September 18, 2024 Good evening po! Pasensiya na at medyo gabi na ako nakakapag-update. Mahina po kasi ang internet connection ko kasi hindi maganda ang panahon sa lugar namin. Keep safe everyone 🫶
Book II: Theodore Jasper Del Fuego's Story Theodore Jasper's POV 15 years later... Nagising ako sa malakas na pag-iyak ng aking magkakambal na kapatid na sina Alexis at Alexus. Bumangon ako upang tingnan sila. Nangunot ang noo ko nang nakitang nagsusuntokan silang dalawa. "Brielle!" sambit ko nang mapagtantong wala siya sa sala at iniwan niya na naman ang kambal. Sina Alexis at Alexus ay palaging nagbabangayan sa tuwing walang nagbabantay sa kanilang dalawa. Kaming magkakapatid lang ang naiwan sa bahay dahil may business trip sina Daddy at Mommy sa Mexico. Wala akong ibang choice kundi manatili sa bahay upang bantayan ang aking mga kapatid buong linggo. Hindi ako pwedeng gumala hangga't hindi sila nakauwi kasi sa akin binilin ang mga kapatid ko. "Kuya TJ, galing ako ng CR - holy shit!" sigaw ni Brielle nang makitang nagsasabunotan ng buhok ang kambal. "That's enough, Alexis and Alexus!" "Sinira niya ang castle ko!" sumbong ni Alexis at binitawan ang buhok ni Alexus
Nasa cafeteria kami ngayon, kumakain ng lunch. Gutom ako, pero nawalan ako ng ganang kumain nang naalala ko na naman ang sinabi ni Ella. "TJ, may problema ka ba? Kanina ka pa nakatingin sa kawalan," tanong ni Ramil, ang matalik kong kaibigan. Pareho kami ng kursong kinuha. "Wala naman. Medyo mahirap lang kasi ang lesson natin kanina. Next week, exam na naman," pagdadahilan ko. "Mahirap? Kailan ka pa nahihirapan sa mga lessons natin?" natatawang tanong niya at uminom ng tubig. "Ikaw nga ang nangunguna sa departamento natin. Ngayon lang kita narinig, na nahihirapan sa lesson," dagdag niya sabay iling ng kaniyang ulo. Napabuntong-hininga ako at hindi na lang pinansin ang sinabi niya. Pinilit ko ang sarili kong ubosin ang pagkaing inorder ko at kalimutan ang mga sinabi ni Ella. "Available ka ba later?" tanong ni Ramil habang naglalakad kami patungo sa room ng huling subject namin ngayong araw. "Oo," tipid kong sagot. "Bar?" "Hindi ako pwedeng mag-bar. Kailangan kong bantayan ang m
Malakas na hiyawan ng mga tao at nakabibinging musika ang sumalubong sa amin pagkapasok namin sa loob ng bar. Hinila ko ang braso ni Ella nang may lumapit na lalaking lasing sa kaniya. "Thanks," tipid niyang sagot at inalis ang kamay ko. "Doon tayo," sabi ni Ramil at itinuro ang bakanteng table malapit sa gitna. "Palagi ba kayong pumupunta rito?" tanong ni Ella at pinasadahan muna ng tingin ang paligid bago umupo. Umiling ako. "Ewan ko kay Ramil. Siya lang din kasi ang nagyayaya sa aking uminom dito." Tinabihan ko si Ella nang mapansing hindi siya kumportable sa paligid. "Order muna ako ng drinks guys," paalam ni Ramil bago kami iniwan. "Ayos ka lang ba? Kung gusto mong umuwi, ihahatid kita," sabi ko. Napalunok ako nang dumapo ang paningin ko sa dibdib niya. Kinuha ko ang panyo ko at ibinigay ito sa kaniya. "Takpan mo. Malapit na kasing lumabas." Napasinghap ako nang tanggapin niya ang panyo ko at sinunod ang sinabi ko. Tumingin ako sa ikalawang palapag ng bar. Nangunot ang noo
