Hindi ko na mapigilan ang pagbagsak ng aking mga luha. Hinahanap ko ang mga mata niya, hindi siya makatingin sa akin. Bumaba ang paningin ko sa anak namin na mahimbing pa ring natutulog sa bisig niya. "Isasakripisyo mo ang buhay mo para kay Knight? Mas uunahin mo talaga siya kesa sa amin?" Halos hindi ko na makilala ang boses ko. "Ang selfish mo! Sana hindi mo na lang ako pinakasalan kung mawawala ka rin naman pala sa amin!" Pinaghahampas ko ang dibdib niya. Hindi siya umimik, tahimik lang siyang nakatitig sa akin. Sinubokan niya akong yakapin, pero umiwas ako. Ayokong yakapin niya ako kasi natatakot akong ngayong gabi ko na lang siya makikita at mayayakap. Sana panaginip lang ang lahat. "Bawiin mo ang mga sinasabi mo, Raheel. Hindi ikaw ang magiging donor niya. Hindi mo kami iiwan, 'di ba?" pagmamakaawa ko. "Mahal mo ba talaga ako? Pinakasalan mo lang ba ako kasi iiwan mo ulit kami? Paano na ang magiging anak natin? Ano ang sasabihin ko sa kanila? Napaka-selfish mo!" "Halika nga
Ang malamig na tile ng operating room ay sumasalubong sa aking mga paa habang naglalakad ako papasok. Ang amoy ng disinfectant ay pamilyar, ngunit ang kaba sa aking dibdib ay bago. Unang araw ko pa lang sa trabaho, at si Knight, ang aking unang pasyente.Naka-scrubs na ako, ang aking mga kamay ay nakabalot sa surgical gloves. Ang operating table ay nakahanda na, ang mga instrumento ay nakalatag sa tabi nito. Ang puso ni Knight ay nasa aking mga kamay, at ang responsibilidad ay mabigat."Anabelle, handa ka na ba?" tanong ni Dr. Reyes, ang aking mentor at head surgeon. Tumango ako, ang aking lalamunan ay tuyo. "Huminga ka ng malalim," sabi niya, at sumunod ako.Tumingin ako kay Knight, ang kaniyang mukha ay maputla, ang kaniyang mga mata ay nakapikit. Ang kaniyang dibdib ay tumataas at bumababa nang mabagal, ang bawat paghinga ay isang pakikibaka. Alam kong kailangan kong maging matapang para sa kaniya."Magsimula na tayo," sabi ni Dr. Reyes.Ang mga susunod na ilang minuto ay isang blu
Raheel's POV "Kakausapin ko si Jade," sabi ni Knight pagkarating niya sa bahay namin. "Delikado ang gagawin mo, Knight. Paano kung may gagawin na naman silang masama sa 'yo?" saad ni Logan. Ilang buwan na silang nagpaplano kung papano makakausap si Jade ng maayos at pakiusapan na isuko si Dr. William. Hindi ito mahuli-huli kasi palipat-lipat sila ng lokasyon simula noong malaman nilang may ideya na kami kung saan nagtatago ang doktor. Natatakot kaming lahat sa magiging kalabasan kung hahayaan naming makipag-usap si Knight kay Jade lalo na't kasama ng babaeng 'yon ang taong nagpahirap sa kaniya. "Kami na ang bahala rito, Knight. Susubokan kong makipag-usap kay Jade," sabi naman ni Zeus. "Hindi ako pwedeng tumunganga lang dito. Paano kung kayo naman ang mapahamak?" Bakas sa tono ng pananalita niya ang pag-aalala sa amin. "Lalo ka na, Zeus. Baka ikaw ang babalikan ng pamilya ni Jade. Kalalabas mo lang sa kulungan." "I have the money and connections. Kung sakaling makulong ulit ako,
