Good evening! Late update kasi naging busy sa examination. 🫶 Publish ko rin ang isa pang chapter later. Hahaha.
Pagkatapos bumili ng mga susuoting gamit at regalo para sa kaibigan niya, dumiretso kami sa isang salon. Sinulyapan ko si TJ. Nakapikit ang mga mata niya habang inaayos ang kaniyang buhok ng hairstylist. Dumapo ang paningin ko sa kaniyang kwintas na nasira kahapon. Maayos na ito at parang walang nangyari. Pinagmasdan ko si Theo ng ilang minuto. Para siyang isang celebrity sa itsura niya, suot ang kulay asul na tuxedo. Kinuha ko ang phone ko at palihim siyang kinuhanan ng litrato. Nagkunwari akong tulog nang magdilat siya ng mata. Makalipas ang mahigit isang oras na pag-aayos ay natapos din kami. Inaantok na ako at nagugutom. Gusto ko na lang umuwi at matulog kesa sumama sa kaniya. Baka ma-out-of-place lang ako roon sa pupuntahan namin. Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin bago kami tuloyang lumabas ng salon. Simpleng dress na kulay puti lang ang suot ko, pero ang lakas ng dating. Gandang-ganda na naman ako sa sarili ko kasi nagmukha akong tao ngayong gabi. "Pwede ba tayo
Hindi ko maalis ang paningin ko sa babaeng sinasayaw ni Theo. The debutant, Rain Gazelles. She's a half-Filipino and half-American. Nang tingnan ko si Theo, palaging sumasagi sa isipan ko ang sinabi ni Ben. Mas lalo lang akong naging curious kung ano ang buhay na mayroon siya roon sa Pilipinas. Ang alam ko lang kasi napakatalino niya. Mana sa mga magulang niya. Wala siyang mga negatibong issue kaya naiinggit ako sa kaniya sa tuwing ikinuwento ni Mrs. Del Fuego ang mga naging achievements ng anak niya. Nagpalakpakan ang lahat pagkatapos nilang sumayaw. Maraming kinikilig sa kanilang dalawa kaya hindi ko mapigilang magtanong kay Ben kung sino ang may gusto sa kanilang dalawa. Ang sabi ni Ben, matagal na raw may gusto si Rain kay Theo, pero para kay Theo parang magkapatid lang sila. Hindi nga ako makapaniwalang napagkakamalang bakla si Theo kasi wala raw itong naging girlfriend. Kaya ang ginawa ng mga magulang nina Rain at Theo, sinusubokan nila itong ipagkasundo. "She's now eighteen.
Tahimik naming tinahak ang daan pabalik sa condo. Maayos naman kaming nagpaalam sa mga kaibigan at pamilya ni Rain, na uuwi na kami kasi may pasok pa ako sa trabaho kinabukasan. Noong una, labag din sa loob nila ang pag-uwi ni Theo. Hindi naman ako ganoon kamanhid upang hindi mapansing ayaw ng pamilya ni Rain sa akin. Pinipilit pa rin nilang manatili si Theo kahit gusto na nitong sumamang umuwi sa akin. "Stay away from him, Kai," bilin ni Theo pagkapasok namin sa condo. Umupo ako sa couch habang hinuhubad ang suot kong heels. "He's kind. Nagpapasalamat nga ako sa kaniya kasi hindi ako nainip doon sa kahihintay sa 'yo." "He's not kind. Nakita mo naman siguro kanina kung paano siya umakto." "That's normal. Nakainom ang tao, Theo." "Makinig ka na lang sa akin, Kai. Ako ang mas nakakakilala sa kanila." "Okay," tipid kong sagot at tumayo upang pumasok na sana sa kwarto ko, pero bigla niyang hinawakan ang braso ko. "Huwag kang makikipagkaibigan o makikipag-usap ng mga taong ngayon mo
Theodore Jasper's POV Patapos na ang trabaho ni Kai, pero hindi pa rin umuuwi si Ben. Kanina ko pa siya nahuhuling nakatingin kay Kai at palihim noya itong kinukuhanan ng litrato. Nagkunwari akong nagbabasa ng libro nang mapansing tumayo siya at lumapit sa staff. Inayos ko ang mga gamit ko bago tumayo upang kumuha ng maiinom na tubig. "Hello, Miss. Can you please tell Kaisha that I'll be waiting for her? I'm her classmate. My name is Ben." Nagsalubong ang kilay ko nang marinig ang sinabi ni Ben. Hindi niya talaga titigilan si Kaisha kahit tinataboy na siya nito. Kaya nang matapos akong uminom ng tubig, niligpit ko ang mga gamit ko, at dumiretso sa employees room upang sunduin si Kaisha. Pagkapasok ko sa employees room, malakas na tilian ang sumalubong sa akin. Tiningnan ko ang staff na inutusan ni Ben. Yumuko lang ito at bumati sa akin. Si Kaisha naman ay mukhang nagulat sa paspasok ko. "Let's go, Kai," sabi ko at kinuha ang bag niya. "Kaisha, don't be late tomorrow," bilin ni E
