Share

Chapter 122

Buong linggo akong wala sa wisyo, iniisip ko pa rin ang lalaking tumawag sa akin. Kaboses siya ni Knight, pero hindi ako pwedeng maniwala kaagad lalo na't kitang-kita sa mismong mga mata ko ang mukha niya bago siya inilibing. Gusto kong sabihin kay Logan ang tungkol doon, pero baka hindi niya ako paniwalaan at mapagkamalang baliw.

"Mukhang may malalim ka na namang iniisip," saad ni Anabelle pagkabalik niya sa kwarto namin bitbit ang dalawang kape.

Masama ang panahon dahil may bagyo kaya buong araw kaming nasa loob ng kwarto namin. Tinanggap ko ang isang baso ng kape at maingat itong inilagay sa ibabaw ng table ko.

"Ayos ka lang ba? Ilang araw na kitang napapansin sa pagiging tahimik mo. May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Anabelle at tumabi sa akin. Humiga siya sa hita ko. "Kung may problema ka, pwede mo naman 'yan ikwento sa akin. Huwag mong solohin ang problemang 'yan, Raheel."

Napasinghap ako at sumimsim ng kape. "Kailan mo huling napanaginipan si Knight?"

Nangunot an
Deigratiamimi

September 5, 2024 Keep safe everyone lalo na't hindi maganda ang panahon. 🫶

| 6
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status