ILANG ulit siyang napalunok matapos mapagtanto ang nangyayari. Kung ganoon, nagsinungaling sa kaniya si Russel. Hindi totoo ang sinabi nitong papasok ito sa opisina nang maaga, dahil hindi pa rin pumapasok ang lalaki.
"You know what, Meg, I don't want to be paranoid, kaso may history na kasi iyong pinsan ko sa... well, cheating."
Umupo siya sa isang silya sa harap ng mesa ni Russel. Binigyan naman siya ng isang baso ng juice ni Aliyah, bago ito umupo sa silyang katapat niya.
"Bago pa kayo nagpunta sa New Zealand, few days before that, napapansin ko na laging late pumasok si Russel."
Napalunok siya nang maalala ang mga araw na tinutukoy ng babae. Iyon ang mga umagang maaga pa, nagpapaalam na sa kaniya ang lalaki para pumasok.
Mapait siyang ngumiti. Kung ganoon, nagsisinungaling pa rin pala sa kaniya ang asawa.
"Palagi siyang wala sa opisina." Kunot ang noong bumaling si Aliyah sa malayo.
Nagbuga siya ng hangin bago isinandal ang likod
ILANG oras na rin siyang naghihintay sa kabilang kalye habang nakatitig sa patahian. Pinipilit niyang magpahalata dahil natatakot siya na makita ni Russel mula sa loob.Kapag nalaman nitong nagdududa na naman siya, paniguradong magsisinungaling lang ito. Nagpakawala siya ng hangin habang yakap ang sarili. Maalinsangan ang paligid at masakit sa balat ang sinag ng araw.Luminga siya sa paligid. Nakailang ulit na siyang hinintuan ng mga taxi ngunit umiiling siya sa mga ito. Bahagya pa siyang napasinghap nang bumusina ang malaking truck na paparating.Sa puntong iyon naman, bigla siyang natigilan at mabilis na namilog ang mga mata nang makita ang pagbukas ng pintuan ng tailoring shop, at ang paglabas ng lalaking si Russel.Hinanda na niya ang sarili para makita ang babae nito, ngunit bahagya siyang napamura nang dumaan ang malaking truck at natakpan siya."Ano ba iyan!" Sinubukan niyang humakbang patungo sa kaniyang kaliwa upang mahabol ito ng tingin.
MULA sa tailoring shop, sumakay siya ng kotse at mabilis na nagpahatid sa harap ng gusali kung saan niya nakitang nagpunta noon si Russel.Mariin siyang lumunok. May isang parte ng puso niya ang humihiling na sana hindi, hindi niya makikita roon ang kotse nito. Ngunit tuluyang nadurog ang natitirang tiwala na mayroon siya nang makita ang kotse ng lalaki sa labas ng condominium building."Manong, umalis na po tayo," naluluha niyang wika bago pilit na pinalis ang mga luha sa pisngi niya.Nang makarating sa bahay ay diretso siyang nagtungo sa banyo kung saan walang camera na nakakabit. Doon ay nagpatuloy siya sa pag-iyak habang nakatitig sa dalawang singsing na nakasuot sa daliri niya.Ang isa ay singsing niya noong unang kasal nila ni Russel, at ang pangalawa ay singsing niya mula sa pangalawang kasal nila sa New Zealand."Napakatanga mo kasi, Megara!" Mariin niyang kinagat ang ibabang labi habang nakatitig nang matalim sa kawalan.Sa gabing i
ILANG ulit bumuntong-hininga si Russel habang hawak sa isang kamay ang glass ng white wine. Nakapulupot ang kamay ni Narissa sa isang braso niya habang nakikipag-usap sa ilang kababaihan na naroon din sa party.Pasimple niyang binawi ang braso kung saan ito nakakakapit, saka sinipat ang oras sa relong-pambisig. Alas-nuebe y medya na. Kanina ay nagsimula na ang party, pero buong oras ay wala siyang gana.Tinungga niya ang laman ng wine glass saka sinenyasan ang isang waiter na napatingin sa gawi nila. Paglapit nito ay inilagay niya ang empty wine glass sa dala nitong tray sabay kuha ng isa pa."Ano ba? Binabalak mo bang maglasing?" bulong ni Narissa at inilapit pa lalo ang mukha sa kaniya.Umiwas siya rito bago naghanap ng taong kilala at puwedeng lapitan sa party. Hindi niya kayang manatili sa tabi nito dahil hindi niya maiwasang mainis.Dapat nasa tabi siya ngayon ni Megara at inaalagaan ito, ngunit sa halip, nandito siya sa party kasama ang ibang
TININGNAN niya ang camera sa kanilang silid, lalo siyang napuno ng pag-aalala nang hindi makita si Megara sa kama nila. Tiningnan na niya ang lahat ng camera sa buong mansiyon, subalit wala ito.Naghintay siya ng ilang sandali dahil marahil ay nasa loob lamang ng banyo ang asawa, ngunit lumipas na ang mahabang oras, walang Megara na lumabas ng banyo. Doon na siya mas kinabahan.Hinanap ng mga mata niya si Narissa. Kailangan na niyang umuwi para puntahan si Megara. Humakbang siya nang ilang ulit para mahanap ang dalaga, sa ilang hakbang niya, natanaw niya ang isang babaeng nakasuot ng kaparehong damit ng kay Narissa.Nakatalikod ang babae ngunit inakala na niyang si Narissa ito dahil sa damit at style ng buhok. Mabilis siyang lumapit dito at agad na pinulupot ang braso sa baywang ng babae para sana ay hilahin ito."Kanina pa kita hinahanap," bulong niya sa tainga ng babae. "Let's go. Umuwi na tayo."Bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya nang hind
