalimutan, Meg! Kung hindi ka na rin lang magiging akin, hindi ka rin mapupunta sa kaniya!"Sa sinabi niyang iyon, malakas na humiyaw si Megara bago tinabig ang baril na hawak niya. Hindi sinasadyang mapaputok niya iyob kaya mabilis na nagtakip ng magkabilang tainga nito si Megara nang makawala sa kaniya.Napalingon naman siya sa pinto nang marinig ang paghinto ng isang kotse sa labas ng bahay. Mabilis niyang pinulupot ang mga braso sa leeg ng babae at tinutukan ito ng baril.Sumunod ay bigla na lamang bumukas ang pintuan ng bahay at bumungad sa kanila ang gulat na mukha ni Russel."Megara!"Ngumisi siya nang marinig ang nag-aalalang boses ng lalaki. Akmang lalapitan sila nito pero agad niy
MALAPAD na ngumiti si Narissa bago nginuso ang silyang katapang nito. Tila inuutusan siyang maupo roon."Mag-uusap tayo."Binawi niya ang paningin at binitiwan ang hawak na siradura. Huminga siya nang malalim bago tuluyang lumapit dito, subalit hindi na siya naupo at nanatili na lang na nakatayo."Hindi ko naisip na aabot ka sa ganito.""Ako rin," mabilis nitong tugon. "Ni minsan ay hindi ko inakalang magkakaganito ako. Ang dami kong tao na nagamit, para lang makaabot sa kung nasaan ako ngayon. Nagpanggap pa akong buntis ako, sinulsulan ang mga doctor, maipalabas lang na totoo ang kasinungalingan ko."Umiling siya sa babae. "Itigil mo na ito, Narissa. Tama na. Magbagong-buhay na tayo.""Nasasabi mo iyan kasi masaya ka. Paano naman ako?" Lumamlam ang mga mata ng babae.Mariin siyang lumunok. Hindi na niya alam kung ano ang sasabihin, para lang makumbinsi ang babae na tumigil na."Hindi puwede, Meg. Hangga't hindi ka bumabalik sa
MATAPOS maligo ni Russel ay naabutan nito ang asawa sa dulo ng kama. Nakaupo habang nakatulala sa kawalan. Agad siyang nakaramdam ng kaba nang maisip na baka may nangyari dito nang iwan niya.Mabilis niyang nilapitan ang asawa at lumuhod sa paanan nito. "Baby, what's the matter? I-inaway ka ba ni Narissa? May ginawa ba siya sa iyo?"Mabilis itong umiling nang mapansin ang galit at pag-aalala sa tono niya. Mariin itong lumunok bago yumakap sa kaniya nang mariin."Russel." Nagsimula itong umiyak habang yumuyugyog ang balikat.Nang dahil dito ay mas lalo siyang kinabahan. Mula sa pagkakaluhod, tumayo siya at naupo sa tabi nito."Ano ba'ng nangyari? Sabihin mo sa akin." Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi at nag-aalalang tinitigan.Humihikbi itong lumuluha. Hindi ito nagsalita pero nagpatuloy lang sa pag-iyak. Lalo siyang nakaramdam ng takot nang dahil doon."Meg, tinatakot mo ako. Sabihin mo na sa akin, ano ba'ng problema?"P
MATAGAL binalot ng katahimikan ang dalawang babae matapos silang maiwan ni Russel. Nakakrus ang dalawang braso ni Narissa sa tapat ng dibdib nito, siya naman ay mataman na nakatitig sa babae.Nag-umpisang mangilid ang luha sa magkabilang pisngi niya. Nang makita iyon ni Narissa ay napapalunok itong nag-iwas ng tingin.Huminga siya nang malalim bago lumapit sa harap nito. Ilang ulit pa siyang huminga bago tuluyang lumuhod sa paanan ng babae. Patuloy sa pag-agos ang mga luha sa magkabilang pisngi niya.Tumalim naman ang mga mata ni Narissa. Pilit nitong iniiwas ang mukha sa kaniya ngunit hindi nito naitago ang pamumula ng mga mata."Please, please, nagmamakaawa ako. Riss, pabayaan mo na kami!"Kumuyom ang mga kamao ng babae, pero hindi ito natinag sa kinatatatuan"Please, huwag mong sirain ang pamilya na gusto kong buuin!" Ilang ulit siyang umiling pero tila walang pakialam si Narissa sa pag-iyak at pagluhod niya.Huminga ito nang malal
