ILANG ulit bumuntong-hininga si Russel habang hawak sa isang kamay ang glass ng white wine. Nakapulupot ang kamay ni Narissa sa isang braso niya habang nakikipag-usap sa ilang kababaihan na naroon din sa party.
Pasimple niyang binawi ang braso kung saan ito nakakakapit, saka sinipat ang oras sa relong-pambisig. Alas-nuebe y medya na. Kanina ay nagsimula na ang party, pero buong oras ay wala siyang gana.
Tinungga niya ang laman ng wine glass saka sinenyasan ang isang waiter na napatingin sa gawi nila. Paglapit nito ay inilagay niya ang empty wine glass sa dala nitong tray sabay kuha ng isa pa.
"Ano ba? Binabalak mo bang maglasing?" bulong ni Narissa at inilapit pa lalo ang mukha sa kaniya.
Umiwas siya rito bago naghanap ng taong kilala at puwedeng lapitan sa party. Hindi niya kayang manatili sa tabi nito dahil hindi niya maiwasang mainis.
Dapat nasa tabi siya ngayon ni Megara at inaalagaan ito, ngunit sa halip, nandito siya sa party kasama ang ibang
TININGNAN niya ang camera sa kanilang silid, lalo siyang napuno ng pag-aalala nang hindi makita si Megara sa kama nila. Tiningnan na niya ang lahat ng camera sa buong mansiyon, subalit wala ito.Naghintay siya ng ilang sandali dahil marahil ay nasa loob lamang ng banyo ang asawa, ngunit lumipas na ang mahabang oras, walang Megara na lumabas ng banyo. Doon na siya mas kinabahan.Hinanap ng mga mata niya si Narissa. Kailangan na niyang umuwi para puntahan si Megara. Humakbang siya nang ilang ulit para mahanap ang dalaga, sa ilang hakbang niya, natanaw niya ang isang babaeng nakasuot ng kaparehong damit ng kay Narissa.Nakatalikod ang babae ngunit inakala na niyang si Narissa ito dahil sa damit at style ng buhok. Mabilis siyang lumapit dito at agad na pinulupot ang braso sa baywang ng babae para sana ay hilahin ito."Kanina pa kita hinahanap," bulong niya sa tainga ng babae. "Let's go. Umuwi na tayo."Bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya nang hind
ABALA si Megara sa pagb-blower ng buhok sa harap ng vanity mirror habang walang emosiyon ang mukhang nakatitig sa sariling repleksiyon. Unti-unti namang bumukas ang pinto at saka pumasok ang lalaking si Russel.Hindi siya kumibo. Ni hindi niya ito tinapunan ng tingin kahit na sandali. Dahan-dahan naman siyang nilapitan ni Russel. Makikita sa repleksiyon ng mukha nito sa salamin ang pagsisisi at kalungkutan."Meg... "Nagbuga siya ng hangin nang marinig ang boses nito. Pinatay niya ang blower at tinitigan ito mula sa salamin. "Hangga't hindi mo sinasabi ang lahat, huwag mo muna akong kausapin.""Pero, Meg—""Please." Mariin niyang ipinikit ang mga mata. "Give me the space I deserve, Russel."Kahit mahirap para sa lalaki, wala itong nagawa kundi pagbigyan ang gusto niyang mangyari.Matapos naman mag-blower ay pumasok siya sa walk-in closet nila para magbihis. Nagsuot siya ng simpleng vintage lace bodycon dress at heels na kasingku
MABIBILIS ang mga hakbang habang sinusubukang lumayo ni Megara mula sa lalaking pilit na humahabol sa kaniya. Naramdaman niya ang malakas na atmospera ng paligid noong nasa labas na siya ng club.Gumala ang mga mata niya sa paligid at sinubukang maghanap ng taxing masasakyan. Subalit bago pa man siya makahanap ng isa, mabilis siyang napigilan ng kamay ng lalaki."Ano ba!" bulyaw niya rito nang bigla niya itong lingunin. Makikita ang pinaghalong galit at takot sa pagmumukha niya. "Bakit mo ba ako sinusundan! Ano pa bang kailangan n'yo!"Hindi sumagot ang lalaki. Sa halip, nginitian siya nito na para bang natutuwa pa itong makita ang takot sa mukha niya."Gago ka! Tigilan n'yo na ako!" hindi niya napigilang isigaw ang mga bagay na iyon."Relax ka lang. Kung hindi dahil sa akin, baka napagtulungan ka na kanina."Halos masuka siya sa mga narinig mula rito. Sinubukan niyang luminga sa paligid. Naghahanap siya ng mga taong puwedeng mahingian ng tu
