Thank you so much po for reading!
"We can talk tomorrow. You looked really tired."Nang marinig ko ang boses ni Luther pagkapasok namin sa bahay nila Tangi ay nilingon ko siya. Pero tama ang sinabi niya, bukod sa antok ako ay nakakaramdam talaga ako ng matinding pagod. Masyado ko ata nagamit ang energy ko today. Kanina rin kasi ay pinasayaw ako ng pinasayaw ng mommy niya. Gusto pa makipag dance battle sa akin at nakakatuwa kasi todo bigay rin talaga ang Tita Cynthia. "May pag-uusapan pa ba tayo?" tanong ko sa kaniya. Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa kamay ko habang sinasabayan ako na maglakad. Hindi ko naman pinalis ang kamay niya, mag-iinarte pa ba ako? Miss ko na nga rin siya. Saka kanina, naniniwala naman ako sa mga sinabi niya na tiniis niya lang rin ako at tiningnan kung ano ang gagawin ko. Kahit na nauwi na sa halikan ang pag-uusap namin, iyon lang rin naman ay sapat na dahil nagkaunawaan na rin kami. Pero mukhang sa sisnabi niya na 'to, ipapaliwanag niya pa ata ng detalyado ang mga nangyari."It's abou
7:45 am. I was waiting for Luther's reply. Gising naman na siya, actually kagigising lang daw niya nang magmessage ako ng 'good morning'. Medyo late na nga eh, alam ko kasi na 8:30 ang alis niya sa bahay niya para pumasok sa opisina. Maybe he's preparing for work.Mukhang napuyat ata siya? Usually 5:00 am gising na siya, eh. O pagod siguro kaya tinanghali ng gising?Ginabi na nga pala kami nang ihatid niya ako dito sa bahay ko pagkatapos ng mga kaganapan sa buhay ni Tangi at Rozzean. Hindi rin kasi ako agad hinayaan ni Tangi talaga na makaalis at naglibot pa kaming dalawa. While Luther had to go back to his company, sinabi ko nga kahapon na huwag na niya akong balikan pa sa Tagaytay pero makulit. Sinundo niya pa rin ako kahit dala ko ang kotse ko. At ngayon ay may usapan naman kami na magkikita at sabay na magla-lunch."Ah, so lawyer lang naman pala ni Sir Pogi, Miss Thes. Grabe. Natakot ka kaagad na ipinagpalit ka na?"Masama kong binalingan naman si Beauty pagkarinig ko ng sinasabi n
Luther Rico "I went there three times, Luther. I've already provided proof of ownership, but each head of the family has refused to vacate. Matigas talaga ang desisyon nila na hindi umalis."I closed my eyes tightly after hearing what Colene said. Siya ang lawyer na kinuha ko para sa lupa na nais ni dad na pagtayuan ng subdivision. Ito rin ang dahilan kung bakit kami nagkikita madalas ng mga nakaraang araw. She’s working with Attorney Farran at kagagaling lang dito ng huli at ganito rin ang sinabi sa akin. Nasa halos dalwampu na kabahayan ang nakatayo doon. Actually we’ve been sending notice about the land to the people there pero walang pumupunta para makipag-usap sa akin. It’s been two years, at naubos na rin ang pasensya ni dad kaya sinabihan niya ako na kung hindi aalis ay pwersahan nang paalisin. But of course, I don’t want to do that. As much as possible, if I can find a better way to make the people there leave in peace, I would. “Tinakot pa nila ang assistant ko last time.
