BUONG araw nakatulala si Russel sa loob ng opisina niya. Hindi niya magawang magtrabaho, ni hindi niya maituon sa iba ang atensiyon dahil laman pa rin ng isipan niya si Megara.
Hindi niya lubos-maisip na darating sila sa ganoong punto. Buong akala niya, magagawa niyang ayusin ang lahat subalit nagkamali siya.
Paano pa niya maaayos ang pagsasama nila ngayong gusto na siyang hiwalayan ni Megara? Ano pa'ng maaari niyang gawin para mabawi muli ang tiwala nito ngayong ayaw na ng babae?
Kumatok sa pinto si Aliyah bago ito tuluyang pumasok sa loob ng opisina niya. Nagbuga ng hangin ang babae nang makita siya nitong nakatulala sa kawalan.
"Iniwan kita three hours ago nang ganiyan, hindi ko naisip na mababalikan kita nang ganiyan din. May problema ba kayo ni Meg?"
Narinig niya ang tanong ng babae subalit wala na siyang lakas upang sagutin pa ito. Wala siyang gana sa lahat. Kung puwede nga lang tumigil na lang ang oras, mas nanaisin pa niya. Kaysa dumating s
"Mang Pablo!""Ano pong ginagawa n'yo rito, ma'am?""Ah, nagbabakasiyon po ako. Mga isang linggo ako rito kaya hindi n'yo na kailangan dalawin ang bahay."Nakangiting tumango ang matanda. "Kasama n'yo po ba si Sir Russel?"Naglaho ang ngiti sa mga labi niya nang marinig ang tanong ng lalaki. Malungkot siyang umiling dito. "Hindi po.""Ah, kung ganoon, mag-isa n'yo lang po pala. O, sige, ma'am. Magsabi lang ho kayo kung may kailangan kayo sa akin."Tumango siya rito habang nakangit. "Salamat po!"ISANG mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ni Russel matapos marinig mula mismo sa asawa ni Kane na hindi nito nakita, at hindi man lang tumawag dito si Megara.Nagpaalam agad siya rito at nagmamadaling sumakay ng kotse upang subukang pumunta sa mga lugar na dating pinupuntahan ng babae. Pero ni anino nito, o senyas man lang na nagpunta ito sa mga lugar na iyon ay wala.Isang buong araw nang nawawala si Meg, at hindi na niya
HINDI pa man nakapagsasalita ang matandang caretaker mula sa kabilang linya, nagmamadali niyang pinatakbo ang kotse patungo sa beach house."Mang Pablo! Huwag n'yong sasabihin kay Meg na kausap n'yo ako!"Marahil ay nagtaka ang matanda sa sinabi niya dahil natagalan ito bago nakasagot sa sinabi niya."Pero, Sir Russel, bakit ho?""Makinig na lang kayo sa akin, Mang Pablo!" Ibinaba na niya ang tawag at lalong binilisan ang pagmamaneho.Natatakot siya na kapag nalaman ng babae na alam na niya kung nasaan ito, bigla na naman itong umalis. Inabot siya nang mahigit dalawang oras sa biyahe, bago tuluyang narating ang beach house.Agad niyang ipinarada sa tabi ang sasakyan at nagmamadaling lumabas. Mag-a-alas-dos na ng hapon noong mga sandaling iyon. Mataas ang sikat ng araw ngunit hindi na masakit sa balat.Agad siyang sinalubong ng amoy ng dagat mula sa paligid. Rinig din niya ang paghampas ng alon sa dalampasigan.Nagtungo siya sa
"Blackmail? Libog? Bakit hindi mo pa sabihin? Natatakot ka bang aminin sa sarili mo na minahal mo ang kabit mo!""No, Megara! Ni minsan, hindi ko siya tiningnan nang ganoon! Wala akong naramdaman para sa kaniya!""Kaya ba gabi-gabi ka na lang umuuwi nang late? Gabi-gabi na lang, masama ang pakikitungo mo sa akin nang dahil sa kaniya! Lumalabas pa kayo para mag-mall!" Hindi na nito nagawang pigilan ang sarili at tuluyang lumuha.Matagal niya itong tinitigan sa mukha. Sa loob ng ilang segundo, ginusto niyang saktan ang sarili dahil sa sakit na nakikita sa mga mata ng asawa."Akala ko, may iba ka."Mabilis na natigilan si Megara. "Ano'ng sabi mo?""Nakita kita sa hotel kasama ang kaibigan mo. Akala ko, niloloko mo ako. Halos mabaliw ako sa kaiisip na may namamagitan sa inyo. Kaya lalo kong binuhos kay Narissa ang atensiyon ko."Napansin niyang biglang natigilan si Megara. Huminga siya nang malalim bago nagbaba ng tingin. Handa na siyang