ISANG malutong na sampal ang natanggap ni Russel mula sa dalagang si Narissa matapos niyang ihayag ang pinaplano rito.Puno naman ng galit ang dalawang pares ng mga mata ni Narissa. Halos umakyat ang dugo sa ulo nito nang marinig ang gustong mangyari ng lalaki."Ginagago mo ba ako! Hindi iyan ang gusto kong marinig mula sa iyo, Russel!"Hindi na nito napigilan pa ang magtaas ng boses. Ngayon ay nakatayo na ang dalaga at nakatingin sa kaniya nang may naglalagablab na mga mata, at para bang handa na itong manakit ano mang oras."Dapat sinasabi mong iiwan mo na ang asawa mo! At magsasama na tayo!"Tumalim ang mga mata niya. "Hinding-hindi ko gagawin iyan!"Bigla itong natigilan. Sa loob ng ilang segundo ay nahirapan itong nakaapuhap ng salitang sasabihin sa kaniya.Makaraan pa ang ilang sandali ay bigla itong umiling. "Hindi! Ayoko!" Bumaling ito sa kontratang hinanda niya at marahas itong pinagpupunit. "Ayoko nito! Ayaw ko! Hindi ako ma
HINDI nagawang kumilos ni Russel sa kinauupuan matapos makitang sumakay ng taxi ang asawan. Ilang ulit siyang lumunok habang tuloy-tuloy sa pag-agos ang luha sa magkabilang pisngi.Kasalanan niya ito. Kasalanan niya ang lahat. Ngayon, mawawala na sa kaniya ang asawa nang dahil sa kagaguhan niya.Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Masiyado siyang nilalamon ng emosiyon. Gusto niyang sundan si Megara, pero kung pagpipilitan lang niyang makipag-usap dito, mauuwi lang sa away ang lahat dahil pareho silang punong-puno ng emosiyon.Kahit masakit sa kaniya, pinigilan niya ang sarili na sumunod sa asawa. Mariin niyang ipinikit ang mga mata habang patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha niya.Samantala, marahas namang ibinato ni Megara ang cell phone niya matapos makapasok sa loob ng bar ng mansiyon nila. Umiiyak siyang lumapit sa mga bote ng alak at mabilis na nagsalin sa baso.Sinundan niya si Russel na buo na sa isip na huhulihin niya ito at ang kabit
BUONG araw nakatulala si Russel sa loob ng opisina niya. Hindi niya magawang magtrabaho, ni hindi niya maituon sa iba ang atensiyon dahil laman pa rin ng isipan niya si Megara.Hindi niya lubos-maisip na darating sila sa ganoong punto. Buong akala niya, magagawa niyang ayusin ang lahat subalit nagkamali siya.Paano pa niya maaayos ang pagsasama nila ngayong gusto na siyang hiwalayan ni Megara? Ano pa'ng maaari niyang gawin para mabawi muli ang tiwala nito ngayong ayaw na ng babae?Kumatok sa pinto si Aliyah bago ito tuluyang pumasok sa loob ng opisina niya. Nagbuga ng hangin ang babae nang makita siya nitong nakatulala sa kawalan."Iniwan kita three hours ago nang ganiyan, hindi ko naisip na mababalikan kita nang ganiyan din. May problema ba kayo ni Meg?"Narinig niya ang tanong ng babae subalit wala na siyang lakas upang sagutin pa ito. Wala siyang gana sa lahat. Kung puwede nga lang tumigil na lang ang oras, mas nanaisin pa niya. Kaysa dumating s
"Mang Pablo!""Ano pong ginagawa n'yo rito, ma'am?""Ah, nagbabakasiyon po ako. Mga isang linggo ako rito kaya hindi n'yo na kailangan dalawin ang bahay."Nakangiting tumango ang matanda. "Kasama n'yo po ba si Sir Russel?"Naglaho ang ngiti sa mga labi niya nang marinig ang tanong ng lalaki. Malungkot siyang umiling dito. "Hindi po.""Ah, kung ganoon, mag-isa n'yo lang po pala. O, sige, ma'am. Magsabi lang ho kayo kung may kailangan kayo sa akin."Tumango siya rito habang nakangit. "Salamat po!"ISANG mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ni Russel matapos marinig mula mismo sa asawa ni Kane na hindi nito nakita, at hindi man lang tumawag dito si Megara.Nagpaalam agad siya rito at nagmamadaling sumakay ng kotse upang subukang pumunta sa mga lugar na dating pinupuntahan ng babae. Pero ni anino nito, o senyas man lang na nagpunta ito sa mga lugar na iyon ay wala.Isang buong araw nang nawawala si Meg, at hindi na niya
HINDI pa man nakapagsasalita ang matandang caretaker mula sa kabilang linya, nagmamadali niyang pinatakbo ang kotse patungo sa beach house."Mang Pablo! Huwag n'yong sasabihin kay Meg na kausap n'yo ako!"Marahil ay nagtaka ang matanda sa sinabi niya dahil natagalan ito bago nakasagot sa sinabi niya."Pero, Sir Russel, bakit ho?""Makinig na lang kayo sa akin, Mang Pablo!" Ibinaba na niya ang tawag at lalong binilisan ang pagmamaneho.Natatakot siya na kapag nalaman ng babae na alam na niya kung nasaan ito, bigla na naman itong umalis. Inabot siya nang mahigit dalawang oras sa biyahe, bago tuluyang narating ang beach house.Agad niyang ipinarada sa tabi ang sasakyan at nagmamadaling lumabas. Mag-a-alas-dos na ng hapon noong mga sandaling iyon. Mataas ang sikat ng araw ngunit hindi na masakit sa balat.Agad siyang sinalubong ng amoy ng dagat mula sa paligid. Rinig din niya ang paghampas ng alon sa dalampasigan.Nagtungo siya sa