NAIBABA ni Megara ang hawak na kahon na binalot ng lavender gift wrap, saka nilingon ang lalaking nasa bukana ng pintuan. Lumingon din ito sa kaniya at may ilang segundong natulala bago ngumiti.
Muli nitong ibinalik ang atensiyon sa taong nasa labas ng suite. Hindi niya ito makita pero nasisiguro niyang Narissa ang pangalang narinig niya.
Malakas na kumabog ang dibdib niya nang mapansin na tila may kakaibang nangyayari. Nakaupo pa rin siya sa dulo ng kama at pilit sinisilip ang babae mula sa kinauupuan.
Mahina namang nagmura si Russel bago nito itinulak nang bahagya ang dalaga. "Umalis ka na rito! If my wife sees you. Narissa, I swear I'm going to kill you!"
Nakita niya kung paano natigilan ang babae sa sinabi niya. May ilang segundo siya nitong tinitigan na para bang sinisiguro kung seryoso siya sa mga binitiwang salita.
"This is not what I order. Mali ka ng silid na pinuntahan."
Sadyang nilakasan niya ang boses upang iparinig ito kay Megar
MATAGAL na natigilan si Megara habang nakatingin sa walang laman na pasilyo. Nagbuga siya ng hangin bago nilingon ang lalaking si Russel. Wala itong imik. Blanko ang mukhang nakatingin pabalik sa kaniya.Muli siyang bumuntong-hininga bago muling pumasok sa loob ng silid at isinara ang pintuan sa likuran."Bakit ba kasi ganiyan ang reaksiyon mo? Dahil diyan, naiisip ko na tuloy na nasa labas ang kabit mo!"Umiirap siyang bumalik sa dulo ng kama at saka naupo. Parang tinakasan ng kulay ang lalaki. Daig pa nito ang naubusan ng dugo. Natural lang na mag-isip siya ng kakaiba.Lumapit naman sa kaniya si Russel saka muling lumuhod sa paanan niya. "I'm sorry. Ayaw ko lang naman mag-isip ka nang kakaiba kaya ganito ang reaksiyon ko. Nagsisimula pa lang uli tayo, Meg. Sorry na."Kinuha nito ang dalawang kamay niya at talisan itong dinampian ng halik. Muli na naman siyang nagbuga ng hangin. Siguro nga, napa-paranoid na siya.Imposible naman na pumunta
KINABUKASAN ay malaki ang ngiti sa mga labi nina Megara at Russel. Pagkatapos bumaba para mag-agahan, halos hindi na sila mapaghiwalay dalawa. Sweet sila at nagsusubuan pa ng pagkain, magkadikit naman ang kanilang mga balat na para bang ayaw nang maghiwalay pa."Ang sweet n'yo naman tingnan. Kung ako ang tatanungin, para kayong mga bagong kasal, ah!" malapad ang ngiting komento ni Manang.Napangiti lamang si Megara habang si Russel naman ay humigop ng kape. "Hindi kami parang bagong kasal, manang. Malapit pa lang kaming ikasal."Nagsalubong ang dalawang kilay niya at nakangiting siniko ito. "Ano ba?"Bahagya lang natawa ang lalaki. Kinuha nito ang kamay niya at paulit-ulit itong hinagkan. "I gotta go. I'm running late.""Hatid kita sa pinto?" Nakangiting tumango si Russel bilang tugon sa tanong niya.Tumayo siya saka pinulupot ang kamay sa baywang nito, ito naman ay inakbayan siya."May gusto ka bang ipabili?" tanong pa ng lalaki haba
MULING umangat sa ere ang helicopter para umalis. Nang maiwan naman silang dalawa ni Russel, mula sa likuran niya ay tinakpan ng lalaki ang mga mata niya.Narinig niya ang pagpitik ni Russel ng mga daliri. Kasunod roon ang ingay ng nagmamadaling mga yabag at ilang pang kaluskos na hindi niya magawang mapangalanan.Sa tantiya niya ay tumagal iyon nang ilang minuto. Kagat pa ang ibabang labi niya bago siya nagreklamo sa lalaki. "Ano bang mayroon? Sampung minuto na ito, ha?"Narinig niyang natawa si Russel bago siya nito hinagkan nang paulit-ulit sa pisngi. "Just a little more minute."Iyon na nga ang nangyari. Lumipas pa ang mahabang segundo, pagkatapos ay tuluyan nang tinanggal ni Russel ang palad na nakatakip sa mga mata niya.Bigla naman siyang natigilan sa bumungad sa kaniya sa paglingon niya. Hindi kalayuan mula sa kanila ay naroon ang isang luxury italian sofa na nakaharap sa round table na inibabawan ng brown silk table clothe.May mga
