Share

Chapter 141

Buong araw akong nagkulong sa kwarto ko. Hindi rin ako pinayagan ng mga magulang kong lumabas ng bahay o pumasok sa paaralan ngayong araw kasi natatakot sila na baka may mangyaring masama sa akin.

Iyak lang ako ng iyak pagkatapos kong makita ang larawan ng bangkay ni Ella. Halos hindi ko ito makilala. Kinausap nila ako at paulit-ulit na tinatanong kung wala ba talaga akong kinalaman sa nangyari. Pakiramdam ko, ako ang pinagbibintangan nila na gumawa nga kahalayan kay Ella. Hindi rin nagtagal ay sumuko sina Mommy at Daddy sa katatanong sa akin. Malinis ang konsensya ko. Hindi ko magagawa ang bagay na 'yon sa babaeng gusto ko.

Bumukas ang pinto at nakita kong pumasok sina Daddy at Mommy. Pinunasan ko ang namumuong luha sa mga mata ko at tumingin sa labas ng bahay. Tatlong araw na akong nakakulong sa kwarto ko. Walang ganang makipag-usap kahit sa mga kapatid ko. Gusto kong lumabas ng bahay upang puntahan si Ella. Gusto ko siyang makita at mayakap.

"Nasa baba ang mga pulis. Gusto ka ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status