Napalingon ako sa babae nang marinig ang malakas na pagmura niya sabay sipa ng pinto. Palipat-lipat ang paningin niya sa mga susing hawak namin. "Anong klaseng condo ba 'to? Bakit magkapareho tayo ng susi?" Ibinaba niya ang bitbit niyang bag at binuksan ang pinto. "Anong tinutunganga mo pa riyan? Lumabas ka na. Hindi pwedeng dalawa tayo rito, 'no." Pinagkrus ko ang aking mga braso. "Bakit ako ang palalabasin mo? Ako ang naunang dumating sa ating dalawa." I smirked. "I don't care asshole. Lumabas ka na rito kung ayaw mong ako pa mismo ang kakaladkad sa 'yo palabas!" "Hindi ako lalabas. At isa pa, pagmamay-ari ng pamilya ko ang condo na 'to. Wala kang karapatang paalisin ako," pagmamatigas ko. "Sino ka ba? Ang kapal ng mukha mong umangkin ng bagay na hindi sa 'yo!" singhal niya. Pinasadahan ko ng tingin ang mga gamit niya. Dinaig niya pa ang mga OFW na umuwi ng Pilipinas sa sobrang dami ng gamit niya. Isang maleta lang nga ang gamit ko kasi anytime pwede naman akong bumili ng mga
Parang biglang tumigil ang mundo habang pinagmamasdan ko ang kwintas ni Ella na naputol sa kamay ng mga Amerikano. Kumuyom ang aking mga kamao at inapakan ang kani-kanilang mga paa. Pilit kong inaagaw ang kwintas sa lalaki kahit nasira na 'yon. Inilagay ko ito sa bulsa ko nang maagaw ko ang kwintas. Mabilis akong tumayo at nakipagsuntokan sa dalawang lalaki. "Theo! Tama na 'yan!" saway ni Ella habang sinusuntok ang mukha ng lalaki pagkatapos itong mawalan ng malay. "Baka mapatay mo pa siya!" Pilit niya akong hinihila papalayo sa lalaki. Sinulyapan ko ang isang lalaki na paika-ikang naglalakad. Hahabulin ko na sana nang pigilan ako ni Kaisha kaya bigla 'yong kumaripas ng takbo. Pinunasan ko ang gilid nang labi ko nang maramdaman ang paghapdi nito. Napamura ako nang makita ang kaunting dugo sa kamay ko. Kinuha ko sa loob ng bulsa ang kwintas at tiningnan kung nandoon pa ba ang pendant. Muling umakyat ang dugo sa ulo ko sa galit nang hindi ko makita ang initial ng pangalan ko. Hinana
Kaisha's POV Pinigilan ko ang sarili kong mayakap si Theo sa sobrang tuwa kasi isa ako sa magiging part timer na waitress sa restaurant na pagmamay-ari ng pamilya niya. Noong una, dito ko talaga balak mamasukan ng trabaho, pero wala raw bakante. Hindi ko rin naman alam na pagmamay-ari 'to ng pamilya ni Mrs. Del Fuego, ang kaibigan ni Mama noong nabubuhay pa siya. "You can start working here tomorrow," saad ni Manager Red at inabot sa akin ang dalawang pares ng uniporme. "Thank you so much, Ma'am," tugon ko at niyakap ang uniporme. Sa wakas, may trabaho na rin ako. Hindi na ako gaanong pabigat sa pamilya ni Theo. Ulila na kasi ako sa mga magulang ko. Si Papa may sarili ng pamilya. Si Mama naman ay wala na kasi nagkasakit siya. Nang mamatay si Mama, ang mag-asawang Del Fuego na ang tumulong sa akin upang matustusan ang pangunahing pangangailangan ko araw-araw. Upang masuklian ang mga kabutihang ginagawa nila para sa akin, namasukan ako sa kompanya nila dati bilang taga-mop. Sila ri
Unang araw ko pa lang sa trabaho, pero muntik na akong mapagalitan ng manager kasi anong oras na akong dumating. Hindi ako late, pero ako ang huling dumating. Nakakamangha ang mga kasamahan ko sa trabaho kasi ang aga-aga nilang dumating. Alas otso ng umaga pa magbubukas ang resto, pero alas sais pa lang ng umaga ay nasa store na sila. Habang ako na malapit lang sa store, muntikan pang ma-late kasi anong oras na akong gumising. Kung hindi tumawag si Theo, baka late na ako ngayon sa unang araw ng trabaho ko. Abala ako sa pagliligpit ng mga pinagkainan ng customer nang marinig ko ang tilian ng aking mga kasama sa trabaho. Napaangat ako ng tingin sa kanila at tiningnan kung sino ang dumating. Namilog ang mga mata ko nang makita ko si Theo na pumasok ng store kasama ang maputing babae. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin, kaya mabilis akong yumuko, at ipinagpatuloy ang ginagawa ko. "Good afternoon, Sir, Maam! What's your order?" rinig kong tanong ng kasama ko sa trabaho roon sa table
