September 19, 2024 Hello! Wala sa plano ang pagsusulat ko sa panganay na anak nina Anabelle at Raheel, pero gusto ko kasing umusad na ang kwentong 'to. HAHAHAHA Ang mga susunod na kabanata na ay tungkol sa anak nilang si Theodore Jasper also known as TJ. Sana suportahan ninyo pa rin at hindi kayo huminto. Noong una,nagbabalak akong i-separate ang kwento ng mga anak nila, pero nakapagpasya akong idudugtong ko na lang. Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay at pagbibigay ng gems (votes). Keep safe everyone and stay healthy! 🩷 -Mimi 🫶
Nasa cafeteria kami ngayon, kumakain ng lunch. Gutom ako, pero nawalan ako ng ganang kumain nang naalala ko na naman ang sinabi ni Ella. "TJ, may problema ka ba? Kanina ka pa nakatingin sa kawalan," tanong ni Ramil, ang matalik kong kaibigan. Pareho kami ng kursong kinuha. "Wala naman. Medyo mahirap lang kasi ang lesson natin kanina. Next week, exam na naman," pagdadahilan ko. "Mahirap? Kailan ka pa nahihirapan sa mga lessons natin?" natatawang tanong niya at uminom ng tubig. "Ikaw nga ang nangunguna sa departamento natin. Ngayon lang kita narinig, na nahihirapan sa lesson," dagdag niya sabay iling ng kaniyang ulo. Napabuntong-hininga ako at hindi na lang pinansin ang sinabi niya. Pinilit ko ang sarili kong ubosin ang pagkaing inorder ko at kalimutan ang mga sinabi ni Ella. "Available ka ba later?" tanong ni Ramil habang naglalakad kami patungo sa room ng huling subject namin ngayong araw. "Oo," tipid kong sagot. "Bar?" "Hindi ako pwedeng mag-bar. Kailangan kong bantayan ang m
Malakas na hiyawan ng mga tao at nakabibinging musika ang sumalubong sa amin pagkapasok namin sa loob ng bar. Hinila ko ang braso ni Ella nang may lumapit na lalaking lasing sa kaniya. "Thanks," tipid niyang sagot at inalis ang kamay ko. "Doon tayo," sabi ni Ramil at itinuro ang bakanteng table malapit sa gitna. "Palagi ba kayong pumupunta rito?" tanong ni Ella at pinasadahan muna ng tingin ang paligid bago umupo. Umiling ako. "Ewan ko kay Ramil. Siya lang din kasi ang nagyayaya sa aking uminom dito." Tinabihan ko si Ella nang mapansing hindi siya kumportable sa paligid. "Order muna ako ng drinks guys," paalam ni Ramil bago kami iniwan. "Ayos ka lang ba? Kung gusto mong umuwi, ihahatid kita," sabi ko. Napalunok ako nang dumapo ang paningin ko sa dibdib niya. Kinuha ko ang panyo ko at ibinigay ito sa kaniya. "Takpan mo. Malapit na kasing lumabas." Napasinghap ako nang tanggapin niya ang panyo ko at sinunod ang sinabi ko. Tumingin ako sa ikalawang palapag ng bar. Nangunot ang noo
Buong araw akong nagkulong sa kwarto ko. Hindi rin ako pinayagan ng mga magulang kong lumabas ng bahay o pumasok sa paaralan ngayong araw kasi natatakot sila na baka may mangyaring masama sa akin. Iyak lang ako ng iyak pagkatapos kong makita ang larawan ng bangkay ni Ella. Halos hindi ko ito makilala. Kinausap nila ako at paulit-ulit na tinatanong kung wala ba talaga akong kinalaman sa nangyari. Pakiramdam ko, ako ang pinagbibintangan nila na gumawa nga kahalayan kay Ella. Hindi rin nagtagal ay sumuko sina Mommy at Daddy sa katatanong sa akin. Malinis ang konsensya ko. Hindi ko magagawa ang bagay na 'yon sa babaeng gusto ko. Bumukas ang pinto at nakita kong pumasok sina Daddy at Mommy. Pinunasan ko ang namumuong luha sa mga mata ko at tumingin sa labas ng bahay. Tatlong araw na akong nakakulong sa kwarto ko. Walang ganang makipag-usap kahit sa mga kapatid ko. Gusto kong lumabas ng bahay upang puntahan si Ella. Gusto ko siyang makita at mayakap. "Nasa baba ang mga pulis. Gusto ka ni
Parang pinipiga ang puso ko nang mabasa ang paulit-ulit na paghingi ng tulong ni Ella sa akin ng gabing 'yon. Kahit anong pilit kong alalahanin ang nangyari bago siya ginahasa at pinatay, wala talaga akong ibang maalala kundi ang nawalan ako ng malay. Pinunasan ko ang namumuong luha sa mga mata ko habang tinitingnan ang mga larawan ni Ella sa phone ko. Para akong baliw na tumatawa sa silid sa tuwing may naaalala ako sa iba't ibang larawan mula nang nasa highschool pa kami. Nang mapagod na ako sa kaiiyak, nag-ayos ako sa sarili ko. Pupunta ako sa libing niya, pero sisiguraduhin kong walang makakakilala sa akin. Kahit ngayong araw lang, gusto ko siyang makita sa huling hantungan niya. "Where are you going, TJ?" tanong ni Mommy pagkababa ko ng hagdanan. Pinasadahan ko muna ng tingin ang paligid, hinanap ko si Daddy, pero hindi ko siya makita. "Pupuntahan ko si Ella." Tumayo si Mommy at naglakad papalapit sa akin. Napasinghap ako nang yakapin niya ako. "Mahal na mahal ka namin, TJ. H