NANATILI sa loob ng silid si Megara habang nakatanaw siya sa pader. Yakap niya ang unan sa dibdib. Puno ng pangamba ang dibdib niya.Buong akala niya ay tapos na siya sa problemang ito, pero ngayong dumating na ang pinakahihintay niya, hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Ang galit na mayroon siya sa kaniyang dibdib, sa isang iglap, mabilis na naglaho.Ngayon ay kinukuwestiyon na niya ang sarili. Pakiramdam niya, siya ang may kasalanan ng lahat. Para bang siya pa ang nagdala ng problema sa kanila ni Russel.Nang hindi siya mapakali sa kinauupuan. Tumayo siya at nagpalakad-lakad sa harap ng kama. Nasa labas si Russel at nakikipag-usap sa babae, habang siya ay piniling magkulong sa kuwarto.Ramdam niya ang panginginig ng mga kamay niya. Nangingilid ang luha sa magkabila niyang pisngi, hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa takot.Tumigil siya sa paglalakad at naupo sa dulo ng kama. "Diyos ko, ano'ng gagawin ko?"Tumingala siya at umusal nang
NAPAPIKIT siya ng mga mata nang marinig ang gustong mangyari ni Narissa. Inuutos nito na magsasama silang tatlo sa iisang bahay hangga't hindi pa nito naipapanganak ang bata.Mariin siyang tumutol sa gusto nitong mangyari. "Kung gusto mo ng makakasama, ikukuha kita ng katulong.""Ayoko nga!" mataray nitong tugon nang balingan siya. "Dalawa tayong gumawa nito, dapat dalawa tayo ang mag-asikaso.""Narissa!""Ano ka, sinusuwerte? Matapos mong gumawa ng bata, ibibigay mo sa iba ang responsibilidad?" Inirapan siya nito bago pinagkrus ang dalawang braso sa tapat ng dibdib.Tapos na silang mag-agahan at kasalukuyang pinag-uusapan ang dapat gawin dahil sa sitwasiyon ni Narissa. Nang balingan naman niya ng tingin si Megara, mahinahon itong nakaupo sa silya. Nakatutok ang mga mata nito sa mesa, minsan naman ay mag-aangat ng mukha sa babae."Hindi ako papayag sa gusto mo. Mas nanaisin ko pang sirain mo na lang ako sa mga tao, kaysa hayaan kang tumira k
PAGSAPIT ng alas-siete ng gabi, nasa ibaba na si Russel at nagluluto ng pagkain, habang siya, nasa loob pa rin ng silid at iniisip ang mga dapat gawin. Nang lumipas ang mahigit limang minuto mula nang bumaba ang lalaki, mabilis siyang lumapit sa kulay mahogany na cabinet, saka kinuha ang ilang underwear niya sa loob.Mula sa suot niyang damit, mabilis siyang nagpalit sa isang kulay pulang bikini na bumagay sa kulay at hubog ng katawan niya. Nagsuot pa siya ng see-through white kimono bago tuluyang lumabas ng silid."Russel, makinig ka sa akin!"Naabutan naman niyang nagtatalo sina Russel at Narissa. Ayon sa narinig niya, pinagpipilitan ng babae na iwan na siya ni Russel at piliin ito at ang bata ng asawa niya.Tumalim ang mga mata niya. Hindi nga siya nagkamali sa hinala. Mabilis siyang lumabas mula sa pinagkukublihan. Nakatalikod mula sa kaniya si Russel at abala sa paghuhugas ng mga gulay kaya hindi siya agad napansin nito.Nakuha niya ang atensi
HALOS manlisik ang mga mata ni Narissa habang nakatitig sa pader na nagsisilbing tanging harang sa silid na tinutuluyan niya at sa kuwarto nina Megara at Russel.Nanginginig ang mga kamao niya sa bawat ungol at halinghing na ginagawa ng dalawa. Nasisiguro niya na sinasadya ng mga ito ang ginagawa para marinig niya."Magbabayad ka sa ginawa mo. Sisiguraduhin ko na mababawi ko siya mula sa iyo!"Nangilid ang luha sa magkabila niyang pisngi, subalit marahas niya itong pinalis. Malayo na ang narating niya. Hindi siya papayag na mauwi lang sa wala ang pagtitiis niya.Noong gabing iyon, matagal siyang nanatiling gising habang nakatitig sa kawalan. Nang umabot ang alas-tres ng madaling araw, walang ingay siyang lumabas ng silid at bumaba sa kusina.Mabilis niyang tiningnan ang sariling cell phone para i-check kung may natanggap ba siyang mensahe. Mahina siyang nagmura nang makitang walang ni isang text doon.Kinuha niya ang baso ng tubig at mabilis
MATAGAL binalot ng katahimikan ang dalawang babae matapos silang maiwan ni Russel. Nakakrus ang dalawang braso ni Narissa sa tapat ng dibdib nito, siya naman ay mataman na nakatitig sa babae.Nag-umpisang mangilid ang luha sa magkabilang pisngi niya. Nang makita iyon ni Narissa ay napapalunok itong nag-iwas ng tingin.Huminga siya nang malalim bago lumapit sa harap nito. Ilang ulit pa siyang huminga bago tuluyang lumuhod sa paanan ng babae. Patuloy sa pag-agos ang mga luha sa magkabilang pisngi niya.Tumalim naman ang mga mata ni Narissa. Pilit nitong iniiwas ang mukha sa kaniya ngunit hindi nito naitago ang pamumula ng mga mata."Please, please, nagmamakaawa ako. Riss, pabayaan mo na kami!"Kumuyom ang mga kamao ng babae, pero hindi ito natinag sa kinatatatuan"Please, huwag mong sirain ang pamilya na gusto kong buuin!" Ilang ulit siyang umiling pero tila walang pakialam si Narissa sa pag-iyak at pagluhod niya.Huminga ito nang malal