Pareho naming hinahabol ang paghinga namin pagkatapos kong labasan ng ikalimang beses. Pakiramdam ko, lahat ng katas na naipon ng ilang buwan ay lumabas ngayong gabi. Hinalikan ko ang noo ni Anabelle habang iniisip kung gaano pa rin siya ka wild sa kama. Buntis siya sa ganoong posisyon, pero parang hindi siya buntis sa sobrang agresibo niya. "Goodnight, Wifey. I love you so much," bulong ko at niyakap siya ng mahigpit. "Goodnight, Hubby. Mahal na mahal din kita," tugon niya. Kinabukasan ay maaga akong nagising upang ipagluto ang aking mag-ina ng paborito nilang breakfast. Kahit may tagaluto naman kami sa bahay, gusto ko pa rin silang pagsilbihan. Magaling na akong magluto kaya confident akong magugustuhan ni TJ ang mga pagkaing lulutoin ko. "Good morning, Dad," bati ni TJ pagkarating niya sa kusina, habang nagkukusot ng mga mata. "Where's Mommy?" "Good morning, Theo. Natutulog pa ang Mommy mo. Gutom ka na ba?" Binuhat ko si TJ at pinaupo sa ibabaw ng mesa. "Uminom ka muna ng gata
"Wifey, ayaw pa rin huminto sa pag-iyak ni Brielle," sumbong ko kay Anabelle pagkatapos niyang maligo. "Tiningnan mo ba ang pampers niya? Baka naihi o dumumi siya." Nagmadali siyang magbihis ng pambahay na damit. Pinahiga ko naman si Brielle sa kama bago tiningnan ang suot niyang pampers. Napapikit ako at napatakip ng ilong ko nang mapagtantong dumumi nga siya. Huminga muna ako ng malalim bago sinimulang linisan ang anak namin. "Mali-mali na naman ang ginagawa mo. Ako na nga riyan," sabi ni Anabelle at inagaw sa akin ang wet wipes. "Itapon mo na lang 'to," utos niya at ibinigay sa akin ang pampers ni Brielle. Napalunok ako at nagdadalawang-isip kung hahawakan ko ba 'yon o hindi. Napabuga ako ng hangin at tinanggap ang pampers habang tinatakpan ang ilong ko. "Ang OA mo naman. Dumi 'yan ng anak natin. Mas mabaho pa ang dumi mo riyan," iritadong sabi ni Anabelle sa akin at inirapan ako. "Labhan mo rin ang mga lampin ni Brielle. Huwag kang aasa sa mga katulong natin dito sa bahay." T
Anabelle's POV "Babalik ako agad. Babalikan ko kayo. Pangako." 'Yon ang mga katagang palaging naglalaro sa isipan ko habang pinagmasdan ang wedding picture namin ni Raheel na nakasabit sa dingding ng dining room. Mag-iisang buwan na ang nakaraan simula nang pumunta sila sa Indonesia. Hindi ko mapigilang mag-alala kasi hanggang ngayon, hindi pa rin siya tumawag o nag-text sa akin. Nang tanungin ko si Tatay kung tumawag ba sa kaniya si Raheel, ganoon din sa kaniya. No texts and calls. "Mommy, malapit na ang birthday ko. Uuwi po ba si Daddy?" tanong ni TJ habang abala sa pagtulong sa akin sa pagtutupi ng mga gamit ni Brielle. Napabuntung-hininga na lang ako kasi hindi ko alam ang sagot sa tanong ni TJ. "Uuwi si Daddy. Baka walang signal o internet connection sa bansang pinuntahan nila kaya hindi siya tumawag." "That's impossible," saad ni TJ sabay iling ng ulo niya. "Hindi siya marunong tumupad ng pangako. Nangako siya sa akin na uuwi siya bago ang kaarawan ko, pero hanggang ngayon,
Mag-a-alas otso na ng umaga, ngunit hindi pa rin kumakilos si TJ upang maghanda dahil ngayong araw ay magkakaroon ng family day sa school nila. Kanina pa siya pinipilit ng kaniyang yaya na maligo at maghanda, pero hindi siya nakikinig. Nakatingin lang siya sa labas, malalim ang iniisip. Pagkatapos kong mag-breast feed kay Brielle, maingat ko siyang inilagay sa crib upang kausapin ang kapatid niyang si TJ. Alas diyes magsisimula ang program at hindi kami pwedeng mahuli kasi isa si TJ sa mga magpe-perform sa entablado. Siya ang napiling kakanta para sa mga magulang. "May problema ka ba, TJ? Mukhang malalim ang iniisip mo." Tinabihan ko siya. Umusog siya ng kaunti at tumingin sa akin. "Bakit hindi ka pa naghahanda? Baka mahuli tayo. Kakanta ka pa, 'di ba?" Mabilis na umiling si TJ. "I won't sing," malamig niyang sabi kaya bigla akong natigilan. "Hindi ako pupunta sa school. Maiinggit lang ako kasi kasama nila ang Daddy nila, habang ako, ikaw lang at si Baby Brielle ang kasama ko." "K
