ILANG oras na rin siyang naghihintay sa kabilang kalye habang nakatitig sa patahian. Pinipilit niyang magpahalata dahil natatakot siya na makita ni Russel mula sa loob.
Kapag nalaman nitong nagdududa na naman siya, paniguradong magsisinungaling lang ito. Nagpakawala siya ng hangin habang yakap ang sarili. Maalinsangan ang paligid at masakit sa balat ang sinag ng araw.
Luminga siya sa paligid. Nakailang ulit na siyang hinintuan ng mga taxi ngunit umiiling siya sa mga ito. Bahagya pa siyang napasinghap nang bumusina ang malaking truck na paparating.
Sa puntong iyon naman, bigla siyang natigilan at mabilis na namilog ang mga mata nang makita ang pagbukas ng pintuan ng tailoring shop, at ang paglabas ng lalaking si Russel.
Hinanda na niya ang sarili para makita ang babae nito, ngunit bahagya siyang napamura nang dumaan ang malaking truck at natakpan siya.
"Ano ba iyan!" Sinubukan niyang humakbang patungo sa kaniyang kaliwa upang mahabol ito ng tingin.<
MULA sa tailoring shop, sumakay siya ng kotse at mabilis na nagpahatid sa harap ng gusali kung saan niya nakitang nagpunta noon si Russel.Mariin siyang lumunok. May isang parte ng puso niya ang humihiling na sana hindi, hindi niya makikita roon ang kotse nito. Ngunit tuluyang nadurog ang natitirang tiwala na mayroon siya nang makita ang kotse ng lalaki sa labas ng condominium building."Manong, umalis na po tayo," naluluha niyang wika bago pilit na pinalis ang mga luha sa pisngi niya.Nang makarating sa bahay ay diretso siyang nagtungo sa banyo kung saan walang camera na nakakabit. Doon ay nagpatuloy siya sa pag-iyak habang nakatitig sa dalawang singsing na nakasuot sa daliri niya.Ang isa ay singsing niya noong unang kasal nila ni Russel, at ang pangalawa ay singsing niya mula sa pangalawang kasal nila sa New Zealand."Napakatanga mo kasi, Megara!" Mariin niyang kinagat ang ibabang labi habang nakatitig nang matalim sa kawalan.Sa gabing i
ILANG ulit bumuntong-hininga si Russel habang hawak sa isang kamay ang glass ng white wine. Nakapulupot ang kamay ni Narissa sa isang braso niya habang nakikipag-usap sa ilang kababaihan na naroon din sa party.Pasimple niyang binawi ang braso kung saan ito nakakakapit, saka sinipat ang oras sa relong-pambisig. Alas-nuebe y medya na. Kanina ay nagsimula na ang party, pero buong oras ay wala siyang gana.Tinungga niya ang laman ng wine glass saka sinenyasan ang isang waiter na napatingin sa gawi nila. Paglapit nito ay inilagay niya ang empty wine glass sa dala nitong tray sabay kuha ng isa pa."Ano ba? Binabalak mo bang maglasing?" bulong ni Narissa at inilapit pa lalo ang mukha sa kaniya.Umiwas siya rito bago naghanap ng taong kilala at puwedeng lapitan sa party. Hindi niya kayang manatili sa tabi nito dahil hindi niya maiwasang mainis.Dapat nasa tabi siya ngayon ni Megara at inaalagaan ito, ngunit sa halip, nandito siya sa party kasama ang ibang
TININGNAN niya ang camera sa kanilang silid, lalo siyang napuno ng pag-aalala nang hindi makita si Megara sa kama nila. Tiningnan na niya ang lahat ng camera sa buong mansiyon, subalit wala ito.Naghintay siya ng ilang sandali dahil marahil ay nasa loob lamang ng banyo ang asawa, ngunit lumipas na ang mahabang oras, walang Megara na lumabas ng banyo. Doon na siya mas kinabahan.Hinanap ng mga mata niya si Narissa. Kailangan na niyang umuwi para puntahan si Megara. Humakbang siya nang ilang ulit para mahanap ang dalaga, sa ilang hakbang niya, natanaw niya ang isang babaeng nakasuot ng kaparehong damit ng kay Narissa.Nakatalikod ang babae ngunit inakala na niyang si Narissa ito dahil sa damit at style ng buhok. Mabilis siyang lumapit dito at agad na pinulupot ang braso sa baywang ng babae para sana ay hilahin ito."Kanina pa kita hinahanap," bulong niya sa tainga ng babae. "Let's go. Umuwi na tayo."Bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya nang hind