ABALA si Megara sa pagb-blower ng buhok sa harap ng vanity mirror habang walang emosiyon ang mukhang nakatitig sa sariling repleksiyon. Unti-unti namang bumukas ang pinto at saka pumasok ang lalaking si Russel.Hindi siya kumibo. Ni hindi niya ito tinapunan ng tingin kahit na sandali. Dahan-dahan naman siyang nilapitan ni Russel. Makikita sa repleksiyon ng mukha nito sa salamin ang pagsisisi at kalungkutan."Meg... "Nagbuga siya ng hangin nang marinig ang boses nito. Pinatay niya ang blower at tinitigan ito mula sa salamin. "Hangga't hindi mo sinasabi ang lahat, huwag mo muna akong kausapin.""Pero, Meg—""Please." Mariin niyang ipinikit ang mga mata. "Give me the space I deserve, Russel."Kahit mahirap para sa lalaki, wala itong nagawa kundi pagbigyan ang gusto niyang mangyari.Matapos naman mag-blower ay pumasok siya sa walk-in closet nila para magbihis. Nagsuot siya ng simpleng vintage lace bodycon dress at heels na kasingku
MABIBILIS ang mga hakbang habang sinusubukang lumayo ni Megara mula sa lalaking pilit na humahabol sa kaniya. Naramdaman niya ang malakas na atmospera ng paligid noong nasa labas na siya ng club.Gumala ang mga mata niya sa paligid at sinubukang maghanap ng taxing masasakyan. Subalit bago pa man siya makahanap ng isa, mabilis siyang napigilan ng kamay ng lalaki."Ano ba!" bulyaw niya rito nang bigla niya itong lingunin. Makikita ang pinaghalong galit at takot sa pagmumukha niya. "Bakit mo ba ako sinusundan! Ano pa bang kailangan n'yo!"Hindi sumagot ang lalaki. Sa halip, nginitian siya nito na para bang natutuwa pa itong makita ang takot sa mukha niya."Gago ka! Tigilan n'yo na ako!" hindi niya napigilang isigaw ang mga bagay na iyon."Relax ka lang. Kung hindi dahil sa akin, baka napagtulungan ka na kanina."Halos masuka siya sa mga narinig mula rito. Sinubukan niyang luminga sa paligid. Naghahanap siya ng mga taong puwedeng mahingian ng tu
ISANG malutong na sampal ang natanggap ni Russel mula sa dalagang si Narissa matapos niyang ihayag ang pinaplano rito.Puno naman ng galit ang dalawang pares ng mga mata ni Narissa. Halos umakyat ang dugo sa ulo nito nang marinig ang gustong mangyari ng lalaki."Ginagago mo ba ako! Hindi iyan ang gusto kong marinig mula sa iyo, Russel!"Hindi na nito napigilan pa ang magtaas ng boses. Ngayon ay nakatayo na ang dalaga at nakatingin sa kaniya nang may naglalagablab na mga mata, at para bang handa na itong manakit ano mang oras."Dapat sinasabi mong iiwan mo na ang asawa mo! At magsasama na tayo!"Tumalim ang mga mata niya. "Hinding-hindi ko gagawin iyan!"Bigla itong natigilan. Sa loob ng ilang segundo ay nahirapan itong nakaapuhap ng salitang sasabihin sa kaniya.Makaraan pa ang ilang sandali ay bigla itong umiling. "Hindi! Ayoko!" Bumaling ito sa kontratang hinanda niya at marahas itong pinagpupunit. "Ayoko nito! Ayaw ko! Hindi ako ma
HINDI nagawang kumilos ni Russel sa kinauupuan matapos makitang sumakay ng taxi ang asawan. Ilang ulit siyang lumunok habang tuloy-tuloy sa pag-agos ang luha sa magkabilang pisngi.Kasalanan niya ito. Kasalanan niya ang lahat. Ngayon, mawawala na sa kaniya ang asawa nang dahil sa kagaguhan niya.Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Masiyado siyang nilalamon ng emosiyon. Gusto niyang sundan si Megara, pero kung pagpipilitan lang niyang makipag-usap dito, mauuwi lang sa away ang lahat dahil pareho silang punong-puno ng emosiyon.Kahit masakit sa kaniya, pinigilan niya ang sarili na sumunod sa asawa. Mariin niyang ipinikit ang mga mata habang patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha niya.Samantala, marahas namang ibinato ni Megara ang cell phone niya matapos makapasok sa loob ng bar ng mansiyon nila. Umiiyak siyang lumapit sa mga bote ng alak at mabilis na nagsalin sa baso.Sinundan niya si Russel na buo na sa isip na huhulihin niya ito at ang kabit