"Aalis ka?" tanong ni Ella nang makita ko siya sa sala na nag-aayos sa mga gamit niya. Tumango ako at ibinalik ko sa kaniya ang phone niya. "Uuwi muna ako ng Pilipinas. Babalik ako kaagad," sagot ko. "Ngayon agad? Hindi ka papasok? Kailan ka uuwi?" sunud-sunod niyang tanong, nasa maleta ko ang paningin niya. "I don't know. May kailangan lang akong asikasuhin doon. Huwag mong kalimutan ang palagi kong sinasabi sa 'yo, Kai. Layuan mo si Ben. Umuwi ka kaagad pagkatapos ng trabaho mo. Lock mo rin ang pintuan." *** "Dapat tumawag ka muna sa amin bago ka nagpasyang umuwi, TJ," saad ni Mommy habang sinusundan ako patungo sa kwarto ko. Kararating ko lang ng Pilipinas at ayaw nilang sabihin sa akin kung saan kulungan dinala si Ramil. Gusto ko siyang makita. Hindi ako naniniwalang magagawa niya ang bagay na 'yon kay Ella. "Gusto mo bang magalit na naman ang Daddy mo sa 'yo? Anak, huwag kang padalus-dalos sa mga kinikilos mo. Alam naman naming nasa tamang edad ka na, pero -" "Pero ano, M
Abot langit ang sayang nararamdaman ko nang ipakita ni Noel ang ebidensyang na panghahalay ni Lester kay Ella at kung paano niya ito pagsaksakin hanggang sa naubosan ito ng paghinga. Galit ang nararamdaman ko pagkatapos kong panuorin ang video. "Naka-drugs siya ng gabing 'yon. Siya rin ang nag-utos na lagyan ng pangpatulog ang iinomin ninyong alak upang masolo si Ella. Binasted kasi siya ni Ella at hindi niya matanggap na ikaw pala ang mahal ni Ella," saad ni Noel. Nanginginig ang katawan niya. Kanina pa siya hindi mapakali kasi natatakot sa ginawa niyang pag-amin sa amin. "Isang buwan na akong hindi pinapatulog ng konsensiya ko, TJ. Halos gabi-gabi ko rin napapanaginipan si Ella, humihingi siya ng tulong sa akin. Para na akong mababaliw kaya nagpakalayu-layo ako. Tumigil din ako sa pag-aaral kasi hindi ako makapag-focus simula nang mamatay si Ella." "Wala kang kasalanan, Noel. Nagpapasalamat ako kami sa 'yo kasi naglakas-loob ka pa ring lumapit sa amin kahit alam mong delikado ang
Pinagmasdan ko si Lester sa kulungan, sinisigawan ang mga pulis kasi ayaw siyang palabasin. Galit na galit siya at halos suntokin niya ang kasama niya sa loob. Sinisipa niya ang bakal habang sumisigaw. "Palabasin ninyo ako rito!" paulit-ulit niyang sigaw, pero kahit ni isang pulis ay walang pumapansin sa kaniya. Dalawang linggo na siyang nakakulong. Nakalaya na rin si Ramil sa tulong ni Noel. Nasa pangangalaga ng mga pulis ang pamilya ni Noel at mananatiling confidential ang pagkatao niya hanggang sa matapos ang kaso. Mas pinili naming huwag ipaalam sa publiko ang tunay na pagkatao ng witness upang proteksiyon ang buhay niya at ang pamilya niya. Natatakot din kami na baka balikan siya ng pamilya ni Lester kung hindi namin itatago ang tunay niyang pagkatao. Ang mahalaga, malakas, at matibay ang ebidensyang hawak namin dahil nakapaloob sa video ang panghahalay na ginawa ni Lester bago niya pinatay si Ella. Umupo ako sa tabi ng puntod ni Ella pagkatapos kong ilagay ang bulaklak at sin
"Luto na ang pop-" Napahinto ako sa paglalakad nang makitang natutulog na si Kaisha sa couch. Inilagay ko sa ibabaw ng mesa ang popcorn at pinatay ang laptop ko. Pinunasan ko ang laway sa gilid ng labi niya. Sinubokan ko siyang buhatin upang ilipat sa kwarto niya, pero masyado siyang mabigat. Humugot ako ng malalim na hininga at muling sinubokan siyang buhatin. Napapikit ako pagkapasok ko sa loob ng silid niya. Para akong nagbubuhat ng isang sako ng bigas. Inayos ko ang nagusot niyang damit at nilagyan siya ng kumot. Papatayin ko na sana ang ilaw ng kwarto niya nang mahigip ng mga mata ko ang isang sketch na nasa ibabaw ng study table niya. Tiningnan ko ito at namilog ang mga mata ko nang makita ang mukha ko. Tiningnan ko pa ang ibang portrait. Nangunot ang noo ko nang nakita ang isang artwork niya na ako pa rin ang subject, pero ginawang cartoon at caricature ang mukha ko. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti nang mapagtantong nakasuot ako ng engineering uniform sa artwork