Wala na akong ibang hinihiling pa kundi ang magkaroon ng masayang pamilya at mapayapang buhay kasama ang mga taong mahahalaga sa akin. Naging maayos ang takbo ng buhay namin sa mga nagdaang linggo. Palaging nakabuntot si Raheel sa akin kasi natatakot siyang madulas o matapilok ako. Pagkatapos ng trabaho niya, umuuwi siya kaagad kasi gusto niya kaming pagsilbihan. Pati sa mga kinakain ko palagi niyang sinisigurong healthy lahat. At hindi ko mapigilang makaramdam ng saya kasi first time kong maranasan ang ganito - na nandiyan siya sa pagbubuntis ko upang alagaan ako. Ang sarap at ang gaan sa pakiramdam ngayong kasama ko siya habang pinagbubuntis ang ikalawang anak namin. Hindi ko lubos maisip ang ganitong paraan ng pag-aalaga niya. At hindi ko aakalaing mararanasan ko sa kaniya ang princess treatment. "Mommy, we're home," masiglang sambit ni TJ habang abala ako sa panunuod ng palabas sa TV. "Ano ang pinapanuod mo, Wifey?" tanong ni Raheel at hinalikan ang aking noo at labi. Ibinigay
Nakatayo ako sa harap ng salamin, nakasuot ng puting damit na may mga burda ng mga bulaklak. Ang damit na ito ang pipiliin ko para sa aking kasal kay Raheel. Sa wakas, makakasama ko na siya sa buhay. Magiging Mrs. Del Fuego na ulit ako. Hindi ko mapigilang mapangiti. Ang mga mata ko ay nagniningning sa saya. Pero sa likod ng ningning na iyon, may isang malaking katanungan na tumatakbo sa isip ko. "Anabelle, okay ka lang ba?" tanong ni Sarah - ang nag-aayos sa buhok ko. Nasa likod ko siya, at nakatingin sa akin sa salamin. "Oo naman," sagot ko. "Medyo kinakabahan lang ako." "Normal lang 'yan, Anabelle. Lahat naman tayo kinakabahan sa araw ng kasal natin." Ngumiti ako at tumango. Pero alam kong hindi lang basta kaba ang nararamdaman ko. Parang may isang malaking pader na naghihiwalay sa akin kay Raheel. Naalala ko ang mga panahong nagkakilala kami. Ang mga unang tingin, ang mga unang ngiti, ang mga unang pag-uusap. Lahat ay parang panaginip. Pero sa panaginip na iyon, may isang bag
Nang maagaw ni Tatay ang kutsilyo, itinulak niya si Nanay kaya napasubsob ito sa lupa. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid, nagkakagulo na sa reception. Nagsisigawan ang mga panauhin. "Nababaliw ka na, Leah!" sigaw ni Tatay nang tuluyan niya nang maagaw ang maliit na kutsilyo. "Papatayin ko siya!" galit na sigaw ni Tatay at sinubokan niya akong lapitan, ngunit mabilis siyang pinigilan ng mga guards. Niyakap ako ni Raheel. Hindi ko mapigilan ang sarili kong maluha sa inaasta ni Nanay sa mismong kasal namin. Ni hindi niya nirespeto ang espesyal na araw. At hindi ko alam kung bakit nagkakaganoon siya. Bakit gusto niya akong patayin? Nakahinga lang ako nang maluwag nang kaladkarin nila si Nanay palabas ng reception area. Inutusan ni Raheel ang mga tauhang bantayan ang buong paligid, baka sakaling may msasamang taong nakapasok sa lugar. Unti-unti ring bumalik sa normal na ayos ang lahat, pero hindi maalis sa mukha ng mga panauhin ang takot na nararamdaman nila. Pilit kong pinapakalma
Hindi ko na mapigilan ang pagbagsak ng aking mga luha. Hinahanap ko ang mga mata niya, hindi siya makatingin sa akin. Bumaba ang paningin ko sa anak namin na mahimbing pa ring natutulog sa bisig niya. "Isasakripisyo mo ang buhay mo para kay Knight? Mas uunahin mo talaga siya kesa sa amin?" Halos hindi ko na makilala ang boses ko. "Ang selfish mo! Sana hindi mo na lang ako pinakasalan kung mawawala ka rin naman pala sa amin!" Pinaghahampas ko ang dibdib niya. Hindi siya umimik, tahimik lang siyang nakatitig sa akin. Sinubokan niya akong yakapin, pero umiwas ako. Ayokong yakapin niya ako kasi natatakot akong ngayong gabi ko na lang siya makikita at mayayakap. Sana panaginip lang ang lahat. "Bawiin mo ang mga sinasabi mo, Raheel. Hindi ikaw ang magiging donor niya. Hindi mo kami iiwan, 'di ba?" pagmamakaawa ko. "Mahal mo ba talaga ako? Pinakasalan mo lang ba ako kasi iiwan mo ulit kami? Paano na ang magiging anak natin? Ano ang sasabihin ko sa kanila? Napaka-selfish mo!" "Halika nga