ABALA si Megara sa pagb-blower ng buhok sa harap ng vanity mirror habang walang emosiyon ang mukhang nakatitig sa sariling repleksiyon. Unti-unti namang bumukas ang pinto at saka pumasok ang lalaking si Russel.Hindi siya kumibo. Ni hindi niya ito tinapunan ng tingin kahit na sandali. Dahan-dahan naman siyang nilapitan ni Russel. Makikita sa repleksiyon ng mukha nito sa salamin ang pagsisisi at kalungkutan."Meg... "Nagbuga siya ng hangin nang marinig ang boses nito. Pinatay niya ang blower at tinitigan ito mula sa salamin. "Hangga't hindi mo sinasabi ang lahat, huwag mo muna akong kausapin.""Pero, Meg—""Please." Mariin niyang ipinikit ang mga mata. "Give me the space I deserve, Russel."Kahit mahirap para sa lalaki, wala itong nagawa kundi pagbigyan ang gusto niyang mangyari.Matapos naman mag-blower ay pumasok siya sa walk-in closet nila para magbihis. Nagsuot siya ng simpleng vintage lace bodycon dress at heels na kasingku
MABIBILIS ang mga hakbang habang sinusubukang lumayo ni Megara mula sa lalaking pilit na humahabol sa kaniya. Naramdaman niya ang malakas na atmospera ng paligid noong nasa labas na siya ng club.Gumala ang mga mata niya sa paligid at sinubukang maghanap ng taxing masasakyan. Subalit bago pa man siya makahanap ng isa, mabilis siyang napigilan ng kamay ng lalaki."Ano ba!" bulyaw niya rito nang bigla niya itong lingunin. Makikita ang pinaghalong galit at takot sa pagmumukha niya. "Bakit mo ba ako sinusundan! Ano pa bang kailangan n'yo!"Hindi sumagot ang lalaki. Sa halip, nginitian siya nito na para bang natutuwa pa itong makita ang takot sa mukha niya."Gago ka! Tigilan n'yo na ako!" hindi niya napigilang isigaw ang mga bagay na iyon."Relax ka lang. Kung hindi dahil sa akin, baka napagtulungan ka na kanina."Halos masuka siya sa mga narinig mula rito. Sinubukan niyang luminga sa paligid. Naghahanap siya ng mga taong puwedeng mahingian ng tu
ISANG malutong na sampal ang natanggap ni Russel mula sa dalagang si Narissa matapos niyang ihayag ang pinaplano rito.Puno naman ng galit ang dalawang pares ng mga mata ni Narissa. Halos umakyat ang dugo sa ulo nito nang marinig ang gustong mangyari ng lalaki."Ginagago mo ba ako! Hindi iyan ang gusto kong marinig mula sa iyo, Russel!"Hindi na nito napigilan pa ang magtaas ng boses. Ngayon ay nakatayo na ang dalaga at nakatingin sa kaniya nang may naglalagablab na mga mata, at para bang handa na itong manakit ano mang oras."Dapat sinasabi mong iiwan mo na ang asawa mo! At magsasama na tayo!"Tumalim ang mga mata niya. "Hinding-hindi ko gagawin iyan!"Bigla itong natigilan. Sa loob ng ilang segundo ay nahirapan itong nakaapuhap ng salitang sasabihin sa kaniya.Makaraan pa ang ilang sandali ay bigla itong umiling. "Hindi! Ayoko!" Bumaling ito sa kontratang hinanda niya at marahas itong pinagpupunit. "Ayoko nito! Ayaw ko! Hindi ako ma
