Kahit malakas ang ulan, isinugod namin kaagad si TJ sa pinakamalapit na ospital. Halos paliparin na ng driver ang kotse sa pagmamaneho. Kinakabahan ako sa kalagayan ng anak namin. Ngayon ko lang siya nakitang nagkakaganoon. "Bumaba na ang lagnat niya. Mataas ang lagnat niya kanina kaya siya nakaranas ng convulsion. Mabuti na lang at naisugod ninyo agad ang bata sa ospital lalo na't delikado ang naging kalagayan niya kanina," sabi ng doktor pagkatapos niyang iturok ang gamot kay TJ. "Maraming salamat po," saad ni Anabelle at yumakap sa akin ng mahigpit habang humihikbi. Tumango ang doktor bago kami tinalikuran. Umupo kami sa kama at pinagmasdan ang aming anak. Para akong nakunan ng tinik sa dibdib nang sabihin ng doktor na nilalagnat lang si TJ. Akala ko may ibang sakit pa siya. Ang bata-bata pa niya upang magkaroon ng sakit. "Magpahinga ka muna, Anabelle. Babantayan ko ang anak natin." Hinalikan ko ang noo niya at pinunasan ang namumuong luha sa mga mata niya. "First time kun
Theodore Jasper's POV 15 years later... Nagising ako sa malakas na pag-iyak ng aking magkakambal na kapatid na sina Alexis at Alexus. Bumangon ako upang tingnan sila. Nangunot ang noo ko nang nakitang nagsusuntokan silang dalawa. "Brielle!" sambit ko nang mapagtantong wala siya sa sala at iniwan niya na naman ang kambal. Sina Alexis at Alexus ay palaging nagbabangayan sa tuwing walang nagbabantay sa kanilang dalawa. Kaming magkakapatid lang ang naiwan sa bahay dahil may business trip sina Daddy at Mommy sa Mexico. Wala akong ibang choice kundi manatili sa bahay upang bantayan ang aking mga kapatid buong linggo. Hindi ako pwedeng gumala hangga't hindi sila nakauwi kasi sa akin binilin ang mga kapatid ko. "Kuya TJ, galing ako ng CR - holy shit!" sigaw ni Brielle nang makitang nagsasabunotan ng buhok ang kambal. "That's enough, Alexis and Alexus!" "Sinira niya ang castle ko!" sumbong ni Alexis at binitawan ang buhok ni Alexus. "Ikaw ang nauna! Look, Ate and Kuya TJ. Binasa n
Nasa cafeteria kami ngayon, kumakain ng lunch. Gutom ako, pero nawalan ako ng ganang kumain nang naalala ko na naman ang sinabi ni Ella. "TJ, may problema ka ba? Kanina ka pa nakatingin sa kawalan," tanong ni Ramil, ang matalik kong kaibigan. Pareho kami ng kursong kinuha. "Wala naman. Medyo mahirap lang kasi ang lesson natin kanina. Next week, exam na naman," pagdadahilan ko. "Mahirap? Kailan ka pa nahihirapan sa mga lessons natin?" natatawang tanong niya at uminom ng tubig. "Ikaw nga ang nangunguna sa departamento natin. Ngayon lang kita narinig, na nahihirapan sa lesson," dagdag niya sabay iling ng kaniyang ulo. Napabuntong-hininga ako at hindi na lang pinansin ang sinabi niya. Pinilit ko ang sarili kong ubosin ang pagkaing inorder ko at kalimutan ang mga sinabi ni Ella. "Available ka ba later?" tanong ni Ramil habang naglalakad kami patungo sa room ng huling subject namin ngayong araw. "Oo," tipid kong sagot. "Bar?" "Hindi ako pwedeng mag-bar. Kailangan kong bantayan ang m
Malakas na hiyawan ng mga tao at nakabibinging musika ang sumalubong sa amin pagkapasok namin sa loob ng bar. Hinila ko ang braso ni Ella nang may lumapit na lalaking lasing sa kaniya. "Thanks," tipid niyang sagot at inalis ang kamay ko. "Doon tayo," sabi ni Ramil at itinuro ang bakanteng table malapit sa gitna. "Palagi ba kayong pumupunta rito?" tanong ni Ella at pinasadahan muna ng tingin ang paligid bago umupo. Umiling ako. "Ewan ko kay Ramil. Siya lang din kasi ang nagyayaya sa aking uminom dito." Tinabihan ko si Ella nang mapansing hindi siya kumportable sa paligid. "Order muna ako ng drinks guys," paalam ni Ramil bago kami iniwan. "Ayos ka lang ba? Kung gusto mong umuwi, ihahatid kita," sabi ko. Napalunok ako nang dumapo ang paningin ko sa dibdib niya. Kinuha ko ang panyo ko at ibinigay ito sa kaniya. "Takpan mo. Malapit na kasing lumabas." Napasinghap ako nang tanggapin niya ang panyo ko at sinunod ang sinabi ko. Tumingin ako sa ikalawang palapag ng bar. Nangunot ang noo