Raheel's POV Abot langit ang sayang nararamdaman ko nang makaligtas kami sa kamay ni Dr. William. Hindi naging madali ang paghuli sa kaniya roon sa Indonesia. Halos kalahati ng tauhan ko ang namatay dahil sa patibong na ginawa niya. Nagpapasalamat na lang ako kasi nakatakas kami ng mga kaibigan ko kahit puno ng pasa at bugbog ang aming katawan. Pagkauwi ko sa bahay, naabotan ko ang mga katulong naming naglilinis, ngunit hindi ko makita ang aking mag-ina. Nagtanong ako sa kanila kung saan sila pumunta, akala ko kasi umalis na naman sila ng bahay. Para akong nakunan ng tinik sa dibdib nang sabihin nilang nasa bahay pa rin ang aking mag-ina at mayroong family day sa paaralang pinapasukan ni TJ. Kahit pagod at masakit ang aking katawan, nagtungo ako sa paaralan upang makita ang aking pamilya. Nakipag-away pa ako kay Knight sa sobrang hina ng pagmamaneho niya. Pagkarating namin sa paaralan, mabilis akong lumabas ng kotse at nagtungo sa dagat ng mga tao. Hinahanap ko sila, ngunit nahihir
January 11, 2024 TBSB is now signing off na po. Yes po, tinuldukan ko na ang book na ito. Hanggang Book 3 lang siya kasi nakapagpasya na ako na gawing separate books ang Book 4 at Book 5. Baka next week ay masimulan ko na siya at mai-apply. Maraming salamat sa pagsama sa akin nang mahigit pitong buwan. Wala akong balak tapusin ng ganito kaaga ang librong ito kasi nagbabalak pa akong magsulat ng kwento sa mga apo ng Del Fuego, pero lahat ng 'yon ay naglaho sa isipan ko simula noong October 2024. Sa mga taong nagtiwala at patuloy na sumuporta sa akin, maraming salamat po. Sa mga taong nakilala ko rito, ikinagagalak ko po kayong makilala. Isa sa mga dahilan kaya maaga kong tinapos ang TBSB ay dahil magiging abala na ako next month o after ng LET 2025. I'm a student po. A 4th year student taking up a Bachelor of Secondary Education Major in Mathematics. Magiging abala na po ako sa mock board review kaya baka mawala ako pansamantala sa GoodNovel. Simula po bukas, ipagpapatu
Brielle’s POV Maingat na pinarada ni Mark ang kotse sa labas ng gate ng aming bahay. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at siniil kaagad ang labi ko ng halik. Nangunot ang aking noo nang kagatin niya ang labi ko. Itinulak ko siya palayo sa akin. Nang tingnan ko siya, namumula ang mga mata niya. “May problema ka ba sa akin?” Tinaasan ko siya ng kilay at pinagkrus ang aking mga braso. Ngumisi siya, dahilan kaya uminit ang ulo ko. “It’s our wedding anniversary, pero hindi mo man lang maalala.” Napakagat-labi ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Biglang nanuyo ang aking lalamunan. Sa sobrang busy ko sa ospital ay hindi ko na namalayan kung anong petsa na ngayon. Humakbang ako palapit sa kaniya, mukhang nagtatampo siya sa akin kasi nakalimutan ko ang wedding anniversary namin. “Sorry na. Nakalimutan ko. Alam mo namang marami akong iniisip na problema, ‘di ba?” Niyakap ko siya, pero hinawi niya ang kamay ko. “Sa lahat ng pwedeng makalilimutan, wedding anniversary pa talaga