Buong araw akong nagkulong sa kwarto ko. Hindi rin ako pinayagan ng mga magulang kong lumabas ng bahay o pumasok sa paaralan ngayong araw kasi natatakot sila na baka may mangyaring masama sa akin. Iyak lang ako ng iyak pagkatapos kong makita ang larawan ng bangkay ni Ella. Halos hindi ko ito makilala. Kinausap nila ako at paulit-ulit na tinatanong kung wala ba talaga akong kinalaman sa nangyari. Pakiramdam ko, ako ang pinagbibintangan nila na gumawa nga kahalayan kay Ella. Hindi rin nagtagal ay sumuko sina Mommy at Daddy sa katatanong sa akin. Malinis ang konsensya ko. Hindi ko magagawa ang bagay na 'yon sa babaeng gusto ko. Bumukas ang pinto at nakita kong pumasok sina Daddy at Mommy. Pinunasan ko ang namumuong luha sa mga mata ko at tumingin sa labas ng bahay. Tatlong araw na akong nakakulong sa kwarto ko. Walang ganang makipag-usap kahit sa mga kapatid ko. Gusto kong lumabas ng bahay upang puntahan si Ella. Gusto ko siyang makita at mayakap. "Nasa baba ang mga pulis. Gusto ka ni
Parang pinipiga ang puso ko nang mabasa ang paulit-ulit na paghingi ng tulong ni Ella sa akin ng gabing 'yon. Kahit anong pilit kong alalahanin ang nangyari bago siya ginahasa at pinatay, wala talaga akong ibang maalala kundi ang nawalan ako ng malay. Pinunasan ko ang namumuong luha sa mga mata ko habang tinitingnan ang mga larawan ni Ella sa phone ko. Para akong baliw na tumatawa sa silid sa tuwing may naaalala ako sa iba't ibang larawan mula nang nasa highschool pa kami. Nang mapagod na ako sa kaiiyak, nag-ayos ako sa sarili ko. Pupunta ako sa libing niya, pero sisiguraduhin kong walang makakakilala sa akin. Kahit ngayong araw lang, gusto ko siyang makita sa huling hantungan niya. "Where are you going, TJ?" tanong ni Mommy pagkababa ko ng hagdanan. Pinasadahan ko muna ng tingin ang paligid, hinanap ko si Daddy, pero hindi ko siya makita. "Pupuntahan ko si Ella." Tumayo si Mommy at naglakad papalapit sa akin. Napasinghap ako nang yakapin niya ako. "Mahal na mahal ka namin, TJ. H
Gumaan ang pakiramdam ko nang malamang pinatawad na ako ng pamilya ni Ella mula nang mabalitaan nilang wala akong kasalanan. Humingi sila ng paumanhin kasi marami raw silang nasabing mga masasakit na salita sa aking mga magulang nang sumugod sila sa kompanya namin. Akala kasi ng pamilya ni Ella na itinago ako ng pamilya ko. Nagpapasalamat na lang din ako kasi mabilis kumilos ang mga pulis at napatunayang wala talaga akong kasalanan. "I admire your daughter since we were in highschool po," nahihiyang sabi ko sa ina ni Ella. "Kung alam mo lang, hijo. Ikaw rin ang bukambibig ng anak namin araw-araw. Kaya nga nagpursige siyang mag-aral kasi gusto niyang yumaman kagaya ng pamilya mo kasi baka hindi mo raw siya magustuhan dahil mahirap lang kami," kwento ng ina ni Ella na siyang nagpasikip ng puso ko. Sana pala, maaga pa lang ay umamin na ako sa kaniya. Hindi naman mahalaga sa akin kung ano ang estado ng buhay niya. Mahirap man siya o mayaman, tatanggapin at mamahalin ko siya. "Hijo, ku
Napalingon ako sa babae nang marinig ang malakas na pagmura niya sabay sipa ng pinto. Palipat-lipat ang paningin niya sa mga susing hawak namin. "Anong klaseng condo ba 'to? Bakit magkapareho tayo ng susi?" Ibinaba niya ang bitbit niyang bag at binuksan ang pinto. "Anong tinutunganga mo pa riyan? Lumabas ka na. Hindi pwedeng dalawa tayo rito, 'no." Pinagkrus ko ang aking mga braso. "Bakit ako ang palalabasin mo? Ako ang naunang dumating sa ating dalawa." I smirked. "I don't care asshole. Lumabas ka na rito kung ayaw mong ako pa mismo ang kakaladkad sa 'yo palabas!" "Hindi ako lalabas. At isa pa, pagmamay-ari ng pamilya ko ang condo na 'to. Wala kang karapatang paalisin ako," pagmamatigas ko. "Sino ka ba? Ang kapal ng mukha mong umangkin ng bagay na hindi sa 'yo!" singhal niya. Pinasadahan ko ng tingin ang mga gamit niya. Dinaig niya pa ang mga OFW na umuwi ng Pilipinas sa sobrang dami ng gamit niya. Isang maleta lang nga ang gamit ko kasi anytime pwede naman akong bumili ng mga
