Share

Chapter Eighty-one |2|

MATAPOS nang mahigit labing-isang oras, tuluyang huminto sa airport ng Auckland ang private jet na sinasakyan nila. Mula sa airport ay nagtungo sila sa isang five-star hotel at Nag-check-in.

Pagkapasok na pagkapasok nila sa loob ng hotel room, agad siyang binuhat ni Russel at inihiga sa kama. Malakas naman siyang tumawa nang dinaganan siya nito at mahigpit na niyakap.

"Ano ba, Russel? Ang harot mo!"

Bigla itong natigilan sa sinabi niya. "Ano? Ang harot?"

Natatawa siyang tumango bago nilahad ang mga bisig para dito. Muli naman siyang niyakap ng lalaki. Inabot sila nang ilang minuto sa ganoong posisiyon bago tuluyang nakatulog nang magkayakap.

Matapos ng isang oras, muli siyang nagising. Nabungaran niyang mahimbing pa ring natutulog si Russel sa tabi niya. Hindi niya napigilan ang hangaan ito habang nakaidlip.

Hinaplos niya ang isang pisngi ng lalaki. Papatubo na ang balbas sa baba nito, at mas lalo iyong nagbigay karisma sa lalaki. Napakaguwa

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status