Hahahahaha kami alam na alam na ang galawan ni Luther, Thes!
7:45 am. I was waiting for Luther's reply. Gising naman na siya, actually kagigising lang daw niya nang magmessage ako ng 'good morning'. Medyo late na nga eh, alam ko kasi na 8:30 ang alis niya sa bahay niya para pumasok sa opisina. Maybe he's preparing for work.Mukhang napuyat ata siya? Usually 5:00 am gising na siya, eh. O pagod siguro kaya tinanghali ng gising?Ginabi na nga pala kami nang ihatid niya ako dito sa bahay ko pagkatapos ng mga kaganapan sa buhay ni Tangi at Rozzean. Hindi rin kasi ako agad hinayaan ni Tangi talaga na makaalis at naglibot pa kaming dalawa. While Luther had to go back to his company, sinabi ko nga kahapon na huwag na niya akong balikan pa sa Tagaytay pero makulit. Sinundo niya pa rin ako kahit dala ko ang kotse ko. At ngayon ay may usapan naman kami na magkikita at sabay na magla-lunch."Ah, so lawyer lang naman pala ni Sir Pogi, Miss Thes. Grabe. Natakot ka kaagad na ipinagpalit ka na?"Masama kong binalingan naman si Beauty pagkarinig ko ng sinasabi n
Luther Rico "I went there three times, Luther. I've already provided proof of ownership, but each head of the family has refused to vacate. Matigas talaga ang desisyon nila na hindi umalis."I closed my eyes tightly after hearing what Colene said. Siya ang lawyer na kinuha ko para sa lupa na nais ni dad na pagtayuan ng subdivision. Ito rin ang dahilan kung bakit kami nagkikita madalas ng mga nakaraang araw. She’s working with Attorney Farran at kagagaling lang dito ng huli at ganito rin ang sinabi sa akin. Nasa halos dalwampu na kabahayan ang nakatayo doon. Actually we’ve been sending notice about the land to the people there pero walang pumupunta para makipag-usap sa akin. It’s been two years, at naubos na rin ang pasensya ni dad kaya sinabihan niya ako na kung hindi aalis ay pwersahan nang paalisin. But of course, I don’t want to do that. As much as possible, if I can find a better way to make the people there leave in peace, I would. “Tinakot pa nila ang assistant ko last time.
"Ikaw na ang bahala dito sa bahay, Beauty. Siguruhin mo na nakasarado na ang lahat ng pinto bago ka umalis, ha?" kabababa ko lang ng hagdan. Isinuot ko na rin ang shades ko. Nariyan na daw sa labas ang sundo ko. Talagang hindi pumayag si Luther Rico na magpunta ako sa kumpanya niya na dala ang sasakyan ko. Nakaka-princess treatment naman talaga itong ginagawa niya. At syempre bilang ako, kilig chipipay naman. Hindi na ako nakipag-argue, isa pa, alam ko naman kung bakit niya ayaw na may dala akong sasakyan.Gusto niya na lagi akong hinahatid. Pero mukhang today, hindi niya ako iuuwi sa bahay ko--ay. Ano ba 'tong naiisip ko! Hindi na talaga matino takbo ng utak ko myghad!"Oh, sige, Miss Thes," Nilingon naman ako ni Beauty habang nagpupunas siya ng bintana. Kahit kalilinis ko lang ay hinayaan ko na siya na maglinis ulit. Mukhang wala rin siyang magawa, eh, o baka kailangan na naman niya ng pera? Kawawa rin itong si Beauty, sa susunod nga ay sabihin ko sa kaniya na mag-regular na lang sa
Malakas talaga ang kutob ko, eh. Lalo na nang makita ko siya na nagpunta na may dala pa na regalo. And how she speak about my Luther Rico? And my... her face after I kissed my man in front of her. Kitang-kita sa mga mata niya na hindi lang siya nagulat, nahuli ko rin ang pagtalim ng mga 'yon bago bumalik sa dati."Oh, sorry, attorney. Nabigla ka ata. Ganito talaga kami magbatian ni Luther," sabi ko at lumapit dito, hindi ko pa rin binibitawan ang kamay ni Luther na alam kong natutuwa sa nangyayari. Eh, sa kaniya ko ba naman mismo narinig na gusto niyang nagseselos ako, iyong natataranta at napapaisipi ako. Ramdam ko 'yon sa kaniya don sa bahay ni Rozzean kahit na alam niyang kinabahan na ako ng sobra dahil sa babaeng 'to sa harapan namin."I-I think that's just normal for couple. Hindi ko lang rin inaasahan na may girlfriend na pala itong si Luther kaya medyo nabigla ako," sagot niya at tumingin sa katabi ko na kumapit pa ang isang kamay sa baywang ko.I noticed Colene's eyes went to m