Parang biglang tumigil ang mundo habang pinagmamasdan ko ang kwintas ni Ella na naputol sa kamay ng mga Amerikano. Kumuyom ang aking mga kamao at inapakan ang kani-kanilang mga paa. Pilit kong inaagaw ang kwintas sa lalaki kahit nasira na 'yon. Inilagay ko ito sa bulsa ko nang maagaw ko ang kwintas. Mabilis akong tumayo at nakipagsuntokan sa dalawang lalaki. "Theo! Tama na 'yan!" saway ni Ella habang sinusuntok ang mukha ng lalaki pagkatapos itong mawalan ng malay. "Baka mapatay mo pa siya!" Pilit niya akong hinihila papalayo sa lalaki. Sinulyapan ko ang isang lalaki na paika-ikang naglalakad. Hahabulin ko na sana nang pigilan ako ni Kaisha kaya bigla 'yong kumaripas ng takbo. Pinunasan ko ang gilid nang labi ko nang maramdaman ang paghapdi nito. Napamura ako nang makita ang kaunting dugo sa kamay ko. Kinuha ko sa loob ng bulsa ang kwintas at tiningnan kung nandoon pa ba ang pendant. Muling umakyat ang dugo sa ulo ko sa galit nang hindi ko makita ang initial ng pangalan ko. Hinana
January 11, 2024 TBSB is now signing off na po. Yes po, tinuldukan ko na ang book na ito. Hanggang Book 3 lang siya kasi nakapagpasya na ako na gawing separate books ang Book 4 at Book 5. Baka next week ay masimulan ko na siya at mai-apply. Maraming salamat sa pagsama sa akin nang mahigit pitong buwan. Wala akong balak tapusin ng ganito kaaga ang librong ito kasi nagbabalak pa akong magsulat ng kwento sa mga apo ng Del Fuego, pero lahat ng 'yon ay naglaho sa isipan ko simula noong October 2024. Sa mga taong nagtiwala at patuloy na sumuporta sa akin, maraming salamat po. Sa mga taong nakilala ko rito, ikinagagalak ko po kayong makilala. Isa sa mga dahilan kaya maaga kong tinapos ang TBSB ay dahil magiging abala na ako next month o after ng LET 2025. I'm a student po. A 4th year student taking up a Bachelor of Secondary Education Major in Mathematics. Magiging abala na po ako sa mock board review kaya baka mawala ako pansamantala sa GoodNovel. Simula po bukas, ipagpapatu
Brielle’s POV Maingat na pinarada ni Mark ang kotse sa labas ng gate ng aming bahay. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at siniil kaagad ang labi ko ng halik. Nangunot ang aking noo nang kagatin niya ang labi ko. Itinulak ko siya palayo sa akin. Nang tingnan ko siya, namumula ang mga mata niya. “May problema ka ba sa akin?” Tinaasan ko siya ng kilay at pinagkrus ang aking mga braso. Ngumisi siya, dahilan kaya uminit ang ulo ko. “It’s our wedding anniversary, pero hindi mo man lang maalala.” Napakagat-labi ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Biglang nanuyo ang aking lalamunan. Sa sobrang busy ko sa ospital ay hindi ko na namalayan kung anong petsa na ngayon. Humakbang ako palapit sa kaniya, mukhang nagtatampo siya sa akin kasi nakalimutan ko ang wedding anniversary namin. “Sorry na. Nakalimutan ko. Alam mo namang marami akong iniisip na problema, ‘di ba?” Niyakap ko siya, pero hinawi niya ang kamay ko. “Sa lahat ng pwedeng makalilimutan, wedding anniversary pa talaga
