Share

Chapter 142

Parang pinipiga ang puso ko nang mabasa ang paulit-ulit na paghingi ng tulong ni Ella sa akin ng gabing 'yon. Kahit anong pilit kong alalahanin ang nangyari bago siya ginahasa at pinatay, wala talaga akong ibang maalala kundi ang nawalan ako ng malay.

Pinunasan ko ang namumuong luha sa mga mata ko habang tinitingnan ang mga larawan ni Ella sa phone ko. Para akong baliw na tumatawa sa silid sa tuwing may naaalala ako sa iba't ibang larawan mula nang nasa highschool pa kami.

Nang mapagod na ako sa kaiiyak, nag-ayos ako sa sarili ko. Pupunta ako sa libing niya, pero sisiguraduhin kong walang makakakilala sa akin. Kahit ngayong araw lang, gusto ko siyang makita sa huling hantungan niya.

"Where are you going, TJ?" tanong ni Mommy pagkababa ko ng hagdanan.

Pinasadahan ko muna ng tingin ang paligid, hinanap ko si Daddy, pero hindi ko siya makita. "Pupuntahan ko si Ella."

Tumayo si Mommy at naglakad papalapit sa akin. Napasinghap ako nang yakapin niya ako. "Mahal na mahal ka namin, TJ. H
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Red Celestial
More update please thank you
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status