Brielle’s POV “Baby, come here,” sabi ni Mark akin nang pumasok siya sa aming kwarto. “Hey, ilabas mo lang lahat ng hinanakit mo,” bulong niya at niyakap ako ng mahigpit. “Just cry and cry hanggang sa mawala ang sakit…” “I missed him already,” mahinang sabi ko at kumalas sa yakap niya. Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang palad ko at hinawakan ang picture frame ni Daddy. “Can’t believe it that you’re gone, Dad…” Umupo ako sa kama. Napansin ko agad ang pagtabi niya sa akin. Hinawakan niya ang ulo ko at pinasandal sa balikat niya. “Thank you for killing that bastard.” Tiningnan ko si Mark, bakas sa mukha niya ang pagkagulat. “Thank you for saving me, Mark. Kung pareho kaming nawala ni Daddy, baka mas lalong hindi kakayanin ni Mommy at ng mga kapatid ko.” “Hindi mo kailangang magpasalamat. Asawa kita. Obligasyon kita. Responsibilidad ko ang protektahan ka.” Hinaplos niya ang aking mahabang itim na buhok. Bumuntong-hininga ako. Isang taon na ang nakalipas mula nang nawala si D
Mark’s POV Basang-basa ako ng tubig-ilog, halos hindi na makahinga sa pagod at takot. Nakayakap ako kay Brielle, ang katawan niya ay walang buhay na nakasandal sa akin. Ang puso ko ay tila tumigil sa pagtibok. Hindi ko alam kung paano ko siya nailabas sa malamig na tubig, ang tanging nasa isip ko lang ay mailigtas siya. “Brielle,” bulong ko sa kanyang tainga, ang boses ko ay halos hindi marinig. “Brielle, please.” Pinagmasdan ko ang kanyang mukha, ang kanyang mga labi ay namumutla, at ang kanyang mga mata ay nakapikit. Naalala ko ang lahat ng mga nangyari. Ang pagkidnap sa kanya, ang paghabol ko kay Luigi, ang pag-iwas sa mga bala, at ang pagtalon ko sa ilog para lang mailigtas siya. Lahat ng iyon ay parang isang malabong panaginip. “Brielle…” Pinagpatuloy ko ang pag-alog sa kanya, umaasang kahit papaano ay magising siya. “Gising na, please. Kailangan kita. Huwag mo akong iiwan. Kailangan ka namin. Hinihintay ka ng mga anak natin.” Ginawa ko na ang lahat para masagip siya. Nags
Brielle’s POV Napabalikwas ako ng bangon at napahawak sa leeg ko. Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtantong panaginip lang ang lahat. Walang kadenang nakatali sa mga kamay at paa ko. Wala ring sugat ang aking paa. Buhay pa ako. Pinasadahan ko ng tingin ang buong silid. Madilim ang paligid. Hinanap ko ang switch ng ilaw at binuksan ‘yon. Pagkabukas ko sa ilaw, mukha kaagad ni Luigi ang nakita ko. Napaatras ako pabalik sa kama nang makita ang hawak niyang baril. “We are leaving,” matigas niyang sabi at hinawakan ng mahigpit ang braso ko. “Pakawalan mo ako!” Pilit kong binawi ang aking braso sa kaniya. “Tama na! Nasasaktan ako!” Napamura ako nang bigla niya akong sampalin sa pisngi. “Sasama ka sa akin!” sigaw ni Luigi. “Hindi ako sasama sa ‘yo! Pakawalan mo na ako!” Itinutok niya ang baril sa akin. Namilog ang aking mga mata nang maaalala ang nangyari sa panaginip ko. Bigla na lang lumambot at nanginig sa takot ang aking tuhod. Hindi ako pwedeng mamatay dahil kailangan
Brielle’s POV “Let me go!” sigaw ko nang marahas akong hilahin ni Luigi papasok sa loob ng van. I can’t believe it. He kidnapped me. Bagay na hindi ko aakalaing magagawa niya sa akin. He raped me. Ilang gabi niya akong ginagamit. Diring-diri na ako sa sarili ko. “Luigi, I’m begging you. Pakawalan mo na ako,” pagmamakaawa ko. “Nakuha mo na ang gusto mo, ‘di ba? You raped me…” halos hindi ko na makilala ang boses ko nang bumagsak ang mga luha ko. “I won’t do that, Brielle. You’re mine.” Hinawakan niya ang pisngi ko. Hinalikan niya ang labi ko, pero kinagat ko ang labi niya. Tumawa siya at mahigpit na hinawakan ang aking braso. “Kaya pala baliw na baliw ang asawa mo sa ‘yo kasi ang sarap-sarap mo.” Marahas niyang hinalikan ang leeg ko. Ginamit ko ang natitirang lakas sa katawan ko upang pigilan siya sa gagawin niya. “Kill me, Luigi! Huwag mo na akong pahirapan pa!” sigaw ko sa kaniya. “Ano pa ba ang gusto mong gawin sa akin? You touched me multiple times. Please let me go. M
