Share

Chapter Eighty-five |2|

TININGNAN niya ang camera sa kanilang silid, lalo siyang napuno ng pag-aalala nang hindi makita si Megara sa kama nila. Tiningnan na niya ang lahat ng camera sa buong mansiyon, subalit wala ito.

Naghintay siya ng ilang sandali dahil marahil ay nasa loob lamang ng banyo ang asawa, ngunit lumipas na ang mahabang oras, walang Megara na lumabas ng banyo. Doon na siya mas kinabahan.

Hinanap ng mga mata niya si Narissa. Kailangan na niyang umuwi para puntahan si Megara. Humakbang siya nang ilang ulit para mahanap ang dalaga, sa ilang hakbang niya, natanaw niya ang isang babaeng nakasuot ng kaparehong damit ng kay Narissa.

Nakatalikod ang babae ngunit inakala na niyang si Narissa ito dahil sa damit at style ng buhok. Mabilis siyang lumapit dito at agad na pinulupot ang braso sa baywang ng babae para sana ay hilahin ito.

"Kanina pa kita hinahanap," bulong niya sa tainga ng babae. "Let's go. Umuwi na tayo."

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya nang hind

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status