Ang malamig na tile ng operating room ay sumasalubong sa aking mga paa habang naglalakad ako papasok. Ang amoy ng disinfectant ay pamilyar, ngunit ang kaba sa aking dibdib ay bago. Unang araw ko pa lang sa trabaho, at si Knight, ang aking unang pasyente.Naka-scrubs na ako, ang aking mga kamay ay nakabalot sa surgical gloves. Ang operating table ay nakahanda na, ang mga instrumento ay nakalatag sa tabi nito. Ang puso ni Knight ay nasa aking mga kamay, at ang responsibilidad ay mabigat."Anabelle, handa ka na ba?" tanong ni Dr. Reyes, ang aking mentor at head surgeon. Tumango ako, ang aking lalamunan ay tuyo. "Huminga ka ng malalim," sabi niya, at sumunod ako.Tumingin ako kay Knight, ang kaniyang mukha ay maputla, ang kaniyang mga mata ay nakapikit. Ang kaniyang dibdib ay tumataas at bumababa nang mabagal, ang bawat paghinga ay isang pakikibaka. Alam kong kailangan kong maging matapang para sa kaniya."Magsimula na tayo," sabi ni Dr. Reyes.Ang mga susunod na ilang minuto ay isang blu
Raheel's POV "Kakausapin ko si Jade," sabi ni Knight pagkarating niya sa bahay namin. "Delikado ang gagawin mo, Knight. Paano kung may gagawin na naman silang masama sa 'yo?" saad ni Logan. Ilang buwan na silang nagpaplano kung papano makakausap si Jade ng maayos at pakiusapan na isuko si Dr. William. Hindi ito mahuli-huli kasi palipat-lipat sila ng lokasyon simula noong malaman nilang may ideya na kami kung saan nagtatago ang doktor. Natatakot kaming lahat sa magiging kalabasan kung hahayaan naming makipag-usap si Knight kay Jade lalo na't kasama ng babaeng 'yon ang taong nagpahirap sa kaniya. "Kami na ang bahala rito, Knight. Susubokan kong makipag-usap kay Jade," sabi naman ni Zeus. "Hindi ako pwedeng tumunganga lang dito. Paano kung kayo naman ang mapahamak?" Bakas sa tono ng pananalita niya ang pag-aalala sa amin. "Lalo ka na, Zeus. Baka ikaw ang babalikan ng pamilya ni Jade. Kalalabas mo lang sa kulungan." "I have the money and connections. Kung sakaling makulong ulit ako,
Pareho naming hinahabol ang paghinga namin pagkatapos kong labasan ng ikalimang beses. Pakiramdam ko, lahat ng katas na naipon ng ilang buwan ay lumabas ngayong gabi. Hinalikan ko ang noo ni Anabelle habang iniisip kung gaano pa rin siya ka wild sa kama. Buntis siya sa ganoong posisyon, pero parang hindi siya buntis sa sobrang agresibo niya. "Goodnight, Wifey. I love you so much," bulong ko at niyakap siya ng mahigpit. "Goodnight, Hubby. Mahal na mahal din kita," tugon niya. Kinabukasan ay maaga akong nagising upang ipagluto ang aking mag-ina ng paborito nilang breakfast. Kahit may tagaluto naman kami sa bahay, gusto ko pa rin silang pagsilbihan. Magaling na akong magluto kaya confident akong magugustuhan ni TJ ang mga pagkaing lulutoin ko. "Good morning, Dad," bati ni TJ pagkarating niya sa kusina, habang nagkukusot ng mga mata. "Where's Mommy?" "Good morning, Theo. Natutulog pa ang Mommy mo. Gutom ka na ba?" Binuhat ko si TJ at pinaupo sa ibabaw ng mesa. "Uminom ka muna ng gata
"Wifey, ayaw pa rin huminto sa pag-iyak ni Brielle," sumbong ko kay Anabelle pagkatapos niyang maligo. "Tiningnan mo ba ang pampers niya? Baka naihi o dumumi siya." Nagmadali siyang magbihis ng pambahay na damit. Pinahiga ko naman si Brielle sa kama bago tiningnan ang suot niyang pampers. Napapikit ako at napatakip ng ilong ko nang mapagtantong dumumi nga siya. Huminga muna ako ng malalim bago sinimulang linisan ang anak namin. "Mali-mali na naman ang ginagawa mo. Ako na nga riyan," sabi ni Anabelle at inagaw sa akin ang wet wipes. "Itapon mo na lang 'to," utos niya at ibinigay sa akin ang pampers ni Brielle. Napalunok ako at nagdadalawang-isip kung hahawakan ko ba 'yon o hindi. Napabuga ako ng hangin at tinanggap ang pampers habang tinatakpan ang ilong ko. "Ang OA mo naman. Dumi 'yan ng anak natin. Mas mabaho pa ang dumi mo riyan," iritadong sabi ni Anabelle sa akin at inirapan ako. "Labhan mo rin ang mga lampin ni Brielle. Huwag kang aasa sa mga katulong natin dito sa bahay." T