"Ikaw na ang bahala dito sa bahay, Beauty. Siguruhin mo na nakasarado na ang lahat ng pinto bago ka umalis, ha?" kabababa ko lang ng hagdan. Isinuot ko na rin ang shades ko. Nariyan na daw sa labas ang sundo ko. Talagang hindi pumayag si Luther Rico na magpunta ako sa kumpanya niya na dala ang sasakyan ko. Nakaka-princess treatment naman talaga itong ginagawa niya. At syempre bilang ako, kilig chipipay naman. Hindi na ako nakipag-argue, isa pa, alam ko naman kung bakit niya ayaw na may dala akong sasakyan.Gusto niya na lagi akong hinahatid. Pero mukhang today, hindi niya ako iuuwi sa bahay ko--ay. Ano ba 'tong naiisip ko! Hindi na talaga matino takbo ng utak ko myghad!"Oh, sige, Miss Thes," Nilingon naman ako ni Beauty habang nagpupunas siya ng bintana. Kahit kalilinis ko lang ay hinayaan ko na siya na maglinis ulit. Mukhang wala rin siyang magawa, eh, o baka kailangan na naman niya ng pera? Kawawa rin itong si Beauty, sa susunod nga ay sabihin ko sa kaniya na mag-regular na lang sa
Malakas talaga ang kutob ko, eh. Lalo na nang makita ko siya na nagpunta na may dala pa na regalo. And how she speak about my Luther Rico? And my... her face after I kissed my man in front of her. Kitang-kita sa mga mata niya na hindi lang siya nagulat, nahuli ko rin ang pagtalim ng mga 'yon bago bumalik sa dati."Oh, sorry, attorney. Nabigla ka ata. Ganito talaga kami magbatian ni Luther," sabi ko at lumapit dito, hindi ko pa rin binibitawan ang kamay ni Luther na alam kong natutuwa sa nangyayari. Eh, sa kaniya ko ba naman mismo narinig na gusto niyang nagseselos ako, iyong natataranta at napapaisipi ako. Ramdam ko 'yon sa kaniya don sa bahay ni Rozzean kahit na alam niyang kinabahan na ako ng sobra dahil sa babaeng 'to sa harapan namin."I-I think that's just normal for couple. Hindi ko lang rin inaasahan na may girlfriend na pala itong si Luther kaya medyo nabigla ako," sagot niya at tumingin sa katabi ko na kumapit pa ang isang kamay sa baywang ko.I noticed Colene's eyes went to m
I leaned back in my swivel chair in my shop's office at La Bliz Mall, pressing my pen against my cheek. Habang nagtatrabaho ay naalala ko kasi ang nangyari noong nakaraang dalawang araw ang nakalipas nang pumunta ako sa kumpanya ni Luther—not that scene where I confirmed that Colene likes him, but the moment when I told him that it was Rozzean who mentioned the lawyer to me that they thought was his girlfriend.Nagbago kasi ang ekspresyon noon sa mukha ni Luther Rico—he was kinda pissed? Kahit noong makarating kami sa Caralla's Restaurant para maglunch nga, wala naman akong narinig na komento mula sa kaniya pagkatapos kong sabihin na sa kapatid niya galing ang tungkol kay Colene.“Nagbago lang ang mood niya, pero hindi naman siya sa akin inis. Mukhang… kay Rozzean.”And it's weird, ayoko naman mag-isip naman ng mag-isip kasi iba rin tumakbo ang utak ko kung minsan. For me, Rozzean just answered my question kung may girlfriend si Luther. Nabanggit ko rin 'yon pero talagang inis pa rin