HINDI nagawang kumilos ni Russel sa kinauupuan matapos makitang sumakay ng taxi ang asawan. Ilang ulit siyang lumunok habang tuloy-tuloy sa pag-agos ang luha sa magkabilang pisngi.Kasalanan niya ito. Kasalanan niya ang lahat. Ngayon, mawawala na sa kaniya ang asawa nang dahil sa kagaguhan niya.Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Masiyado siyang nilalamon ng emosiyon. Gusto niyang sundan si Megara, pero kung pagpipilitan lang niyang makipag-usap dito, mauuwi lang sa away ang lahat dahil pareho silang punong-puno ng emosiyon.Kahit masakit sa kaniya, pinigilan niya ang sarili na sumunod sa asawa. Mariin niyang ipinikit ang mga mata habang patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha niya.Samantala, marahas namang ibinato ni Megara ang cell phone niya matapos makapasok sa loob ng bar ng mansiyon nila. Umiiyak siyang lumapit sa mga bote ng alak at mabilis na nagsalin sa baso.Sinundan niya si Russel na buo na sa isip na huhulihin niya ito at ang kabit
BUONG araw nakatulala si Russel sa loob ng opisina niya. Hindi niya magawang magtrabaho, ni hindi niya maituon sa iba ang atensiyon dahil laman pa rin ng isipan niya si Megara.Hindi niya lubos-maisip na darating sila sa ganoong punto. Buong akala niya, magagawa niyang ayusin ang lahat subalit nagkamali siya.Paano pa niya maaayos ang pagsasama nila ngayong gusto na siyang hiwalayan ni Megara? Ano pa'ng maaari niyang gawin para mabawi muli ang tiwala nito ngayong ayaw na ng babae?Kumatok sa pinto si Aliyah bago ito tuluyang pumasok sa loob ng opisina niya. Nagbuga ng hangin ang babae nang makita siya nitong nakatulala sa kawalan."Iniwan kita three hours ago nang ganiyan, hindi ko naisip na mababalikan kita nang ganiyan din. May problema ba kayo ni Meg?"Narinig niya ang tanong ng babae subalit wala na siyang lakas upang sagutin pa ito. Wala siyang gana sa lahat. Kung puwede nga lang tumigil na lang ang oras, mas nanaisin pa niya. Kaysa dumating s
MALAKAS siyang humiyaw nang makita ang nakabulagta na katawan ng lalaki sa sahig. Ilang ulit siyang umiling habang nangingilid ang mga luha sa magkabila niyang pisngi.Ilang segundong walang lumabas na boses mula sa bibig niya. Nakaawang lamang ang mga labi niya at sunod-sunod sa pag-agos ang luha sa magkabilang pisngi."R-Russel!" Sa wakas ay nagawa niyang isatinig habang nanginginig ang katawan niya sa labis na kilabot na nararamdaman. "Russel!"Muling tumawa si Narissa. Nangingilid ang luha sa magkabila nitong pisngi. Marahas siya nitong hinawakan sa braso at buong puwersang hinatak palayo roon."Bitiwan mo ako! Russel! Huwag!" Pilit inaabot ng kamay niya ang katawan ng lalaki, subalit marahas siyang hinatak ni Narissa.Kahit pa nang bumagsak siya sa sahig dahil sa pagpipilit na makawala rito, kinaladkad pa rin siya nito patungo sa pintuan.Pilit siyang pinatayo ng babae hanggang sa makalabas sila ng beach house."Ano'ng tinitingin
NGUMISI ang babaeng si Narissa matapos niyang mahablot sa buhok si Megara. Hinigpitan niya ang pagkakakapit sa buhok nito bago nito bago kinuha ang baril na itinatago niya sa kaniyang likod."Ilang taon man ang lumipas, kahit kailan, hindi kita magagawang kalimutan, Meg! Kung hindi ka na rin lang magiging akin, hindi ka rin mapupunta sa kaniya!"Sa sinabi niyang iyon, malakas na humiyaw si Megara bago tinabig ang baril na hawak niya. Hindi sinasadyang mapaputok niya iyob kaya mabilis na nagtakip ng magkabilang tainga nito si Megara nang makawala sa kaniya.Napalingon naman siya sa pinto nang marinig ang paghinto ng isang kotse sa labas ng bahay. Mabilis niyang pinulupot ang mga braso sa leeg ng babae at tinutukan ito ng baril.Sumunod ay bigla na lamang bumukas ang pintuan ng bahay at bumungad sa kanila ang gulat na mukha ni Russel."Megara!"Ngumisi siya nang marinig ang nag-aalalang boses ng lalaki. Akmang lalapitan sila nito pero agad niy
