Share

Chapter 123

Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok sa kwarto ng anak naming si TJ. Nakita kong nakahiga na si Anabelle sa tabi ng bata habang nakayakap. Sumandal ako sa gilid ng pinto pagkatapos ko itong isara. Pinagmasdan ko ang aking mag-inang mahimbing nang natutulog.

Umupo ako sa tabi ni TJ. Naisipan kong dito na lang din matutulog kung hindi ako tatabihan ni Anabelle. Yayakapin ko na sana ang anak namin nang napansing nagmulat ng mata si Anabelle at diretsong nakatingin sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya sabay taas ng kilay niya.

"Matutulog," tipid kong sagot at humiga.

"Sinusundan mo ba ako?"

"Anabelle, susundan talaga kita kahit saan ka pa magpunta. Matulog ka na lang diyan. Baka magising ang bata."

"Doon ka sa kabilang kwarto matulog. Naiirita ako sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha mo," iritadong saad niya at umupo sa kama.

Bumangon ako at naglakad papalapit sa kaniya. "Ang init-init ng ulo mo. Matulog na tayo," sabi ko at hinawakan ang kamay niya, ngunit mabi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status