Brielle’s POV “Baby, come here,” sabi ni Mark akin nang pumasok siya sa aming kwarto. “Hey, ilabas mo lang lahat ng hinanakit mo,” bulong niya at niyakap ako ng mahigpit. “Just cry and cry hanggang sa mawala ang sakit…” “I missed him already,” mahinang sabi ko at kumalas sa yakap niya. Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang palad ko at hinawakan ang picture frame ni Daddy. “Can’t believe it that you’re gone, Dad…” Umupo ako sa kama. Napansin ko agad ang pagtabi niya sa akin. Hinawakan niya ang ulo ko at pinasandal sa balikat niya. “Thank you for killing that bastard.” Tiningnan ko si Mark, bakas sa mukha niya ang pagkagulat. “Thank you for saving me, Mark. Kung pareho kaming nawala ni Daddy, baka mas lalong hindi kakayanin ni Mommy at ng mga kapatid ko.” “Hindi mo kailangang magpasalamat. Asawa kita. Obligasyon kita. Responsibilidad ko ang protektahan ka.” Hinaplos niya ang aking mahabang itim na buhok. Bumuntong-hininga ako. Isang taon na ang nakalipas mula nang nawala si D
Mark’s POV Basang-basa ako ng tubig-ilog, halos hindi na makahinga sa pagod at takot. Nakayakap ako kay Brielle, ang katawan niya ay walang buhay na nakasandal sa akin. Ang puso ko ay tila tumigil sa pagtibok. Hindi ko alam kung paano ko siya nailabas sa malamig na tubig, ang tanging nasa isip ko lang ay mailigtas siya. “Brielle,” bulong ko sa kanyang tainga, ang boses ko ay halos hindi marinig. “Brielle, please.” Pinagmasdan ko ang kanyang mukha, ang kanyang mga labi ay namumutla, at ang kanyang mga mata ay nakapikit. Naalala ko ang lahat ng mga nangyari. Ang pagkidnap sa kanya, ang paghabol ko kay Luigi, ang pag-iwas sa mga bala, at ang pagtalon ko sa ilog para lang mailigtas siya. Lahat ng iyon ay parang isang malabong panaginip. “Brielle…” Pinagpatuloy ko ang pag-alog sa kanya, umaasang kahit papaano ay magising siya. “Gising na, please. Kailangan kita. Huwag mo akong iiwan. Kailangan ka namin. Hinihintay ka ng mga anak natin.” Ginawa ko na ang lahat para masagip siya. Nags
Brielle’s POV Napabalikwas ako ng bangon at napahawak sa leeg ko. Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtantong panaginip lang ang lahat. Walang kadenang nakatali sa mga kamay at paa ko. Wala ring sugat ang aking paa. Buhay pa ako. Pinasadahan ko ng tingin ang buong silid. Madilim ang paligid. Hinanap ko ang switch ng ilaw at binuksan ‘yon. Pagkabukas ko sa ilaw, mukha kaagad ni Luigi ang nakita ko. Napaatras ako pabalik sa kama nang makita ang hawak niyang baril. “We are leaving,” matigas niyang sabi at hinawakan ng mahigpit ang braso ko. “Pakawalan mo ako!” Pilit kong binawi ang aking braso sa kaniya. “Tama na! Nasasaktan ako!” Napamura ako nang bigla niya akong sampalin sa pisngi. “Sasama ka sa akin!” sigaw ni Luigi. “Hindi ako sasama sa ‘yo! Pakawalan mo na ako!” Itinutok niya ang baril sa akin. Namilog ang aking mga mata nang maaalala ang nangyari sa panaginip ko. Bigla na lang lumambot at nanginig sa takot ang aking tuhod. Hindi ako pwedeng mamatay dahil kailangan
Brielle’s POV “Let me go!” sigaw ko nang marahas akong hilahin ni Luigi papasok sa loob ng van. I can’t believe it. He kidnapped me. Bagay na hindi ko aakalaing magagawa niya sa akin. He raped me. Ilang gabi niya akong ginagamit. Diring-diri na ako sa sarili ko. “Luigi, I’m begging you. Pakawalan mo na ako,” pagmamakaawa ko. “Nakuha mo na ang gusto mo, ‘di ba? You raped me…” halos hindi ko na makilala ang boses ko nang bumagsak ang mga luha ko. “I won’t do that, Brielle. You’re mine.” Hinawakan niya ang pisngi ko. Hinalikan niya ang labi ko, pero kinagat ko ang labi niya. Tumawa siya at mahigpit na hinawakan ang aking braso. “Kaya pala baliw na baliw ang asawa mo sa ‘yo kasi ang sarap-sarap mo.” Marahas niyang hinalikan ang leeg ko. Ginamit ko ang natitirang lakas sa katawan ko upang pigilan siya sa gagawin niya. “Kill me, Luigi! Huwag mo na akong pahirapan pa!” sigaw ko sa kaniya. “Ano pa ba ang gusto mong gawin sa akin? You touched me multiple times. Please let me go. M
