Share

Chapter 38: Lust or Love

NANG MAGISING ANG diwa ni Cathy kinabukasan, marahan niyang iminulat ang mga mata niya. Binalingan niya ang tabihan niya at hindi na siya nagulat nang makita roon si Phoenix na mahimbing na natutulog.

Sunod-sunod na lumunok si Cathy kapagkuwan ay umupo sa kinahihigaan at hinila ang kumot upang ibalot sa kaniyang hubad na katawan. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa reyalidad ng sandaling iyon sapagkat ngayon lang niya napagtanto ang ginawa nilang dalawa ni Phoenix kagabi. Kahit hindi ito kasal, mali pa rin ang ginawa nilang dalawa.

“Did you enjoy what we did last night?” tanong ni Phoenix na hindi niya namalayan na gising na pala.

Bumangon si Phoenix at bumaba sa kama kaya bumalandra ang hubad nitong katawan sa kaniya. Tumalikod ito at naglakad palapit sa bintana saka iyon binuksan. Napalunok si Cathy nang mariin nang makita ang matambok, maputi, at makinis nitong pang-upo. Nang humarap naman si Phoenix sa kaniya, bumungad ang alaga nitong mahimbing pa rin ang tulog.

Mabilis na naglayo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status