Hahahaahaha kabado bente ka ngayon, Catalina. Pag talaga si Luther ang nanlamig ewan ko na lang. Thank yuo so much po for reading!
Nakauwi na ako sa bahay ko. I didn't wait for Luther to finish talking to whoever that someone on the phone, at nagpaalam na rin ako kay Rozzean. I lied, saying I had an emergency meeting to attend. Dahil tapos na rin naman ang usapan namin at sa isang araw na mangyayari ang plano niya, sinabi ko na mag-usap na lang kami sa tawag kung may mga nais pa siyang sabihin.Napahilot ako sa sintido ko.It's been almost three hours since I arrived here in my house, and I haven't checked my phone. Napadako ang tingin ko doon sa bag ko, kung nasaan ang cellphone ko. Nakasilent 'yon. I didn't check it because I knew Luther had probably sent messages asking why I left without telling him. Sa sobrang kabusyhan niya kasi sa kausap niya—na baka yung babae ay nakaramdam ako ng inis, kaya sinabi ko rin kay Rozzean na aalis na ako.That woman... Colene.Hanggang ngayon ay hindi ko maalis sa isipan ang tungkol sa babae na binanggit ni Rozzean, na akala nila ay girlfriend ni Luther. Sinearch ko nga agad at
I didn't stay long at Luther's company after what I heard. Mabigat ang dibdib na umalis na rin ako pagkatapos ng mga narinig ko. Hindi ko rin gusto na magpatuloy pa ako sa paghihintay para makausap siya lalo at naroon ang babaeng sinabi ni Rozzean na iniisip ng mga ito na kasintahan niya. I don't want Luther to see how bothered I am with the woman.Pero Oo, ako naman ang may kasalanan kung bakit nagkaganito kami. Confident ako na hindi siya gagawa ng kalokohan dahil ipinaparamdam naman niya iyon sa akin. Kaso, kung iisipin, ako ang nagbibigay ng bagyo sa relasyon namin. I am immature. I took advantage of his kindness, of his love for me.Naubos na talaga ang pasensya ni Luther sa akin."T-Tapos iiyak-iyak ka?"Ngayon, single ka na talaga, Thes. For real.Pagkarating at pagkapark ng sasakyan ay malalaki ang hakbang na tinungo ko ang loob ng bahay ko. I put my bag on the sofa and sighed deeply. I couldn't stop myself and I started to cry again. Iyong iyak na may tunog talaga. Lero hindi
Kahit na nalaman ko na umalis si Luther kasama ang ibang babae ay may parte pa rin sa akin na naniniwalang wala lang 'yon dahil mahal niya ako. But there's also a part of me that was hurt thinking he's with another woman while we're not okay.Kasi kahit na break kuno kami, maayos naman ang lahat sa amin, kagabi ay okay na okay naman kaming dalawa. At iyong nangyari kaninang umaga, it's just a misunderstanding."And that's not enough reason to find comfort from another woman."Kinabukasan ay maaga akong gumising. I checked my phone and felt hurt again early in the morning because there was no message or call from Luther. Naisip ko na, maybe, this is really getting serious. Hindi naman rin kasi aabot sa ganito kung hindi seryoso na may problema na ang relasyon namin.Talagang sumama ang loob niya."Pero hindi pa rin tama na lalabas siya agad kasama ang ibang babae."Ngayon, naghahalo ang inis at sakit sa dibdib ko. Pero hindi lang ako inis kay Luther, nagagalit din ako sa sarili ko."Ser
I bit my lower lip and nodded. We really need to talk. Gusto ko rin malaman kung sino ang babaeng 'yon na mukhang malapit sa kaniya. Sa mga sumunod na natanggap kong mensahe ay si Rozzean at Tangi na 'yon. Tinatanong nila pareho kung nasaan na ako. And Rozzean told me that Luther was with him already and they're at the place to make sure everything is fine bago kami makarating doon ni Tangi mamaya. At ito, kapapasok ko lang sa village nila. Hindi malayo sa mismong harap ang bahay nila kaya naman agad ko rin nakita. Pagka-park ko ng sasakyan ko sa gilid ay tipid naman akong napangiti. Maganda dito, mapuno, iba rin yung simoy ng hangin kaysa sa Manila. Bigla ko tuloy gustong tumira na lang rin dito. Naglakad na ako at binati pa ako ng guard na inaasahan rin ang pagdating ko. Sinabi niya sa akin na naghihintay na nga raw sa akin si Tangi. Nang makapasok ako ay napatingin ako sa luwang ng harapan na bahay ni Rozzean. May garden pa. Kaya rin siguro hindi nabored si Tangi dito nung puma