Ang last card ko talaga para mapapayag si Luther ay iyong pakikipagbalikan ko kaso para naman rin kaming hindi naghiwalay nito. Hindi ko na rin pinush ang pagpupumilit sa kaniya kagabi dahil naisip ko nga na pag malapit na lang ang kasal kasi, talagang wala rin siya sa mood. Mas lalo ko pa nga 'yon na-confirm nang hindi na siya nag-aya na matulog. Wala talagang nangyari, as in, parang malapit nang pumuti ang uwak. Usually, kapag nasa bahay niya ako, nagpaparamdam na siya agad, pero kagabi, talagang wala. Saka, para siyang pagod. Ramdam ko rin ang inis na alam kong dahil kay Rozzean, pero bukod doon, may iba pa, feel ko rin 'yon bigat at sakit sa kaniya. Tapos kagabi, nahuli ko siya na nakatingin lang sa ceiling ng kwarto niya. Akala niya ata tulog na ako non habang nakaunan sa bisig niya. Hindi naman siya madalas ganon, na parang malalim ang iniisip. Pero sa hula ko nga, baka dahil sa naging lakad niya kahapon. He didn’t talk about what happened, kaya naisip ko na baka may kinalaman
Pagkalapit ko ay napatingin na sa akin si Chitita, ang mga mata niya ay parang nanghihingi ng tulong sa 'kin pero muling binalikan ang babae."Ma'am, hindi po talaga pwede, eh. Saka nasa meeting po si sir. Kung magpupumilit po kayong pumasok ay tatawag na po talaga ako ng guard."Nakita ko naman ang gulat sa mukha ng babae. But what she did next stunned me and break my heart."P-Pakiusap... sige na... nakikiusap ako... may tatlo akong anak at wala kaming malilipatan..." She kneeled. She was crying."K-Kilala rin ako ni Rico, pag nakita niya ako, kakausapin niya ako sigurado. Hindi ko lang siya naabutan kahapon nang magpunta siya sa lugar namin dahil nasa trabaho ako hanggang gabi. Nagmamakaawa ako, miss."Did I hear it right? This woman called Luther... Rico? Is she someone he knows? "Ma'am--" and because I couldn't take it, nagsalita na rin ako."It's okay, Chitita. Ako na ang bahala, isasabay ko siya paakyat. Kung may gawin na hindi maganda ay ako na ang mananagot," sabi ko dito."
Ano ang ibig sabihin non? Suddenly, I felt a pang of pain for my sister. Naisip ko agad si Caitlin. Hindi naman s-siguro ginagamit ni Zack ang kapatid ko, 'di ba? Hindi ko 'yon matatanggap at ikagagalit ko 'yon ng sobra kahit pa malaman ko na ginawa niya 'yon para sa akin."That's what important to me, Thes. Na masaya ka..."Biglang pumasok sa isipan ko ang narinig ko kay Zack kanina lang rin, nang malaman niyang mabuti na ang relasyon namin ng kapatid ko.Damn it. Caitlin was so happy. At hindi lang 'yon, kung hindi totoo ang mga ipinapakita niya, then why the hell would he bed my sister? Napakagago niya kung ganoon!"He lied to you."Napapikit ako ng mariin. Pagkapasok namin sa suite ni Luther, 'yon agad ang narinig kong mga salita mula sa kaniya. Mas nadagdagan lang ang kaba ko dahil sa mga naiisip ko."Stop it," suway ko sa nais niyang simulan na usapan.Sa totoo lang, medyo nakakaramdam ako ng inis ngayon sa kaniya, eh. Hindi ba't mahaba naman ang pasensiya niya sa akin? Bakit h
Sa itsura pa lang ni Luther, alam kong hindi na ito agad magpapapigil sa kung ano ang nasa isip niyang gustong gawin. Kaya naman agad kong binawi ang kamay ko nang pwersahan kay Zack, na ikinapagtaka nito. Pero ganoon rin kabilis ang paglingon niya dahil naramdaman na rin naman niya ang presensiya ng 'galit kong boyfriend' sa likod niya.Ay, ex-boyfriend pala. Break nga pala muna kami.Pero sa totoo lang, 'yong titigan nila ay hindi ko ma-take. They're both glaring at each other, and I already felt like no one would back down. Napangiwi ako. Sinabi ko naman na kay Luther na nagde-date na si Zack at Cait, eh. Nagseselos pa rin ba siya dito? Until now?"Kuya Luther, ang aga mo naman po ngayon dito," rinig kong pagbati ni Zendaya dito.Pero si Luther ay nakatingin pa rin kay Zack at ganoon rin ang huli sa kaniya. Napalunok ako at kinabahan kaya naman gumitna na rin ako. Mukhang hindi ko talaga mapipilit na huwag siyang magselos kahit siguro isang libong beses ko pa 'yon sabihin at siguro