MALAPAD na ngumiti si Narissa bago nginuso ang silyang katapang nito. Tila inuutusan siyang maupo roon."Mag-uusap tayo."Binawi niya ang paningin at binitiwan ang hawak na siradura. Huminga siya nang malalim bago tuluyang lumapit dito, subalit hindi na siya naupo at nanatili na lang na nakatayo."Hindi ko naisip na aabot ka sa ganito.""Ako rin," mabilis nitong tugon. "Ni minsan ay hindi ko inakalang magkakaganito ako. Ang dami kong tao na nagamit, para lang makaabot sa kung nasaan ako ngayon. Nagpanggap pa akong buntis ako, sinulsulan ang mga doctor, maipalabas lang na totoo ang kasinungalingan ko."Umiling siya sa babae. "Itigil mo na ito, Narissa. Tama na. Magbagong-buhay na tayo.""Nasasabi mo iyan kasi masaya ka. Paano naman ako?" Lumamlam ang mga mata ng babae.Mariin siyang lumunok. Hindi na niya alam kung ano ang sasabihin, para lang makumbinsi ang babae na tumigil na."Hindi puwede, Meg. Hangga't hindi ka bumabalik sa
MATAPOS maligo ni Russel ay naabutan nito ang asawa sa dulo ng kama. Nakaupo habang nakatulala sa kawalan. Agad siyang nakaramdam ng kaba nang maisip na baka may nangyari dito nang iwan niya.Mabilis niyang nilapitan ang asawa at lumuhod sa paanan nito. "Baby, what's the matter? I-inaway ka ba ni Narissa? May ginawa ba siya sa iyo?"Mabilis itong umiling nang mapansin ang galit at pag-aalala sa tono niya. Mariin itong lumunok bago yumakap sa kaniya nang mariin."Russel." Nagsimula itong umiyak habang yumuyugyog ang balikat.Nang dahil dito ay mas lalo siyang kinabahan. Mula sa pagkakaluhod, tumayo siya at naupo sa tabi nito."Ano ba'ng nangyari? Sabihin mo sa akin." Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi at nag-aalalang tinitigan.Humihikbi itong lumuluha. Hindi ito nagsalita pero nagpatuloy lang sa pag-iyak. Lalo siyang nakaramdam ng takot nang dahil doon."Meg, tinatakot mo ako. Sabihin mo na sa akin, ano ba'ng problema?"P
MATAGAL binalot ng katahimikan ang dalawang babae matapos silang maiwan ni Russel. Nakakrus ang dalawang braso ni Narissa sa tapat ng dibdib nito, siya naman ay mataman na nakatitig sa babae.Nag-umpisang mangilid ang luha sa magkabilang pisngi niya. Nang makita iyon ni Narissa ay napapalunok itong nag-iwas ng tingin.Huminga siya nang malalim bago lumapit sa harap nito. Ilang ulit pa siyang huminga bago tuluyang lumuhod sa paanan ng babae. Patuloy sa pag-agos ang mga luha sa magkabilang pisngi niya.Tumalim naman ang mga mata ni Narissa. Pilit nitong iniiwas ang mukha sa kaniya ngunit hindi nito naitago ang pamumula ng mga mata."Please, please, nagmamakaawa ako. Riss, pabayaan mo na kami!"Kumuyom ang mga kamao ng babae, pero hindi ito natinag sa kinatatatuan"Please, huwag mong sirain ang pamilya na gusto kong buuin!" Ilang ulit siyang umiling pero tila walang pakialam si Narissa sa pag-iyak at pagluhod niya.Huminga ito nang malal
