Share

Chapter 131

Raheel's POV

"Kakausapin ko si Jade," sabi ni Knight pagkarating niya sa bahay namin.

"Delikado ang gagawin mo, Knight. Paano kung may gagawin na naman silang masama sa 'yo?" saad ni Logan.

Ilang buwan na silang nagpaplano kung papano makakausap si Jade ng maayos at pakiusapan na isuko si Dr. William. Hindi ito mahuli-huli kasi palipat-lipat sila ng lokasyon simula noong malaman nilang may ideya na kami kung saan nagtatago ang doktor. Natatakot kaming lahat sa magiging kalabasan kung hahayaan naming makipag-usap si Knight kay Jade lalo na't kasama ng babaeng 'yon ang taong nagpahirap sa kaniya.

"Kami na ang bahala rito, Knight. Susubokan kong makipag-usap kay Jade," sabi naman ni Zeus.

"Hindi ako pwedeng tumunganga lang dito. Paano kung kayo naman ang mapahamak?" Bakas sa tono ng pananalita niya ang pag-aalala sa amin. "Lalo ka na, Zeus. Baka ikaw ang babalikan ng pamilya ni Jade. Kalalabas mo lang sa kulungan."

"I have the money and connections. Kung sakaling makulong ulit ako,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status