Share

The Billionaire's Revenge
The Billionaire's Revenge
Author: Darn Maligaya

//1

Chapter one

JIRO

Pinaslang sa harap ko ang mga magulang ko, wala akong nagawa dahil away sa negosyo ang pinagmulan ng gulong nakikita ko ngayon.

Inilayo ako ni mang Domeng upang hindi ko masilayan ang walang buhay kong mga magulang at upang mailayo na rin ako sa kapahamakan.

Nakita ko kung sino ang may gawa nun sa aking mga magulang, tandang tanda ko na sila.

Gusto ko silang gantihan pero hindi ko alam kung papaano.

Nagig mahirap para sa akin ang mamuhay na wala ang mga magulang ko, ang sakit sakit sa pakiramdam habang lumilipas ang araw na wala sila.

Tinulungan ako ni mang Domeng na bumangon, siya kase ang kanang kamay nila mommy at daddy kaya lahat ng mga documents na tungkol sa business namin ay pinag aralan ko, sakto naman kase na kakagraduate ko ng kurso ko kaya binangon ko ang kompanya namin, hindi ko namalayan na lumalago na hanggang sa naging successful na ito.

Hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari sa mga magulang ko, tumatak sa isip ko lahat ng pangyayari kaya naman pinangako ko sa sarili ko na gaganti ako, kinompitensya ko ang negosyo ng pamilyang pumaslang sa mga magulang ko at kinuha ko ang bunso nilang anak na babae.

Sa sobrang maimpluwensya ko nagawa ko yun sa kanila, napaikot ikot ko sila hanggang sa makuha ko ang nag iisa nilang anak na babae, ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang mawala sa isipan niya ang tunay niyang pagkatao, nadamay lang siya sa ginawa ko sa kaniyang mga magulang, bakit kase kadugo mo sila.

Nasa ospital ako ngayon at inaasikaso si Athisa Riyal, hind na pala dapat Athisa ang itatawag ko sa kaniya, siya na ngayon si Samantha Villafuerte, maski ang edad kung kailan ko siya nakupkop ay babaguhin ko, lahat ng pagkatao niya ay magiging bago.

Naging maayos naman ngayon si Samantha pagkauwi ko sa kaniya sa bahay, hindi naman ako masamang tao para maltratuhin siya dahil mas bata siya sa akin.

Lalo at babae siya na walang kamalay malay sa nangyayari, nawalan siya ng ala-ala kaya naman naging madali lang para sa akin na ipakilala siya sa ibang katauhan niya.

Itinago ko lang siya dito sa mansyon ko upang mabawian ang mga magulang niya, ang balak ko lang ay ipadama sa kanila kung paano mawalan ng minamahal sa buhay pero hindi ko kayang saktan si Samantha lalo pa at naging malapit kami sa isat isa.

Nag iisang anak lang ako ng Villafuente at parang naging kapatid ko na si Sam.

Habang lumalaki kaming pareho ay nagtutulungan din kami, ipinasok ko siya sa isang private school na malayo dito, may service naman siya kaya hindi siya mahihirapan umuwi, alaga dito si Sam, hindi ko siya pinababayaan.

Yun nga lang ang inaalala ko ay kapag nakawala siya dito, ang ibig kong sabihin ay kapag nagkatagpo ang landas nila ng tunay niyang pamilya, ng mga taong kinakamuhian ko.

Palagi kong pinapabantayan si Sam at school bahay lang din naman siya, minsan lang siya lumabas ngunit may limitasyon ang kaniyang oras, huwag lang siyang maging pasaway dahil kapag lumabas siya dito sa lugar namin tiyak akong mahahanap siya ng mga tunay niyang magulang.

Mabuti na nga lang at noong nawala siya ay tahimik sa media ang mga magulang niya dahil na rin sa kasalanan nila sa mga magulang ko, kung isusumbong nila sa batas at ikakalat sa media ang mga nangyari sa kanila ay madadamay din ang krimen na ginawa nila sa mga magulang ko.

Kaya alam kong hindi nila hahanapin ang anak nila gamit ang media dahil maski sila ay may krimen na ginawa, mauuna silang makulong kung sakali.

Magdusa sila, alam kong iniisip nila na patay na ang kanilang anak, sana yun ang maramdaman nila para alam nila kung gaano kasakit ang mawalan ng minamahal.

“Sir Jiro, anong balak mo kay Sam kapag gusto ng lumayo sa poder natin?”

“Hindi yun mangyayari.” Banggit ko.