"Surprise!"Talagang 'surprise.' Hindi pa ako nakakabawi ng tulog dahil sa puyat lalo na at anong oras na umalis ng kwarto namin si Luther, ngayon naman ay maaga kaming nabulabog ni Zendaya sa ilang ulit na pag-ring ng doorbell namin. "Kuya? Ate Caitlin?" gulat pang tanong ni Zenny girl, at agad na niyakap nito ang kapatid.I can’t still open my eyes! Inaantok pa talaga ako habang nakahalukipkip at nakatingin sa dalawa. Gusto ko sanang magreklamo pero parang wala akong energy, lalo na’t ang aga-aga para sa ganitong eksena."Pwede naman sanang mamayang mga tanghali ninyo kami sinurprise," sagot ko at gumilid. They went inside our room. Nakangiti naman ang kapatid ko na umangkla pa sa braso ko. She's sweet since we talked deeply about what happened and how she and mom treated me badly. Pagkatapos non, wala nang masamang pakikitungo si Caitlin sa akin.Hindi ko naman inaasahanan na susunod itong si Zack at Cait dito sa Italy. The last time I asked my sister sinabi niya na busy siya at
When I came back to the hotel--with Luther Rico, dire-diretso akong naglakad papunta sa elevator pero hindi pa ako ganoon nakakalayo nang maramdaman ko ang hawak niya sa kamay ko. "Your room number..." he said. Ang baba ng boses. Ganito siya kapag alam niyang seryoso na talaga ako at hindi na ako basta lang madadaan ng mga pa-sweet niya. "Secret," walang emosyon ko na sabi. He sighed deeply and swallowed hard. Nakikita ko na sa kaniyang mukha ang matinding pagod at medyo nakaramdam naman ako ng awa kaya sinabi ko na rin sa kaniya. At aba, ngumiti ang loko. "Huwag kang ngumiti na akala mo okay na tayo. Sinabi ko lang sa 'yo para makapagpahinga ka na rin." Tumango naman siya. "Because you are worried about me." Malamang! Alam naman niya na kahit ganito ako ay love ko pa rin siya! Kaya nga minsan itong si Luther Rico ginagawa na talaga niya ang mga gusto niya, tulad nito na alam niyang nanghingi ako ng space pero sumunod pa rin. Eh, dati naman patiently waiting siya magkasundo ang
Hindi ako nakapagsalita kaagad dahil sa tanong na 'yon ni Luther. Lalo pa at nakita ko pa sa kaniyang mga mata ang tuwa kahit na hindi pa naman niya naririnig ang sagot ko. There's also hope the way his eyes were looking at me. Para kasing umaasa siya, eh. Ayoko na madisappoint siya kung sabihin ko na hindi. Dapat talaga sa Pilipinas pa lang nagpregnancy test na ako! Ano ba kasing kagagahan ang pumasok sa isip ko at nakarating pako dito sa Italy na hindi ko man lang pinush 'yon eh iihi lang naman ako! Minsan talaga hindi ko na rin ma-gets ang isip ko!"P-Paano naman akong mabubuntis kung safe sex tayo lagi?" pagkasabi ko non ay pwersahan ko naman na siyang itinulak kaya nakawala ako sa kaniya. Kinuha ko rin ng mabilisan ang tubig at ang pregnancy test kit sa kaniya.At mas lalo akong kinabahan nang manumbalik ang seryosong tingin kay Luther. Pakiramdam ko ay sa tingin pa lang niya, pinaparusahan na kaagad niya ako dahil may nalaman siyang maling ginagawa ko. Ganoon, eh."Make love, C
Nanatili pa kami ng ilang oras ni Zendaya sa pamamasyal at pagsashopping. Nang mag-alas syete ng gabi ay bumalik na rin kami sa hotel. We changed clothes at nag-dinner kami sa labas. She's all smiles, napangiti naman rin ako dahil kahit na medyo naabala kami kanina ay ito at masaya pa rin siya."Ate, thank you so much pala sa mga gifts mo, ha? Baka mapagalitan ako ni mommy at sabihin na nagpalibre ako sa 'yo!" she said."Oh, I'll talk to Tita Alice, then," sagot ko naman. She was hesitant to accept the gifts I have her. Pero minsan lang naman rin kasi kami magsama, at ito ang first out of town namin na dalawa."Sayang nga..." dagdag niya at nawala ang ngiti sa mga labi niya na ikinasalubong ng mga kilay ko."Why?""Ahh, sayang lang kasi ikaw ang gusto ko sanang makatuluyan ni Kuya Zack, ate. Pero may boyfriend ka na kasi, saka, feel ko na hindi mo talaga type si kuya."Sa narinig ko ay napagdikit ko naman ng mariin ang mga labi ko."Hindi ba kagusto-gusto si Kuya Zack, Ate Therese?"At