Mark’s POV Mag-iisang buwan na mula nang ma-kidnap si Brielle sa airport. Habang tumatagal ay mas lalo lang akong kinakabahan. Ilang araw na rin akong hindi makatulog at makakain ng maayos sa kaiisip kung saan siya dinala. Sa tuwing may nababalitaan akong may natagpuang katawan sa iba’t ibang lugar ang mga pulis, hindi ko mapigilan ang sarili kong magpunta sa lugar dahil baka si Brielle na ‘yon. Ang kalusugan ng triplets ay naaapektuhan na rin dahil ilang linggo nang nawawala si Brielle. Hinahanap na siya ng mga anak namin. Sa tuwing naririnig ko ang pag-iyak nila, parang hinihiwa ang puso ko. “Wala pa rin bang balita tungkol sa kapatid ko?” matigas na tanong ni TJ nang dumating ang mga pulis sa bahay nila. Nagpaalam ako kay Kaisha na aalis muna dahil may tatawagan lang ako. Dinial ko kaagad ang numero ng tauhan kong nagbabantay sa lahat ng mga kinikilos nina Lander, Jarren, at Karina. Sila lang ang mga taong gagawa ng ganito sa akin. Wala akong ibang taong pwedeng paghinalaan
Mark’s POV Tatlong araw na ang nakalipas at hanggang ngayon wala pa rin kaming balita kay Brielle. Wala kaming maiturong suspect dahil hindi namin makita ng maayos ang mukha ng taong kumuha kay Brielle sa CR. Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas at nakita kong pumasok sa loob ang aking biological mother. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon ang aking atensiyon sa computer. “Hijo, pwede ba tayong mag-usap?” mahinang sabi niya. “Ano naman ang pag-uusapan natin?” Pinatay ko ang computer at humarap sa kaniya. “Para saan?” “Tungkol sa kompanya…” Ngumisi ako. “Hindi pa naman ako namumulubi kahit na nawala ang mga bagay na pinaghirapan ko. Hindi ako interesado sa kompanya ninyo.” Bumuntong-hininga siya at lunapit sa akin. “I need you, hijo…” Nangunot ang aking noo. “Mukhang nakalimutan mo yatang mas pinili mo ang isa pang anak sa labas ni Papa kesa sa akin. Gusto ninyong ibigay ang posisyon na ‘yon para sa akin, pero may kondisyon. Nang hindi ko sinunod ang kagustohan n
Mark’s POV Kanina ko pa tinatawagan si Brielle, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Nandito ako ngayon sa airport, naghihintay sa kanila. Nauna akong bumalik sa Pilipinas dahil inasikaso ko ang mga ari-ariang ninakaw ng aking mga kapatid: hotels and resorts ay nakapangalan na sa kanila. Sa tulong ng aking magaling na lawyer, may posibilidad na mabawi ko ang mga ari-ariang nawala sa akin. Sa ngayon, dahan-dahan ko munang babawiin ang mga bagay na pagmamay-ari ko. Hinding-hindi na ako magpapakaduwag at magpatalo sa takot. Kumaway ako nang makita ko sina TJ at Kaisha, hindi nila kaagad ako napansin kaya tinawagan ko si Kaisha. Kasama nila ang triplets. Mabilis silang tumakbo patungo sa kinaroroonan ko. “Nasaan si Brielle?” tanong ko at nilapitan ang mga bata. “Kanina pa namin siya hinahanap. Nagpaalam siya kanina sa amin na pupunta muna raw siya sa banyo, pero hanggang ngayon aay hindi pa nakabalik,” sagot ni Kaisha. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Dalawang buwan ng