“Pero hindi natin hawak ang oras at panahon sir Jiro, mag aasawa si Sam at—”

“Tama na mang Domeng, ayaw ko muna pag usapan yan.” Banggit ko dahil isa din yan sa kinakatakot ko, parang ayaw ko na mawalay si Sam sa akin, pero kailangan din niya mag asawa kaso paano kung ang mapapangasawa niya ay ang maglapit sa kaniya sa tunay niyang mga magulang?

“Hanggang kailan Jiro.” Naging seryoso ang boses nim ang Domeng. “Hanggang kailan mo balak itago si Athisa.”

Hindi ako makasagot, alam kong ilang taon na ang lumipas simula ng kunin ko siya dito. Hindi ko na namamalayan ang araw at oras dahil sa trabaho ko.

“Hanggat buhay ang mag asawang Riyal.”

“Balak mor in ba silang paslangin?”

“Hindi, hindi ko ilalagay ang sarili ko sa mga kauri nila.”

“Pero ang kanilang anak, imposibleng hindi nila makita at mahanap, nasa iisang bansa lang tayo.”

“Yun na nga mang Domeng nasa iisang bansa tayo, pwede naman kaming umalis ng bans ani Sam.”

“Pero sir Jiro, wala ka bang balak mag asawa?” bigla akong nahiya sa tanong nim ang Domeng. “Hindi naman kita nilalait sir Jiro pero umiedad ka na din at si Sam ganun din, balang araw makakahanap kayo ng makakatuwang sa buhay.”

“Matagal pa yun.” sumbat ko, hindi ko na rin naasikaso maski ang puso ko, namanhid na rin ata sa pagmamahal, nakafocus ako sa mga bagay na ikauunlad ko at kay Samantha pero sa puso ko? Wala man lang akong natipuhan maski isang babae simula ng nawala ang mga magulang ko, natakot na atang masaktan.

“Sabagay, marami pang pwedeng mangyari, marami pa kayong pagsubok na dadaanan sir Jiro, marami ka pang makikilalang babae, makakapaghintay naman yan.” Tumatango lang ako sa kaniya hanggang sa sabihin niyang. “Malay natin baka kayo ni Sam ang magkatuluyan.” Pagkabanggit nim ang Domeng nun ay napahinto ako sa ginagawa ko, napatingin ako sa kaniya ng masama. “Biro lang naman sir ito naman napakaseryoso, alam kong kapatid lang ang turing mo sa kaniya.”

Hindi na ako umimik pa, ayaw ko muna pag usapan ang tungkol sa pag ibig dahil napakarami ko pang kailangan tapusin, hindi ko priority iyan.

Lumabas muna ako upang magpahangin, para akong nasasakal sa usapan namin ni mang Domeng pero may punto naman lahat ng sinabi niya.

Paano nga ba kung dumating ang araw na iyon?

Paano kung magkanobyo si Sam?

Bakit umiiba pakiramdam ko? Lintek naman kase, pagod lang siguro ako kaya ako ganito.

Pumunta ako sa garden upang magpahangin, gusto ko lang mawala lahat ng inaalala ko lalo pa at binuksan nim ang Domeng yung usapan tungkol kay Sam, hindi talaga pwedeng habang buhay siyang nakakulong dito sa poder ko.

“Kuya Jiro.” Napalingon ako dahil boses ni Sam ang narinig ko.

Saktong may bolang natama sa noo ko pagkalingon ko, napapikit na lamang ako dahil hindi ko inakala na matatamaan ako ng bola.

“Halla sorry kuya!”

“Sorry po sir!”

“Sorry po.”

Naglalaro sila Sam at yung anak ng kasambahay namin, nilalaro niya yung bata at saktong napunta sa akin yung bola, maski ang mga kasama sa bahay nag alala.

Napasigaw silang lahat ng matamaan ako, nakatitig sila sa akin at hinihintay ang magiging reaksyon ko, akala nila magagalit ako kagaya ng madalas nilang marinig sa akin pero may lumapit na bata sa akin yung nakatama ng bola. “Sorry po sir.” Walang tao na hindi kakalma kung may batang ganito kacute tapos magsosorry sa akin.

Ang akala kase nila istrikto akong tao.

Ang akala nila masungit ako.

Walang nakakaalam ng tunay kong ugali maliban kay mang Domeng at Sam. Hindi naman kase ako palakaibigan, mahirap magtiwala sa ibang tao.

Ngumiti lang ako sandali at lahat sila nakahinga ng maluwag, ganun na ba ako kasama sa paningin nila? Napansin ko si Sam na ngumiti sa akin.

“Mabait siya.” Rinig kong sabi niya sa bata.

Kinumbinsi pa talaga na mabait ako, wala naman akong pakealam kung anong tingin sa akin, basta ang mahalaga nagagawa ko ang mga gusto ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status