Catalina"Ate, okay ka lang? Parang hindi ka mapakali?"Ngumiti ako ng tipid kay Zendaya pagkalingon ko sa kaniya. "Y-Yes! I'm fine naman," sagot ko at sinundan ko pa ng pagtawa. Pero totoo 'yong napansin niya, hindi talaga ako mapakali! Paano ay nandito na kami sa Italy at kadarating lang namin tapos hindi ko pa rin nirereplyan si Luther. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya na milya-milya na ang layo namin na dalawa.The last message I've sent to him was thanking him about the food he sent. Halos lahat naman ng 'yon ay ipinauwi ko rin kay Beauty kasi hindi ko mauubos. Edi ang bruha, tuwang-tuwa. At ito pa, nabanggit na naman niya ang tungkol sa pagbubuntis ko kuno. Talaga daw atang may laman na ang tiyan ko dahil bakit ang daming ipinadalang pagkain ni Luther. Of course, I told her na dahil nga may atraso!Nakumbisin naman ang Beauty kasi nakita namn rin niya ang iyak ko at naikwento ko ang nangyari sa opisina. Pero ngayon medyo guilty ako kasi sabi ng matinong parte ng isipan ko na hin
That was the reason holding me back from telling my story to Catalina. I am scared. The fear I had that she might really let me go because of this only increased even more after my mother showed up and was with her. "R-Rico..." Even when my eyes close, I can still remember everything vividly. The child named Rico Deroma, that poor young man who was selling anything to earn money. Who was doing everything to be with his mother. "Nanay, nakabenta na ho ako pero--" "Bakit isang-daang piso lang? Tatamad-tamad ka na naman!" Hindi naging madali ang lahat sa akin noong bata ako sa poder ng nanay. It was hell, but I was too caught up in the thought and mindset that I would do anything just to be with her, dahil sobrang mahal na mahal ko siya noon at ayokong mawalay sa kaniya, kahit na nasasaktan na ako. Kahit na... hindi na tama. "Doon ka muna kila Aling Berta. Maglilinis ka ng kulungan nila ng baboy. Bayad na kaya bilisan mo diyan. May raket rin pala ako pagkatapos ko sa club."
"Luther."The trauma my real mother gave was too much but I forgot about it after receiving love from the family who accepted me. Pero ngayon, sa isang iglap lang, sa ilang segundo na pagkakita ko rito ay bumalik lahat ng masasakit na alaala na 'yon."Luther, brother. What's happening to you?"Napapitlag ako sa medyo may kalakasan nang boses na 'yon at napaangat ako ng ulo. Nasalubong ko ang tingin ni Cyron. I gulped and then put down my hands. Umayos rin ako ng upo at napatingin sa likod niya."Kanina ka pa?" I asked after I turned to look at him again. hindi ko narinig na bumukas ang pinto o kahit ang mga yabag niya papalapit sa lalim ng iniisip ko."Yeah," tumango naman siya pero nasa mukha pa rin ang pagtataka. Humalukipkip rin siya sa harapan ko at pinakatitigan ako."Nag-away kayo ng girlfriend mo? Parang wala ka sa sarili, eh."Umiling ako sa kaniya at tumayo. Cyron then went to the sofa. Naupo siya doon habang ako ay kumuha ng alak. I felt his eyes were watching me. Nang makak