Buong araw akong nagkulong sa kwarto ko. Hindi rin ako pinayagan ng mga magulang kong lumabas ng bahay o pumasok sa paaralan ngayong araw kasi natatakot sila na baka may mangyaring masama sa akin. Iyak lang ako ng iyak pagkatapos kong makita ang larawan ng bangkay ni Ella. Halos hindi ko ito makilala. Kinausap nila ako at paulit-ulit na tinatanong kung wala ba talaga akong kinalaman sa nangyari. Pakiramdam ko, ako ang pinagbibintangan nila na gumawa nga kahalayan kay Ella. Hindi rin nagtagal ay sumuko sina Mommy at Daddy sa katatanong sa akin. Malinis ang konsensya ko. Hindi ko magagawa ang bagay na 'yon sa babaeng gusto ko. Bumukas ang pinto at nakita kong pumasok sina Daddy at Mommy. Pinunasan ko ang namumuong luha sa mga mata ko at tumingin sa labas ng bahay. Tatlong araw na akong nakakulong sa kwarto ko. Walang ganang makipag-usap kahit sa mga kapatid ko. Gusto kong lumabas ng bahay upang puntahan si Ella. Gusto ko siyang makita at mayakap. "Nasa baba ang mga pulis. Gusto ka ni
Parang pinipiga ang puso ko nang mabasa ang paulit-ulit na paghingi ng tulong ni Ella sa akin ng gabing 'yon. Kahit anong pilit kong alalahanin ang nangyari bago siya ginahasa at pinatay, wala talaga akong ibang maalala kundi ang nawalan ako ng malay. Pinunasan ko ang namumuong luha sa mga mata ko habang tinitingnan ang mga larawan ni Ella sa phone ko. Para akong baliw na tumatawa sa silid sa tuwing may naaalala ako sa iba't ibang larawan mula nang nasa highschool pa kami. Nang mapagod na ako sa kaiiyak, nag-ayos ako sa sarili ko. Pupunta ako sa libing niya, pero sisiguraduhin kong walang makakakilala sa akin. Kahit ngayong araw lang, gusto ko siyang makita sa huling hantungan niya. "Where are you going, TJ?" tanong ni Mommy pagkababa ko ng hagdanan. Pinasadahan ko muna ng tingin ang paligid, hinanap ko si Daddy, pero hindi ko siya makita. "Pupuntahan ko si Ella." Tumayo si Mommy at naglakad papalapit sa akin. Napasinghap ako nang yakapin niya ako. "Mahal na mahal ka namin, TJ. H
Gumaan ang pakiramdam ko nang malamang pinatawad na ako ng pamilya ni Ella mula nang mabalitaan nilang wala akong kasalanan. Humingi sila ng paumanhin kasi marami raw silang nasabing mga masasakit na salita sa aking mga magulang nang sumugod sila sa kompanya namin. Akala kasi ng pamilya ni Ella na itinago ako ng pamilya ko. Nagpapasalamat na lang din ako kasi mabilis kumilos ang mga pulis at napatunayang wala talaga akong kasalanan. "I admire your daughter since we were in highschool po," nahihiyang sabi ko sa ina ni Ella. "Kung alam mo lang, hijo. Ikaw rin ang bukambibig ng anak namin araw-araw. Kaya nga nagpursige siyang mag-aral kasi gusto niyang yumaman kagaya ng pamilya mo kasi baka hindi mo raw siya magustuhan dahil mahirap lang kami," kwento ng ina ni Ella na siyang nagpasikip ng puso ko. Sana pala, maaga pa lang ay umamin na ako sa kaniya. Hindi naman mahalaga sa akin kung ano ang estado ng buhay niya. Mahirap man siya o mayaman, tatanggapin at mamahalin ko siya. "Hijo, ku
Napalingon ako sa babae nang marinig ang malakas na pagmura niya sabay sipa ng pinto. Palipat-lipat ang paningin niya sa mga susing hawak namin. "Anong klaseng condo ba 'to? Bakit magkapareho tayo ng susi?" Ibinaba niya ang bitbit niyang bag at binuksan ang pinto. "Anong tinutunganga mo pa riyan? Lumabas ka na. Hindi pwedeng dalawa tayo rito, 'no." Pinagkrus ko ang aking mga braso. "Bakit ako ang palalabasin mo? Ako ang naunang dumating sa ating dalawa." I smirked. "I don't care asshole. Lumabas ka na rito kung ayaw mong ako pa mismo ang kakaladkad sa 'yo palabas!" "Hindi ako lalabas. At isa pa, pagmamay-ari ng pamilya ko ang condo na 'to. Wala kang karapatang paalisin ako," pagmamatigas ko. "Sino ka ba? Ang kapal ng mukha mong umangkin ng bagay na hindi sa 'yo!" singhal niya. Pinasadahan ko ng tingin ang mga gamit niya. Dinaig niya pa ang mga OFW na umuwi ng Pilipinas sa sobrang dami ng gamit niya. Isang maleta lang nga ang gamit ko kasi anytime pwede naman akong bumili ng mga