HALOS manlisik ang mga mata ni Narissa habang nakatitig sa pader na nagsisilbing tanging harang sa silid na tinutuluyan niya at sa kuwarto nina Megara at Russel.Nanginginig ang mga kamao niya sa bawat ungol at halinghing na ginagawa ng dalawa. Nasisiguro niya na sinasadya ng mga ito ang ginagawa para marinig niya."Magbabayad ka sa ginawa mo. Sisiguraduhin ko na mababawi ko siya mula sa iyo!"Nangilid ang luha sa magkabila niyang pisngi, subalit marahas niya itong pinalis. Malayo na ang narating niya. Hindi siya papayag na mauwi lang sa wala ang pagtitiis niya.Noong gabing iyon, matagal siyang nanatiling gising habang nakatitig sa kawalan. Nang umabot ang alas-tres ng madaling araw, walang ingay siyang lumabas ng silid at bumaba sa kusina.Mabilis niyang tiningnan ang sariling cell phone para i-check kung may natanggap ba siyang mensahe. Mahina siyang nagmura nang makitang walang ni isang text doon.Kinuha niya ang baso ng tubig at mabilis
PAGSAPIT ng alas-siete ng gabi, nasa ibaba na si Russel at nagluluto ng pagkain, habang siya, nasa loob pa rin ng silid at iniisip ang mga dapat gawin. Nang lumipas ang mahigit limang minuto mula nang bumaba ang lalaki, mabilis siyang lumapit sa kulay mahogany na cabinet, saka kinuha ang ilang underwear niya sa loob.Mula sa suot niyang damit, mabilis siyang nagpalit sa isang kulay pulang bikini na bumagay sa kulay at hubog ng katawan niya. Nagsuot pa siya ng see-through white kimono bago tuluyang lumabas ng silid."Russel, makinig ka sa akin!"Naabutan naman niyang nagtatalo sina Russel at Narissa. Ayon sa narinig niya, pinagpipilitan ng babae na iwan na siya ni Russel at piliin ito at ang bata ng asawa niya.Tumalim ang mga mata niya. Hindi nga siya nagkamali sa hinala. Mabilis siyang lumabas mula sa pinagkukublihan. Nakatalikod mula sa kaniya si Russel at abala sa paghuhugas ng mga gulay kaya hindi siya agad napansin nito.Nakuha niya ang atensi
NAPAPIKIT siya ng mga mata nang marinig ang gustong mangyari ni Narissa. Inuutos nito na magsasama silang tatlo sa iisang bahay hangga't hindi pa nito naipapanganak ang bata.Mariin siyang tumutol sa gusto nitong mangyari. "Kung gusto mo ng makakasama, ikukuha kita ng katulong.""Ayoko nga!" mataray nitong tugon nang balingan siya. "Dalawa tayong gumawa nito, dapat dalawa tayo ang mag-asikaso.""Narissa!""Ano ka, sinusuwerte? Matapos mong gumawa ng bata, ibibigay mo sa iba ang responsibilidad?" Inirapan siya nito bago pinagkrus ang dalawang braso sa tapat ng dibdib.Tapos na silang mag-agahan at kasalukuyang pinag-uusapan ang dapat gawin dahil sa sitwasiyon ni Narissa. Nang balingan naman niya ng tingin si Megara, mahinahon itong nakaupo sa silya. Nakatutok ang mga mata nito sa mesa, minsan naman ay mag-aangat ng mukha sa babae."Hindi ako papayag sa gusto mo. Mas nanaisin ko pang sirain mo na lang ako sa mga tao, kaysa hayaan kang tumira k
NANATILI sa loob ng silid si Megara habang nakatanaw siya sa pader. Yakap niya ang unan sa dibdib. Puno ng pangamba ang dibdib niya.Buong akala niya ay tapos na siya sa problemang ito, pero ngayong dumating na ang pinakahihintay niya, hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Ang galit na mayroon siya sa kaniyang dibdib, sa isang iglap, mabilis na naglaho.Ngayon ay kinukuwestiyon na niya ang sarili. Pakiramdam niya, siya ang may kasalanan ng lahat. Para bang siya pa ang nagdala ng problema sa kanila ni Russel.Nang hindi siya mapakali sa kinauupuan. Tumayo siya at nagpalakad-lakad sa harap ng kama. Nasa labas si Russel at nakikipag-usap sa babae, habang siya ay piniling magkulong sa kuwarto.Ramdam niya ang panginginig ng mga kamay niya. Nangingilid ang luha sa magkabila niyang pisngi, hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa takot.Tumigil siya sa paglalakad at naupo sa dulo ng kama. "Diyos ko, ano'ng gagawin ko?"Tumingala siya at umusal nang