Share

Chapter Seventy-seven |2|

KAPWA sila nagtatawanan ni Russel habang nakaupo sa isang pink bench at parehong may hawak ng cotton candy, candy apple at smoothie. Wala ring tao sa mga stalls na nagbibenta ng mga snack foods at fruit juice. Kailangan tuloy nilang gawin mismo ang smoothie na iniinom nila.

"Sa susunod, doon naman tayo." Itinuro ni Russel ang isang ride na parang bangka.

Kumagat siya ng candy apple habang tumatango sa lalaki. "Siguro ang laki ng bayad mo rito."

"Mas malaki ang pagmamahal ko sa iyo." Nilingon siya nito at kinindatan bago kumagat ng cotton candy.

Sinamaan niya ito ng tingin. "Nako, ang landi ng asawa ko."

Bigla itong natawa nang malakas bago siya hinalikan sa mga labi. Hindi pa man siya tapos kumain, hinila na siya ni Russel sa kamay at tuluyang sumakay sa ride na itinuro nito kanina.

Maya-maya lamang, napuno na ng mga sigaw nila ang paligid ng amusement park. Natatawa pa silang bumaba dahil sa aksidenteng pagkahulog ng drinks niya habang nasa

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status