Raheel's POV "Papatayin mo ba ako?!" asik ko kay Logan nang muntik niya na akong mabaril sa ulo. Pinagtulongan naming buhatin si Anabelle papasok sa kotse ko. Isang minuto na lang at sasabog na ang buong building. Binuhay ko kaagad ang makina ng kotse at pinaharurot ito paalis. Nakahinga ako ng maluwag nang nakalayo na kami bago sumabog ang building. "Check her vitals!" utos ni Dra. Charlotte sa kasama niyang nars pagkarating namin sa bahay niya. "Kayo na po ang bahala kay Anabelle. Kailangan kong iligtas ang anak namin at ang Tatay niya," bilin ko kay Dra. Charlotte at hinalikan ang noo ni Anabelle. "Hintayin mo ako rito. Ililigtas ko silang dalawa," bulong ko bago siya tuloyang iniwan kay Dra. Charlotte. "Let's go, Heel. Nakahanda na ang lahat," saad ni Logan pagkatapos niyang kausapin ang mga pulis. Natunton na namin ang pinagtataguan ni Jude Montefalco at ang totoong lugar na pinagdalhan nila sa Tatay ni Anabelle. Wala sa lumang building si Tito Damien dahil nasa puder ni Ju
Napapikit ako nang iputok ni Jude ang baril. Dahan-dahan akong nagmulat nang napagtantong walang masakit sa katawan ko. Nabitawan din ako ng mga tauhan niya. Pag-angat ko ng tingin, namilog ang mga mata ko nang nakita ko si Zeus na nakikipagsuntukan sa kay Jude. "Traydor!" sambit ni Jude at pilit na iniiwasan ang bawat suntok ni Zeus na tumama sa katawan niya. "Pinatay mo ang ama namin! Papatayin din kita!" galit na sigaw ni Zeus at sinuntok ang mulha ni Jude. Hinawakan ako ng mga tauhan ni Jude. Hindi ako makatakas kasi nakapusas ang kamay ko. Kailangan kong makuha ang susi para matulongan ko rin si Zeus. Natatakot ako na baka malagay na naman sa alanganin ang buhay niya. Sinipa ko ang mukha ng dalawang lalaking nakahawak sa akin at tumakbo ng mabilis upang magtago sa malaking puno. Pinaputokan nila ako kaya gumulong ako sa lupa. Sinilip ko ang mga tauhan ni Jude, hinahanap ang taong may hawak ng susi. Parang lalabas ang kaluluwa ko sa kaba nang bigla akong paputokan at muntik
Hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin si Tito Damien nang masilayan ko siyang nakaupo sa tabi ng dagat habang ginagamot ang mga sugat niya sa katawan. Kaagad kong pinunasan ang namumuong luha sa mga mata ko nang tapikin niya ang likod ko. "I'm fine, hijo," bulong niya at niyakap ako pabalik. "How's my daughter?" Kumalas ako sa yakap. "She's alive. Nasa mabuting kalagayan din siya. Nasagip namin siya bago sumabog ang lumang building." Bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa kalagayan ng anak niya. Napasinghap siya at hinawakan ang kamay ko. "Maraming salamat, Raheel. Alam kong nahihirapan ka rin sa sitwasyon. Salamat dahil hindi mo pinabayaan ang anak ko." "Responsibilidad ko na rin po kayo kasi ama kayo ni Anabelle. Mabuti na lang at naabutan namin siya sa lumang building bago ito sumabog kasi ang buong akala niya nandoon po kayo." Nang makarating kami sa bahay, agad kong binuhat si TJ mula sa pagkakayakap ni Logan. Nakahinga lang ako ng maluwag kanina nang nasilayan ko an
Buong linggo akong wala sa wisyo, iniisip ko pa rin ang lalaking tumawag sa akin. Kaboses siya ni Knight, pero hindi ako pwedeng maniwala kaagad lalo na't kitang-kita sa mismong mga mata ko ang mukha niya bago siya inilibing. Gusto kong sabihin kay Logan ang tungkol doon, pero baka hindi niya ako paniwalaan at mapagkamalang baliw. "Mukhang may malalim ka na namang iniisip," saad ni Anabelle pagkabalik niya sa kwarto namin bitbit ang dalawang kape. Masama ang panahon dahil may bagyo kaya buong araw kaming nasa loob ng kwarto namin. Tinanggap ko ang isang baso ng kape at maingat itong inilagay sa ibabaw ng table ko. "Ayos ka lang ba? Ilang araw na kitang napapansin sa pagiging tahimik mo. May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Anabelle at tumabi sa akin. Humiga siya sa hita ko. "Kung may problema ka, pwede mo naman 'yan ikwento sa akin. Huwag mong solohin ang problemang 'yan, Raheel." Napasinghap ako at sumimsim ng kape. "Kailan mo huling napanaginipan si Knight?" Nangunot an
Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok sa kwarto ng anak naming si TJ. Nakita kong nakahiga na si Anabelle sa tabi ng bata habang nakayakap. Sumandal ako sa gilid ng pinto pagkatapos ko itong isara. Pinagmasdan ko ang aking mag-inang mahimbing nang natutulog. Umupo ako sa tabi ni TJ. Naisipan kong dito na lang din matutulog kung hindi ako tatabihan ni Anabelle. Yayakapin ko na sana ang anak namin nang napansing nagmulat ng mata si Anabelle at diretsong nakatingin sa akin. "Anong ginagawa mo rito?" tanong niya sabay taas ng kilay niya. "Matutulog," tipid kong sagot at humiga. "Sinusundan mo ba ako?" "Anabelle, susundan talaga kita kahit saan ka pa magpunta. Matulog ka na lang diyan. Baka magising ang bata." "Doon ka sa kabilang kwarto matulog. Naiirita ako sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha mo," iritadong saad niya at umupo sa kama. Bumangon ako at naglakad papalapit sa kaniya. "Ang init-init ng ulo mo. Matulog na tayo," sabi ko at hinawakan ang kamay niya, ngunit mabi
Nang magising ako kinabukasan, wala na sa tabi ko si Anabelle. Binalot ko ang katawan ko ng kumot at kumuha ng damit sa closet nang mapansing wala na sa sahig ang mga gamit ko kagabi. Napalingon ako sa banyo nang narinig ang pagbukas ng pinto. Nakita ko si Anabelle, nakasuot ng bathrobe. "Bakit hindi mo ako ginising? Sabay dapat tayong maliligo," sabi ko at niyakap siya ng mahigpit. Hinalikan ko ang noo niya pababa sa mapupula niyang labi. "Mahimbing ang tulog mo kaya hindi na kita ginising," sagot niya at ipinulupot ang mga kamay sa beywang ko. "Maligo ka ulit. Sabayan mo ako," pilyong saad ko at sinimulang halikan ang leeg niya. "Raheel, katatapos ko lang maligo. Magbibihis na ako." "Sabayan mo akong maligo. Simula nang tumira tayo rito hindi mo na ako sinasabayan," sabi ko at nagkunwaring nagtatampo. "Naiinggit ako kay TJ kasi nasa kaniya lahat ng atensyon mo. How about me, Anabelle? Kailan mo ba ako bibigyan ng atensiyon?" Kinurot niya ang ilong ko at hinalikan ang labi
Anabelle's POV Tinikman ko ang chocolate cake na binake ni Raheel. Ilang araw na siyang nag-e-ensayo sa paggawa noon nang bigla akong nag-crave ng cake. Hindi ko mapigilang mapangiti sa sarap at lambot ng cake. "Masarap!" komento ko at sinubuan siya. "You like it?" nakangiting tanong niya at dinilaan ang pang-ibabang labi niya. Tumango ako. "Pwede naman tayong bumili ng cake sa labas. Pero mas pinili mong ipag-bake ako." Kinurot ko ang ilong niya at ninakawan siya ng halik sa labi. "Mommy, patikim ako," sabi ni TJ, na kararating lang sa kusina. Binuhat ni Raheel ang bata at pinaupo ito sa ibabaw ng mesa. Nilagyan ko ng isang hiwa ang maliit na plato at sinubuan si TJ. Takam na takam naman ang anak namin nang matikman ang cake na ginawa ni Raheel. "How's school, TJ?" tanong ni Raheel. Hinubad niya ang sapatos ng bata at pinunasan ang pawis. "I got a perfect score!" masiglang sabi ni TJ at binuksan ang bag niya. Lumapad ang ngiti ko nang nakita ang perfect score niya sa Mathema
Wala na akong ibang hinihiling pa kundi ang magkaroon ng masayang pamilya at mapayapang buhay kasama ang mga taong mahahalaga sa akin. Naging maayos ang takbo ng buhay namin sa mga nagdaang linggo. Palaging nakabuntot si Raheel sa akin kasi natatakot siyang madulas o matapilok ako. Pagkatapos ng trabaho niya, umuuwi siya kaagad kasi gusto niya kaming pagsilbihan. Pati sa mga kinakain ko palagi niyang sinisigurong healthy lahat. At hindi ko mapigilang makaramdam ng saya kasi first time kong maranasan ang ganito - na nandiyan siya sa pagbubuntis ko upang alagaan ako. Ang sarap at ang gaan sa pakiramdam ngayong kasama ko siya habang pinagbubuntis ang ikalawang anak namin. Hindi ko lubos maisip ang ganitong paraan ng pag-aalaga niya. At hindi ko aakalaing mararanasan ko sa kaniya ang princess treatment. "Mommy, we're home," masiglang sambit ni TJ habang abala ako sa panunuod ng palabas sa TV. "Ano ang pinapanuod mo, Wifey?" tanong ni Raheel at hinalikan ang aking noo at labi. Ibinigay