MALAKAS siyang humiyaw nang makita ang nakabulagta na katawan ng lalaki sa sahig. Ilang ulit siyang umiling habang nangingilid ang mga luha sa magkabila niyang pisngi.Ilang segundong walang lumabas na boses mula sa bibig niya. Nakaawang lamang ang mga labi niya at sunod-sunod sa pag-agos ang luha sa magkabilang pisngi."R-Russel!" Sa wakas ay nagawa niyang isatinig habang nanginginig ang katawan niya sa labis na kilabot na nararamdaman. "Russel!"Muling tumawa si Narissa. Nangingilid ang luha sa magkabila nitong pisngi. Marahas siya nitong hinawakan sa braso at buong puwersang hinatak palayo roon."Bitiwan mo ako! Russel! Huwag!" Pilit inaabot ng kamay niya ang katawan ng lalaki, subalit marahas siyang hinatak ni Narissa.Kahit pa nang bumagsak siya sa sahig dahil sa pagpipilit na makawala rito, kinaladkad pa rin siya nito patungo sa pintuan.Pilit siyang pinatayo ng babae hanggang sa makalabas sila ng beach house."Ano'ng tinitingin
NGUMISI ang babaeng si Narissa matapos niyang mahablot sa buhok si Megara. Hinigpitan niya ang pagkakakapit sa buhok nito bago nito bago kinuha ang baril na itinatago niya sa kaniyang likod."Ilang taon man ang lumipas, kahit kailan, hindi kita magagawang kalimutan, Meg! Kung hindi ka na rin lang magiging akin, hindi ka rin mapupunta sa kaniya!"Sa sinabi niyang iyon, malakas na humiyaw si Megara bago tinabig ang baril na hawak niya. Hindi sinasadyang mapaputok niya iyob kaya mabilis na nagtakip ng magkabilang tainga nito si Megara nang makawala sa kaniya.Napalingon naman siya sa pinto nang marinig ang paghinto ng isang kotse sa labas ng bahay. Mabilis niyang pinulupot ang mga braso sa leeg ng babae at tinutukan ito ng baril.Sumunod ay bigla na lamang bumukas ang pintuan ng bahay at bumungad sa kanila ang gulat na mukha ni Russel."Megara!"Ngumisi siya nang marinig ang nag-aalalang boses ng lalaki. Akmang lalapitan sila nito pero agad niy
MALAPAD na ngumiti si Narissa bago nginuso ang silyang katapang nito. Tila inuutusan siyang maupo roon."Mag-uusap tayo."Binawi niya ang paningin at binitiwan ang hawak na siradura. Huminga siya nang malalim bago tuluyang lumapit dito, subalit hindi na siya naupo at nanatili na lang na nakatayo."Hindi ko naisip na aabot ka sa ganito.""Ako rin," mabilis nitong tugon. "Ni minsan ay hindi ko inakalang magkakaganito ako. Ang dami kong tao na nagamit, para lang makaabot sa kung nasaan ako ngayon. Nagpanggap pa akong buntis ako, sinulsulan ang mga doctor, maipalabas lang na totoo ang kasinungalingan ko."Umiling siya sa babae. "Itigil mo na ito, Narissa. Tama na. Magbagong-buhay na tayo.""Nasasabi mo iyan kasi masaya ka. Paano naman ako?" Lumamlam ang mga mata ng babae.Mariin siyang lumunok. Hindi na niya alam kung ano ang sasabihin, para lang makumbinsi ang babae na tumigil na."Hindi puwede, Meg. Hangga't hindi ka bumabalik sa
MATAPOS maligo ni Russel ay naabutan nito ang asawa sa dulo ng kama. Nakaupo habang nakatulala sa kawalan. Agad siyang nakaramdam ng kaba nang maisip na baka may nangyari dito nang iwan niya.Mabilis niyang nilapitan ang asawa at lumuhod sa paanan nito. "Baby, what's the matter? I-inaway ka ba ni Narissa? May ginawa ba siya sa iyo?"Mabilis itong umiling nang mapansin ang galit at pag-aalala sa tono niya. Mariin itong lumunok bago yumakap sa kaniya nang mariin."Russel." Nagsimula itong umiyak habang yumuyugyog ang balikat.Nang dahil dito ay mas lalo siyang kinabahan. Mula sa pagkakaluhod, tumayo siya at naupo sa tabi nito."Ano ba'ng nangyari? Sabihin mo sa akin." Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi at nag-aalalang tinitigan.Humihikbi itong lumuluha. Hindi ito nagsalita pero nagpatuloy lang sa pag-iyak. Lalo siyang nakaramdam ng takot nang dahil doon."Meg, tinatakot mo ako. Sabihin mo na sa akin, ano ba'ng problema?"P