I leaned back in my swivel chair in my shop's office at La Bliz Mall, pressing my pen against my cheek. Habang nagtatrabaho ay naalala ko kasi ang nangyari noong nakaraang dalawang araw ang nakalipas nang pumunta ako sa kumpanya ni Luther—not that scene where I confirmed that Colene likes him, but the moment when I told him that it was Rozzean who mentioned the lawyer to me that they thought was his girlfriend.Nagbago kasi ang ekspresyon noon sa mukha ni Luther Rico—he was kinda pissed? Kahit noong makarating kami sa Caralla's Restaurant para maglunch nga, wala naman akong narinig na komento mula sa kaniya pagkatapos kong sabihin na sa kapatid niya galing ang tungkol kay Colene.“Nagbago lang ang mood niya, pero hindi naman siya sa akin inis. Mukhang… kay Rozzean.”And it's weird, ayoko naman mag-isip naman ng mag-isip kasi iba rin tumakbo ang utak ko kung minsan. For me, Rozzean just answered my question kung may girlfriend si Luther. Nabanggit ko rin 'yon pero talagang inis pa rin
Ang last card ko talaga para mapapayag si Luther ay iyong pakikipagbalikan ko kaso para naman rin kaming hindi naghiwalay nito. Hindi ko na rin pinush ang pagpupumilit sa kaniya kagabi dahil naisip ko nga na pag malapit na lang ang kasal kasi, talagang wala rin siya sa mood. Mas lalo ko pa nga 'yon na-confirm nang hindi na siya nag-aya na matulog. Wala talagang nangyari, as in, parang malapit nang pumuti ang uwak. Usually, kapag nasa bahay niya ako, nagpaparamdam na siya agad, pero kagabi, talagang wala. Saka, para siyang pagod. Ramdam ko rin ang inis na alam kong dahil kay Rozzean, pero bukod doon, may iba pa, feel ko rin 'yon bigat at sakit sa kaniya. Tapos kagabi, nahuli ko siya na nakatingin lang sa ceiling ng kwarto niya. Akala niya ata tulog na ako non habang nakaunan sa bisig niya. Hindi naman siya madalas ganon, na parang malalim ang iniisip. Pero sa hula ko nga, baka dahil sa naging lakad niya kahapon. He didn’t talk about what happened, kaya naisip ko na baka may kinalaman
Pagkalapit ko ay napatingin na sa akin si Chitita, ang mga mata niya ay parang nanghihingi ng tulong sa 'kin pero muling binalikan ang babae."Ma'am, hindi po talaga pwede, eh. Saka nasa meeting po si sir. Kung magpupumilit po kayong pumasok ay tatawag na po talaga ako ng guard."Nakita ko naman ang gulat sa mukha ng babae. But what she did next stunned me and break my heart."P-Pakiusap... sige na... nakikiusap ako... may tatlo akong anak at wala kaming malilipatan..." She kneeled. She was crying."K-Kilala rin ako ni Rico, pag nakita niya ako, kakausapin niya ako sigurado. Hindi ko lang siya naabutan kahapon nang magpunta siya sa lugar namin dahil nasa trabaho ako hanggang gabi. Nagmamakaawa ako, miss."Did I hear it right? This woman called Luther... Rico? Is she someone he knows? "Ma'am--" and because I couldn't take it, nagsalita na rin ako."It's okay, Chitita. Ako na ang bahala, isasabay ko siya paakyat. Kung may gawin na hindi maganda ay ako na ang mananagot," sabi ko dito."
I was rooted in my place and I couldn't move. Si Ate Meredith ang naglabas sa babae na tinulungan kong makaakyat dito para makaharap si Luther. And that old woman... who I didn't know was his real mother. Napahinga ako ng malalim at hindi pa rin siya tinitingnan. He was still standing not far from me, sa gilid ng mga mata ko ay nakakuyom ang mga kamay niya at mukhang nagpapakalma na siya ng sarili.My eyes then looked at the food I prepared on the floor. Ang sabaw ng iniluto ko ay tumapon na sa floor, naghalo na dahil nga sa dalawang putahe ang iniluto ko para sa kaniya. Muli akong napabuntong hininga at saka nilapitan ang pagkain. Kinuha ko 'yon at kinurot naman ang puso ko pagkasilip ng loob dahil basag nga ang pinaglagyan ko at nagkalat na rin ang kanin. Ingat na ingat ako dito kanina... My lips trembled. Tatlong oras ko ba naman 'to pinageffortan, eh. Pinalambot ko pa ng maigi yung buto-buto. Tapos masasayang lang? "Did that woman gave you that food para ibigay sa akin?"Narinig