Mark’s POV Mag-iisang buwan na mula nang ma-kidnap si Brielle sa airport. Habang tumatagal ay mas lalo lang akong kinakabahan. Ilang araw na rin akong hindi makatulog at makakain ng maayos sa kaiisip kung saan siya dinala. Sa tuwing may nababalitaan akong may natagpuang katawan sa iba’t ibang lugar ang mga pulis, hindi ko mapigilan ang sarili kong magpunta sa lugar dahil baka si Brielle na ‘yon. Ang kalusugan ng triplets ay naaapektuhan na rin dahil ilang linggo nang nawawala si Brielle. Hinahanap na siya ng mga anak namin. Sa tuwing naririnig ko ang pag-iyak nila, parang hinihiwa ang puso ko. “Wala pa rin bang balita tungkol sa kapatid ko?” matigas na tanong ni TJ nang dumating ang mga pulis sa bahay nila. Nagpaalam ako kay Kaisha na aalis muna dahil may tatawagan lang ako. Dinial ko kaagad ang numero ng tauhan kong nagbabantay sa lahat ng mga kinikilos nina Lander, Jarren, at Karina. Sila lang ang mga taong gagawa ng ganito sa akin. Wala akong ibang taong pwedeng paghinalaan
Mark’s POV Tatlong araw na ang nakalipas at hanggang ngayon wala pa rin kaming balita kay Brielle. Wala kaming maiturong suspect dahil hindi namin makita ng maayos ang mukha ng taong kumuha kay Brielle sa CR. Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas at nakita kong pumasok sa loob ang aking biological mother. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon ang aking atensiyon sa computer. “Hijo, pwede ba tayong mag-usap?” mahinang sabi niya. “Ano naman ang pag-uusapan natin?” Pinatay ko ang computer at humarap sa kaniya. “Para saan?” “Tungkol sa kompanya…” Ngumisi ako. “Hindi pa naman ako namumulubi kahit na nawala ang mga bagay na pinaghirapan ko. Hindi ako interesado sa kompanya ninyo.” Bumuntong-hininga siya at lunapit sa akin. “I need you, hijo…” Nangunot ang aking noo. “Mukhang nakalimutan mo yatang mas pinili mo ang isa pang anak sa labas ni Papa kesa sa akin. Gusto ninyong ibigay ang posisyon na ‘yon para sa akin, pero may kondisyon. Nang hindi ko sinunod ang kagustohan n
Mark’s POV Kanina ko pa tinatawagan si Brielle, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Nandito ako ngayon sa airport, naghihintay sa kanila. Nauna akong bumalik sa Pilipinas dahil inasikaso ko ang mga ari-ariang ninakaw ng aking mga kapatid: hotels and resorts ay nakapangalan na sa kanila. Sa tulong ng aking magaling na lawyer, may posibilidad na mabawi ko ang mga ari-ariang nawala sa akin. Sa ngayon, dahan-dahan ko munang babawiin ang mga bagay na pagmamay-ari ko. Hinding-hindi na ako magpapakaduwag at magpatalo sa takot. Kumaway ako nang makita ko sina TJ at Kaisha, hindi nila kaagad ako napansin kaya tinawagan ko si Kaisha. Kasama nila ang triplets. Mabilis silang tumakbo patungo sa kinaroroonan ko. “Nasaan si Brielle?” tanong ko at nilapitan ang mga bata. “Kanina pa namin siya hinahanap. Nagpaalam siya kanina sa amin na pupunta muna raw siya sa banyo, pero hanggang ngayon aay hindi pa nakabalik,” sagot ni Kaisha. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Dalawang buwan ng