HUMINTO ang taxing sinasakyan ni Megara hindi kalayuan mula sa mall kung nasaan ang babaeng si Becka. Matapos bayaran ang driver ay umibis na siya ng sasakyan, tangan pa rin sa dalawang kamay ang mga paperbags.Pumasok siya sa isang maliit na snack house at nag-order ng maiinom. Uhaw na uhaw kasi siya at pakiramdam niya, nanunuyo ang lalamanunan niya.Ilang minuto lang ang hinintay niya, inabot sa kaniya ang isang red ice tea na siyang in-order niya. Nakangiti siyang lumabas ng snack house at binagtas ang daan patungo sa entrance ng mall."Ay! Ano ba iyan?" Sa kalagitnaan ng paglalakad niya ay muli na namang tumunog ang kaniyang cell phone.Sinubukan niyang kunin ito sa loob ng slingbag niya, subalit sa dami ng hawak, hindi naging madali para sa kaniya iyon. Nakatuon ang buong atensiyon niya sa pagdukot ng sariling cell phone nang bigla siyang mabangga ng isang nagmamadaling lalaki.Sa lakas ng pagkakabangga nito sa kaniya, nabitiwan niya at saka t
PINAGHALONG gulat at pagtataka ang bumabalot ngayon kay Megara. Mula sa pagkakaunan sa kandungan ni Russel, mabilis siyang bumangon at luminga sa paligid. Nasa loob nga siya ng tumatakbong sasakyan! At hindi niya alam kung saan sila pupunta."You're finally awake!" nakangiting saad ni Russel.Agad niya itong binalingan at mabilis na nilapitan. "Dinukot mo ba ako? Ano ito? Didispatsahin mo na ako para makapagsama na kayo ng—"Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang biglang takpan ni Russel ang bibig niya. "Kung anu-ano na naman ang pinagsasabi mo! Bakit ba kasi ganiyan ang iniisip mo?"Natatawa siya nitong pinaghahalikan sa pisngi bago binawi ang kamay. Malakas naman niya itong hinampas sa braso."Anyare! Kanina lang nasa kuwarto pa ako! Paano ako napunta rito!"Ngumiti siya bago kinuha ang kamay nito at hinila ito papalapit sa kaniya. "We're having a dinner outside Manila."Bahagyang umawang ang bibig niya, subalit nang maramd
NGUMUSO si Megara matapos ng pagkahaba-habang sermon na nakuha niya kay Russel. Hindi na nga sila nakakain nang mabuti dahil walang tigil ito sa pagsalita. Nang kumalma naman ay buntong-hininga nang buntong-hininga rin ito."Huwag ka nang magalit." Kinuha niya ang kamay nito at ilang ulit na hinila para makuha ang atensiyon ng lalaki.Mula sa tanawin sa harap nila, nabaling sa kaniya ang mga mata nitong masama kung tumingin. Mabilis siyang nagbaba ng mukha."Hindi naman niya ako sinaktan, e. Tinulungan pa nga niya ako.""Megara!" Tuluyan itong humarap sa kaniya.Napasinghan siya bago lalong nag-iwas ng mukha rito. Nang makitang hindi pa rin nawawala ang galit ng lalaki, tuluyan siyang tumayo at muling lumusong sa tubig. Lulubusin na niya ito habang hindi pa sila umuuwi.Hindi naman mapigilan ni Russel ang magmura. Hindi niya alam kung anong laro ang ginagawa ng Rinhu Tianok na iyon. Delikado itong tao, pero anong ginagawa nito ngayon? Sinusu
MATAPOS nang mahigit labing-isang oras, tuluyang huminto sa airport ng Auckland ang private jet na sinasakyan nila. Mula sa airport ay nagtungo sila sa isang five-star hotel at Nag-check-in.Pagkapasok na pagkapasok nila sa loob ng hotel room, agad siyang binuhat ni Russel at inihiga sa kama. Malakas naman siyang tumawa nang dinaganan siya nito at mahigpit na niyakap."Ano ba, Russel? Ang harot mo!"Bigla itong natigilan sa sinabi niya. "Ano? Ang harot?"Natatawa siyang tumango bago nilahad ang mga bisig para dito. Muli naman siyang niyakap ng lalaki. Inabot sila nang ilang minuto sa ganoong posisiyon bago tuluyang nakatulog nang magkayakap.Matapos ng isang oras, muli siyang nagising. Nabungaran niyang mahimbing pa ring natutulog si Russel sa tabi niya. Hindi niya napigilan ang hangaan ito habang nakaidlip.Hinaplos niya ang isang pisngi ng lalaki. Papatubo na ang balbas sa baba nito, at mas lalo iyong nagbigay karisma sa lalaki. Napakaguwa
NAIBABA niya ang kamay na nakahawak sa papel habang sunod-sunod ang pag-agos ng luha mula sa magkabila niyang mga mata."K-kailan pa?"Mabilis na lumamlam ang mga mata ni Russel habang nakatingin sa kaniya. Pinaghalong awa at simpatya ang makikita sa mga mata nito, bagay na hindi niya kayang tingnan kaya pilit niyang iniwas ang mukha."Kailan mo pa nalaman ang tungkol dito?" Kinagat niya ang ibabang labi para mapigilan ang sarili na humikbi."Noong umalis ka."Agad siyang nag-angat ng mukha sa narinig. Unti-unting nagsalubong ang mga kilay niya. "Noon pa? Matagal mo nang alam?"Sumingkot siya at lumalim ang paghinga. May kakaibang takot at awa sa sarili siyang nararamdaman. Kung ganoon, matagal na nitong alam ang tungkol dito?"Alam mo na pero wala ka man lang sinasabi?"Sinubukan niyang umalis mula sa ibabaw ng kotse. Paulit-ulit naman siyang tinawag ni Russel para pigilan. Hindi kalayuan mula sa sasakyan, naabutan siya nito a