Gumaan ang pakiramdam ko nang malamang pinatawad na ako ng pamilya ni Ella mula nang mabalitaan nilang wala akong kasalanan. Humingi sila ng paumanhin kasi marami raw silang nasabing mga masasakit na salita sa aking mga magulang nang sumugod sila sa kompanya namin. Akala kasi ng pamilya ni Ella na itinago ako ng pamilya ko. Nagpapasalamat na lang din ako kasi mabilis kumilos ang mga pulis at napatunayang wala talaga akong kasalanan. "I admire your daughter since we were in highschool po," nahihiyang sabi ko sa ina ni Ella. "Kung alam mo lang, hijo. Ikaw rin ang bukambibig ng anak namin araw-araw. Kaya nga nagpursige siyang mag-aral kasi gusto niyang yumaman kagaya ng pamilya mo kasi baka hindi mo raw siya magustuhan dahil mahirap lang kami," kwento ng ina ni Ella na siyang nagpasikip ng puso ko. Sana pala, maaga pa lang ay umamin na ako sa kaniya. Hindi naman mahalaga sa akin kung ano ang estado ng buhay niya. Mahirap man siya o mayaman, tatanggapin at mamahalin ko siya. "Hijo, ku
Napalingon ako sa babae nang marinig ang malakas na pagmura niya sabay sipa ng pinto. Palipat-lipat ang paningin niya sa mga susing hawak namin. "Anong klaseng condo ba 'to? Bakit magkapareho tayo ng susi?" Ibinaba niya ang bitbit niyang bag at binuksan ang pinto. "Anong tinutunganga mo pa riyan? Lumabas ka na. Hindi pwedeng dalawa tayo rito, 'no." Pinagkrus ko ang aking mga braso. "Bakit ako ang palalabasin mo? Ako ang naunang dumating sa ating dalawa." I smirked. "I don't care asshole. Lumabas ka na rito kung ayaw mong ako pa mismo ang kakaladkad sa 'yo palabas!" "Hindi ako lalabas. At isa pa, pagmamay-ari ng pamilya ko ang condo na 'to. Wala kang karapatang paalisin ako," pagmamatigas ko. "Sino ka ba? Ang kapal ng mukha mong umangkin ng bagay na hindi sa 'yo!" singhal niya. Pinasadahan ko ng tingin ang mga gamit niya. Dinaig niya pa ang mga OFW na umuwi ng Pilipinas sa sobrang dami ng gamit niya. Isang maleta lang nga ang gamit ko kasi anytime pwede naman akong bumili ng mga
Parang biglang tumigil ang mundo habang pinagmamasdan ko ang kwintas ni Ella na naputol sa kamay ng mga Amerikano. Kumuyom ang aking mga kamao at inapakan ang kani-kanilang mga paa. Pilit kong inaagaw ang kwintas sa lalaki kahit nasira na 'yon. Inilagay ko ito sa bulsa ko nang maagaw ko ang kwintas. Mabilis akong tumayo at nakipagsuntokan sa dalawang lalaki. "Theo! Tama na 'yan!" saway ni Ella habang sinusuntok ang mukha ng lalaki pagkatapos itong mawalan ng malay. "Baka mapatay mo pa siya!" Pilit niya akong hinihila papalayo sa lalaki. Sinulyapan ko ang isang lalaki na paika-ikang naglalakad. Hahabulin ko na sana nang pigilan ako ni Kaisha kaya bigla 'yong kumaripas ng takbo. Pinunasan ko ang gilid nang labi ko nang maramdaman ang paghapdi nito. Napamura ako nang makita ang kaunting dugo sa kamay ko. Kinuha ko sa loob ng bulsa ang kwintas at tiningnan kung nandoon pa ba ang pendant. Muling umakyat ang dugo sa ulo ko sa galit nang hindi ko makita ang initial ng pangalan ko. Hinana
Kaisha's POV Pinigilan ko ang sarili kong mayakap si Theo sa sobrang tuwa kasi isa ako sa magiging part timer na waitress sa restaurant na pagmamay-ari ng pamilya niya. Noong una, dito ko talaga balak mamasukan ng trabaho, pero wala raw bakante. Hindi ko rin naman alam na pagmamay-ari 'to ng pamilya ni Mrs. Del Fuego, ang kaibigan ni Mama noong nabubuhay pa siya. "You can start working here tomorrow," saad ni Manager Red at inabot sa akin ang dalawang pares ng uniporme. "Thank you so much, Ma'am," tugon ko at niyakap ang uniporme. Sa wakas, may trabaho na rin ako. Hindi na ako gaanong pabigat sa pamilya ni Theo. Ulila na kasi ako sa mga magulang ko. Si Papa may sarili ng pamilya. Si Mama naman ay wala na kasi nagkasakit siya. Nang mamatay si Mama, ang mag-asawang Del Fuego na ang tumulong sa akin upang matustusan ang pangunahing pangangailangan ko araw-araw. Upang masuklian ang mga kabutihang ginagawa nila para sa akin, namasukan ako sa kompanya nila dati bilang taga-mop. Sila ri