Share

Chapter Eighty-six |2|

MABIBILIS ang mga hakbang habang sinusubukang lumayo ni Megara mula sa lalaking pilit na humahabol sa kaniya. Naramdaman niya ang malakas na atmospera ng paligid noong nasa labas na siya ng club.

Gumala ang mga mata niya sa paligid at sinubukang maghanap ng taxing masasakyan. Subalit bago pa man siya makahanap ng isa, mabilis siyang napigilan ng kamay ng lalaki.

"Ano ba!" bulyaw niya rito nang bigla niya itong lingunin. Makikita ang pinaghalong galit at takot sa pagmumukha niya. "Bakit mo ba ako sinusundan! Ano pa bang kailangan n'yo!"

Hindi sumagot ang lalaki. Sa halip, nginitian siya nito na para bang natutuwa pa itong makita ang takot sa mukha niya.

"Gago ka! Tigilan n'yo na ako!" hindi niya napigilang isigaw ang mga bagay na iyon.

"Relax ka lang. Kung hindi dahil sa akin, baka napagtulungan ka na kanina."

Halos masuka siya sa mga narinig mula rito. Sinubukan niyang luminga sa paligid. Naghahanap siya ng mga taong puwedeng mahingian ng tu

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status