When Rozzean and Tangi left, I gulped because I could feel Luther's intense gaze on me. Mas kinabahan ako dahil naglakad na rin siya palapit pero ilang hakbang na lang rin nang huminto siya. "Come here, Catalina." At sa narinig ko ay napasinghap ako lalo na sa lalim ng tono ng boses ni Luther. "Therese Catalina," ulit niya pero hindi ako natinag. "Kapag ako ang lumapit sa 'yo, hahalikan kita rito at hindi ako titigil kahit pa makita tayo ni Cyron at ni Thaliana." W-What?! No! I turned to face him after what he said. Namimilog ang mga mata ko at wala akong nagawa kundi lumapit sa kaniya. I told him already! Na ako ang magsasabi kay Tangi tungkol sa relasyon namin! Kapag ginawa niyang halikan ako ay mapipilitan ako agad na masabi ang lahat! Tiyak magtatampo si Tangi! "Mamaya t-tayo mag-usap, Luther Rico," matigas kong sabi sa kaniya pagkalapit. Pero ang seryosong tingin niya ay sinasabing hindi na siya makakapaghintay pa. "You went to my company yesterday and you didn't t
Luther Rico"How are you, brother? Parang ang layo na ng narating ng tingin mo, ah?"When I turned around and saw Cyron offering me a wine, I glared at him. Iniisip ko pa lang siya ngayon ay narito na siya. The proposal is done already and now everyone is celebrating. Catalina was with Thaliana and mom, they're having a good time inside while we men were outside drinking. Nasa dulo si Tito George at si Dad at nag-uusap habang kami ni Cyron ay hindi rin malayo ang pwesto sa mga ito."Fck you," mura ko naman sa kaniya ikinatawa niya sa akin.Honestly, the tables have turned. Dati ay ako ang madalas na mang-asar sa kaniya tungkol kay Thaliana nang maging fiancé ako nito, pero ngayon ay siya na ang nang-aasar sa akin.Pakiramdam ko sa mga pagbibiro rin niya sa akin ay gumaganti siya sa mga ginawa ko noon."Your advice didn't help me," sagot ko at nilagok ang laman ng kopita pagkakuha ko non sa kaniya. Nang ibalik ko sa kaniya ng wala nang laman ay matalim ko rin siyang tiningnan. Tumawa na
"We can talk tomorrow. You looked really tired."Nang marinig ko ang boses ni Luther pagkapasok namin sa bahay nila Tangi ay nilingon ko siya. Pero tama ang sinabi niya, bukod sa antok ako ay nakakaramdam talaga ako ng matinding pagod. Masyado ko ata nagamit ang energy ko today. Kanina rin kasi ay pinasayaw ako ng pinasayaw ng mommy niya. Gusto pa makipag dance battle sa akin at nakakatuwa kasi todo bigay rin talaga ang Tita Cynthia. "May pag-uusapan pa ba tayo?" tanong ko sa kaniya. Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa kamay ko habang sinasabayan ako na maglakad. Hindi ko naman pinalis ang kamay niya, mag-iinarte pa ba ako? Miss ko na nga rin siya. Saka kanina, naniniwala naman ako sa mga sinabi niya na tiniis niya lang rin ako at tiningnan kung ano ang gagawin ko. Kahit na nauwi na sa halikan ang pag-uusap namin, iyon lang rin naman ay sapat na dahil nagkaunawaan na rin kami. Pero mukhang sa sisnabi niya na 'to, ipapaliwanag niya pa ata ng detalyado ang mga nangyari."It's abou
7:45 am. I was waiting for Luther's reply. Gising naman na siya, actually kagigising lang daw niya nang magmessage ako ng 'good morning'. Medyo late na nga eh, alam ko kasi na 8:30 ang alis niya sa bahay niya para pumasok sa opisina. Maybe he's preparing for work.Mukhang napuyat ata siya? Usually 5:00 am gising na siya, eh. O pagod siguro kaya tinanghali ng gising?Ginabi na nga pala kami nang ihatid niya ako dito sa bahay ko pagkatapos ng mga kaganapan sa buhay ni Tangi at Rozzean. Hindi rin kasi ako agad hinayaan ni Tangi talaga na makaalis at naglibot pa kaming dalawa. While Luther had to go back to his company, sinabi ko nga kahapon na huwag na niya akong balikan pa sa Tagaytay pero makulit. Sinundo niya pa rin ako kahit dala ko ang kotse ko. At ngayon ay may usapan naman kami na magkikita at sabay na magla-lunch."Ah, so lawyer lang naman pala ni Sir Pogi, Miss Thes. Grabe. Natakot ka kaagad na ipinagpalit ka na?"Masama kong binalingan naman si Beauty pagkarinig ko ng sinasabi n