Pagkatapos bumili ng mga susuoting gamit at regalo para sa kaibigan niya, dumiretso kami sa isang salon. Sinulyapan ko si TJ. Nakapikit ang mga mata niya habang inaayos ang kaniyang buhok ng hairstylist. Dumapo ang paningin ko sa kaniyang kwintas na nasira kahapon. Maayos na ito at parang walang nangyari. Pinagmasdan ko si Theo ng ilang minuto. Para siyang isang celebrity sa itsura niya, suot ang kulay asul na tuxedo. Kinuha ko ang phone ko at palihim siyang kinuhanan ng litrato. Nagkunwari akong tulog nang magdilat siya ng mata. Makalipas ang mahigit isang oras na pag-aayos ay natapos din kami. Inaantok na ako at nagugutom. Gusto ko na lang umuwi at matulog kesa sumama sa kaniya. Baka ma-out-of-place lang ako roon sa pupuntahan namin. Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin bago kami tuloyang lumabas ng salon. Simpleng dress na kulay puti lang ang suot ko, pero ang lakas ng dating. Gandang-ganda na naman ako sa sarili ko kasi nagmukha akong tao ngayong gabi. "Pwede ba tayo
Hindi ko maalis ang paningin ko sa babaeng sinasayaw ni Theo. The debutant, Rain Gazelles. She's a half-Filipino and half-American. Nang tingnan ko si Theo, palaging sumasagi sa isipan ko ang sinabi ni Ben. Mas lalo lang akong naging curious kung ano ang buhay na mayroon siya roon sa Pilipinas. Ang alam ko lang kasi napakatalino niya. Mana sa mga magulang niya. Wala siyang mga negatibong issue kaya naiinggit ako sa kaniya sa tuwing ikinuwento ni Mrs. Del Fuego ang mga naging achievements ng anak niya. Nagpalakpakan ang lahat pagkatapos nilang sumayaw. Maraming kinikilig sa kanilang dalawa kaya hindi ko mapigilang magtanong kay Ben kung sino ang may gusto sa kanilang dalawa. Ang sabi ni Ben, matagal na raw may gusto si Rain kay Theo, pero para kay Theo parang magkapatid lang sila. Hindi nga ako makapaniwalang napagkakamalang bakla si Theo kasi wala raw itong naging girlfriend. Kaya ang ginawa ng mga magulang nina Rain at Theo, sinusubokan nila itong ipagkasundo. "She's now eighteen.
Tahimik naming tinahak ang daan pabalik sa condo. Maayos naman kaming nagpaalam sa mga kaibigan at pamilya ni Rain, na uuwi na kami kasi may pasok pa ako sa trabaho kinabukasan. Noong una, labag din sa loob nila ang pag-uwi ni Theo. Hindi naman ako ganoon kamanhid upang hindi mapansing ayaw ng pamilya ni Rain sa akin. Pinipilit pa rin nilang manatili si Theo kahit gusto na nitong sumamang umuwi sa akin. "Stay away from him, Kai," bilin ni Theo pagkapasok namin sa condo. Umupo ako sa couch habang hinuhubad ang suot kong heels. "He's kind. Nagpapasalamat nga ako sa kaniya kasi hindi ako nainip doon sa kahihintay sa 'yo." "He's not kind. Nakita mo naman siguro kanina kung paano siya umakto." "That's normal. Nakainom ang tao, Theo." "Makinig ka na lang sa akin, Kai. Ako ang mas nakakakilala sa kanila." "Okay," tipid kong sagot at tumayo upang pumasok na sana sa kwarto ko, pero bigla niyang hinawakan ang braso ko. "Huwag kang makikipagkaibigan o makikipag-usap ng mga taong ngayon mo
Theodore Jasper's POV Patapos na ang trabaho ni Kai, pero hindi pa rin umuuwi si Ben. Kanina ko pa siya nahuhuling nakatingin kay Kai at palihim noya itong kinukuhanan ng litrato. Nagkunwari akong nagbabasa ng libro nang mapansing tumayo siya at lumapit sa staff. Inayos ko ang mga gamit ko bago tumayo upang kumuha ng maiinom na tubig. "Hello, Miss. Can you please tell Kaisha that I'll be waiting for her? I'm her classmate. My name is Ben." Nagsalubong ang kilay ko nang marinig ang sinabi ni Ben. Hindi niya talaga titigilan si Kaisha kahit tinataboy na siya nito. Kaya nang matapos akong uminom ng tubig, niligpit ko ang mga gamit ko, at dumiretso sa employees room upang sunduin si Kaisha. Pagkapasok ko sa employees room, malakas na tilian ang sumalubong sa akin. Tiningnan ko ang staff na inutusan ni Ben. Yumuko lang ito at bumati sa akin. Si Kaisha naman ay mukhang nagulat sa paspasok ko. "Let's go, Kai," sabi ko at kinuha ang bag niya. "Kaisha, don't be late tomorrow," bilin ni E