HALOS manlisik ang mga mata ni Narissa habang nakatitig sa pader na nagsisilbing tanging harang sa silid na tinutuluyan niya at sa kuwarto nina Megara at Russel.Nanginginig ang mga kamao niya sa bawat ungol at halinghing na ginagawa ng dalawa. Nasisiguro niya na sinasadya ng mga ito ang ginagawa para marinig niya."Magbabayad ka sa ginawa mo. Sisiguraduhin ko na mababawi ko siya mula sa iyo!"Nangilid ang luha sa magkabila niyang pisngi, subalit marahas niya itong pinalis. Malayo na ang narating niya. Hindi siya papayag na mauwi lang sa wala ang pagtitiis niya.Noong gabing iyon, matagal siyang nanatiling gising habang nakatitig sa kawalan. Nang umabot ang alas-tres ng madaling araw, walang ingay siyang lumabas ng silid at bumaba sa kusina.Mabilis niyang tiningnan ang sariling cell phone para i-check kung may natanggap ba siyang mensahe. Mahina siyang nagmura nang makitang walang ni isang text doon.Kinuha niya ang baso ng tubig at mabilis
PAGSAPIT ng alas-siete ng gabi, nasa ibaba na si Russel at nagluluto ng pagkain, habang siya, nasa loob pa rin ng silid at iniisip ang mga dapat gawin. Nang lumipas ang mahigit limang minuto mula nang bumaba ang lalaki, mabilis siyang lumapit sa kulay mahogany na cabinet, saka kinuha ang ilang underwear niya sa loob.Mula sa suot niyang damit, mabilis siyang nagpalit sa isang kulay pulang bikini na bumagay sa kulay at hubog ng katawan niya. Nagsuot pa siya ng see-through white kimono bago tuluyang lumabas ng silid."Russel, makinig ka sa akin!"Naabutan naman niyang nagtatalo sina Russel at Narissa. Ayon sa narinig niya, pinagpipilitan ng babae na iwan na siya ni Russel at piliin ito at ang bata ng asawa niya.Tumalim ang mga mata niya. Hindi nga siya nagkamali sa hinala. Mabilis siyang lumabas mula sa pinagkukublihan. Nakatalikod mula sa kaniya si Russel at abala sa paghuhugas ng mga gulay kaya hindi siya agad napansin nito.Nakuha niya ang atensi
NAPAPIKIT siya ng mga mata nang marinig ang gustong mangyari ni Narissa. Inuutos nito na magsasama silang tatlo sa iisang bahay hangga't hindi pa nito naipapanganak ang bata.Mariin siyang tumutol sa gusto nitong mangyari. "Kung gusto mo ng makakasama, ikukuha kita ng katulong.""Ayoko nga!" mataray nitong tugon nang balingan siya. "Dalawa tayong gumawa nito, dapat dalawa tayo ang mag-asikaso.""Narissa!""Ano ka, sinusuwerte? Matapos mong gumawa ng bata, ibibigay mo sa iba ang responsibilidad?" Inirapan siya nito bago pinagkrus ang dalawang braso sa tapat ng dibdib.Tapos na silang mag-agahan at kasalukuyang pinag-uusapan ang dapat gawin dahil sa sitwasiyon ni Narissa. Nang balingan naman niya ng tingin si Megara, mahinahon itong nakaupo sa silya. Nakatutok ang mga mata nito sa mesa, minsan naman ay mag-aangat ng mukha sa babae."Hindi ako papayag sa gusto mo. Mas nanaisin ko pang sirain mo na lang ako sa mga tao, kaysa hayaan kang tumira k
NANATILI sa loob ng silid si Megara habang nakatanaw siya sa pader. Yakap niya ang unan sa dibdib. Puno ng pangamba ang dibdib niya.Buong akala niya ay tapos na siya sa problemang ito, pero ngayong dumating na ang pinakahihintay niya, hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Ang galit na mayroon siya sa kaniyang dibdib, sa isang iglap, mabilis na naglaho.Ngayon ay kinukuwestiyon na niya ang sarili. Pakiramdam niya, siya ang may kasalanan ng lahat. Para bang siya pa ang nagdala ng problema sa kanila ni Russel.Nang hindi siya mapakali sa kinauupuan. Tumayo siya at nagpalakad-lakad sa harap ng kama. Nasa labas si Russel at nakikipag-usap sa babae, habang siya ay piniling magkulong sa kuwarto.Ramdam niya ang panginginig ng mga kamay niya. Nangingilid ang luha sa magkabila niyang pisngi, hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa takot.Tumigil siya sa paglalakad at naupo sa dulo ng kama. "Diyos ko, ano'ng gagawin ko?"Tumingala siya at umusal nang